Home PEx Local Entertainment Showbiz - Movies

SAY THAT YOU LOVE ME (Starring: Mark and Jennylyn)

ccbabyccbaby PEx Veteran ⭐⭐
Mark-Jennylyn loveteam to be launched in a solo film


Good news sa mga fans and supporters nina Mark Herras at Jennylyn Mercado. After the overwhelming box-office success of “Let The Love Begin,” their first movie under GMA Films (directed by Mac Alejandre), may follow-up movie na agad ang reel-and-real life sweethearts.



Ilo-launch ang kanilang love team sa pelikulang "Say That You Love Me" to be directed again by Mac Alejandre under Regal Enter-tainment. Shooting starts on the first week of March. After this, Mark and Jennylyn will do another movie under GMA Films . If plans do not miscarry, baka isama sa cast ang Starstruck Batch 1 and 2 finalists.

Undeniably, their love team contributed a lot sa box-office success ng "Let The Love Begin,"topbilled by Richard Gutierrez and Angel Locsin.

"Hindi nga namin expected na magiging ganoon kalakas ang pagtanggap ng moviegoers sa pelikula namin. Nagpapasalamat kami sa lahat ng nanood,"says Jennylyn.

Excited na sila sa kanilang launching movie and thankful to Mother Lily Monteverde and GMA Films for believing na makakaya na nilang magdala ng pelikula.

Si Mark ang first screen kiss ni Jennylyn at okey lang daw sa kan-ya na makipaghalikan sa ibang aktor ang huli. Kaya lang, hindi na lang daw niya panonoorin para hindi siya masaktan at magselos.

Both swear they don’t fight anymore, unlike before na maya’t maya’y para silang mga aso’t pusang nagbabangayan. They both realized, it’s not healthy sa kanilang relasyon. Iniiwasan na rin nilang magselosan.

Hindi sila nag-date last Valentine’s Day dahil nag-taping sila ng "Joyride." From 5 a.m. until 3 a.m. the following morning sila natapos. Pero may gift naman sila sa isa’t isa. Nikee Jersey shoes ang gift ni Jennylyn kay Mark, samantalang necklace naman ang regalo ni Mark sa kanyang Lady Love. (Rowena Agilada)
«13456745

Comments

  • *okay* yan :cool:
  • ok to.... let's all support mark and jen's upcoming movie. :)
  • jennyianjennyian PEx Influencer ⭐⭐⭐
    more movies para sa MAG-MHAMINE :)
  • can't wait for this movie...sana maging okay ang story and sana si direk mark reyes na lang ang director :glee:
  • yehey! may sariling movie na sila! sana okay din 'to
  • ccbabyccbaby PEx Veteran ⭐⭐
    sana nga....

    excited na talaga ako! :bounce:
  • thats a gud news! excited na ko! gawin nating box office hit uli un ha! :kyle:
  • ccbabyccbaby PEx Veteran ⭐⭐
    up ko lang....

    share na rin ng pic... :D

    DSCF3982_JPG.jpg

    from their first movie :D
  • ccbabyccbaby PEx Veteran ⭐⭐
    from their second movie

    cute.jpg
  • tipsy43tipsy43 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    excited na ako para kina JEN & MARK!


    *okay*
  • tipsy43tipsy43 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    sana matuloy ang first shooting day ng SAY THAT YOU LOVE ME sa MARCH 3!


    *okay*
  • tipsy43tipsy43 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    originally posted by kapuso4ever


    Astig, tuloy na tuloy daw -- Tuesday Vargas
    NITZ MIRALLES
    People's Tonight

    Nakita namin si Tuesday Vargas sa victory party ng Let the Love Begin. Tuwang-tuwa ito't kasama pa rin sila ni Bearwin Meily sa Say That You Love Me, ang launching movie nina Jennylyn Mercado at Mark Herras sa Regal Entertainment.

    Kinumusta namin kay Tuesday kung matutuloy pa ba ang Astig, ang gag show nina Ai-Ai de las Alas at Bayani Agbayani kung saan kasama siya.

    Ang alam ni Tuesday, tuloy pa rin ito, pero hinihintay daw na mawala ang Yes Yes Show dahil ito ang papalitan ng Astig. Ibig sabihin, hindi daily ang Astig at hindi rin itatapat sa last 30 minutes ng Eat…Bulaga?

    That night, kasama na naman ni Tuesday ang boyfriend niyang band member ng Session Road. Alam daw ng kanyang BF na may anak siya at ikinatuwa niyang tinanggap nito ang pagiging single mom niya.
  • tipsy43tipsy43 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    originally posted:gma kapuso exchange by happyjam2380


    'I Will Always Love You' nina Richard at Angel magsu-shooting sa US

    Ni ALLAN DIONES

    I Will Always Love You ang titulo ng gagawing pelikula nina Richard Gutierrez at Angel Locsin sa Regal Entertainment after ng blockbuster na Let the Love Begin ng GMA Films.

    Last year pa ito pinag-uusapan nina Direk Mac Alejandre, Ricky Lee at ng anak ni Mother Lily na si Roselle Monteverde bago pa ginawa nina Richard at Angel ang MMFF entry nila na Sigaw.

