Home PEx Local Entertainment Showbiz - Female Celebrities
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

Ai Ai De Las Alas

ashley26ph2004ashley26ph2004 Sana Bukas May Kahapon Pa PEx Veteran ⭐⭐
AI AI LIKE NA LIKE NG MGA AYALA

Ai Ai gustung-gusto ng mga Ayala

Ni Allan Diones

Ilang beses nang nagkasama sa mga show sina Ai Ai de las Alas at Erik Santos kaya sanay na si Erik sa mga ‘panlalaswa’ ni Ai Ai.

Hindi na magugulat si Erik sakaling hipu-hipuan siya ni Ai Ai sa concert nilang The Prince of Pop and The Comedy Concert Queen sa Nobyembre 27 sa Araneta Coliseum.

"Wholesome po ang concert na ito dahil presentor namin ang GUESS?. Pero sa ending ng show, may part na headband lang ang suot ko. Headband na maong! Ha! Ha! Ha! Ha!" dayalog ni Ai Ai.

Bukod doon ay may gagawin din si Ai Ai na ‘striptease act with a twist.’

"O, di bah? Lagot!!" hirit pa niya.

Touched ang Comedy Concert Queen nang sabihin ni Mr. Victor Siasat (Chairman at CEO ng California Clothing Inc. na local licensee ng GUESS? U.S.A.) na kaya nila kinuha si Ai Ai para sa musical extravaganza nila this year ay dahil paborito ito ng mga corporate people.

Lalong pumalakpak ang tenga ng komedyana nang idagdag ni Mr. Siasat na maging ang mga Ayala ay gustung-gusto si Ai Ai.

Bukod sa sosi ang concert ay pwede ito sa mga bata, kaya balak imbitahan ni Ai Ai ang dati niyang kagalit na si Angeli Valenciano pati na ang mga anak nito na manood sa Big Dome.

In fairness ay totoo raw ang pagbabati nila at hindi kaplastikan lang. Si Angeli ang naunang lumapit kay Ai Ai para makipagbati sa birthday party ni Direk Wenn Deramas sa Dish.

Nu’ng umpisa ay panay ang iwasan nila sa party, pero bago natapos ang gabi ay nagkaayos din sila.

Comments

  • kian_miguelkian_miguel Banned by Admin PExer
    up! natin to!

    may concert to with Erik kaya manood na!


    kanina naka ghost costume siya hahahaha!!!

    malapit na ata MMK nya!!

    sabi pa ng kaibigan ko na nag studio tour sa ABS-CBN!!! take note!! siya yung madalas kong kadebateng kapuso dito sa DAVAO!!


    kung ano daw si ya chang sa TV! ganun rin sa personal!! hehehehe!!!

    SAKA take note!!! KAPAMILYA NA SIYA.. yung kaibigan ko yeheyyyyyyyyy!!!!!! na convert bigla hahaha!


    join::


    Number 1 yahoogroups dedicated sa isang Television Network!!!


    Ebidencya????? mag join ng makita!!


    http://tv.groups.yahoo.com/group/kapamilya_abscbn
  • ashley26ph2004ashley26ph2004 Sana Bukas May Kahapon Pa PEx Veteran ⭐⭐
    PURO DRAWING LANG ANG MGA BOYS NA NALI LINK KAY AI AI

    SUNTOK SA BUWAN Ni Emy Abuan-Bautista
    Pilipino STAR Ngayon 11/04/2004

    Puro Drawing Lang Ang Lalaking Nali-Link Kay Aiai!

    Maraming sikat na celebrities ang na-uugnay kay Aiai delas Alas pero, sinabi nitong drawing lang ang lahat.

    "Si Aries Dimaunahan ng PBA ay naging kaibigan ko. Nang magkita kami minsan ay biniro ko siyang ang gwapo niya at naging friends kami. Pinadalhan niya ako pagkatapos ng tiket sa kanyang games.

    "Sumunod na na-link sa akin si Eric Menk pero di ko pinangarap na ipag-grocery ko siya huh!

    "Talagang crush ko si Erwin Tulfo dahil talagang lalaking-lalaki ang dating niya sa akin pero hanggang dun lang dahil ayaw kong pumatol sa mga may asawa na gaya nila ni Aries.

    "Naugnay din ang pangalan ko kay Chairman Edu Manzano. Biniro din niya ako ng I’m the most beautiful lady at sinabi ko namang he’s the most handsome gentleman. Sabi pa nito na mahal niya ako pero di ko ito sineryoso."

    Sinabi ni Aiai na sa dami ng mga nali-link sa kanyang mga lalaki ay never siyang nagkaroon ng sex encounter sa kanila.
  • ashley26ph2004ashley26ph2004 Sana Bukas May Kahapon Pa PEx Veteran ⭐⭐
    Maagang nag-Santa Claus si Aiai

    SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio
    Pilipino STAR Ngayon 11/11/2004

    Hindi naman kataka-taka kung patuloy ang pagdating ng grasya kay Aiaia delas Alas. Marunong siyang mag-share ng kanyang blessings. Birthday niya pero, siya pa ang nagbigay ng maagang Pamasko sa press sa ikalawang presscon ng konsyertong The Prince of Pop and The Comedy Concert Queen, Two Solos, One Concert, na magaganap sa Nobyembre 27, 8:00 NG kasama si Erik Santos. Isa itong back-to-back concert nila ng Star In A Milllion champ na ang sasaliw sa kanila ay ang 75-member ng Manila Philharmonic Orchestra under the baton of Prof. Rodel Colmenar. Kasama rin ang The Company, The Three Young Sopranos (Lesley Montegro, Blanca Lopez at Kim Flores), Whiplash at si Sandara Park.

