Paul Andre Salas
Paul
Name: PAUL ANDRE SALAS
Talent/s: singing, dancing
When five-year-old Paul Salas saw the Starstruck Kids TV plug, he excitedly told his parents that he wanted to join. And when they told him that they would need to think it over very carefully because it would be a major decision for them to come to Manila all the way from Iloilo for the auditions, he cried. Now that he is part of the so-called 14K of Starstruck Kids, his mother still cannot believe that her son is following his fathers footsteps and was a former Universal Motion Dancer.
Paul is innately a performer. Although he is often one to entertain adults in their family gatherings, his parents never really thought that he would want to pursue show business someday. And with Starstruck Kids as his first showbiz stint, it seems that Paul would once again give recognition to the Salas name the way it had become a household byword not so many years ago.



Comments
-
Grabe tong batang to! Super Co?o ! Hehe... Kaso sa pagiging super co?o eh nachugi sa hosting week.. pero super galang naman kc mahilig mag-"po" at "opo"... o di ba? talagang ang bait!
(",)0 -
super cute na bata ito! kaapelyido ko pa! angkan talaga ng mga good looking ang mga salas0
-
Kara Mia star Paul Salas featured on Spotted Mag Ph
Paul Salas
Paul Andre Solinap Salas popularly known as Paul Salas is now 20 years old. He is the eldest son of Michelle Solinap and the 1980's Universal Motion Dancer Jim Salas. He started his career through GMA Network's Talent Search Starstruck Kids.
Kasabayan ni Paul Salas sina Miguel Tanfelix, Sandy Talag at Bea Binene sa Starstruck Kids noon. After almost 9 years of transferring and staying in Abs-Cbn, Paul Salas, returned to GMA Network and signed a contract with GMA Network on May 17, 2018.
Kasalukuyang napapanood si Paul Salas sa KARA MIA bilang Chino sa GMA Telebabad.
0 -
By Dianne MarianoPublished On: December 23, 2021, 11:12 AMPipiliin ba nina Kapuso stars Paul Salas at Manolo Pedrosa na sagutin ang pinaka-kontrobersyal na mga tanong o kakainin ang exotic food items? Abangan 'yan sa 'TBATS' sa darating na Linggo (December 26)!
Isang post-Christmas celebration ang hatid ng inyong favorite late night habit dahil siguradong punong-puno ng kasiyahan ang fresh episode ng The Boobay and Tekla Show sa darating na Linggo (December 26).
Ngayong Linggo, isang belated exotic Noche Buena treat ang inihanda para kina Kapuso actors Paul Salas at Manolo Pedrosa.
Sasabak ang dalawang Kapuso hunks, kasama sina Boobay, Tekla, at Mema Squad na binubuo nina Pepita Curtis, Ian Red, Buboy Villar, at Divine Aucina, sa segment na “Sasagutin o Kakainin.”
Walang makakaligtas ngayong Pasko dahil lahat sila ay kailangang sagutin ang pinaka-kontrobersyal at nakakaintriga na mga tanong. Kung hindi, kakailanganin nilang harapin at tikman ang kakaibang food items.
Magkano ba ang pera ni Boobay sa banko? Nakipag-reconcile na nga ba si Tekla sa kanyang partner?
Mabibigay kaya ni Paul ang pangalan ng worst actor sa kanyang Descendants of the Sun Ph co-stars? Sinong showbiz personality ang madalas na nagla-like sa mga Instagram post ni Manolo?
Ilan lamang 'yan sa dapat n'yong abangan sa darating na Linggo!
Bukod dito, muling nagbabalik ang nakatutuwang KMJS parody na mayroong kuwento tungkol sa isang babae na pinakasalan ang sarili. At ngayon, siya raw ay nagdadalang-tao! Iimbestigahan 'yan ng Team TBATS kaya 'wag n'yo itong palampasin.
Non-stop talaga ang kulitan, tawanan, at kuwentuhan ngayong Pasko! Abangan ang bagong episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, 10:30 p.m. pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
0 -
-
By Dianne MarianoPublished On: December 31, 2021, 10:51 AMAlamin ang nakaiintriga at kontroberysal na mga tanong para kina Kapuso hunks Paul Salas at Manolo Pedrosa RITO.
Punong-puno ng saya at tawanan ang handog ng The Boobay and Tekla Show noong nakaraang Linggo, December 26, kasama ang guest Kapuso hunks na sina Paul Salas at Manolo Pedrosa.
Sumalang ang dalawang aktor, kasama sina Boobay, Tekla, at Mema Squad na sina Pepita Curtis, Ian Red, Buboy Villar, at Divine Aucina, sa comedy segment na “Sasagutin o Kakainin.”
Hindi lamang sina Paul at Manolo ang humarap sa mga pinakakontrobersyal at maiinit na tanong, kung hindi maging ang buong Team TBATS din.
Ang nakakaintrigang tanong na binigay kay Paul ay kung sino sa kanyang Descendants of the Sun co-stars na sina Lucho Ayala, Prince Clemente, o Jon Lucas ang kulang pa pagdating sa pag-arte.
Link:“Para sa brothers ko, kakainin ko 'to,” sagot ni Paul bago niya kinain ang exotic food item na nilagang dagang bukid.
Tinanong naman si Manolo kung sinong beki sa showbiz ang madalas na mag-like sa kanyang Instagram posts. Ito raw ay ang kanyang manager na si Jun Reyes.
Ngunit nang tanungin muli ng comedy duo ang aktor kung sino pa maliban sa manager nito ang kadalasang nagla-like ng kanyang IG posts, pinili ng huli na kainin ang inihandang sariwang itlog.
Samantala, inilahad naman ni Tekla na nagkikita pa rin sila ng kanyang dating nobya na si Michelle Banaag dahil sa kanilang anak na si Angelo. Bago pa ito ilahad ng komedyante, sinagot nito na hindi sila nagkabalikan ng kanyang dating dyowa.
“Parati ko naman sinasabi sa kanya na, 'Ingatan mo si Angelo dahil lang 'yan lang ang natitira nating pag-asa. Kapag 'yan pa pinabayaan mo, parang wala na.. Hindi na kita mapapatawad talaga,'” paliwanag ni Tekla.
Paglilinaw pa niya, “Sa kaalaman ng lahat, hindi po kami.. Wala na kami ni Michelle.”
Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutukan lamang ang programang ito tuwing Linggo, 10:30 p.m. sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
0 -
Welcome to PinoyExchange!
Forums
- 4.5K All Categories
- 27.1K PEx Sports
- 56.7K PEx Local Entertainment
- 30.4K PEx International Entertainment
- 41.7K PEx Lifestyle
- 26.8K PEx Hobbies
- 64.1K PEx News and Tech
- PEx Business and Careers
- 44.5K PEx Family and Society
- 25.3K PEx Relationships
- 13.1K PEx Chat
- 29.5K PEx Campus
- 32.3K PEx Classifieds
- 703 PEx Community
In this Discussion
- sweetnsourgrap3z 16 posts
- JeSuisBilly 2 posts
- cc_voyager 1 post
- Sharp85 1 post
- jean_grey26 1 post