Home PEx Hobbies Books and Literature

Patriotic poems for our BELOVED COUNTRY, the FLAG, and FELLOW FILIPINOS

Bandila ko

Bandila ko wag kang yuyuko,
bayan ko wag kang susuko.
Darating din ang salinlahi,
ibabandila ka't magpupugay.

Mararating mo rin,
pook na inaasam,
pusong kayumanggi,
na mayroong alinlangan.



Iwagayway ang Bandila ng Pilipinas!


TAGALOG, ENGLISH OR LOCAL DIALECTS ARE ALL WELCOME
«13

Comments

  • Flag of Hope

    For those who believe there is still hope,
    display the Philippine flag in front of your home.

    Let the passerby see,
    let your neighbor know,
    let your friends believe.

    That inside that house, is a man/woman
    that inside that man/woman is a heart
    Who have this undying faith
    Who believes there is hope
    Who love his country
    Who cares for his fellowmen

    And who dream of oneday
    one early morning dawn
    millions of flag
    will be seen
    around

    leon
  • SA BAYONG NAGKUKUBLI

    Kung maibabalik ba,
    lumipas na panahon.

    Pauunlakan mo ba,
    ang hamon ng kilusan,
    tinawag na Katipunan,
    ng ating kasaysayan?
    Cedula mo bay pupunitin,
    doon sa Pugalawin ?
    Hahasain ba ang itak ,
    sa Guardia sibil itatarak ?

    Amerikano bay kaibigan,
    may malasakit sa bayan,
    na kasamang nanindigan
    sa bundok ng Bataan ?

    Sasalagin mo ba,
    matalas na bayoneta,
    iniumang ng Hapon,
    sa iyo inasinta?

    O tatalikod ka ,
    pupunta sa bangketa,
    maghahanap ng bayong,
    at gagawing maskara ?

    Ituturo bang lahat,
    mga kilalang gerilya,
    para sa kapakanan,
    ng tiyan at bulsa ?

    Sa panahon ngayon,
    maraming lumalait,
    Sarili niyang bayan,
    ay walang malasakit,
    sa kabayan nyang dukha,
    ay wala siyang awa.

    Silay maituturing,
    ibat- ibang mukha,
    araw at gabi,
    sa bayong nagkukubli.

    Kayat sa lipunan,
    Dulot ay PIGHATI.

    leon
    leon azcarraga is online now
  • Ang bayan ay bandila,
    ang bandila ay bayan,
    sila ay iisa,
    Sambayanan ang may dala.
    leon azcarraga is online now
  • FLAG THEORY

    Show me a single flag
    and i'll show you countless pictures of forgotten heroes
    Show me ten flags
    And we will continue to hear, tales of a divided nation
    Show me hundred flags and they will be called patriotic dreamers
    Show me a thousand flags
    then there might be some hope
    Show me a million flags
    and ill show you one great nation.

    ONE PEOPLE, ONE COUNTRY, ONE FLAG.
  • ALLOW ME TO PAINT SOME IMAGINARY EVENT

    HISTORICAL PATRIOTIC MARCH.

    IKA-12 NG HUNYO, 2005 ?????

    Kasalukuyan nag-aagaw
    anino ng gabi
    at bukang liwayway
    ay naroroon na
    daan libong estudyante
    sa welcome rotonda,

    Sambayanan ay nakihalo,
    sa mga mag aaral,
    na nag mula sa STC,
    Trinity at UP.

    Mukha nila'y masaya,
    abot ang ligaya,
    mga mata'y maningning,
    nagbabaga ang pag-asa.

    Mahigpit na hawak,
    ng bawat isa,
    Bandilang isinilang ,
    may sang siglo na.

    Alam ng bawat isa,
    uukit sa kasaysayan
    ang martsang parangal
    sa lahing Pilipino
    Bandila at Bayan.

    Ano pat nakatulong
    ang Bandilang tangan. ( FLAG FOR HOME PROJECT/ Pabahay sa maralita )
    naging tulay at daan ,
    abutin kapuspalad.