    Pagkatapos na pagkatapos ng tanungan portion ay agad nag-pa-raffle si Aiai ng cash money (10 P1,000 , 10 P2,000, 10 P3,000,5 P5,000 at isang P20,000). Bukod dito, meron pa siyang mga gift baskets sa lahat pwera pa sa loot bag ng GUESS na siyang producer ng kanyang concert.

    Taun-taon nang ginagawa ito ni Aiai sa kanyang mga kaibigan (at maski na mga kalaban) sa media. Katwiran niya walang masamang tinapay sa kanya kaya lahat ay welcome.

    Sa panahon na ito ng taghirap, magtataka pa ba kayo kung bakit well-loved ang komedyante sa media?
  • witzdabitzwitzdabitz Member PExer
    Hi well I like Ai-Ai ever since pa lang.. sobrang galing kasi nya and of course mabait sya... :)

    Hi sa inyong mga ngamamahal din kay Ai ai..
  • witzdabitzwitzdabitz Member PExer
    1025407742.jpg

    30243045.jpg

    57772190.jpg

    events2.jpg

    109757446.jpg

    :D:D:D :rolleyes:
  • ashley26ph2004ashley26ph2004 Sana Bukas May Kahapon Pa PEx Veteran ⭐⭐
    hi to all :wave:
  • witzdabitzwitzdabitz Member PExer
    up ko lng... eheheh.. :)
  • ashley26ph2004ashley26ph2004 Sana Bukas May Kahapon Pa PEx Veteran ⭐⭐
    hello to all :wave:
  • ashley26ph2004ashley26ph2004 Sana Bukas May Kahapon Pa PEx Veteran ⭐⭐
    hi witzdabitz :wave:
  • ashley26ph2004ashley26ph2004 Sana Bukas May Kahapon Pa PEx Veteran ⭐⭐
    hi to all :wave:
  • ashley26ph2004ashley26ph2004 Sana Bukas May Kahapon Pa PEx Veteran ⭐⭐
    JOIN NA KAPAMILYA NA PEXERS PA

    ABS-CBN Kapamilya PEXers
    KAPAMILYA PEXers roll call!
    Para naman magkaalaman na kung sino talaga yung mga magkaka-pamilya dito sa PEXers.

    Speak up Global ABS-CBN Kapamilya PEXers Unite

    Kapamilya na PEXers pa

    Join na

    Present!

    Private Message Me for the link





    Join NOTE: SET YOUR ACCOUNT TO "DAILY DIGEST/SPECIAL NOTICE" UPON REGISTRATION IF YOU DONT WANT TO RECEIVE 15-100 MESSAGES EVERYDAY

    LINK:

    Private Message Me for the link

    Ang Yahoo Group sa Philippines dedicated para sa 1 TV Network/Fans at PEXers

    why??

    1. Active members, 15-50 messages average, 50-100 maximum daily
    2. Active SMS Messaging, Yahoo Messenger,
    3. Cool members, chat session, Group Eye ball!
    4. News Articles 4-8 AM average and everything under the Sun!/Showbiz, politics etc./
    5. Episode Summaries og your Some ABS-CBN TV Shows
    5. Friendster and My Space account /almost all members/
    6. Members from ABS-CBN /Mayroon na at dadami pa/
    7. Almost all active members are active PEXers
    8. An Egroup Name after Kapamilya PEXers
    9. Pinoyexchange nasa Yahoo Group na

    Soon

    10. You can download Videos, Music Videos etc..
    11. Pictures, Midi..
    12. and many more for you to find out

    join now!!

    Private Message Me for the link

    Saan kayo Nakakita na Kasama kayo sa Egroup?
    Hindi Sila, Kayo, Tayo, Tayong Lahat na Kapamilya na PEXers pa
  • ashley26ph2004ashley26ph2004 Sana Bukas May Kahapon Pa PEx Veteran ⭐⭐
    hi to all :wave:
  • ashley26ph2004ashley26ph2004 Sana Bukas May Kahapon Pa PEx Veteran ⭐⭐
    Ano Latest?
  • ashley26ph2004ashley26ph2004 Sana Bukas May Kahapon Pa PEx Veteran ⭐⭐
    :flower:

    Guys, watch kayo ng Magandang Umaga Bayan now. Eric John told me na ipapabati

    niya mga Kapamilya PExers sa show, just like kanina, 'yung mga Kapamilya Yahoo

    Group members, binati ni Tintin Bersola on air.



