Home PEx Local Entertainment Showbiz - General
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

The funny things you did for your idol

Alodia SorianoAlodia Soriano PEx Influencer ⭐⭐⭐
What are the funny...and not-so-funny things you did for your idol?

Wala lang po sanang awayan at tablahan...let's respect each others opinion.

Alam ko may kani-kaniya kayong kwento...sana pabayaan na lang sumagot ang isa't isa.

Alam ko din na may kani-kaniya kayong idol...I am a fan myself. Respeto lang...

Wala ibang intention ang thread na ito...gusto ko lang malaman up to what extent ang kayang ibigay / ang naibibigay ng mga fans para sa kanilang idol.

Also, by answering this thread, matutulungan nyo pa ako sa documentary project ko this coming semester...kaya ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa mga mag-popost....

I'll share my story later...medyo busy pa.

=)
«134

Comments

  • WaGGyWaGGy PEx Veteran ⭐⭐
    :lol:

    Alodia...funny things???

    Marami :lol:

    Like voting hanggang madaling araw hahahaha

    Often times napapagastos ako, I'm kuripot pa naman pero kapag about Idol...galante :glee:
  • marami!!!nung nanuod ako ng concert ni jolina!
    nag makaawa tlga ko sa mom ko na payagan ako manuod ng concert ni jolina!!!umaga palng nun e ...nag-abang na ko sa abs compound d2 samin..para lang makita ko si jolens...
    hehe..buhok lang nakita ko..magkatabi p nga nun si jolens and piolo sa motorcade!!!!and yung mga tao nagtatalon talon!
    sympre naman ako...dun lang ako sa gilid gilid kasi hiya ako e..
    hinanap ako ng mom ko kasi hinde ako nagpaalam na aalis ako...and to think na 2nd yr high school palng ko daw time!
    ayun sumakay kami ng friends ko sa jeep para sumunod dun sa motorcade!!d ko parin sya nakita!
    then yung mom ko paguwi ko galit na galit!!
    ako rin galit na galit rin sa mom ko!!sabe ko eto nalng nga yung hiling ko sayo na makanuod ng concert ni jolina e!
    tapoz nakonsensya mom ko..kya pinayagan ako then pinasamahan p ko ng service namin...tapos nilibra ng mom ko ng ticket yung mga classmates ko...tapos 12 midnyt na natapos yung concert ni jolina e...may dala kami nun na service kaya pagkatapos ng concert e sumugod pa kami kung saan kakain sila jolina...pumunta kami dun sa restaurant...kaso nasa taas sila jolina and sila lang nag-occupy dun..reserve para saknila,,,and bawal n makapasok..so ginwa ko nagmakaawa ako dun sa guard
    tapos yan nakapasok ako..marami pa ngang gusto pumasok pero nakiunahan ako..haha!!!kinaladkad ko mga friends ko!
    buti nalng at ang bait ni jolens...nagsmile sya sakin kahit gutom n sya...nahawakan k pa nga kamay nya e!ang lambot!
    tapos tinanong nya ko ano name mo!?kasi may poster akong dala-dla nun plus mga cd's .t-shirt!!!!!ang dami dami!and sa tingin ko na wi-weirduhan na nun sakin si jolina!kasi ang dami-dami kong pinapa-pirmahan...e panay ring pa naman yung celphone nya e!!!!

    tapos dun pa nga sa concert nya!yung paalis na sya..grabe!!
    tumakbo ako sa stage!!!stage!!!!as in!!!!!
    hinabol k sya!!!!kahit nsa backstage n sya!!!!!

    and ang cute nya!!1para syang walking doll!or walking manikin!
  • meron pa sa school namin...sa classroom presentation namin...meron kasi dun na magsasalita ka sa unahan then sasabihin mo kung sino hero ng buhay mo ro fi u could be like this..u would ano ba!?

