Home PEx Local Entertainment Showbiz - General
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

Sino bang MAS SIKAT?

Di nyo ba napapansin na tila pinag aaway ang mga sikat na artista natin sa kasalukuyan. Gimik lang ba yon ng kani kanilang kampo?

Pero sino ba talaga ang mas sikat? Mga Pexers tayo ng humusga.

Regine Velasquez at Lani Misalucha - pareho silang magaling pero talagang pilit silang ginagawan ng intriga, pero sino ba talag mas sikat sa kanilang dalawa?

Rica Peralejo at Jolina Magdangal - magkaiba naman sila ng linya bakit ba sila pilit na pinag aaway? Sino bang mas higit nas sikat sa kanila?

John Loyd and Bea at John and Heart - Ang pinakasikat daw na loveteam sa kasalukuyan pero me mga naririnig na tayong iringan sa bawat kampo kung sino ba ang mas kilala at sikat na tambalan. Kayo sino ba talaga?

Kristine Hermosa at Angelika dela Cruz - Parehong naging prinsesa ng soap opera ngunit pilit na iniintriga lalo ngayot nagbalik na si Angelika sa kapamilya. Sino bang mas kilala sa kanila?

Claudine Barretto at Judy Ann Santos - Walang duda silang dalawa ang pinakasikat na young actress sa kasalukuyan pero siyempre mas may nakakahigit, sa palagay ninyo sino ba?

Aga Muhlach at Richard Gomez - Walang naririnig na iringan pero sa bawat kampo meron, sino ba talagang mas tinatangkilik pa sa kanilang dalawa?

Sex Bomb Girls at G Girls - Mga dancers ***** singers sinong mas sikat?

Sa obserbasyon ko lang ha sana wala akong masagasaan ang mga sumusunod ang MAS SIKAT PARA SA AKIN :

Regine Velasquez
Jolina Magdangal
John Loyd and Bea
Kristine Hermosa
Claudine Barretto
Aga Muhlach
Sex Bomb girls

Kayo sino bang mas sikat para sa inyo.

:)

Comments

  • Regine Velasquez
    John Llyod and Bea
    Kristine Hermosa
    Claudine Barretto
    Aga Muhlach
    Sex Bomb
  • 4 me ckat c regine kesa ke lani, c jolina mas knows kay rica kahit di sya hubad, wa ko knows about loveteam e, claudine s mas star sa ngayon over juday, c aga kesa ke richard, angelika over kristine at s mga dancer mas sikat ata sex bomb, ewan ko lang. :*)
  • ofcorz jolina magdangal !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!no need to say anything pa about ds girl!!!!!!!she's the best

    sikat din si regine kesa lani...nasa looks na kasi yan e..kung sino mas may pleasing personality..and we all know naman na magaganda love songs ni regine

    den john loyd and bea kesa john and heart..sa totoo lang sila lang naman nakakadala ng first romance!!!


    claudine baretto kasi wla lang pati lovelyf nya controversial!hahah
  • Si Regine. Limited kase yung audience ni Lani eh. MAs familiar sa tao si regine. MAs marami rin siyang hits.

    Jolina magdanangal, no doubt. Si Rica kase ngayon lang naman sumikat eh, simula ng magbold siya. Si Jolina matagal na, and yun nga di niya na kailangan magbold para makilala.

    John Lloyd and Bea, ngayon sila ang sikat. ANg mga love teams kase, pana-panahon lang naman yan eh. Sikat ka at one point, the next wala na. Naging sikat din naman yung john and heart, lalo na nung CLOSE UP days nila pero tapos na panahon nila. Time na ngayon ni Bea n john lloyd. For sure may uusbong din na bagong love team in the future.

    Kristine, no doubt. Si Angelika dela Cruz.. nakakaawa talaga akse ang dami niya ng career moves, wala pa rin nangyayari sa career niya. Never siya sumikat. Although mastalented si Angelika kay Kristine, wala siyang "it" factor. Si Kristine kase, she has this thing na naaakit niya yung audience. Si ANgelika wala pang movie na nagbox office. Si Kristine, halos lahat naghit.

