FEATURE ADJUSTMENT: The Flag button is temporarily unavailable for members. We are doing certain system adjustments as of the moment to prevent some users from abusing this feature. For reports, please message the moderators or email us at [email protected]
PEx Alert: Welcome to the new PinoyExchange. For access issues, bug reports and technical concerns, please email us at [email protected] Thank you!

Speak Up! Global ABS-CBN Kapamilya PExers Unite!

15475485505525538772

Comments

  • orlinoorlino Hitler! PExer
    Excited si John Pratts dahil for the first time, meron na siyang soap, ang bagong It Might Be You ng ABS-CBN na nagsisimula sa December 8. Next week na iyan.

    Dati-rati, once a week lang ang taping niya para sa G-mik at Berks. Ngayon, siya ay si Giancarlo, ang loyal friend nina Lawrence (John Lloyd Cruz) at Cielo (Bea Alonzo).

    Magkasama silang tatlo sa pelikulang My First Romance na isang hit two months ago. Kaya marami ang nagtatanong kung bakit wala si Heart Evangelista rito.

    Hindi alam ni John kung paano sagutin ang mga katanungan. Baka ipapahinga muna ang love team nila. O baka may ibang raket si Heart.

    Kahit tatlong araw (Martes, Biyernes, Sabado) ang taping nila at sa Pampanga at Bulacan pa yata, tuloy pa rin ang pag-aaral ni John.

    Second year business management student sa THAMES si John at three days a week ang klase niya — Monday, Wednesday, Friday. Nagte-taping lang daw siya kung libre na siya sa school.

    Sabi ni John, nahirapan siya sa taping ng pilot episode ng It Might Be You. Dahil pilot, pinaganda raw talaga. More than four days ang taping nito.

    Anyway, he is looking forward daw sa kanilang Christmas vacation in the US ng buong pamilya, pati na si Camille. Aalis sila sa December 21 at mag-i-stay sila sa Los Angeles sa tita nila.



    Speaking of THAMES, tila pag-aaral ang top priority ngayon ni Joyce Jimenez na nag-limit muna sa TV commitments niya.

    Nagpahinga rin siya sa paggawa ng pelikula. Full-time management student siya.

    Ito ang hindi kaya ni Marvin Agustin with his schedules sa telebisyon, ang soap niyang Sana’y Wala Nang Wakas at Whattamen. Kaya huminto muna siya sa pag-aaral.

    Bilang compromise, kumuha na lang siya sa seminar sa Asian Institute of Management na tumagal nang 15 days. Management of the Arts ang tawag ng seminar na iyon at kasabay niya noon sina Nestor Torre at Laurice Guillan.



    Palabas na ang pelikulang Star Runner sa mga sinehan dito sa atin at isang Korean movie ito na naglunsad kay Vanness Wu ng F4 bilang isang romantic action star.

    Isang boxer ang papel ni Vanness sa pelikula at kapareha niya ang pinaka-popular na young star sa Korea, si Kim Hyun Jo. Ang setting nito ay sa isang Seoul university at school campus.

    Ayon kay Vanness, malaki ang kaibahan ng papel niya bilang boxer sa kanyang pagiging recording star.

    "I traveled from Taiwan and Hong Kong just to perfect my boxing moves in this film," sabi niya.

    Ginawa ito noong May 2003 at kasalukuyan palabas din ito sa mga sinehan sa Hong Kong at Korea.

    Ano kaya, pinanood kaya ito ng F4 fans?
  • orlinoorlino Hitler! PExer
    Nasa radyo na naman ako !
    RATED A Ni Aster Amoyo
    Pilipino STAR Ngayon 12/05/2003


    Tatlong taon na rin kaming wala sa radio pagkatapos ng aming four-year stint sa DWIZ sa pamamagitan ng aming showbiz-oriented program, ang Inside Showbiz with Aster.

    Last week, isang surprise call ang aming tinanggap kay May Ceniza ng DZMM at inimbitahan kaming mag-pinch hit sa veteran broadcaster na si Kuya Cesar (Nocum) dahil dalawang linggo itong magbabakasyon sa kanyang mga anak sa Amerika.

    At first, hesistant akong tanggapin ito dahil hindi ko alam ang format ng programa ni Kuya Cesar. Kaunting paliwanagan lamang ang nangyari sa amin ni May at sinabi pa nito na magkakasama kami ng ating matagal nang kaibigang si Joey Galvez (na isa ring beteranong broadcaster), hindi na ako nagdalawang salita.

    Originally, sinabi sa akin ni May from 11:00 p.m. to 1:00 a.m. pero hanggang alas-2 pala aabutin ang program ani Kuya Cesar.