    Join NOTE: SET YOUR ACCOUNT TO "DAILY DIGEST/SPECIAL NOTICE" UPON REGISTRATION

    IF YOU DONT WANT TO RECEIVE 15-100 MESSAGES EVERYDAY

    LINK:

    Private Message Me for the link

    Ang Yahoo Group sa Philippines dedicated para sa 1 TV Network/Fans at PEXers

    why??

    1. Active members, 15-50 messages average, 50-100 maximum daily
    2. Active SMS Messaging, Yahoo Messenger,
    3. Cool members, chat session, Group Eye ball!
    4. News Articles and everything under the Sun!/Showbiz, politics etc./
    5. Episode Summaries of your Some ABS-CBN TV Shows
    5. Friendster and My Space account /almost all members/
    6. Members from ABS-CBN /Mayroon na at dadami pa/
    7. Almost all active members are active PEXers
    8. An Egroup Name after Kapamilya PEXers
    9. Pinoyexchange nasa Yahoo Group na
    10. and many more for you to find out

    join now!!

    Private Message Me for the link

    Saan kayo Nakakita na Kasama kayo sa Egroup?
    Hindi Sila, Kayo, Tayo, Tayong Lahat na Kapamilya na PEXers pa


    paki pass naman sa mga kapamilya pexers if your not busy
    para dumami tayo
    paki private message iba pang kapamilya pexers
    kaya private message para walang manggulo

    :flower:
  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐
    AiAi naglabas ng hinanakit sa ABS-CBN
    BABY TALK Ni Salve V. Asis
    Ang Pilipino STAR Ngayon 07/30/2005

    Hindi na napigilan ni Ai Ai delas Alas ang sama ng loob sa kanyang Kapamilya Network the other night nang mag-host together with Allan K. sa elimination round Trip to Fame, The Chosen Ones ng Zirkoh and Klownz comedy bar.

    As in nag-emote siya sa audience na: "P_ _k_in_ channel ‘yan parang hindi alam kung sinong magaling. Ang laki nang inakyat kong pera dyan pero ngayon isa na lang show ko, hindi pa ako ang bida (she’s referring to My Juan and Only). Buti na lang at may naipon ako kahit paano. Meron pa akong ipapakain sa mga anak ko. Lilipat na lang nga ako sa Eat Bulaga," nagbibiro pero ramdam namin ang sakit sa loob ng comedy concert queen.

    "Pu–– i– na Rosanna Roces kasi yan inaway ako, sana nasa Channel 7 pa rin ako ngayon," sabi pa ng komedyana na alam mo talagang masama ang loob sa ABS-CBN.

    Maya-maya ay babaling sa audience at tatanungin: "Hindi na ba ako sikat?" Sisigaw naman ang audience ng: "Oo naman. Sikat ka pa." Sasagot si Ai Ai: "Puwede ba kayong mag-rally sa harap ng ABS-CBN? Isigaw n’yong bigyan ako ng show," pabirong pakiusap ni Ai Ai.

    "Si Angelica Jones na lang ba ang katapat ko?"

    Lumabas din ang sama ng loob ni Ai Ai na hindi man lang siya nakasama sa US Kapamilya Caravan. Lalong nakapagpasama ng loob niya nang minsang magkita sila ni Mark Herras sa Bambbi Fuentes Salon. Tanong daw sa kanya ni Mark: "Kailan po kayo aalis?" Sagot daw niya: "Hindi ako kasama sa US Caravan di ba?"

    May mga joke din siya na buti pa sa Eat Bulaga meron silang mga libreng trip abroad samantalang sila no’ng panahon ng Masayang Tanghali Bayan, hanggang Pansol (in Laguna) lang ang narating nila.

    At kung may mga foreign guests ang Eat Bulaga, meron din naman daw sila sa MTB noon, may mga nabanggit siyang pangalan na nalimutan ko na dahil hindi ko rin naman talaga kilala at sabay halakhak ng comedy concert queen.

    Sa kanila raw pati ang giveaway, like plantsa ang hawakan ang umiinit.

    Hagalpakan ang audience sa Zirkoh in Timog owned by Allan K. pero alam mong ang mga sinasabi ni Ai Ai ay totoong sama ng loob niya na hindi niya siguro mailabas-labas.

    Nang tanungin siya ng co-hosts niyang sina Allan K and Phillip Lazaro kung ano ang masasabi niya sa katapat na show ngayon ng Eat Bulaga: "Mismatched. Pero malakas ang kapit ng host (name ng host ng game show)."

    "Pag ipinatawag na ako sa itaas ngayon alam na siguro ninyo kung bakit?" sabi pa niya.

    Kung sabagay may karapatan talagang sumama ang loob ni Ai Ai sa nangyayari sa career niya. Obvious na pinababayaan siya. Imagine nga naman kung sinu-sinong young stars na bulul-bulol kung mag-host ang kasama sa Kapamilya US Caravan pero siya, hindi man lang na-consider na isama.

    Ano nga bang plano ng Dos sa kanya samantalang, hindi pa natatagalan nang i-renew niya ang contract sa Star Network?
  • ashley26ph2004ashley26ph2004 Sana Bukas May Kahapon Pa PEx Veteran ⭐⭐
    hi kyupayb :wave:

    Join ka naman?

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file