    so nagsalita ko sa classroom namin and ang topic ko is jolina!!!
    pansin ko rin nung hinde pa ko nagsasalita kasi yung iba lagi nalng presidente or basta politka pinag-uusapn...
    so ako naman sabe ko gusto ko maging isang jolina magdangal...
    ayun naging interesado mga classmates ko ..lahat sila tumatawa sa kwento ko!pati teacher ko naalis yung pagka-bored nya!
    and then pakatapos ko magsalita lahat sila nag ca-clap ng hands nila!!!!!!!!!
    sumisigaw sila na!!!!go jolina!!!!jolina!!jolina!jolina!

    hahah!
  • I wouldn't call it funny... ridiculous (and pathetic) is more like it.

    Like when I went to Hong Kong in 2000 kahit wala akong extrang pera just to watch a Ricky Martin concert. Ayun, panay ako excuses sa mga kasama ko na walang ginawa kundi kumain at mag-shopping kasi saktong-sakto lang halos ang pera ko for everyday ordinary expenses. Nagka-patong-patong na yung balanse ko sa credit card. Tapos, tumambay kami sa hotel lobby for two days waiting for him to meet us kasi nag-promise yung manager nya na imi-meet kami, tapos bigla na lang may lumapit sa amin na hotel staff saying umalis na pala sila. :eek: :mad: Thinking about it right now, I don't think I'll ever do it again. He's not worth it.

    Tapos ngayon, yung website ko for my favorite band, sariling gastos ko lahat yun, pati bayad sa webhost and domain. Pero mas satisfied ako sa resulta kasi recognized ng banda yung efforts ko (unlike that Ricky Martin thing na wa sya care :rolleyes: ) and they help out by tagging me along during gigs (which means libre entrance and sometimes, food and drinks ;) ).

    Madami pa kong mas kwela at pathetic na alam, pero hindi ako ang gumawa, yung mga friends ko.
  • Alodia SorianoAlodia Soriano PEx Influencer ⭐⭐⭐
    @bhogz-gadget_02
    hi! nakakatuwa ka naman!!! Thanks for assuring me na hindi pala ako weirdo...hehehe...or should I say, thanks for assuring me na hindi pala ako nag-iisang weirdo!!!
    pero seriously salamat sa mga kwento!

    @ fatgrrl_slim
    Thanks for posting...kwento mo din yung mga pinaggagagawa ng friends mo oh...
  • ako marami talaga...gaya nga ng sinabi ni waggy...inaabot ako ng limang oras para lang mag vote sa backstreet boys non...at kahit ang mahal ng ticket nila non sa concert nila talagang bumili ako...tapos lahat ng magazine na andon sila binibili ko talaga...pati mga books nila binibili ko..lahat ng gamit ko sila makikita mo (bag, shirts, diary, notebooks)every time na mag oonline ako, wala na akong ginawa kundi mag research ng mga information about them...nakipag away pa nga ako sa friend ko kasi maka nsync yon eh..lolz...pati sil leonardo di caprio idol na idol ko yon non..lahat ng books about him binibili ko...kaya lang di ko na sila idol...
  • :lol: nakaktuwa namn kwen2 mo jane *okay* iba ka talaga!
  • Yung isang friend ko, nung Menudo days namin (shite, ang tanda ko na. hehehe), mas inintindi pa yung makita nya si Robby Rosa kesa yung nawawala nyang hikaw. :p

    Yung isa pang friend ko, bumiyahe from Sta. Rosa, Laguna to San Fernando, Pampanga, para lang makapanood ng gig ng The Dawn, as if hindi sya nakakapanood sa Manila. (Actually, gawain ko rin yon. One time, bumiyahe ako from Bulacan to Bacoor, Cavite for a mall tour, as if walang mall tour na malapit sa amin!)

