Ultimate Hearthrob: MIKE TAN Thread III

pips!!! hello po! just want to ask you guys out there to post pictures of mike tan. i also want to request some info about him like his favorite color, books, etc. hope that i could get a reply from you guys a.s.a.p. and be free to post things about him lately like his mall tours or anything. thank you very much!!! :)
«13456769

Comments

  • Princess JodiePrincess Jodie Member PExer
    miketan2.jpg

    I. BIO

    A. Basic Info

    Name: Jan Michael S. Tan

    Nickname: Mike, Michael

    Birthday: December 31, 1986

    Birthplace: Angono, Rizal

    Showbiz anniversary: February 21, 2005

    Hobbies: Playing computer games

    Sports: Basketball



    B. Favorites

    Actors/Actresses

    Local: Christopher de Leon, Jaclyn Jose

    Foreign: Russel Crowe

    Movie: Gladiator

    TV Shows: Slam Dunk, Knock Out, GTO, Fear Factor

    Singers: Martin Nievera, Ariel Rivera, South Border

    Song: Wherever You Are

    Music: Ballads

    Book: Di ako masyadong mahilig eh… J



    C. Personal



    Adjectives that best describe you: Seryoso

    Fashion: Casual top and skirt/pants

    Fashion icon: Dingdong Dantes

    Most treasured item: my cellular phone

    Pets: 2 Dogs (Max and Moi-Moi)

    Pet Peeves: ’Yung maingay na wala sa lugar

    Fears: flying “ipis”

    Unforgettable childhood memory: Nung mag-bike ako tapos sumemplang ako, sabay lusot sa ilalim ng truck

    Goals: To have an acting award



    II. Q & A



    Why did you enter showbusiness? To help my family

    What do you consider as the turning point in your career? When I joined Starstruck (nagsisimula pa lang kasi ako e.). When the experts noticed my performance, that’s when I realized that my hard work is starting to pay off, and at that time I said to mayself na hindi na ako magpapatal

    If you weren’t in showbiz, what kind of career would you have? Still a student…

    What is your biggest frustration/regret? That I was given incomplete grades for the last semester I attended in school. Sana wala na lang incomplete para pagbalik ko medyo okay standing ko.

    What do most people don’t know about you? That I can be hyperactive and makulit

    What is your most unforgettable moment/experience? When I was announced as the Male Ultimate Survivor of Starstruck 2

    What are you most proud of? My Expert’s Choice Award in SS2… and my fans, because they are always there for me.

    What do you value most? My family

    What do you want to achieve? To have an acting award or awards if possible

    What is your advice to aspiring artists? Always give your best and continue to study your craft.
  • Princess JodiePrincess Jodie Member PExer
    BASTA
    Nitz Miralles
    People's Tonight - April 4, 2005


    Tuloy na ang pelikulang pagsasamahan ng Final 4 ng batch 1 & 2 ng StarStruck. Wala pang title at director pero, si Suzette Doctolero ang susulat ng script. Maganda ang story kung saan, pagpapalit-palitin ang four love teams.

    Sa simula ng story, sina Jennylyn Mercado at Mike Tan ang magkapareha at sina Mark Herras at Ryza Cenon naman ang magkatambal. Si LJ Reyes kay Rainer Castillo mapupunta at si Yasmine Kurdi ay kay CJ Muere. Sa huli, ang original love team din ang magkakatuluyan.

    Matutuwa ang fans na nag-request na pagtambalin sina Jennylyn at Mike na kinakitaan ng chemistry nang mag-duet sa final ng StarStruck 2 dahil pagbibigyan sila ng GMA Films. Selosa't seloso sina Jennylyn at Mark pero, trabaho ito't kalimutan muna nila ang kanilang personal feelings.
  • Princess JodiePrincess Jodie Member PExer
    feb4-15.jpg
    feb4-14.jpg
    feb4-13.jpg
    feb4-12.jpg
    feb4-8.jpg
  • Princess JodiePrincess Jodie Member PExer
    1jx6jc
  • Princess JodiePrincess Jodie Member PExer
    1oabsg
  • Princess JodiePrincess Jodie Member PExer
    89d5387b.jpg
  • Princess JodiePrincess Jodie Member PExer
    Entertainment
    ni Jun Lalin
    Tonite Abante (Alpril 5, 2005)


    May intriga noon na asar kay Mike Tanang grupo ng StarStruck 1. Nababanas daw kay Mike sina Mark Herras at Rainier Castillo.