    Ang germ of idea ay galing kay Roselle. Si Direk Mac ang magdidirek nito pero hindi pa sure kung si Ricky Lee ang susulat ng script. Kukunan ang ilang mahahalagang eksena ng pelikula sa San Francisco, California.

    Hindi ito nag-materialize last year dahil nagkaproblema sa schedule ng dalawang bida na naging very busy sa Mulawin. Bukod doon ay hindi pa nila naikukuha ng US visa si Angel.

    Halos magkasabay na gagawin ni Direk Mac ang I Will Always Love You at ang Say That You Love Me na pagbibidahan nina Mark Herras at Jennylyn Mercado sa Regal pa rin. Sina RJ Nuevas at Suzette Doctolero (scriptwriters ng Let the Love Begin) ang susulat ng script nito.

    Kahit maglalagare si Direk Mac sa dalawang pelikula ay 3 to 4 days a week lang ang maaari niyang ilaan sa kanyang shooting dahil ang Lunes at Sabado niya ay para sa taping niya ng Joyride.

    Hindi pa siya kinakausap ng GMA Films kung ano ang next project na ibibigay sa kanya.

    Samantala, pagkatapos na raw ng theatrical run ng LTLB magbibigay ng exact figures ang presidente ng GMA Films na si Ms. Annette Gozon-Abrogar kung magkano ang hinakot sa takilya ng kanilang comeback movie pero sigurado raw na lalagpas ‘yon sa P100M mark.

    P11M ang opening day gross nationwide ng LTLB at ayon sa ilang theater bookers ay umabot na sa P60M hanggang P70M ang kinita nito noong Pebrero 14, samantalang ang Dreamboy ng Star Cinema ay naka-P20M.

    Tatlong pelikula pa ang nakatakdang gagawin ng GMA Films sa taong ito -- ang bagong film version ng Darna, isang romantic comedy na tatampukan ng mga bagets ng StarStruck at isa pang mala-Darna raw na project na malamang ay movie version ng Mulawin.

    Kinumpirma rin ni Ms. Annette na kung magkakasundo sa kontrata ay si Regine Velasquez ang magbibida sa Darna movie (iba ang bida sa TV version nito sa GMA).

    Hindi inaasahan ng mga taga-GMA Films na magiging record-breaker ang kanilang comeback movie, kaya labis-labis ang pasasalamat nila sa malaking tagumpay nito. Sana raw ay maulit pa ang ganitong success sa kanilang next projects.

    Palabas pa ngayon sa 115 theaters nationwide ang Let the Love Begin at malamang na ma-extend pa ang showing nito.
  • tipsy43tipsy43 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    halos sabay gagawin ni MAC ALEJANDRE ang SAY THAT YOU LOVE ME AT I WILL ALWAYS LOVE YOU .... baka magsuffer ang isa sa production, etc. ... sa U.S. pa yung kina R/A ...

    sana maganda ang story ng kina MARK & JEN kahit dito lang gagawin...


    :)
  • tipsy43tipsy43 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    originally posted by jenherras1


    Sa victory party ng Let the Love Begin lang nalaman nina Jennylyn at Mark na sa March 3, ang first day shooting nila ng pelikulang Say That You Love Me. Sa Regal nila ito gagawin at ididirek ni Mac Alejandre pa rin. May gagawin ding movie sa GMA Films ang dalawa’t sabi ni Manny Valera, aayusin ang kanilang schedule para walang conflict.

    Incidentally, sa February 21 na ang last taping nina Jennylyn at Mark sa Joyride. Nalulungkot silang iwan ang show at si Yasmien Kurdi pero, kailangan nilang sumunod dahil desisyon ito ng GMA-7 management.

    Sa taping ng Joyride rin nag-spent ng Valentine’s Day ang lovers. Magdamag silang nag-taping at alas-tres na ng madaling-araw natapos. Ten months na silang on sa February 29, at baka that time, makapag-celebrate sila ng anniversary and for sure, magpapalitan na naman ng bonggang regalo. Sa nakaraang Valentine’s Day, parehong P10,000 ang nagasta nila para sa regalo sa isa’t isa. – Nitz Miralles
  • tipsy43tipsy43 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    share ko lang FANATXT ni JEN


    2/18


    JENNYLYN: Malapit n kmi mag start ng taping ng encantadia suportahan nyo ulit ako h! and abangan nyo din ang 2 movies nmin ni mark! thnx 4 ur support


    *okay*
  • Daming projects ng ultimate survivors! I'm happy for them :)
  • kasama ata sina Rainier at Yasmien sa solo movie nila sa GMA Films tapos sina LJ at Mike naman sa Regal Films.
  • im so hapi for d mg-mhamine... grabe 2 movies ang nakalinya yipeee!!!! :bounce2:


    :angelwings: mackies angels :angelwings:
  • click_jm.jpg

    no kaya itsura nila s 3rd & 4th movie hehhee... :laugh:


    :angelwings: mackies angels :angelwings:
Sign In or Register to comment.