    Gising pa kaya ako sa mga oras na yon to think na hindi ako sanay magpuyat? Katunayan, papunta pa lamang ako ng DZMM ay inaantok na ako, pero nang sumalang na kami ni Joey, nawala na ang aming antok lalo na nang sunud-sunod na ang tawag at text ng mga listeners. Nakakatuwa. Although iba ang format ng programa ni Kuya Cesar, hinaluan namin ito ng talakayang showbiz. Ang mga nakakatuwa pa ay yung mga tawag na nagmumula sa ibang bansa, particularly sa Amerika. Hanggang doon pala ay abot ang DZMM dahil sa TFC o The Filipino Channel.

    Sa darating na Sabado, ang inyong lingkod muli ang magpi-pinch hit kay Kuya Cesar pero minus Joey Galvez this time dahil meron siyang ibang commitments. Pero sa tulong ng mga listeners, natitiyak namin na ang tatlong oras ay sobrang napakaiksi tulad ng nangyari sa amin ni Joey nung nakaraang Sabado. I was really privileged to work with Joey na matagal-tagal na ring panahong kaibigan natin tulad ni Kuya Cesar.

    Kina Peter Musngi at May Ceniza, maraming salamat sa pagkakataon na ibinigay ninyo sa akin. Maraming salamat din kina Arnold at Zaldy, ang mahuhusay na production staff ng DZMM na siyang matiyagang umalalay sa amin. * * *
    Alam ba ninyo naka-11 program na si Rica Peralejo magmula nang pumasok siya sa showbiz nung 12 taong gulang pa lamang siya?

    Dose-anyos pa lamang si Rica nang siya’y mapasama sa Ang TV na kung saan siya nanatili sa loob ng apat na taon. Bukod dito, napasama rin siya sa iba’t ibang TV programs tulad ng Palibhasa Lalaki, TGIS, Growing UP, H2K, G-Mik, Okat Tokat na tumagal ng limang taon, Home Along Da Riles, at ang soap opera na Kay Tagal Kang Hinintay at ang dalawa niyang regular TV shows ngayon, ang ASAP at ang weekly sitcom na OK Fine.

    Kasalukuyang nasa concert tour sa Amerika si Rica na magdadala sa kanya sa 10 lugar sa Amerika at kasama na rito ang Texas, Virginia, Los Angeles, Las Vegas, San Franciso, Washington, Reno at iba pa.

    Sa pagbabalik ni Rica sa Pilipinas sa darating na Disyembre 14 ay sasabak siya agad sa promosyon ng Malikmata kung saan siya mismo ang nasa lead role kasama sina Dingdong Dantes, Marvin Agustin, Ana Capri, Ricky Davao, Wowie de Guzman, Nikki Valdez, Shintaro Valdez at Ms. Barbara Perez.
  • p0tipiep0tipie Kapamilya PExer
    whoa! ang saya naman, mapapanood ko na ung Happy 50 TV concert!!! :bounce2:
  • orlinoorlino Hitler! PExer
    ako rin mapapanood ko na rin ito.. :D:D
  • p0tipiep0tipie Kapamilya PExer
    Kuya Orli, nde ka pala nanood ng concert :p

    Musta na si naidz... ala din ba sha kahapon?
  • benj20_phbenj20_ph Kapamilya For Life! PExer
    :wave:

    hello kapamilyaz

    ganda ng mga articles natin ha :up:

    :flyer:
  • tin28tin28 Member ✭✭✭
    hello kapamilyas :wave:
  • orlinoorlino Hitler! PExer
    benj20_ph :wave: gandang umaga po :wave:
  • orlinoorlino Hitler! PExer
    MAALAALA TAOB SA MAGPAKAILANMAN


    NILAMPASO ng Magpakailanman sa rating ang Maalaala Mo Kaya last Thursday. Magpakailanman got 28% sa episode na Laban O Bawi at 20% naman ang nakuha ng Maalaala ng Star Network.

    Tumitindi ang laban ng dalawang magandang programa! Pero unti-unti nang nakakaungos ang programa ni Mel Tiangco. Lumalaki na ang viewership nito.

    Hindi naman kasi nakapagtataka dahil talagang inilalahad nila ang tunay na kuwento. ‘Ika nga, walang labis, walang kulang. Ngayong gabi ay matutunghayan ang kuwento ng Rizal bombing incident (December 30, 2000) na kumitil sa maraming buhay sa LRT Blumentritt.

