Home PEx Local Entertainment Showbiz - Male Celebrities

the invisible ONEMIG Bondoc

Onemig Bondoc, natengga ang career

NASAAN na nga ba si Onemig Bondoc ngayon? Ito ang tanong ng ka-tsika naming manunulat sa istudyo ng Dos. Mukha raw kasing nalilimutan na ng mga tao si Uno at tila frozen delight na lang siya ng Dos.

Wala ngang balita tungkol sa kanyang career pero ayon sa aming source, tila napapadalas ngayon ang guwapong aktor sa bandang Batangas dahil mayroon daw itong pinopormahang chicks doon. Panay daw ang punta ni Uno sa Batangas dahil in love na uli ito sa isang babae na mula rin naman sa mayamang angkang bukod pa sa pagkakaroon ng bagong negosyo.

Isa raw sa libangan ngayon ni Uno ay mag-scuba diving at magbabad sa isang ekslusibong beach resort na balitang paminsan-minsan ay kasama ang babaeng nililigawan.

Kunsabagay, aminado si Onemig na kahit di siya mag-artista ay di siya magugutom tulad ng iba dahil likas na silang mayaman.

Comments

Sign In or Register to comment.