Home PEx Lifestyle Travel and Leisure
Reminder: You never know what someone is going through, so be kind.

Pagsanjan Falls

sentimentssentiments PEx Influencer ⭐⭐⭐
penge naman pu ng tips.......


how to get there and around...
what to do (rapids, etc)...
accomodation....
where to eat...

etc......

thank you!!!!
«1

Comments

  • Originally posted by sentiments
    penge naman pu ng tips.......


    how to get there and around...
    what to do (rapids, etc)...
    accomodation....
    where to eat...

    etc......

    thank you!!!!

    went there last month boat ride cost 660/person exluding the pay for the boatmen..As for me i did not enjoy it, due to the fact that it was scorching hot and it took us almost 4 hours back and forth.

    as for place to stay and eat lemme think of the place, forgot it kasi
  • sentiments,

    sumakay kami ng biyaheng sta.cruz laguna sa may terminal sa buendia. tapos nag dyip kami papuntang pagsanjan. hapon na kami dumating non kaya kumuha kami ng matutuluyan. di ko na matandaan yung pangalan. kinabukasan nagrenta kami ng bangka papunta sa talon. di ko na matandaan kung gaano katagal at magkano. pero ang natatandaan ko lang ay yung pagkwenkwento ng mga bangkero na sobrang hirap daw ng ginagawa nila. sa kalagitnaan ng byahe, huminto kami sa isang maliit na tindahan. yung tindera di pa kami umo-oo ay binigyan na niya ng inumin yung bangkero namin. at sa amin kinukuha ang pambayad. tapos nung nakabalik na kami, nanghihingi ng "tip" yung mga bangkero. binigyan ko ng 100 pero ayaw tanggapin, 500 daw kada bangkero. eh dalawa silang bangkero kada bangka, tapos dalawang bangka nirentahan namin. kaya sabi ko e di wag na lang. akala nila marami kaming pera non dahil may kasama akong 1 taga-cambodia, 1 taga-vietnam, at 1 taga-amerika. nung umalis na kami, sinundan pa rin kami. dumiretso na kami sa tinutuluyan namin tapos bigla kaming inakyat ng isang lalake at sabi ay inaantay daw kami ng mga bangkero sa baba para sa "tip" nila. wala kong masabi. paalis na rin kami nung araw na yon kaya binigyan na lang namin sila pero di ko na matandaan kung magkano.

    may nakwento rin sa akin ang isa kong kaibigan, noong nagpunta sila. hinarang pa yung dala nilang sa sasakyan para humingi ng mas malaking "tip".

    nagpunta ko don noong 2001 pero hindi na ko babalik. :)

    sa kabuuan, ang pinakamasaya lang namin ay yung gabi na pumunta kami sa isang "swimming pool" tapos sobrang nalasing kami at yung pagpunta lang namin sa ilalim ng talon sa pamamagitan ng balsa. di naman ganon kagana ang sakay sa bangka tapos pagdating namin madumi yung tubig ng talon dahil kauulan lang.

    para sa akin, hindi sya isang lugar na dapat puntahan lalo na't kung nakapunta ka na sa kawasan sa cebu at tappiya sa batad.

    kapayaan.
  • sentimentssentiments PEx Influencer ⭐⭐⭐
    thomyorke....sobra, grabe naman sila...... pro hopefully sana nagbago na sila...... ung dun kasi sa nabasa ko sa lonely planet 2004 edition may standard rate na raw ang mga bangkero kaya medyo regulated na singil nila.............. sana totoo...........
  • went to pagsanjan last sept with my ofcmates for our teambldg. actually, di na part ng teambldg namin yung pagpunta sa falls kasi di na kasya sa budget :D

    dun sa how to get there, mukhang la akong maitutulong kasi nag-coaster kami papunta at pabalik.

    tapos sa pagsanjan falls, ang magagawa lang naman talaga dun ay pumunta at sumakay dun sa raft papunta sa ilalim ng falls. tapos peechur-peechur! kung meron pang ibang gustong gawin, depende na siguro yun sa resort kung san magste-stay. since teambuilding nga ang pinunta namin dun, meron pa kaming ibang activities. sabit lang talga yung pagpunta mismo sa pagsanjan falls. we actually stayed at la corona coz of their ropes challenge course. yun yung pang-teambldg namin. ok naman yung la corona, malaki yung place, ok din yung food. ok din yung cottages nila.

    dun sa pag-tip sa mga bangkero, natawa naman ako dun! 100 lang ang binigay namin na tip! hati pa sila dun so tig-50 lang sila :D di naman sila umangal sa min, buti na lang!

    same with thomyorke, di na siguro uli ako pupunta dun. ang nagpasaya lang naman dun sa pagpunta namin dun yung company ng ofcmates. masaya kasi ang dami namin. puno namin yung isang raft kaya sarap magpeechur-peechur!
  • di ako nag-enjoy sa falls na to. it was incredibly expensive.no decent food place.di pwedeng magswimming sa pool by the falls (for the more adventurous). may corny, quick trip ka lang sa ilalim ng falls.ngek. wag kayo pumunta dun.sayang pera.:(
  • marami pa bang bata sa Pagsanjan? :glee:
  • wow! ang pangit pa rin pala ng reputation ng pagsanjan. sa totoo lang talaga namang ang shooting the rapids lang ang magandang experience sa pagsanjan at ito ay mas ma-enjoy mo kung summer (not advisable sa rainy season dahil sa biglang lumalaki ang tubig galing sa bundok). lately ay may bangkero festival na ginagawa to attract the tourists (local & intl). suggestion lang kung may pupunta pa (sana!) sa pagsanjan, sana overnite kasi pwede rin pumasyal sa caliraya (30 mins ride) para sa water sports or sa iba pang towns (culture trip). isa pang pwedeng gawin ay pumasyal sa town of liliw ( mga 1 hr trip) para sa mga quality bags and shoes nila sa murang halaga siyempre! am willing to be your tour guide pero plan natin kasi may work din tayo. hope these help redeem the reputation of my beloved pagsanjan.
  • Bazooka_Joe,

