Home PEx Hobbies Books and Literature

Patriotic poems for our BELOVED COUNTRY, the FLAG, and FELLOW FILIPINOS

2

Comments

  • Bad news for us,


    but good news is.........despite the wounds, he remain standing on his feet, with

    a fighting heart.

    SALUDO KAMI SA IYO MANNY

    YOU DESERVE A HEROES WELCOME.
  • Manny Pacqiao, Magiting ka.

    Kahapon ang puso ng bayan
    nakatuon doon sa kanluran
    upang ating masaksihan
    isang magiting na nilalang

    Hangad niyay di-lang katanyagan
    o ano mang busilak ng yaman
    nais niyang iuwi ang karangalan
    minamahal niyang baya'y handugan

    Ito lang ang masasabi ko
    higit pa sa korona ang pinakita mo
    Sa kabila ng umaagos na dugo
    ay di tumutigil, iyong bugso

    Hanggat sa huling sandali
    lakas at tapang nanatili

    Sakripisyo at lakas ang puhunan
    pangala'y sagisag ng katatagan

    Hatid na mensahe ng yong laban
    sa nakatutok na sambayanan
    Pinaalala mong muli sa bayan
    Katangiang nalilimutan
    sa panahong kasalaukuyan
    nag aalab na pusong lumalaban

    Pilipinas ating nasaksihan
    maging gabay sana't sandigan
    sa ano pamang larangan
    pinamalas na kabayanihan

    Mananatili kang isang larawan
    na uukit sa puso ng bayan

    Kung minsay sadyang mailap
    ang ating mga pangarap
    ngunit sa kabila nito
    inspirasyon moy laganap

    Ipahinga ang hapong katawan
    susunod na labay iyong asahan

    Nasa likod mo ang sambayanan
    Pangalan moy isisigaw

    Habang winawagayway ..........
    ang Bandila ng Bayan
  • Mt Samat ( Dambana ng Kagitingan )


    Noong isang lingo
    Kami ay nag-tungo

    Kasamang pamilya
    Na aking niyaya

    Isang kabundukan
    Aming pinasyalan

    Tinawag na Mt.Samat
    Na bukal ng alamat

    Doon sa Bataan
    Aming binalikan
    Pook na nalimutan
    Ng ating henerasyon

    Anim na put tatlong taon
    Nalimutan ng panahon
    Kasamang nabaon
    Mga sundalong tumugon
    Sa tawag ng tungkulin
    panganib ay harapin

    Kadilimay walang puwang
    Sa mga apoy ng kanyon
    Pulbura at laman
    Amoy ng kagubatan

    Ilang buwang nanindigan
    Sa kamay ng dayuhan
    Pinilit ipaglaban
    Ating Inang-Bayan

    Sakit at gutom
    Dinanas nila noon

    Pilipino at Kano
    Balikat ay yuko
    Mga nooy tango
    Sa mapait na pag-suko

    Martsa ni kamatayan
    Naririnig ang tawanan
    Habang tumutumba
    Mga katawang pagod na
    Daang kilometro
    Nag silbing kalbaryo
    Naging sementeryo
    Ng daan-daang sundalo

    Bundok ng Samat
    Sa iyo ay salamat
    Ang iyong bantayog
    Ay mayroong handog

    Sakripisyong nalimot
    Buhayin mot ipa-abot
  • " Who will shed tears for the motherland, who will lend a hand to lift her spirit ,

    to hold the lonely Flag, that symbolize her name "
  • Magalona Francis - Three Stars And A Sun Lyrics