    Tila tapos na ang isyung ‘yon sa kanila dahil magkakaibigan na sila.

    Noong isang gabi ay dinaanan kami ni Mike sa may Baang Coffee Shop sa Tomas Morato Av., Quezon City at naikuwento niya sa amin na papunta siya sa isang internet shop sa lugar ding ‘yon at makikipaglaro siya ng internet games kina Mark, Rainier at iba pang boys ng StarStruck 1.

    "Mababait naman po sila, eh. Saka wala na po ‘yung intriga sa amin. Kaibigan po ang turing ko sa kanila at kapag ganitong wala naman po akong ginagawa, eh, type ko ring makipag-bonding sa kanila," pahayag ni Mike.

    Inaasahan ni Mike na matitigil na ang isyu na nayayabangan sa kanya ang grupo ng StarStruck 1 dahil hindi raw talaga siya ganoon.

    Mabait sa amin si Mike. Every time na maisusulat namin siya ay palagi niya kaming tinatawagan para pasalamatan. Noong isang araw ay si LJ Reyes naman ang tumawag sa amin para magpasalamat sa isinulat namin tungkol sa kanya.

    "Ipinabasa po kasi sa akin ni Mike ang isinulat n’yo sa Abante TONITE," sabi ni LJ.

    Kuwento sa amin ni Mike, simula raw nang nasa StarStruck 2 siya ay nagpapa-deliver na sila ng Abante TONITE.

    "Regular reader po talaga ako ng diyaryo n’yo, kaya palagi ko pong nababasa ang lahat ng mga naisusulat sa akin. Kahit negative po paminsan-minsan ang nababasa ko, eh, okey lang. Mababait naman po sa akin ang mga reporter," sabi pa ng binata.
  • Princess JodiePrincess Jodie Member PExer
    DSC00032.jpg
  • Princess JodiePrincess Jodie Member PExer
    miketan1.jpg
  • Princess JodiePrincess Jodie Member PExer
    MikeTan2.jpg
    Starstruck Batch 2 Male Ultimate Survivor
    Mike-LJ1.jpg
    Mike with LJ Reyes
    Mike-Ryza2.jpg
    Mike with fellow survivor, Ryza Cenon
  • Princess JodiePrincess Jodie Member PExer
    mikejen.jpg
    With SS Batch 1 Ultimate Female Survivor, Jennylyn Mercado
  • Princess JodiePrincess Jodie Member PExer
    mike-1.jpg
    mike-0.jpg
    mike-3.jpg
    mike-2.jpg
    mike-4.jpg
  • Princess JodiePrincess Jodie Member PExer
    tatawa4.jpg

    Mag-on na nga ba? Ano ba yan, nagiging tsismosa na ako. :)
  • Princess JodiePrincess Jodie Member PExer
    ryzamike1.jpg

    ryzamike2.jpg

    ryzamike3.jpg
  • Princess JodiePrincess Jodie Member PExer
    DAY10J.jpg
  • Princess JodiePrincess Jodie Member PExer
    gif3.gif
  • Princess JodiePrincess Jodie Member PExer
    NITZ MIRALLES
    People's Tonight {April 11, 2005)



    Ngayong Lunes, April 11, nakatakdang tanggapin ni Mike Tan ang achievement award mula sa school niyang Rizal Technological University sa Pasig City. Baka lang hindi personal nitong matanggap ang award dahil may taping sila ng Now and Forever.

    Sabi ni Mike, susubukan niyang magpaalam kay director Mac Alejandre at kung papayagan siya'y sasaglit siya sa RTU.

    Hindi ini-expect ni Mike na bibigyan siya ng award ng kanyang school at itinanong pa nito kung para saan 'yun. Ipinaalala ng press sa kanya na achievement ang pagiging Ultimate Male Survivor niya sa StarStruck.