    Sa bandang Taft naman
    mga Atenistay dumating,
    La Salle, PWU,
    sa kanila ay naghintay
    kabalikat nila
    ang mga maralita,
    winawagayway nila ,
    ang bandila ng bansa.

    Nakisama na rin tuloy,
    militantet aktibista,
    isinantabi nila
    ang mga banderang pula.
    Tunay na Bandila
    kinilala rin nila.

    Liwasang Bonifacio,
    kinulang espasyo
    gayun din ang tagpo
    bumaha ng tao

    Letran, Manila High,
    Pamantasan at Mapua.
    makasaysayang intramuros,
    estudyantey dumagsa,
    ang init ng araw,
    ay di alintana

    Sa university belt naman,
    UE , FEU, UST at Magsaysay
    ay kasama nila
    ang kani-kanilang guro,


    Mula sa Batanes,
    Cebu at Davao,
    Ilocos, Pampanga,
    Bicol at Zamboanga.
    sa buong kapuluan,
    ay pawang gayun din,
    Na itinuturing ng lahat
    karangalan ng bansa.

    Nag simulang magmartsa,
    sa buong Metro Manila.
    upang magkita kita
    doon sa Luneta,

    O kay gandang pag masdan,
    ang buong sambayanan,
    dagat ng tao,
    nag-lalakad , nagmamartsa.
    Dampi ng hangin,
    kumukumpas sa ligaya,
    ang Bandilang kaytagal,
    naghihintay ng parangal,
    at pansin ng bayan.

    Kayat noo'y Bandila,
    ay magiliw , masaya .
    dahil natatanaw na
    ang araw ng pag asa.

    Ang bawat tahanan,
    ay nakikiisa.
    upisina't gusali,
    mga poste at tulay
    ay meron rin sila,
    nag pupugay na bandila


    sa gate at bintana,
    pintua't at sasakyan
    may simbolong taglay.
    ng lahing Kayumanggi,

    Dumating silang lahat,
    pagod man ay may ngiti,
    Malawak na Luneta,
    sila ay di nag kasya.

    Masakit man ang mga paa,
    nangawit man balikat
    ay di nila binitawan,
    ang Bandilang dala-dala,

    Asul, pulat puti
    ang kulay ng paligid,
    may luhang nangingilid,
    sa gilid ng mga mata,

    Halos bawat isa
    ay may kinikimkim
    pigil ang damdamin,
    at siyang dinadala
    dahil natantong,
    di pala imposible,
    sa lahing Pilipino
    ang mag-kaisa.

    Doon sa entablado,
    naroon si Presidente,
    iba pang opisyal,
    pulitikot Heheral.
    Bakas sa kanilang mukha,
    may buntong hininga,
    di sila maka-paniwala,
    sa kanilang nakikita,
    Milyong-milyong tao,
    nasa kanilang harap,
    lalot pat bawat isa,
    ay may hawak na Bandila.

    Hindi na tuloy nasabi,
    ni MadamePresident,
    talumpating inihanda
    laan sa sambayanan.
    Dahil di-makapagsalita,
    at di-mapigilan,
    ang pag agos ng luha.

    Maaring nina-namnam,
    ang bawat sandali,
    ang tanawing umantig,
    na nasa kanyang harap
    ibat ibang mukha,
    ang nakatingin sa kanya.
    o bibiguin ba
    ang bayang umaasa.

    Walang kumikibo,
    walang nagsasalita,
    ng biglang mag tungo
    ang pangulo ng bansa
    doon sa isang sulok
    ay dinampot niya,
    ang tangkay na kahoy
    na simbolo ng bansa,
    iwinagayway niya
    ang ating bandila
    habang luha'y walang patid,
    umaagos sa mukha.

    Pati narin sa likod
    ay nadala at dumamay,
    pinaglalabanan man
    di na rin nakayanan

    Dangal ng pagluha,
    ay siya bang minimithi,
    at dinaig nito,
    masidhing talumpati,
    o bayan hayaan mo,
    luhang alay sa iyo,
    ng makamit naman,
    tunay na pag babago.

    Tigasing Heneral,
    natitinag din pala,
    Kabinetet, politiko,
    may luha rin palang laan,
    para sa sambayanan,
    at kapakanan ng bayan.

    Milyong-milyong tao,
    ang mga mata ay basa.
    O luha ng pag asa
    ay natatanaw na.

    Sa mga telebisyo'y nakaantabay,
    ang di nakadalo,
    sila ay nakatututok,
    sa mga kaganapan.

    Doon sa Sierra Madre ,
    si Ka Roger ay tahimik
    tikom ang bibig
    na nakikinig sa radyo

    Doon sa Holandes
    Si Joma'y taimtim
    siya ri'y namangha
    sa kanyang nakikita
    mata'y di kumukurap
    sa eksenang nagaganap

    Pati narin ang ilang,
    pinakamayaman sa bansa,
    sila ay namangha,
    sa ipinamalas ng madla.

    Isang dating kilala,
    may ugaling di-maganda,
    na kaytagal nag lingkod,
    sa kapakanan at bulsa,
    ng may munting bulong,
    kumawala sa isip niya.
    bukas na bukas rin,
    maglilingkod ng tapat
    para sa bayan niya.

    Isang mayamang tanyag
    ng matapos mapanood.
    ay nagtungo ito,
    sa bintana ng silid,
    nakatanaw sa malayo,
    itoy walang kibo
    matagal nag nagmuni-muni
    malalim na nag iisip,

    Ilang sandali pa
    ay nagtungo sa telepono,
    upang tawagan,
    ang ilang katulad niya,
    na sobra ang yaman,
    at pag papalang natamo.

    BUKAS PILIPINAS, SALUBINGIN MO ANG BUKANG LIWAYWAY.

    BUKAS PILIPINO! TITINGALAIN KA NG MUNDO!

    leon
  • Alitaptap

    Sa pag sapit ng dilim
    sinaboy ka ng bituin

    Pulbos ng liwanag
    sinag moy banaag

    Isama mong lahat
    ng iyong kaibigan
    naririmlang bayan
    inyo ngang ilawan
  • PINOY

    Flag your house
    Flag your car
    Flag your street
    Flag your barangay
    FLag your barrio
    Flag your city
    Flag your country
    But most of all...........

    Flag your heart

    leon
  • Sa panahong malaya
    dika napapansin
    parang panyo lamang
    na dina-daanan lang

    Daan taon na ang nagdaan
    kasama ka ng kasaysayan
    mga bayani'ng nanindiigan
    dugo't buhay nilaan

    Oh ! Bandila ko
    bakit ka ba nariyan
    ano ba talaga
    ang iyong kabuluhan
    bakit kailangan pang
    amin kang awitan
    at panumpaan
    buong katapatan

    Noong isang taon
    ika dose ng Hunyo
    ako ay dumalo
    sa iyong kaarawan
    doon sa Bagumbayan
    na Luneta nang ngalan
    alam kong malungkot ka
    dahil akin ding nakita
    ang manipis na tao
    na tanging dumalo

    Alam kong pangarap mo
    mag kaisa ang Pilipino
    nag pupugay sa harap mo
    sambayanang nalilito...................

    durugtungan pa (to be continued)
  • Kung ikaw ay Pilipino.

    Kung ika'y Pilipino,
    sumagi ba sa isipan,
    na mayroong simbolong,
    sumasagisag ng lahi mo,

    Ang kulay niya'y asul.
    pula, dilaw at puti,
    may tatlong estrelya,
    at araw ng pag asa.

    Ang tela niyay dinilig,
    ng pawis at luha,
    buhay at dugo
    inialay sa kanya

    Kung ikay Pilipino
    ay hahayaan bang
    sumapit dapit hapon
    ng buhay na maiksi
    na di man lang nadampian
    ng kalyado mong kamay

    Kung ika'y Pilipino,
    ay may panahon pa,
    parangal sa bayan,
    ay hinihintay niya.