    Yung isa ko pang friend, para manalo lang ng tickets for a Ricky Martin album launch sa US, sinuyod lahat ng branches ng Odyssey at bumili ng tigi-tigisang kopya ng album nya. Buti na lang nanalo sya. Hindi nga lang nya alam ngayon kung ano ang gagawin nya dun sa sangkatutak na CD na binili nya. Ipangreregalo siguro sa Pasko. :D

    Marami pa, will post again pag me naalala pa ko. :)
  • marami!!! kung ano ano hindi ko masasabi lahat. pero ang iba tulad ng bago ko matulog i say good night to jolina posters, jolina dolls. basta kinakausap ko yung mga posters nya hindi naman kausap na talagang kausap na ano... yun lang bago ko umalis "bye jolens, see yah later" tapos pag balik ko "hello" . nakakatawa talaga..pero okay lang, i love jolens talaga e.
  • :lol::lol:

    Vibs *okay*
  • vibs!kakatuwa k naman!
  • Alodia SorianoAlodia Soriano PEx Influencer ⭐⭐⭐
    @yeah nakakatuwa ko vibs!

    ako nga sa Feb 25 manglilibre ako kasi birthday ni Marya eh!
  • Ako...kasi palagi kong nakita na hawak-hawak ni Mamacel ang bag na Paul Frank dun sa Bida si Mister, kaya I flew all the way to HK to get one, pero, hindi na uso dun. Then yun pala ang dami dami sa grenhills bumili ako agad ng tatlo. kahit obvious na pirated at hindi pareho nung kay marya. I like the feeling of carrying a bag that my idol carries. bogga talaga!


    (paul frank is the brand ng bag with a monkey head, cute naman talaga, ganda ng taste ni marya)

    another thing is getting up at exactly 2:00am a miracle talaga kasi i have never gotten up by myself just to wach Stupid Cupid being shown at cinema one.

    developing jpegs of marya which i downloaded from internet at a photoshop at hk. the guy who developed it must have been suprised. whose that?
  • yojan17yojan17 PEx Veteran ⭐⭐
    :*) medyo hiya ako...


    Sa SM nun.. me promo na pag bumili ka ng tape eh may free na poster ng The Corrs.. kaya kahit na me copy na ako nung album nila eh bumili pa rin ako para lang dun sa poster... Tapos... pagbili ko naman ng MTV Ink... me free ding poster.. ganung-ganun din... so nangyari.. nagka-doble-doble nang lahat... :lol:

    Tsaka...
    Nung 2001... me promo ang MTVAsia.. yung maghuhulog ka ng entries mo na me kasamang wrappers ng Mentos (yung 12 pieces ang laman/ wrapper)... ang grand prize... MAMI-MEET MO NANG PERSONAL ANG THE CORRS! HEhe! Ako naman... loka.. sumali...! :lol: Naka-30 entries ata ako nun... Ang ginagawa ko.. tinatanggal ko yung lamang candy tapos nilalagay ko sa isang plastic bag tapos yung balat lang ang kinukuha ko...
    Nakapuno ako ng isang plastic bag... hindi ko naman nakain... ayun.. tinapon lang... (Sayang!) Galit na galit nga si Madir eh! :lol:
    Sa bandang huli.. nanalo naman ako...
    ISANG CD lang na In Blue... pangatlong copy ko na yun... :lol: (Hmp! Sino kaya ang nanalo nung MEET-AND-GREET?!)
    Mas mahal pa yung nagastos ko sa napanalunan ko...:rolleyes:
    :lol:
  • yojan17yojan17 PEx Veteran ⭐⭐
    :lol::lol::lol: @ Vibs