    Mahirap magjudge between Claudinr and Juday. Parang pareho eh. Although, i'm leaning towards Juday kahit na nabubuwisit ako sa lapad ng mukha niya. Kase face it, marami talaga siyang fans. Milyones na ata. SI Claudine din madami, pero i dont think kasing dami ng kay Juday. Maraming may gusto kay Claudine pero hindi naman lahat ng may gusto sa kanya ay FANS niya. Kay Juday naman, maraming may ayaw, pero mas marami siyang FANS. Tapos ang iingay pa ng mga fans niya, talagang OA kaya well..

    Aga Muhlach. Long gone na si Richard Gomez. Si Aga Muhlach ang isang taong masasabi kong walang kakupas-kupas. Hanggang ngayon, guwapo pa rin and talented. Yung dating niya classic, walang pinipiling panahon. Si Richard laos na talaga.. kaya yun, naghahanap parati ng gulo para umingay ulit ang pangalan... wala namang nangyayari.

    Sex Bomb- sila ang original eh. Never matatalo ng Gee girls ang sex bomb.
  • 1. Regine Velasquez, 'though pareho silang magaling at may kanya-kanya silang style
    2. Jolina Magdangal-pareho naman silang sikat. pareho din silang talented. mas sikat si rica sa mga guys na alam nyo na, pero in general mas talented at mas sikat si Jolina
    3. John Lloyd & Bea - di ko alam kung mas agressive lang ngayon ang mga supporters nilang dalawa, marami rin kcng fas si John at Heart
    4. Khristine Hermosa - though mas talented si Angelica dela Cruz, tingin ko mas sikat si Tin-tin. Proof na dyan ang mga endorsements ni Tin-tin
    5. Both Judy Ann & Claudine - di ako fan ng kahit na sino sa kanila pero parang mahirap malaman kung sinong mas sikat sa kanila. pareho silang maraming projects. parang mas favorite ng ABS si Claudine kaya mas marami syang naka-line up na project. Hindi rin naman nakapagtataka dahil magaling naman syang umarte pero kung pagbabatayan mo yung ratings ng programa nila mast mataas ang ratings ng kay Judy Ann. Consistent ang ratings ng BKK. I'm not saying naman na ito yung batayan ng kung sino ang mas sikat kaya di ko talaga masabi.
    6. Aga Mulach- dati bery tight talaga ang competetion nila pero sa ngayon, tingin ko si Aga ang mas sikat. Marami na kc ang naiinis kay Richard.
    7. Sex Bomb-need I say more?
  • 1. Regine - multi-media superstar na si Regine. Si Lani, ni wala pang hit song na talagang identified sa kanya (but don't get me wrong, I actually like Lani better than Regine).

    2. Jolina - si Rica, kung di pa naghubad, hindi magkakapangalan. E ngayon na mas marami nang mas fresh at mas maganda kesa sa kanya, asan na sya ngayon? Pasupport-support na lang. Si Jolina, may projects pa rin na talagang kanya.

    3. JLC and Bea - josko, kahit saan atang sulok ng mundo ako magpunta, puro "Yuri" ang naririnig ko.

    4. Kristine Hermosa - I'm sorry, pero sikat ba si Angelika? :D

    5. Judy Ann - I think mas marami syang fans. Pero mas magaganda ang projects ni Claudine.

    6. Aga - hindi tarnished ang image ni Aga, unlike Richard. Pero pareho silang narating na yung status as respected actors.

    7. Sex Bomb (by a thousand miles!) - pag nagawa na ng Gee Girls yung makapagpasara ng SM mall at mag-cause ng riot sa mga pistahan, then saka sila magyabang na mas sikat sila kesa SB.
  • Para sa akin, being sikat is also being humble and they maintain their low profile despite popularity:

    1) AGA MUHLACH- maraming endorsements, walang kupas ang appeal sa t.v. and pelikula but he still finds time in supporting a foundation for the deaf and mute.

    2) KRISTINE HERMOSA- she did'nt brag about her being popular and everything pero siya ang no.1 female endorser ng bansa, a top rating teleserye and lahat ng movies ay blockbuster plus an international shampoo commercial and an international actress for 2 teleseryes (Sa Sandaling Kailangan Mo Ako and Pangako Sa 'Yo). Tahimik lang siya,just doing her job.