    Magandang motivation kay Mike ang achievement award para sipaging mag-aral. Kaya lang, gustuhin man nitong magpatuloy sa pag-aaral, malabong mangyari't sa May, magiging hectic ang schedule niya, kasama ni LJ, dahil pasok sila sa season seven ng Love to Love kasama sina Ryza Cenon at CJ Muere.

    May movie pa silang apat at isasama rin sila ni LJ sa Sugo.
  • PeeveePeevee PEx Member PExer
    :wave::wave::wave:
  • Princess JodiePrincess Jodie Member PExer
    ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles
    Pilipino STAR Ngayon 04/12/2005


    Pati cast ng Gua Ai Di (I Love You), nabago na rin. The last time nakausap namin si Manny Valera out na si Maricel Soriano dahil sa Mano Po 4 na siya ilalagay. Out na rin daw sa cast sina Mike Tan at LJ Reyes dahil wala na nga si Maricel.

    Binalak ng producer na sina Karylle at Dingdong Dantes na ang magbida sa pelikula’t kumita ang Bahay Ni Lola 2 at gusto pa ngang isama sa cast si Zsazsa Padilla. Pero, nagbago na naman ang isip nito’t si Angelica Panganiban na naman ang gustong bida’t pinahahanapan nang babagay na ka-love team.

    Nalungkot sina LJ at Mike sa nakawalang chance na makasama si Maricel pero, umaasa pa rin ang dalawa na makatrabaho ang actress in the future. Kahit nakawala ang Regal project, may aabangan pa rin ang Mike-LJ fans dahil malapit nang simulan ang shooting ng Lovestruck, ang GMA Films movie na sama-sama ang Final 4 ng batch 1 and 2 ng StarStruck with Louie Ignacio directing.

    Incidentally, kahit nasa Amerika’y updated pa rin ang mommy ni LJ Reyes sa career ng anak. Ipino-post nito sa thread ni LJ sa Pex ang schedule appearances ng anak, kaya, alam ng fans kung saan ito aabangan. Natawa nga si LJ nang iparating naming nababasa ang post messages ng mommy niya at mabuti pa raw ang ina’t may time mag-post. Siya raw ay binabalitaan na lang kung ano ang nangyayari sa kanyang thread. Pinasasalamatan nito ang kanyang fans na walang pagod sa pagdedepensa sa mga nagsasabing pampasira lang siya sa career ni Mike. Abangan pala ang dalawa sa Maynila sa Sabado’t sila ang tampok na loveteam kasama si Sheena Halili. Tungkol sa love at friendship ang tema ng episode.

    Sana pala, hindi magalit sa amin sina Mack 36 at Yohei (knows ni LJ ang name mo) dahil sinabi namin dito na love n’yo siya. Natuwa rin ito sa ibinalita naming malaking hirap ang ginagawa ni Sweet Lavender na ipino-post ang day-to-day episode ng Now and Forever sa kanyang thread. Para ka na ring nanood ng series dahil pati dialogue ay nakukuha, katuwa!

    Pasasalamat naman kay Princess Jodie for posting my article here in PSN at sa iba naming sinusulatan sa Pex.
  • Princess JodiePrincess Jodie Member PExer
    Entertainment ni Jun Lalin
    Tonite Abante (April 14, 2005)


    Naikuwento sa amin kahapon ni Ms. Roselle Monteverde-Teo na hindi totoong tinanggal na niya sa pelikulang Gua Ai Di (I Love You) ng Regal Films ang StarStruck lovebirds na sina Mike Tan at LJ Reyes.

    Hindi lang daw masimulan ang shooting ng pelikulang ‘yon dahil tila busy pa yata ang direktor nilang si Jun Lana.

    "Hindi ko pa kasi makontak-kontak si Jun Lana. Mukhang busy, eh," pahayag ni Ms. Roselle.

    Kahapon, habang katsikahan namin si Ms. Roselle ay tinawagan namin si LJ at nagtsika-tsika silang dalawa dahil kaibigan ng mommy ni LJ ang anak ni Mother Lily Monteverde.

    Narinig namin sa tsikahan nilang dalawa na may iba pang projects na pinaplano ang Regal Films para kina LJ at Mike.

    Interesado rin kaya si Ms. Roselle kina CJ Muere at Ryza Cenon?

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file