Home PEx Local Entertainment Showbiz - Female Celebrities

MEGASTAR 's one of the Top 100 Most popular stars @ U.K's Filmbug!

Megafans: Sharon Cuneta is consistenly included in UK's Filmbug Top 100 Most popular Stars.

Visit: www.filmbug.co.uk
«1

Comments

  • The Multimedia Megastar's Lucky Seven Titles (Fri Aug 29, 2003 1:59am ET, UK's filmbug)

    The Philippines' one and only Sharon Cuneta is the Philippines' perfect epitome of a renaissance woman--- Multi-awarded Actress, Magnetic Singer, Outstanding Concert and Recording artist, Most sought-after product endorser, Movie Queen, Celebrity Webpage Goddess.

    In her 25-year of superstardom, She has managed to reign supreme and NUMBER ONE.Yet despite her undisputed fame and fortune, she has also managed to keep her feet on the ground.

    Absolutely blessed with the most number of titles. To wit:

    1.)The Philippines' "ALL SOLD-OUT CONCERT QUEEN"-- She is the filipino artist who has the most number of sold-out concerts and record-breaking performances in and out of the country. A hall of Famer in the local and foreign concert arena.
    2.) The Philippines' QUEEN OF MOVIE THEME SONGS--She has recorded the most number of movie theme songs in Philippine history.
    3.)The Philippines' QUEEN OF ADVERTISING--She has the most number of product endorsements in the entire history of Philippine advertising.
    4.)GRANDSLAM BEST ACTRESS--She was awarded best actress by the the Country's five major award-giving bodies for her superb performance in the movie Madrasta( Stepmom, 1996).
    5.)The Philippines' ALL-TIME BOX-OFFICE QUEEN---She has the most number of box-office hits; officially proclaimed Box-office Queen for seven consecutive years;box-office hall of famer; RECORD HOLDER with a total of NINE Box-Office Queen Crowns.
    6.)The Philippines QUEEN OF CELEBRITY WEBSITES-- her official webpage has been proclaimed as Philippines' Web Awards People's Choice BEST CELEBRITY WEBSITE.
    7.)The Philippines MULTIMEDIA QUEEN--She is the Philippines' HIGHEST-PAID TV-MOVIE Actress; the HIGHEST-PAID Concert-Recording Artist; the HIGHEST-PAID female TV Host;the
    HIGHEST-PAID PRODUCT ENDORSER. Beyond reasonable doubt, Sharon Cuneta is the PHILIPPINES' MOST EXPENSIVE TALENT.

    BRAVO MEGA!
  • SHARON Cuneta

    She is the perfect epitome of the Renaissance woman: an actress, singer, producer, endorser, businesswoman…and the list could go on and on. But to her millions of loyal fans, Sharon Cuneta will always be the one and only MEGASTAR! They literally journeyed with her as she went through her life's ups and downs, as she evolved from that "Mr. DJ-singing" teeny-bopper to the well-respected singer-actress that she is today. She has weathered countless storms throughout her very colorful career, and has managed to stay on top. Her easy-going nature, likeable, amiable personality, and great acting prowess has fixed for her a permanent position right at the top of the heap, where a Megastar belongs.
  • Unitel Pictures declared Sharon Cuneta as " The HOTTEST NAME IN PHILIPPINE CINEMA".

    www.cryingladies.com
  • magnetic singer? ....
  • thanks Cee for the articles:) Oo nga I saw her as one of the top100 artist of filmbug *okay*
  • tho' she has the voice to sing but it doesn't really magnetize people...?? just my opinion...well congrats to her anyway
  • Donna Cruz is also on the list....
  • Kahit super expensive ang tickets ng concerts ni mega ,sold -out pa rin.

    history: i went to mega's concert @ the music museum----Mega: up close...the ticket price was at 3,800----it was so expensive to think it was in 1996 but her charmed voice magnetized the elite to watch.... i dont think an average person would watch a concert at 3 ,800.
  • THE DIFFERENCE BETWEEN TAGAHANGA AND TANGAHANGA!
    by Ricky Gonzales, October 2003

    Her name in Dear Heart is April. In P.S. I Love You, Kirstine. In My Only Love, Cindy.

