COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

Sino Sila?......

HULAAN BLUES:
Congressional candidate binalian ng gf

(Bernard Taguinod)

Muntik nang malapnos ang pagkalalaki ng isang congressional candidate matapos banlian as in buhusan ng mainit na tubig ng kanyang syota ang kanyang harapan.

Sa report ng DPA ng TONITE, laking pasasalamat pa rin ng congressional candidate na ito dahil hindi bagong kulong tubig ang ibinuhos ng kanyang gf. Lumilitaw na napaso lamang at hindi naman tuluyang nalapnos ang pagkalalaki ng kandidatong ito.

Nabatid sa DPA na nasa out of town ang kasintahan ng congressional candidate at dahil mahigit isang linggo na niyang hindi nakikita ang babae, dinalaw ito ng kandidato.

Sa halip na magsaya ang babae ay sumimangot ito nang makita ang congressional candidate dahil sa kontrbersyang kinasasangkutan ng lalaki.

Nang magkasarilinan ang magkasintahan, nagkaroon sila ng giyera dahil hindi matanggap ng babae ang bagong isyung lumabas hinggil sa pagiging palikero ng lalaki.

May isang babae kasi na lumantad at itinuturo ang congressional candidate bilang ama ng kanyang ipinagbubuntis.

Hindi matanggap ng gf ng congressional candidate kaya sa galit ay ibinuhos nito ang hawak na mainit na inumin sa harapan ng lalaki.

Hindi lamang matiyak ng DPA kung tsaa o kape ang ibinuhos sa congressional candidate subalit ang sigurado’y mainit ito dahil umuusok pa ang harap ng kandidato nang maabutan ito ng kanyang alalay.

Napahiyaw raw ang congressional candidate at nagtatalon habang nakangising pinapanood ng kanyang kasintahan.

Masuwerte rin ang congressional candidate dahil noong araw na iyon ay makapal ang suot niyang pantalong maong kaya hindi nalapnos ang kanyang alaga.

Maging ang mga nakasaksi ay hindi nakakilos sa kabiglaanan.

Subalit sa kabila ng nangyari, nagkasundo rin ang magkasintahan at sabay na umuwi sa Maynila pero bakas sa mukha ng lalaki ang kirot na inabot ng kanyang alaga.

Lumalabas na gumaganti lamang ang gf dahil matindi rin daw magselos ang congressional candidate at nananakit pa kapag nagagalit.

Clue: Naging kontrobersyal ang magkasintahan kung saan matapos ang gusot sa relasyon ay muling nagkabalikan pero inililihim nila ito sa publiko. Ang congressional candidate ay umuuwi pa rin sa kanyang gf sa isang kilalang subdibisyon sa southern part ng Metro Manila gamit ang walang plakang sasakyan tuwing madaling-araw. Kailangan pa ba silang pangalanan?

Comments

  • sexygoonsexygoon Member PExer
    Kris and Joey
  • benj20_phbenj20_ph Kapamilya For Life! PExer
    napaso lang? sana nalapnos na talaga...sakit noon ouch! hehehe :glee:
  • junjani23junjani23 junjani23 PExer
    d ba brek na sila kris and joey?
  • PatricePatrice Member PExer
    Originally posted by junjani23
    d ba brek na sila kris and joey?

    NAGKABALIKAN DAW....minsan nga nabasa ko binato din ni Kris ng cellphone si Joey......2 weeks ago yata....
  • datladatla Member PExer
    Baka umabot na sa puntong magpatayan na 'yang dalawa na 'yan. Serves them right. :rolleyes:
  • vannessbabyvannessbaby cRaZy InLoVe with VANNESS PExer
    Originally posted by junjani23
    d ba brek na sila kris and joey?

    Yup! sa Fontana itong batuhan incident.. nung out of town ng Game K N B... dumugo pa nag si Joey
  • PatricePatrice Member PExer
    Originally posted by vannessbaby
    Yup! sa Fontana itong batuhan incident.. nung out of town ng Game K N B... dumugo pa nag si Joey

    at sa clinic ang ending ni mayor panot.......
  • demoniquedemonique Member PExer
    buraot tlg yang non-existent na mayor namen na yan..puro nga pabahay puro naman sa mga babae nya..kapal ng muka..eto naman c kris walang kadala-dala..pero baka nga patayan ang ending ng dalawang itoh..gud lak!!sana si joey ang mamatay.....ang bad ko..sori..u may post ur negative reactions abt what i just said..at least nasabi ko ang gusto ko sabihin..sobra na kc ang mga babaero na yan..parang ginto yung binanlian sa kanya..sana tuluyan nang natunaw.....
  • junjani23junjani23 junjani23 PExer
    wala na palang isang salita c kris? kasi nagsabi na sya in front of korina na talagang tinapos na nia ang sa kanila ni joey..saharap pa ng maraming tao as in national TV..napanood ko nga yun eh...

    tapos binalikan nya? grabe.....

    d na ako maniniwala sa mga sasbaihin nia....
  • x_roadsx_roads mil wu yan PExer
    Originally posted by junjani23
    wala na palang isang salita c kris? kasi nagsabi na sya in front of korina na talagang tinapos na nia ang sa kanila ni joey..saharap pa ng maraming tao as in national TV..napanood ko nga yun eh...

    tapos binalikan nya? grabe.....

    d na ako maniniwala sa mga sasbaihin nia....

    me too!! kung dati, kamping kampi ako sa kanya nung nagsalita siya kay korina with matching paiyak iyak pa, ngayon, hindi na. yaan siyang umiyak!! ang ***** niya e!! sobrang *****!! wahahaha!!
  • litelite jellybeaniebaby PExer
    they deserve each other
  • CosmopolitanCosmopolitan The Shopaholic! PExer
    heto dapat ang gawin ke kris...:bonkself:
  • pink_arcpink_arc Banned by Admin PExer
    kung ang ending nila ay patayan..... serves them right talaga!
    Walang kadala-dala!!!
  • ecarg88ecarg88 Member PExer
    :depressed2:

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file