    Halikan mo ang lupa,
    yakapin ang Bandila.
  • The Flag is something you cannot eat on the table.

    It cannot directly shake or change, the unpleasant economic figures and datas of this troubled land.

    Its purely symbolical.

    A Flag...........
    To symbolize hope
    To symbolize a new approah
    To symbolize we must work hard
    To symbolize we must work as one
    To symbolize a need for sacrifice
    To symbolize brave determitaion

    And if ever...... And i pray hard if ever.........

    If ever The Flag sprouted like a mushroom in this troubled land
    soaked and wet by tears and sweat,
    of those who believe.....
    and those who are professing love for this country

    Then we will know the power of UNITY.

    The meaning and the power is yet to be
    The sole and lonely dream of this... FLAG THEORY.

    leon
  • TULA

    Tula ay salamin
    ng diwang umaamin
    tunay na adhikain
    di kaya ng takipsilim

    Apoy sating dibdib
    ay hangaring kini-kipkip
    Hayaan mong kumawala
    at daanin ko sa tula

    Dahil sa ilang tula
    mga nilikha ng makata
    sinilang, nagising
    ang mga bayani natin
  • NGAYON

    Ngayon ay tulay
    at tanging tinataglay
    Kahapon at bukas
    ay ngayon mag-yayakap

    Kasaysayan ituro mo
    Kasalukyan pakinggan mo
    Kinabukasan ...ng bayan ko
    Ngayon lang ang baon ko
  • Padayon Leon!


    Luha sa langit nga alang sa yuta
    Nga nakalimot pagmata...
    Luha sa langit, mingbundak sa yuta
    Pagpukaw sa pagbati 'ta...

    Naunsa naman ang atong panahon...
    Nalimot ba pagsubang ang adlaw karon
    Naunsa naman ang kadaghanan karon...
    Nawad-an na ba sa gugma?

    Luha sa dagat ug luha sa hangin..
    O hain na ang kalinaw?
    Luha sa bukid ug luha sa patag...
    Mga batang nanag-tyabaw

    Mga singgit sa bungtud nga nanaglisod
    Mga tingog sa patag nga nanagtawag...
    Kalinaw, kalinaw sa panahon
    Damgo na lang ba ikaw...
    Damgo na lang ba ikaw...
  • The Symbol of Triumph

    Once upon a time
    There was this powerful nation
    Who came up with a crazy idea
    He then gathered scientific team
    Composed of course of the best

    They were told to think
    The project then was inked
    Many year’s they’ve work
    Billion of dollars for it to work
    This crazy idea of moonwalk
    Everyone must do their task

    Apollo 11 was launched
    Whole nation then applaud
    With………..
    All the thinking
    All the people
    All the money
    and all the hard work
    the expedition have succeed

    They ignored the dangers
    They challenge the unforseen
    They traveled great distance
    from Earth to the Moon
    All this thing for what?

    Just to thrust and hoist a FLAG


    Victories, triumphs, great dreams will always be sealed with a FLAG
  • This ADS from ABS-CBN appeared on page B3 SundayBiz section of Philippine Daily Inquirer on July 25,2004
    I have the whole page framed and now hangs in front of me as a framed and treasured collection.

    The Ads goes with a picture of a young boy, Holding high above his head a homemade Flag he made. A piece of paper he colored with crayons.

    The printed message below:


    If you display
    the Filipino Flag today,
    will it actually
    change your life?


    It may change our destiny.

    If you display the flag today
    in your car and your home,
    you are not giving up on
    your own country and people.

    You believe that our spirit,
    wounded by bickering and factionalism
    can heal once and for all.

    We suggest that you display
    even a handmade flag
    To show faith in the unsinkable Filipino spirit.
    To inspire the oneness of our people
    To amaze the world again
    with the greatness of our nation.

    THIS MAYBE A SIMPLE ACT.
    BUT DONE TOGETHER, WE MAKE A STAND.

    -ABS-CBN
  • Pilipino...


    Malamig na hangin
    kumot sa katawan
    nitong mandirigma,
    sahig ang kanlungan.