    Three stars and a sun, in one sky, so high,
    I live and die and die will I for my
    Motherland this is the land of my birth,
    No purse is worth the price of this earth
    Can we rise, can we all, hell no!,
    Or should we all just take the fall?
    Bless the man if his heart and his land are one
    ...3 stars & a sun!
    3 stars & a sun! I'm ready to defend the 3 stars & a sun!
    Ommision to a mission, transport for the brain,
    Packed w/ stacks of tracks built for a train,
    I eat lead, but I never let it be said,
    "He said, she said," it makes me see red
    'Cuz I don't take ******** & I'm 'a pack it and push it,
    And hit you w/ the full clip
    Switch to mode lock-'n'-load in the land of Juan
    ...the 3 stars & a sun!
    3 stars & a sun! I'm ready to defend the 3 stars & a sun!
    Bahay kubo kahit munti, may pula,
    Bughaw, dilaw, atsaka puti
    There is a need to sow the seed,
    Toil the soil and plod until your hands bleed
    'Cuz this land is sacred,
    Many a battle have been fought with hatred
    Don't tell me that you understand,
    It's been 4 hundred years of tears
    For the brown man,
    Still and all the fight has just begun
    ...3 stars & a sun!
    3 stars & a sun! I'm ready to defend the 3 stars & a sun!
  • Corregidor

    Corregidor
    I can hear
    your whisper
    from distant shore

    Haunting echoes
    agonies and woes
    Still do lingers
    In dark fortess

    Flesh and blood
    of gallant souls
    brave soldiers
    beleaguered hopes

    Wounded spirits
    defend your soil
    until endurance
    took its toll

    Battles fought
    may have lost
    but willing heart
    will pay the cost

    To return the glory
    of a fallen country
    sacrifice and bravery
    and call of duty


    Valor and honor
    Will set you free
    But the best armor
    is love of country


    In your Memory / Valor Day April 9, 1942-2005
  • I'm not much of a fan of long poems, but I'll make one anyway...

    untitled and unfinished Pinoy march

    the Philippines may suck today
    but we will rule the world someday
    Manila is a bootcamp for
    invading cribs like Singapore

    our country may today be lame
    but they will never be the same
    'coz when we send our forces out
    that's something they will cringe about

    even cockroaches will say
    hey man you've come a long a-way
    should there be a big holocaust
    the tough Pinoy won't just get lost

    from up in North America
    to Cape Town south of Africa
    Europe ain't gonna stand a chance
    when we attack with song and dance

    no blackout's gonna stop us flat
    we ain't afraid of crap like that
    remember we had stronger sh**
    and we did not freak out a bit

    (gah, your turn... just follow the rhyme and rhythm scheme)
  • Ano pang suliranin ang hihigit kaya

    na haharapin ang InangBayan

    kundi mga anak , na sa kanya'y

    walang bahid ng pag-ibig.
  • ‘Pag-ibig Sa Tinubuang Lupa’

    Tula Ni Andres Bonifacio


    1.
    Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
    sa pagka-dalisay at pagka-dakila
    gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
    Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

    2.
    Ulit-ulitin mang basahin ng isip
    at isa-isahing talastasing pilit
    ang salita’t buhay na limbag at titik
    ng isang katauhan ito’y namamasid.

    3.
    Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal
    sa tapat na puso ng sino’t alinman,
    imbit taong gubat, maralita’t mangmang
    nagiging dakila at iginagalang.

    4.
    Pagpuring lubos ang nagiging hangad
    sa bayan ng taong may dangal na ingat,
    umawit, tumula, kumatha’t sumulat,
    kalakhan din nila’y isinisiwalat.
  • 5.
    Walang mahalagang hindi inihandog
    ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
    dugo, yaman, dunong, tiisa’t pagod,
    buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.

    6.
    Bakit? Ano itong sakdal nang laki
    na hinahandugan ng buong pag kasi
    na sa lalong mahal kapangyayari
    at ginugugulan ng buhay na iwi.

    7.
    Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,
    siya’y ina’t tangi na kinamulatan
    ng kawili-wiling liwanag ng araw
    na nagbibigay init sa lunong katawan.