    3) CLAUDINE BARRETO- kahit na wala siyang soap opera ngayon and medyo hindi nag-hit ang Buttercup but still controversial pa rin siya and she won the Best Female Host for a Variety show kahit na maraming nag-question bakit siya nanalo. A good actress.

    4) GARY VALENCIANO- kailangan pa bang itanong kung bakit siya sikat?

    5) REGINE VELASQUEZ- a songbird, an actress, controversial dahil sa pagiging....wag na lang....
  • bakit wala ang sharon vs. maricel?
  • Regine Velasquez over Lani Misalucha. Parang bubot pa si Lani para icompare kay Regine.

    Jolina Magdangal over Rica Peralejo - I don't really like Jolina, pero kung popularity siguro ang pag-uusapan mas lamang siya kay Rica.

    John Loyd and Bea over John and Heart - hindi na tinatanong pa yan.

    Kristine Hermosa over Angelika dela Cruz - Si Kristine ang bida ng Sana'y Wala ng Wakas, while Angelika is parang support lang don. Ergo, mas sikat si Kristine.

    Claudine Barretto over Judy Ann Santos - Hindi batayan ng pagiging sikat ang pagkakaroon ng maingay na fans. I think mas maraming fans si Claudine kesa kay Juday,mapapatunayan yan sa support na ibinibigay nila sa movies ni Claudine, which lahat ay tumabo sa takilya. Si Juday, parang seasonal ang kasikatan niya....like sikat siya now, bukas naman hindi, tapos sikat uli siya the next day, the following day lugi ulit . Kumbaga, hindi siya consistent.

    Aga Muhlach over Richard Gomez - Flop lately ang films ni Goma, sana makabawi siya through Filipinas.

    Sex Bomb Girls at G Girls - I couldn't careless about 'em. Sobrang jologs. Gusto ko silang sukahan.
  • Regine Velasquez
    Jolina Magdangal
    Krstine Hermosa
    Claudine Barretto
    Aga Muhlach
    Sex Bomb Girls
  • Regine Jolens Kristine
    Tie si Claudine and Judy Ann
    Aga Muhlach- wala talagang kakupa kupas
    Sex Bomb- Walang panama ang gee girls
  • ito ang mga sikat sa akin...

    REGINE, john LLOYD and BEA, Claudine, Aga MUlach and Sex bomb

    sikat din si Juday, sa kaingayan ng fans
  • Originally posted by saroun_ek
    ito ang mga sikat sa akin...

    REGINE, john LLOYD and BEA, Claudine, Aga MUlach and Sex bomb

    sikat din si Juday, sa kaingayan ng fans

    o bakit wala ang papa piolo mo sa listahan mo....

    si Aiai din....

    Heto ang akin....

    Regine
    Christoper de Leon
    Edu Manzano
    JLC & Bea
    Kris Aquino
    Martin Nievera

    hindi ko na isasali sa listahan ko si juday.....
  • Originally posted by Patrice
    o bakit wala ang papa piolo mo sa listahan mo....

    si Aiai din....

    Heto ang akin....

    Regine
    Christoper de Leon
    Edu Manzano
    JLC & Bea
    Kris Aquino
    Martin Nievera

    hindi ko na isasali sa listahan ko si juday.....

    hi patrice...nakakahiya naman isali si Papa eh di naman tinatanong...
  • Originally posted by saroun_ek
    hi patrice...nakakahiya naman isali si Papa eh di naman tinatanong...

    ay oo nga....i'm sure twas just an honest mistake...o wala lang talagang maisip ang thread starter na ka level ni Piolo.....

    o sige time out na muna ako at baka masita na ako ng aking bossing.....

    later na lang uli.....nice chatting with you saroun_ek....
  • Originally posted by Patrice
    ay oo nga....i'm sure twas just an honest mistake...o wala lang talagang maisip ang thread starter na ka level ni Piolo.....

    o sige time out na muna ako at baka masita na ako ng aking bossing.....

    later na lang uli.....nice chatting with you saroun_ek....

    Nice chatting with you too Patrice...bait naman pala ikaw eh...(kunwari nagtatampo)

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file