    Siya si Jenna sa Pati Ba Pintuig Ng Puso? Si Myrna sa Dapat Ka Bang Mahalin? Si Salve sa Babangon Ako't Dudurugin Kita.

    Rebeca Rios naman siya sa Bukas Luluhod Ang Mga Tala. Dorina Pineda sa Bituing Walang Ningning. Guadalupe Velez sa Pasan Ko Ang Daigdig.

    Si Elaine sa Nakagapos Na Puso. Si Mariel sa Madrasta. At si Cita sa Magkapatid.

    Lahat ng kanyang pelikula, napanood ko sa regular theater run, all in their opening days, at may video copy pa ako. Yung iba betamax pa. Yung iba naman VHS na. Yung mga medyo bago, VCD at DVD na.

    "Bubuksan mo ba ang pinto o ihahampas ko sa yo ang maletang ito. Isang linggo kang hindi nagtrabaho, nagbabad ka sa kama ng babaeng yun tapos gusto mo para akong tangang naghihintay sa iyo rito. Hoy uuwi na lang ako sa bahay namin at mga totoong tao ang mga kasama ko roon!", sabi niya kay Gabby sa Dapat Ka Bang Mahalin?

    Magbato ka ng dialogue niya sa alinmang movie at sasabihin ko sa yo kung ano ang title ng movie, ano ang pangalan niya sa movie, sino ang leading man niya sa movie, sino ang best friend niya sa movie, ano ang style ng buhok niya sa movie at sino ang boyfriend niya nung kasulukuyang ginagawa niya ang movie.

    Lahat ng kanyang albums, meron ako, mapa-vinyl, mapa-cassette or mapa-CD. Mula DJ's Pet, High School, Bituing Walang Ningning Soundtrack, Sana'y Wala Nang Wakas Soundtrack, For Broken Hearts Only, Movie Theme Songs, Sharon Sings Valera, When I Love, Nothing I Want More, hanggang All I Ever Want. Tawag Ng Pag-Ibig ang kanyang first single. Mr. DJ naman ang kanyang first hit. Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko ang follow-up.

    Lahat ng kanyang concenrts, napanood ko. Like Sharon Solo with the Boys, The Sharon Cuneta Concert Tour, Cuneta sa Cuneta, Mega Up-Close, Wish Upon a Mega and of course, yung last niya, The Megaevent.

    Lahat ng kanyang TV shows nasundan ko. From CUTE (Call Us Two for Entertainment with Helen Camboa), Okay Sha, The Sharon Cuneta Show all the way to Sharon.

    O siya, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Ako'y isang Sharonian. Ako'y isang tagahanga.

    Nandidiri ka sa akin?

    Ooops, ooops, ooops, huwag magmalinis. Lahat tayo tagahanga. Bata man o matanda. Sosyal man o bakya. Babae man o lalake. Tomboy man o binabae.

    Lahat tayo, humahanga. Iba-iba nga lang ang ating mga hinahangaan. Some of us type na type ang mga sikat na people tulad ng stars, singers, dancers, painters, photographers, directors, musicians, athletes, models at maging politicians.

    On the other hand, some of us naman admire yung hindi gaanong kasikatang people tulad ng teacher natin sa grade 3, corps commander natin sa CAT, yung barangay captain sa baryo natin, yung kalaro natin sa patintero, yung ninang natin sa kumpil, yung pinsan natin na graduate sa PMA at kung sinu-sino pa.

    Lahat tayo, humahanga. Iba-iba nga lang ang level ng ating paghanga. Merong handang makipagsabunutan makita lang ang idol niya. Meron namang casual lang ang reaction kahit nakasalubong niya by surprise ang idol niya. