Home PEx Chat Small Talk
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

@@A VERY INSPIRING [email protected]@

[Author's note: I want everyone to read this, especially to the Junior Members]

Pinoyexchange.com...ano nga ba to?

Ang totoo niyan, ni wala akong ka-ide-ideya sa website na yan. Baka nga isang institusyon ng kalokohan lang yan, o maari kong sabihing, PAMPALIPAS ORAS sa nakakabagot na araw.

Kung tutuusin, wala akong kabalak-balak na puntahan (ni tignan man lang sa katabi kong kapwa adik rin sa internet) ang website na yan, sayangin ko ba oras ko sa ganyan lang. Ano naman ang mapapala ko una sa lahat? Makakakuha kaya ako ng kwatro sa mga asignatura ko kung sakali? Eh e-mail nga hindi ako makapag-check, eto pa kaya? Ssss.....

Pero bakit naaliw ang katabi ko sa PEX, kung tawagin nila? Ano bang misteryo't kababalaghan ang meron rito sa institusyong itinuturing na ng nakakarami na pinaka-sikat sa mgha kabataan ngayon? Ano ba naman ang masama kung buksan ko? Eh hindi naman ako mamamatay siguro no?

Halos mabagot na ko sa sobrang tagal ng pag-rehistro sa PEX, lalu na't ubod ng bagal ang ginagamit kong kompyuter. Halos batuhin ko na ito sa sobrang inis, na umaabot na sa 100 degrees Sentigrado. Aatras pa ba ako, e nandito na ko? Hinintay ko na lang at hayun, sa awa ng diyos ay nakapasok na ko sa PinoyExchange.

Naalala ko pa, unang pasok ko dito sa PEX ay halos sampung libo na ang mga naka-rehistro. Bah! Andami niyo ha? Para rin bang DROGA ang PEX at adik na adik kayo. Tseh! basta, titingin lang naman ako, baka suwethin ako.

Napansin ko na napakaraming mga posts, na kung tawagin nila, ang mga naka-rehistro rito, malamang nung unang panahon pa sila nakapag-rehistro. Mga pangalang ADA, KABOOM!, UPTOWNGIRL na halos limanglibo na ang mga nilalagay. Minsan inisip ko, masyado silang nagpapaka-udada rito, minsan nagsasara pa ng mga isyung inilalagay rin ng kapwa kong miyembro. E di ba aksaya lang ng panahon yun? sus...

Una kong natatandaang paksang nilagay ko rito ay tungkol ke CHAMPAGNE MORALES, sa UAAP forum. Kung hindi ba naman ako *****'t **** , ba't naman ako maglalagay ng ganong paksa sa ganong forum pa ha? Eto naman ako, umaasa na makakaabot rin ako ng 50 pataas na sagot para lumalagablab rin yung polder ko. Mag-iisang linggo na at halos natatabunan na ang paksa ko sa sobrang daming bagong lumalabas.

Nakaramdam ako ng kalungkutan sa una, siyempre bat ganon? halos walang pumansin sa paksang pinagka-iingatan ko na alam kong dadagsain ng mga tao. Hindi pala. Bagkus LANGAW ang nagsikalat...

Siyempre hindi ako sumuko. Bah! Never Say Die yata to kaya naglagay ulit ako ng panibagong paksang sa tingin ko eh dadagsain muli ng nakakarami...sa kabutihang palad, me APAT na magigiting na masugid na taga-hanga ng PEX ang naglagay. Buti nga me apat sa isang araw pa lang yun! pero mga ilang araw rin, hayun at langaw nanaman ang dumagsa sa paksa ko.

Minsan hindi na ko nakatiis at kinuwestiyon ko na ang PEX. Aba, bakit ganon? Mga mas nakakataas lang ba ang may karapatan na maglagay ng paksa na dudumigin ng mga tao? Bakit kami?...sa bandang huli't talo rin pala ako...

Ilang araw rin akong hindi gumamit ng kompyuter sa sobrang desperado. <;Marahil nagtataka kayo kung bakit bigla na lamang ako nahumaling sa PEX? Naghahanap ako ng mga kaibigan, mga hindi ko ba nakikita sa klasroom, mga kaibigang halos tawanan lang at puro saya ang bumabalot at pumapaligid sa min.

Ngayon, magtataka na kayo at nakaka-apat na raan na kong lagay, halos mag-iisandaan na ang mga paksang nilalagay ko. Siyempre me ilan, langaw pa rin ang pumupunta, pero may ilan na halos marami na. At marami na rin akong kaibigan...

Simple lang ang mensahe ng kuwento ko: MARAHIL SA UNA'Y PIGHAT'T SAKIT PERO ANG LAHAT NG IYAN AY DADAKO SA PANGMATAGALANG TUWA'T SAYA. Habaan niyo muna ang pasensya niyo at di maglalaon, makakarating rin kayo sa pedeatral ng tagumpay na kinatatayuan ko ngayon.

Ang buhay ko ngayon ay nakasalalay na sa PEX, marahil. Kung anumang tagumpay na aking kakamtin sa mga darating pang panahon, kaagapay at kakampi ko ang PinoyExchange.com



[This message has been edited by Ian_langpo (edited 09-22-2000).]

Comments

Sign In or Register to comment.