    8.
    Sa kanya’y utang ang unang pagtanggol
    ng simoy ng hanging nagbigay lunas,
    sa inis na puso na sisinghap-singhap,
    sa balong malalim ng siphayo’t hirap.

    9.

    Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan
    ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal
    mula sa masaya’t gasong kasanggulan.
    hanggang sa katawan ay mapasa-libingan.


    10.
    Ang na nga kapanahon ng aliw,
    ang inaasahang araw na darating
    ng pagka-timawa ng mga alipin,
    liban pa ba sa bayan tatanghalin?

    11.
    At ang balang kahuy at ang balang sanga
    na parang niya’t gubat na kaaya-aya
    sukat ang makita’t sasa-ala-ala
    ang ina’t ang giliw lampas sa saya.

    12.
    Tubig niyang malinaw sa anak’y bulog
    bukal sa batisang nagkalat sa bundok
    malambot na huni ng matuling agos
    na nakaa-aliw sa pusong may lungkot.

    13.
    Sa kaba ng abang mawalay sa Bayan!
    gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
    walang ala-ala’t inaasam-asam
    kundi ang makita’ng lupang tinubuan.

    14.
    Kung ang bayang ito’y nasa panganib
    at siya ay dapat na ipagtangkilik
    ang anak, asawa, magulang, kapatid
    isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

    15.
    Datapwa kung bayan ng ka-Tagalogan
    ay nilalapastangan at niyuyurakan
    katwiran, puri niya’t kamahalan
    ng sama ng lilong ibang bayan.

    16.
    Di gaano kaya ang paghinagpis
    ng pusong Tagalog sa puring nalait
    at aling kaluoban na lalong tahimik
    ang di pupukawin sa paghihimagsik?

    17.
    Saan magbubuhat ang paghihinay
    sa paghihiganti’t gumugol ng buhay
    kung wala ring ibang kasasadlakan
    kundi ang lugami sa ka-alipinan?

    18.
    Kung ang pagka-baon niya’t pagka-busabos
    sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop
    supil ng pang-hampas tanikalang gapos
    at luha na lamang ang pinaa-agos

    19.
    Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay
    na di-aakayin sa gawang magdamdam
    pusong naglilipak sa pagka-sukaban
    na hindi gumagalang dugo at buhay.

    20.
    Mangyari kayang ito’y masulyap
    ng mga Tagalog at hindi lumingap
    sa naghihingalong Inang nasa yapak
    ng kasuklam-suklam na Castilang hamak.

    21.
    Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,
    nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
    bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?
    at natitilihang ito’y mapanuod.

    22.
    Hayo na nga kayo, kayong ngang buhay
    sa pag-asang lubos na kaginhawahan
    at walang tinamo kundi kapaitan,
    kaya nga’t ibigin ang naaabang bayan.

    23.
    Kayong antayan na sa kapapasakit
    ng dakilang hangad sa batis ng dibdib
    muling pabalungit tunay na pag-ibig
    kusang ibulalas sa bayang piniit.

    24.
    Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
    kahoy niyaring buhay na nilant sukat
    ng bala-balakit makapal na hirap
    muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.

    25.
    Kayong mga pusong kusang (pugal)
    ng dagat at bagsik ng ganid na asal,
    ngayon magbangon’t baya’y itanghal
    agawin sa kuko ng mga sukaban.

    26.
    Kayong mga dukhang walang tanging (lasap)
    kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,
    ampunin ang bayan kung nasa ay lunas
    sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.


