Home PEx Local Entertainment Showbiz - Movies

I WILL ALWAYS LOVE YOU (Starring ANGEL LOCSIN and RICHARD GUTIERREZ) [merged]

'I Will Always Love You' nina Richard at Angel magsu-shooting sa US

Ni ALLAN DIONES

I Will Always Love You ang titulo ng gagawing pelikula nina Richard Gutierrez at Angel Locsin sa Regal Entertainment after ng blockbuster na Let the Love Begin ng GMA Films.

Last year pa ito pinag-uusapan nina Direk Mac Alejandre, Ricky Lee at ng anak ni Mother Lily na si Roselle Monteverde bago pa ginawa nina Richard at Angel ang MMFF entry nila na Sigaw.

Ang germ of idea ay galing kay Roselle. Si Direk Mac ang magdidirek nito pero hindi pa sure kung si Ricky Lee ang susulat ng script. Kukunan ang ilang mahahalagang eksena ng pelikula sa San Francisco, California.

Hindi ito nag-materialize last year dahil nagkaproblema sa schedule ng dalawang bida na naging very busy sa Mulawin. Bukod doon ay hindi pa nila naikukuha ng US visa si Angel.

Halos magkasabay na gagawin ni Direk Mac ang I Will Always Love You at ang Say That You Love Me na pagbibidahan nina Mark Herras at Jennylyn Mercado sa Regal pa rin. Sina RJ Nuevas at Suzette Doctolero (scriptwriters ng Let the Love Begin) ang susulat ng script nito.

Kahit maglalagare si Direk Mac sa dalawang pelikula ay 3 to 4 days a week lang ang maaari niyang ilaan sa kanyang shooting dahil ang Lunes at Sabado niya ay para sa taping niya ng Joyride.

Hindi pa siya kinakausap ng GMA Films kung ano ang next project na ibibigay sa kanya.

Samantala, pagkatapos na raw ng theatrical run ng LTLB magbibigay ng exact figures ang presidente ng GMA Films na si Ms. Annette Gozon-Abrogar kung magkano ang hinakot sa takilya ng kanilang comeback movie pero sigurado raw na lalagpas ‘yon sa P100M mark.

P11M ang opening day gross nationwide ng LTLB at ayon sa ilang theater bookers ay umabot na sa P60M hanggang P70M ang kinita nito noong Pebrero 14, samantalang ang Dreamboy ng Star Cinema ay naka-P20M.

Tatlong pelikula pa ang nakatakdang gagawin ng GMA Films sa taong ito -- ang bagong film version ng Darna, isang romantic comedy na tatampukan ng mga bagets ng StarStruck at isa pang mala-Darna raw na project na malamang ay movie version ng Mulawin.

Kinumpirma rin ni Ms. Annette na kung magkakasundo sa kontrata ay si Regine Velasquez ang magbibida sa Darna movie (iba ang bida sa TV version nito sa GMA).

Hindi inaasahan ng mga taga-GMA Films na magiging record-breaker ang kanilang comeback movie, kaya labis-labis ang pasasalamat nila sa malaking tagumpay nito. Sana raw ay maulit pa ang ganitong success sa kanilang next projects.

Palabas pa ngayon sa 115 theaters nationwide ang Let the Love Begin at malamang na ma-extend pa ang showing nito.
«13456717

Comments

  • t-16-anne.jpgt-16-richard.jpgt-16-angel.jpg

    Angel-Richard-Anne love triangle, balak isapelikula ni Mother Lily
    February 15 2005 || abante-tonite.com

    Sa malaking tagumpay sa takilya ng pelikulang Let The Love Begin ay malaki ang laban ni Richard Gutierrez sa titulong Box-office King!

    Ang estimate ng karamihan ng film bookers ay makaka-P130 to P150M ang Let The Love Begin.

    At dahil hot na hot ngayon sa takilya si Richard, kaagad na kumilos si Mother Lily Monteverde at isang Angel Locsin-Richard-Anne Curtis triangle ang inihahanda niya.

    Pagbalik na pagbalik daw ni Richard mula sa nalalapit nitong pagbabakasyon sa Tate ay sisimulan kaagad ang shooting ng pelikulang ito na balak ipalabas ng Regal Films sa opening ng school year sa Hunyo.

    Nakiusap na rin si Mother Lily na huwag nang isang buwan magbakasyon sa Tate si Richard at pumayag ang binata na two weeks na lang siya roon.

    "Excited si Mother Lily sa project niyang ito. Aba, alas-dos ba naman ng madaling-araw nang kalampagin niya si Annabelle (Rama) para makipag-meeting na sa pelikulang ito.

    "Naloka yata si Mother Lily dahil noong Sabado, eh, halos maka-P20M sa takilya ang Let The Love Begin, huh!" sey ng source namin.
  • Angel-Richard-Anne love triangle, matutuloy
    Abante TONITE
    Jun Lalin


    Tumawag sa amin kahapon ng madaling-araw si Roselle Monteverde-Tio at niyaya niya kaming pumunta ng Imperial Palace Hotel para mag-join sa meeting ng pelikula nina Richard Gutierrez, Angel Locsin at Anne Curtis.

    Pagdating namin doon ay naroon na rin sina Mother Lily Monteverde at Annabelle Rama.

    Excited silang pag-usapan ang bagong pelikula ng Regal Films.

    Sa pagkakaintindi namin sa usapang ‘yon ay tuloy na tuloy na ang pelikula at mukhang wala na silang problema kay Anne Curtis dahil hindi kontrabida ang role ng dalaga kaya wala na silang magiging problema rito.