    Nakapikit ang mga mata
    mga labing nagpipigil
    ng marahang pagsambit
    ng libong panalangin.

    Pilitin mang matulog
    diwa ay kusang gigising
    lilisanin ang panaginip
    may himig ng uyayi.

    Malakas na pag-ungol
    bakas sa mukha
    pakikibakang pasakit
    kalaban ay sino?

    Pait ng nakaraan
    asin sa sugat
    malaya at sariwa
    tuluyang naghihingalo.

    Impit na pag-iyak
    hikbing kumakawala
    gustuhin mang lumimot
    hapdi ang ala-ala.

    Bangungot ang pag-asa
    iyon ang pamuksa
    sa katawang pagal
    sa kaluluwang patay.

    Ngunit angkin niya
    dugong marangal
    hindi pasusupil
    anuman ang wakas.

    Maliit man ang apoy
    sa kalungkutan ng gabi
    ito’y magniningas
    kasabay ng tala.

    Yakap ang tapang
    siya’y mahihimbing
    gigising sa umaga
    sisilay sa araw.

    Siya’y mandirigma
    Dugo ang sandata.
  • Mga guhit sa mukha
    na tanda ng panata
    silay ng pighati
    ang sigaw na wari
    matang malamlam
    at tiyang kumakalam

    Ngunit ano ba
    taglay mot nakuha
    magtapon ng pag asa
    ang hapong sarili

    Sa kabila ng unos
    ay di nauubos
    hangaring puspos
    wagas at lubos

    Bukas kalooban
    habang minamasdan
    alispusta sa bayan
    tila dinadamdam

    Kaya nga bat hatid
    tulang walang patid
    mga makatang isinilang
    na alipin ng sining

    Tanging armas
    isip na mahapdi
    Sa tagong kamalayan
    Buhay, namamahay
    mga kathang nilikha
    na alay sa Bayan
  • Wag ng ligaligin
    ang Bayang luhod na
    dagdag na dusta
    at mga alipusta

    Wala bang ganda
    sadyang nakikita
    at waring ang hangad
    ay tuluyang matumba

    Wala na bang katiting
    na dampi ng pag ibig
    ang nag yayaring hilig
    na laman ng bibig

    Lahing kayumanggi
    dinggin mo ang hikbi
    nitong yaring Bayan
    iyong inaapakan
    wag mong pakadiinan
    at siya riy nasasaktan

    Wala na bang kusa
    at puring katiting
    maibsan ang pagod
    Bayang nauuhaw
    sa higpit ng yakap
    kaytagal pinagkait
    ng sambayanang kimi
    na puno't abala
    sa mga asal na dagdag
    bigat na pasanin

    Sino ang may loob
    na buti at tapat
    kamay na ialay
    sa Bayang luhod na
  • Manny pacman Pacqiao

    Sa lahing Pilipino,
    isa kang simbolo,
    sa bawat panalo,
    hayagang sinabi mo,
    alay mo sa Bayan,
    ang karangalan.

    Sa mga tigasing........
    nakaharap sa ring,
    pulbos ng suntok,
    regalo mong alok,

    Mga matay imiikot,
    kataway kumikislot,
    hilo at takot,
    kanilang hinahakot,

    Ouch, oooops,aray,
    sa bigay mong pamatay,

    Ngunit matay talasan,
    baka matsambahan.

    Ngunit ano paman,
    kinalabasan ng laban,
    iyo ng pinatunayan,
    ang pusong palaban.

    Ano man ang resulta,
    ay mananatili ka,
    na simbolo ng bayan,
    isa kang karangalan.
  • Boxing columnist Michael Katz ( on Manny Pacman Pacqiao ) wrote,

    " Now he is on the cusp of becoming perhaps the greatest Asian fighter to

    conquer the West since Genghis Khan."

    ( HE HE HE THATS A VERY GOOD ONE )

    MANNY MAY AGIMAT ANG DUGO MO!!!!!!!!!!!
Sign In or Register to comment.