Home PEx Local Entertainment Showbiz - Male Celebrities

GAMCRIS HILALI aka Kristian GOMEZ .. may k for STarstruck

i saw dis guy when i was in GMA ... cya lang ang pinakacute and handsome that day na nag audition sa starstruck GMA 7 sana pumasok siya

Comments

  • reyereye PEx Rookie ⭐
    wla bang picture na ilalagay u... kasi wala kami maisip kng ano itchura niya.
  • Starstruck vs Star Circle Quest

    (ALLAN DIONES)

    May nakapagtsika sa amin na napili na ang 15 teen questors na bubuo sa semi-finalists ng Star Circle National Teen Quest.

    Mula sa mahigit 30,000 kabataan na dumagsa sa ABS-CBN para mag-audition ay tinrim down ito sa 180, pagkatapos ay naging 80, naging 32, hanggang sa naging 25, at ngayon ay 15 na lang.

    Kung hindi na magbabago at hindi na sila mapapalitan ay magte-taping na ang 15 bagets na binigyan na ng kanya-kanyang ‘audition mission’ ng Quest Jurors.

    Idadagdag sa 15 ang 10 teen questors na magmumula sa iba’t ibang key cities sa Pilipinas, kabilang na roon ang dalawang questors na galing ng Amerika.

    Paalis sina Tito Boy Abunda pa-Amerika para piliin doon ang mga bagets na dadalhin dito para lumaban sa nasabing talent search ng Dos.

    Tapatan na ang magiging labanan ng 2nd season ng SCQ at ng StarStruck ng GMA. Parehong Oktubre ang simula ng Star Circle National Teen Quest at StarStruck 2.


    Dumagsa rin ang nag-audition para sa ikalawang bugso ng reality-based artista search ng Siyete, pero gaano katotoo na hindi ganu’n ka-promising ang bagong batch ng mga nag-audition?

    Tila kakaunti raw ang may star potential sa sandamakmak na bagets na nag-audition.

    60 teens ang unang pipiliin ng StarStruck na iti-trim down sa 30, hanggang sa mapili ang 14 finalists.

    Ang dinig namin ay mas maraming guwapo’t magaganda na nag-audition sa SCQ.

    Doon pa lang daw sa 80 ay ang dami nang mukhang artista, lalo na nu’ng magkatanggalan na at marami nang ma-eliminate hanggang sa 15 na lang ang matira. Nakapanghihinayang daw ang mga ito at magtataka ka kung bakit hindi sila napili, kaya malamang marami sa kanila ay papirmahin na rin ng kontrata ng Talent Center.

    Kapansin-pansin na maraming mga sosi at galing sa mga pagmayamang eskuwelahan ang nagsipag-audition ngayon sa SCQ na lahat ay gustong mag-showbiz.

    Mataray ang iba sa kanila at kahit pa hindi nakapasa sa SCQ audition ay ayaw magsipag-audition sa StarStruck 2 dahil sa Dos daw nila gustong maging artista.
  • bump bump bump bump bump bump
Sign In or Register to comment.