    27.
    Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig
    hanggang sa mga dugo’y ubusang itigis
    kung sa pagtatanggol, buhay ay (mailit)
    ito’y kapalaran at tunay na langit.
  • A sad truth, many gets frustrated looking at.....

    what others have.........what G-8 have ..........

    what the Dragons and Tigers have,

    that we failed to see

    what other poorer countries, G-88, dont have.
  • I'm more of a "poser haiku" guy

    broken and hungry
    pariah dog; can still bite
    your g-8 ***** off
  • I'm more of a "poser haiku" guy

    broken and hungry
    pariah dog; can still bite
    your g-8 ***** off

    You amused me with your poems
    bit confused with its depth
    im a river , your the ocean
    patriotic babes, WOW
    glad we do still have
  • python, and serling,
    jerry seinfeld, george carlin;
    the heart's full of cheek

    :whip:
  • Darating ba ang panahon
    na bandila'y magmistulang
    parol sa bintana
    ng tahanang Pilipino

    Siguroy pag hapo na
    at paos na sa bidahan
    at pag tatalong tila
    walang katapusan

    Ilang kahong serbesa
    na masakit sa bulsa
    ilang paketeng yosi
    sa pag uboy sinisi

    Oh kay sarap ng pakiramdam
    kapag may nag pupugay
    Bandila ng Bayan
    sa harap ng tahanan
  • Darating ba ang panahon
    na bandila'y magmistulang
    parol sa bintana
    ng tahanang Pilipino

    Siguroy pag hapo na
    at paos na sa bidahan
    at pag tatalong tila
    walang katapusan

    Ilang kahong serbesa
    na masakit sa bulsa
    ilang paketeng yosi
    sa pag uboy sinisi

    Oh kay sarap ng pakiramdam
    kapag may nag pupugay
    Bandila ng Bayan
    sa harap ng tahanan

    http://groups.yahoo.com/group/philippine_flag/
  • Ako ay pilipino [revised]
    morganrate

    Ako ay pilipino
    AKo ay lasingero
    Isang bansang kurakot
    ang hatid ko
    Sa bayan ko't bandila
    Ako ay walang diwa
    Ako ay lasinggero
    Lasinggerong totoo
    Ako ay pilipino
    Ako ay lasinggero
    Taas noo, sapul sa ulo
    Ang pilipino ay ako
  • The Flag is a mere symbol of our country and of us Filipinos.
    Tha Flag cannot talk, It cannot defend itself, The Flag need us, It needs people to speak the very essence of its meaning, to honor and to defend her.


    Since the country is overshaddowed by hopelessness and divisiveness, We see the the significance of the Flag, that maybe....just maybe it can ease the tension and hopefully lift up the morale of this nation and heal divisiveness. But sadly it is getting more difficult to advocate to patronize the the Flag as wave of corruption and anomalies continuesly lingers in our society.
    Its hard to get a footing when some people are rocking the boat.

    Flag Society is not pro or anti GMA, nor pro or anti Erap. We are for the country , patriotism , and to see a better Philippines.

    The Flag may play a vital role, It just need Filipinos who have the heart to hold and proudly wave her.

    Patronizing the Flag is the first passionate way to show Patriotism.
  • Bayan ko, Mahal ko
    Ano bang maiaalay
    ng abang tulad ko
    mabigyan ng kulay
    Bandilang nalulumbay

    Pag bukang liwayway
    pag asa mo'y buhay
    sa dugo'y dumadaloy
    inspirasyon ang alay

    mahapdi na ang isip
    sa pag likha ng awit
    Yayakapin ang pait
    ng ngiti ay makamit

    Bayan ko , Mahal ko
    Tanging alay ko'y
    tula ng luha
    at awit na nilikha
  • Alone we March

    I will brave the heat
    And hold you dear
    I will brave the rain
    To hide the tears

    The lonely road
    I will set my foot
    To reach their heart
    To touch their soul

    In times of war
    I will shed my blood
    In time of peace
    I will write a song
    In time of confusion
    I'll offer poems

    Oh lonely Flag
    Alone we march

    I'll shout your name
    To break the silence
    Ill spread the word
    To rouse this nation

    I will give you glory
    And hold you dear

    Alone we march
    Just for today
    For tomorrow will be....
    another day
    The patriots will rise
    And multiply

    To give you honor
    And to hold you dear
Sign In or Register to comment.