PEx Alert: Welcome to the new PinoyExchange. For access issues, bug reports and technical concerns, please email us at pex-info@pinoyexchange.com. Thank you!

Pia Romero

ashley26ph2004ashley26ph2004 Sana Bukas May Kahapon Pa PExer
PIA ROMERO TINANGGIHAN 2 M NA TV AD SA THAILAND

FROM ABANTE ONLINE
JUN NARDO

Hal-Pinay, half-German naman itong si Pia Romero na mula rin sa stable ng Channel 2 artists. Fifteen years old pa lang last Sept. 24 si Pia pero ang tangkad-tangkad na niya (‘5 "6), kaya pam-beauty queen ang drama niya.

"Open din ako sa pagsali sa beauty contests. But as of now, showbiz muna ako," pahayag ni Pia.

Napansin si Pia nang lumabas siyang lady bodyguard ni John Lloyd Cruz sa It Might Be You. Ngayong bakasyom muna siya sa series, napapanood siya sa noontime show ng Dos na MTB Ang Saya Saya bilang isa sa MTB Fresh Girls.

Sa totoo lang, walang masyadong credentials sa showbiz si Pia and yet, masuwerte siyang nakapasok sa network nu’ng mag-audition siya. Pero nu’ng 13 years old pa lang siya, inoperan siyang maging modelo ng shampoo na sa Thailand kukunan. Two million pesos ang ibabayad sa kanya pero tinanggihan niya ito.

"Kasi, ako lang daw ang pupunta roon at maski mother ko, hindi puwedeng sumama. I was minor then, kaya natakot ako kaya hindi namin tinanggap ng mother ko!" kuwento ni Pia.

Eh, ngayong nasa poder na siya ng Dos, who knows na baka higit pa sa P2M ang kitain niya once mag-boom ang career niya, di ba?
«134567131

Comments

«134567131

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file