Home PEx Local Entertainment Showbiz - TV

GMA 7's New Teleserye: FOREVER IN MY HEART

keyellekeyelle PEx Influencer ⭐⭐⭐
Romansa nina Regine, Goma, magsisimula na

Mouthful
Ni Mell T. Navarro
Taliba
TULOY na tuloy na ang pagsasamahang bagong soap opera nina Richard Gomez at Regine Velasquez sa GMA 7 na pinamagatang Tears of Heaven. In fact, kahapon ay nakipag-final meeting na ang ma-nager ni Richard na si Douglas Quijano sa GMA big boss na si Ms Wilma Galvante, at isa ito sa kanilang naging agenda.

Makakasama nina Goma at Regine sa Tears of Heaven si Ariel Rivera, na tulad ni Goma ay nag-ober da bakod mula sa Dos pa-puntang Siyete. Nagtapos na ang dating soap ni Ariel dito, at heto nga ang kapalit.

Excited si Richard sa muli nilang pagsasama ni Regine. First time silang naging magkapareha sa pelikula, sa Ikaw Lamang Hanggang Ngayon a couple of years back, at ngayon nga'y sa isang soap opera naman sa kanilang home studio. Ikatlong show na ito bale ng premyadong aktor sa kapuso network, the other
Regine Velasquez

two being S Files and Lagot Ka, Isusumbong Kita.

Magpi-first taping day na sina Goma, Regine, at Ariel ng Tears of Heaven sa July 5 at nakatakda itong ipalabas sa GMA sa buwan ng Setyembre o Oktubre. It only goes to show na "loyalista" pa rin ang Asia's Songbird sa Siyete at walang katotohanan ang "siyete" na lilipat na siya sa ABS-CBN.
«134567316

Comments

This discussion has been closed.