Home PEx Local Entertainment Showbiz - TV

TO THE MAX: ABS-CBN's New Reality TV Show

ITO ANG L8ST NGAYON Ni Eric John Salut
Pilipino STAR Ngayon 01/15/2004


Dahil sa success ng Malikmata, nagkaroon ng ideya ang ABS-CBN na pagsamahin sa isang bagong show sina Rica Peralejo at Marvin Agustin. Minamadali na ngayon ng ABS-CBN ang To The Max, ang bagong show na pagsasamahan ng dalawa. Isa itong reality-based challenge show. Bukod kina Rica at Marvin, kasama rin dito si Hottah, Hottah guy Juddha Paolo.

Bago matapos ang January ay eere na ito. Ayaw pang magbigay ng detalye ng aking source tungkol sa concept ng show. Ang malinaw, first time nina Rica at Marvin na sasabak sa ganitong klaseng show. Magagamit nina Rica at Marvin ang kanilang pagiging athletic sa kanilang bagong show.

Ang bagong show nina Rica at Marvin ay karagdagan sa mga existing shows nila sa ABS-CBN. Rica is seen in Okey Fine, Whatever at ASAP Mania while si Marvin naman ay napapanood sa Whattamen at Sana’y Wala Nang Wakas.
«13456763

Comments

Sign In or Register to comment.