    Ipe-feature sa unang bahagi ang tungkol sa batang naputulan ng paa (played by Symon Paul Mano) at side by side ng kuwento ng mag-asawang Paul at Belle Umali (played by Joel Torre and Amy Austria, respectively).

    Other cast members include Jacklyn Jose, Dan Fernadez, Emil Sandoval and Gilette Sandico. Mula sa panulat ni Elmer Gatchalian at direksyon naman ni Argel Joseph.

    * * *

    SINO kaya kina Jolina Magdangal at Eula Valdez ang mag-uuwi ng karangalan bilang Best Drama Performance by an Actress sa 2003 Asian Television Awards?

    Gaganapin ang awards night on December 4 at the University Cultural Centre, National University of Singapore. Jolens is nominated for her sterling performance as Wayda Cosme in Abot-Kamay Na Pangarap, isang episode ng Magpakailanman, hosted by Mel Tiangco. Nominado naman si Eula para sa The Helmet ng Maalaala Mo Kaya ni Charo Santos-Concio. The two Philippine actresses are pitted against two Singaporean actresses, Vernetta Lopez for Ceciliation ng Mediacorp TV Channel 5 at Huang Biren para sa A Child’s Hope ng Mediacorp TV Channel 5 at Gu Jung Gao for Princess In Wonder ng Public Television Service ng Taiwan.

    Tatlong aktor naman ang nominado sa kategoryang Best Drama Performance by an Actor. Nominado sina Roderick Paulate para sa The Horn at Robin Padilla para sa Respirator na pawang episode ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN at Julio Diaz for The Wayda Cosme Story: Abot-Kamay Na Pangarap ng Magpakailanman ng GMA.

    Makakalaban ng tatlo sina Tou Chung Hua para sa Crystal Boys ng Public Television Service ng Taiwan at Edmund Chen for First Touch ng Mediacorp TV, Channel 5/Singapore.

    Maliban sa dalawang nominasyon ng GMA sa acting category, nominado pa rin ang Kapuso sa pitong kategorya. Nagkamit din ng lima pang nominasyon ang ABS-CBN sa 2003 Asian TV Awards.

    Sinuman sa kanila ang mag-uwi ng Asian TV awards trophy ay tiyak na magiging karangalan ng buong Pilipinas. Good luck sa inyong lahat!

    SOURCE: http://www.taliba.com.ph/index.asp?c=2
  • p0tipiep0tipie Kapamilya PExer
    :wave: benjo & tin

    yep, dami nga good news eh *okay*
  • orlinoorlino Hitler! PExer
    tin28 :wave: gandang umaga po...
  • p0tipiep0tipie Kapamilya PExer
    nyikes, anong Epi ng MMK & MKM yan?

    taob ha... :rolleyes:
  • benj20_phbenj20_ph Kapamilya For Life! PExer
    hello din po sa inyo :wave:

    i think magpakilanman will beat mmk tonight...dito sa amin pinag-uusapan na yung rizal day bombing mamaya...

    :flyer:
  • kaeannahkaeannah Member PExer
    yung pawikan yata yan eh..

    kay kaye and echo..

    alam ko yun yung kasabay nyan.
  • p0tipiep0tipie Kapamilya PExer
    :wave: benjo, asan ka ba?

    ganun ba? nde kase ako nakanood kagabi eh..
  • benj20_phbenj20_ph Kapamilya For Life! PExer
    MMK will still win the year-end rating---iba na ang original at may kalidad =)

    magaling mang-spoil ang GMA...remeber nung pinlabas nila ang the ringu against ABS CBN 50 year celebration special...hayun pinanood ng mga kasamahan ko ang the ringu...

    ano kaya itatapat nila for happy 50 tv concert this sunday?
  • benj20_phbenj20_ph Kapamilya For Life! PExer
    ay mali ang construction ng sentence ko...akala ko thursday pa lang at nagtaka rin ako dahil mukhang alam na nila ang nangyari sa istorya :glee:

    MKM ruled last night...sa tingin ko lang naman kasi yung mga kapit bahay yung rizal day bombing ang pinag-uusapan nung bumili ako ng champorado kina aling bebang...wait na lang natin ang release ng rating..sana im wrong ;)
  • orlinoorlino Hitler! PExer
    kaeannah >> yup ung pawikan yan.. pero hindi ako naniniwala sa report na yan.. hehehe.. halatang PRO GMA yung nagsulat nyan :D:D:D
  • tin28tin28 Member ✭✭✭
    ano?mmk and mkm???teka di ba thursday morning palang diyan?
  • lockjawlockjaw Busilak. ✭✭
    hello peeps
This discussion has been closed.