    dami pa rin namang bata sa pagsanjan pero mga nag-aaral na ay tumutulong sa magulang. mahigpit ang bantay ngayon sa mga phedopiles . . . ito sa consistent efforts / tulong ng local gov't at mga ngo's.
  • that's good.
  • so how much all in all would one spend for this trip?
  • plan namen pumunta d2 sa feb. ok lang kaya kung day trip lang? mga magkano nga kaya ung magagastos?
  • I went there when I was a kid and went shooting the rapids. i still remember it.
  • went there last dec. sobrang hindi planado kasi dapat hanggang southwoods lang kami. tas sabay wala pala ung tao na dapat pupuntahan namin. so nag-explore na lang kami. gusto ko nga sana sa caliraya. kaya lang we decided na pagsanjan na nga lang dahil mas malapit un sa caltex slex.

    muntik pa nga kmi mawala dahil nagtatanong lang kami ng directions sa mga manong jeepney driver. finally when we arrived, nakita namin ung rates nila. P660/head for the boat rent, P50/ lifevests, P30/head for the cushion for u to sit on. pero sa tingin ko applicable lang un sa mga tourists kasi sbi ni manong samin, "sige P660/head na lang bigay ko senyo, libre na cushion and lifevest. so we agreed.

    kaya lang di nya sinabi kung pano namin babayaran ung boatmen. the entire boatride takes 45 mins to 1 hr. iba sha kasi sa iniisip ko. iniisip ko ung white water rafting na as in sobrang matindi ung current. ung sa pagsanjan kasi, calm lang. para kang sumakay ng gondola. tapos isa lang ung visible na falls, although it was stated in their map dun sa entrance na merong 3 falls. di na kami pumasok sa loob nung parang cave kasi it was already getting dark.

    eto pa ang matindi! when we paid the P1,320, wala pa P100 natira sa pera namin. problemado pa kami kasi kulang pang-tollgate ung pera namin. initially di ako nagworry kasi akala ko kasama sa binayaran ung para sa mga bangkero. ung pala hindi. nakipag-negotiate kami. basta nakakatakot talaga, but it was so fun. we ended up paying the boatmen with only P70 and were even able to pass the tollgate with P21 short. hay! sobrang adventure talaga!

    :)
  • grabe ang mahal pala ng boat ride. 660 just for an hour? whew!
  • how much are the rates now and puede ba tumawad?
  • dear heart4us,

    am from pagsanjan. kung gusto nyo pumasyal just let me know. syempre di naman ako papayag na mahal ang singilin sa inyo ng mga bangkero (i have friends na pwede pakiusapan). ;)
  • sorry po double posts. :)
  • went there last dec. sobrang hindi planado kasi dapat hanggang southwoods lang kami. tas sabay wala pala ung tao na dapat pupuntahan namin. so nag-explore na lang kami. gusto ko nga sana sa caliraya. kaya lang we decided na pagsanjan na nga lang dahil mas malapit un sa caltex slex.

    muntik pa nga kmi mawala dahil nagtatanong lang kami ng directions sa mga manong jeepney driver. finally when we arrived, nakita namin ung rates nila. P660/head for the boat rent, P50/ lifevests, P30/head for the cushion for u to sit on. pero sa tingin ko applicable lang un sa mga tourists kasi sbi ni manong samin, "sige P660/head na lang bigay ko senyo, libre na cushion and lifevest. so we agreed.

    kaya lang di nya sinabi kung pano namin babayaran ung boatmen. the entire boatride takes 45 mins to 1 hr. iba sha kasi sa iniisip ko. iniisip ko ung white water rafting na as in sobrang matindi ung current. ung sa pagsanjan kasi, calm lang. para kang sumakay ng gondola. tapos isa lang ung visible na falls, although it was stated in their map dun sa entrance na merong 3 falls. di na kami pumasok sa loob nung parang cave kasi it was already getting dark.

    eto pa ang matindi! when we paid the P1,320, wala pa P100 natira sa pera namin. problemado pa kami kasi kulang pang-tollgate ung pera namin. initially di ako nagworry kasi akala ko kasama sa binayaran ung para sa mga bangkero. ung pala hindi. nakipag-negotiate kami. basta nakakatakot talaga, but it was so fun. we ended up paying the boatmen with only P70 and were even able to pass the tollgate with P21 short. hay! sobrang adventure talaga!

    :)

    dapat di na kayo nag toll gate.. hehehehe pakalayo nga lang sobra.. ;)
  • how to i get to pagsanjan from metro manila? what exit do i exit? where do i go from there?
  • queenkatiequeenkatie PEx Veteran ⭐⭐
    if you have a relative or friend working at PTA (tourism), try to ask if you could rent/borrow the rest house, it's so nice, it's near sa daungan ng boat to falls, plus sa house pa lang, comfortable na since it also has a swimming pool.

    re: shooting the rapid, what i know is they're allowing 2 per boat lang, since 30 ft ang lalim ng tubig, they'd like to ensure the safety of the people, so 2 yun nakasakay plus dalawang nagsasagwan. almost an hour for you to reach the falls, medyo scary lang kase ang sasakyan mo eh balsa lang na hinihila sa ilalim ng falls, water is so cold, and it's as if buo buong yelo yun bumabagsak at your back. try to go dun sa medyo little cave sa may falls, super lamig dun.
Sign In or Register to comment.