Home PEx Local Entertainment Showbiz - General
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

gusto nyo ba sumali sa mga star teen search??

dj_sensuidj_sensui PEx Veteran ⭐⭐
tips kung gusto nyo sumali sa mga teen star contest..

uso ngayon at kinababaliwan ng mga kabataan ngayon ang mga teen "talent" search sa tv gaya ng starstruck at staR circle quest. gumawa ako ng mga tips kung nagbabakasakali kayong sumali at maging sikat na artista.

1. pilitin mag mukhang instik or korean- dahil nga ang mga uumabot sa finals ng mgs shows nito ay mga asian looking, gumawa kayo ng paraan para mag mukha kayong asian.
pumili ng f4 member na kahugis ng mukha nyo at pumunta sa pinakamalapit na parlor at gayahin ang gupit.kung walang kayong kamukha sa apat pwede ding maghanap sa grupo ng 5566 o kaya'y sa mga character ng endless love. palagyan ninyo na rin ng eyeliner pencil ang mata para magmukha kayong singkit kahit na luwa ang iyong mata.
iwasan ang pag gaya sa mga looks ng local telenovela baka maging kamukha kayo ni dugong.

2. magkunwaring slang- bilib kasi ang mga pinoy sa mga taong galing ibang bansa at hirap managalog, para sa kanila ay COOL iyon.
Ulit-ulitin ang katagang ito "MEHAL KOW KAYOW", praktisin na rin magslang sa bahay at kausapin ng slang ang mga kasamahan sa bahay kahit magmukha kayong ****.

3. huwag magpakitA ng talent- kahit na ito ay isang talent search, maari ding matanggal sa bandang huli sa pagpapakita ninyo ng talent sa pagkanta, pagsayaw o pag-arte. Bakit? dahil maari mayabangan sa iyo yung mga manonood at maging threat kayo sa ibang contestants. mahirap ng mapagka-isahan. kayo rin.

4. mag-ipon ng pang txt. Yup malaking puntos sa tagumpay sa isang teen search ang txt votes. maglaan ng P500 call card araw-araw at iboto ang sarili. wag tigilan hanggat di lumalabas ang check operator services.
Kung sakaling gipitin makitxt sa kaibigan or magpa pasaload kahit P2 sa bawat tao na nsa phone book mo. aba, malaking tulong na rin yan.

5. bumuo ng fans club- sa dami ng mga taong walang trabaho ngayon, maari kayo kumuha ng "pala" sa tuwing may live show. magpagawa ng banner para magmukhang marami kang fans. bahala kana kung magkano ang ibabayad mo sa bawat isa.

6. purihin ang sarili- gumawa ng fan group sa internet at mag post sa mga forums at msg group sa internet, makunwari na ikaw ay ibang tao at isang big fan mo. subukang inpluwensyahan ang mga members nito.


sana makatulong ako at balatuhan ninyo ako kung sakaling manalo kayo gamit ang tips ko.

Comments

  • 2. magkunwaring slang- bilib kasi ang mga pinoy sa mga taong galing ibang bansa at hirap managalog, para sa kanila ay COOL iyon.
    Ulit-ulitin ang katagang ito "MEHAL KOW KAYOW", praktisin na rin magslang sa bahay at kausapin ng slang ang mga kasamahan sa bahay kahit magmukha kayong ****.

    :lol:
  • ccbabyccbaby PEx Veteran ⭐⭐
    dagdag ko lang...

    gumawa ng madramang kwento tungkol sa pamilya para kaawaan ka...na kesyo la kayong kilala ng pamilya mo sa pinas pero nag migrate kayo dito dahil naghihirap na ang family..or pwede rin na biktima ng pyramid scam... galing sa broken family... wag kakalimutan umiyak sa harap ng kamera habang kinukwento ito...mag practice mag mukhang nakaka awa...

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file