    "I’m already excited with the movie. Ang ganda-ganda ng naisip naming istorya!" pahayag ni Mother Lily.

    Maya-maya ay dumating si Manny Valera na line producer ng pelikula at sinabihan ito ni Mother Lily na ipatapos na sa scriptwriter ang istorya ng pelikula para makapagsimula na sila ng shooting.

    Gusto ni Mother Lily na magsimula ang shooting nila sa Marso 21 dahil aalis ng mga Marso 25 si Richard papuntang Los Angeles, California.

    Malamang na sa Abril 21 umalis ang grupo ng Regal Films para sa shooting nila sa San Francisco, California.

    "Maganda ang feeling ko sa pelikulang ito, eh," sabi pa ni Mother Lily, kaya ang utos niya kay Manny ay dapat na gandahang mabuti ang script ng pelikula.
  • I dont think Anne will be a part of this movie kase ayaw na raw niya ng role na pang third party. Enough na raw ang sa Hiram kaya malabo siguro na si Anne ay maging part ng movie na to.
  • Yup, Anne is no longer a part of this movie. She just signed a contract with Star Cinema and she'll be doing a movie with Heart and Geoff.
  • keyellekeyelle PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Sana mas maaganda na sa Let The Love Begin ito.
  • hindi na po kasama si anne dito
  • hello.. di na nga po talaga kasama si ANNE sa gagawing movie ng REGAL FILMS na 'I WILL ALWAYS LOVE YOU' pano pumirma na sya ng kontrata sa STAR CINEMA.. gagawa daw sya ng movie w/ GEOFF-HEART under STAR CINEMA.. cgurado akong itatapat to sa movie nina ANGEL-RICHARD.. pano di nila matanggap na naungusan sila ng comeback movie ng GMA FILMS na LET THE LOVE BEGIN.. well i dont care kung di sya makakasama sa movie nina ANGEL-RICHARD.. di naman sya kawalan noh.. atsaka mas maganda nga yun eh.. solong-dolo nina ANGEL-RICHARD.. kahit wala sya siguradong tatabo sa takilya ang 'I WILL ALWAYS LOVE YOU' na magshushoot sa LOS ANGELES CALIFORNIA diba ang taray.. tignan nyo nga ang kinalabasan ng LET THE LOVE BEGIN napagiwanan na ang kalaban nila..
  • hello.. di na nga po talaga kasama si ANNE sa gagawing movie ng REGAL FILMS na 'I WILL ALWAYS LOVE YOU' pano pumirma na sya ng kontrata sa STAR CINEMA.. gagawa daw sya ng movie w/ GEOFF-HEART under STAR CINEMA.. cgurado akong itatapat to sa movie nina ANGEL-RICHARD.. pano di nila matanggap na naungusan sila ng comeback movie ng GMA FILMS na LET THE LOVE BEGIN.. well i dont care kung di sya makakasama sa movie nina ANGEL-RICHARD.. di naman sya kawalan noh.. atsaka mas maganda nga yun eh.. solong-dolo nina ANGEL-RICHARD.. kahit wala sya siguradong tatabo sa takilya ang 'I WILL ALWAYS LOVE YOU' na magshushoot sa LOS ANGELES CALIFORNIA diba ang taray.. tignan nyo nga ang kinalabasan ng LET THE LOVE BEGIN napagiwanan na ang kalaban nila..

    :wave: agree!!!
  • new movie of richard and bianca king w/ angel locsin soon in regal..they will shoot in san francisco :)
  • d na kasama si anne d2 kung hindi si bianca king na po hehehh :)
  • Si Bianca ba pinalit kay anne.

    Good choice.

    Angel-Richard-Bianca in one movie.

    Parang Mulawin ha.
  • Sobra Na Kasi Sila Kasi Sikat Na Sikat Na Siya Kaya Ganoon Pero Kahit Anong Gawin Nila Di Kami Maniniwala Sa Lahat Ng Sabihin Nilang Masama Sa Kanya..
  • I dont think Anne will be a part of this movie kase ayaw na raw niya ng role na pang third party. Enough na raw ang sa Hiram kaya malabo siguro na si Anne ay maging part ng movie na to.
    eh baka pareho lang ang part ni anne sa movie nila heart at geoff..
    siguro nasasaktan lang siya dahil mahal nya parin si richard well
    sino pa kaya ang di magkakagusto sakanya eh ang guapo nya di
    katulad ni geoff hindi maka acting bulol pa!!!! :naughty2:
  • Paano yan,Angel-Oyo na raw sa totoong buhay ang mag-sweetjharts?
  • oo nga parang mulawin
  • paano yan sa iba na nali-link si angel. sana huwag makaapekto sa movie nila yun. sana tumabi muna sandali si oyo boy pag showing na ng movie nila.
  • Feeling ko di na maging kasing successful ng Let The Love ang I Will Alaways Love You.
  • hindi naman sguro..
  • Nasira na ang ilusyon ng tao.

    Kasi naman yang Oyo na yan,wrong timing.

    Di na ako magulat kung isali sa movie si Oyo.

    Pumayag naman kaya si Annabelle?

    :D
  • chuby911 wrote:
    eh baka pareho lang ang part ni anne sa movie nila heart at geoff..
    siguro nasasaktan lang siya dahil mahal nya parin si richard well
    sino pa kaya ang di magkakagusto sakanya eh ang guapo nya di
    katulad ni geoff hindi maka acting bulol pa!!!! :naughty2:

    in defense of anne. She is currently in a steady relationship with a non-showbiz guys. An Araneta non the less kaya please dont assume na she's not over Richard. They have clearly stated that they are friends and are completely happy with their lives.
Sign In or Register to comment.