    Ngayon.. (wala pa namang labas na album ang The Corrs eh :D )
    Nauubos naman ang pera ko kakabili ng internet card dahil kina Bea at JLC.. :D... (Kala ko pa naman, kuripot ako dati) and... nagco-commute ako nang almost 2 hours just to take a glimpse of them sa taping (Imus to QC)... :D
  • yojan17yojan17 PEx Veteran ⭐⭐
    :*) :*) :*)
  • once upon a time, there was this one particular fan magazine na may pa-contest where you get to vote for the best (i.e., most popular) teen actor by filling up a form and mailing it to the publisher, tapos every filled-up form was equivalent to a certain number of points. eh kasali sa mga nominees yung isang teen actor na crush na crush ko noon. shempre, dahil nga super crush ko tong "celebrity" na ito, ipon to the max naman ako nung fan mag na yon, as in i bought multiple copies of just one issue para makasiguro akong mananalo siya as "best teen actor"! tuluy-tuloy yon hanggang natapos yung contest! malamang, kumita nang husto yung fan mag na yon sa akin..pati na ng post office sa dami ng stamps na nabili ko! :hiya:

    ayon..awa ni batman, hindi ko na alam kung nasaan na si mr. "celebrity" ngayon. :D

    duckie.gif
  • Alodia SorianoAlodia Soriano PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Originally posted by baby_vampira
    Ako...kasi palagi kong nakita na hawak-hawak ni Mamacel ang bag na Paul Frank dun sa Bida si Mister, kaya I flew all the way to HK to get one, pero, hindi na uso dun. Then yun pala ang dami dami sa grenhills bumili ako agad ng tatlo. kahit obvious na pirated at hindi pareho nung kay marya. I like the feeling of carrying a bag that my idol carries. bogga talaga!


    (paul frank is the brand ng bag with a monkey head, cute naman talaga, ganda ng taste ni marya)


    waahhh buti ka pa!!!! did you know that i was looking for that for almost half a year already?!!!

    punta ko sa SM, sa Gale, sa Glorietta! Letse sa greenhills lang pala!!!

    Since pilot episode ng Bida si Mister dala niya pala yun...(ngayon ko lang napansin kasi pinanood ko ulit)

    Wala bang kamukhang kamukha? kahit magkano bibilhin ko! sarap dalhin sa school!!!

    There was a time na talagang gusto kong hanapin kasi may shooting kami ni Marya..gusto ko sana makita niya na ganoon ang bag ko..kaso nga wala akong nakita.

    I was looking for that all over (except greenhills)...nakakita ako ng imitation sa SM, nagdadalawang isip ako kung bibilhin ko... gusto ko kasi kung hindi man original, at least yung halos kamukha, eh yung sa SM medyo lang...although kakulay pero canvass eh yung kay Mary hindi canvass yun. So, di ko muna binili, hanap muna ako. Nung wala na akong makita sabi ko bibilhin ko na lang muna..basta may unggoy at kulay beige ok lang..aba wala na!!!! kahit saang SM wala na!!!

    Then I saw Maxene Magalona on love2love using a red one..malaki siya pero yung monkey, iyon na iyon...tapos nakita ko si Maxene sa Glorietta..gustung-gusto ko lapitan...para itanong kung saan niya binili (hehehe...pero hindi pa naman ganoong kakapal ang mukha ko).

    Last Friday sa SM may nasusundan akong babae na ganoon din ang bag..naku kung hindi ko lang kasama auntie ko na masungit, kakalabitin ko na yug babae at haharassin ko talga hanggang hindi niya sinasabi kung saan niya nabili yun...pero tinitigan ko na lang yung babae...nagsisi pa ako dapat tinanong ko na...

    Tapos naglibot-libot ako sa SM last Tues... ayun nakakita ako ng pencil case na ganoong-ganoon ang unggoy! And yes doon ko nalaman na Paul Frank pala yun!!!
    Wednesday I'm bask sa SM, guess what nadagdagan ng bags na maliliit yung pencil case, akso pink and blue at hindi kastyle nung kay Mary..pero malay natin susunod na yung bag na yun!

    but nevertheless susugod pa rin ako ng Greenhills (hahaha)
    Thanks baby vampira...

    ine-e-mail kita sa PM hindi mo ako sinasagot! saka nagle-leave din ako ng offline messages sa YM mo noon pa! gusto kita maging friend
  • Alodia SorianoAlodia Soriano PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ay teka nga pala..saan sa greenhills? hehehe
Sign In or Register to comment.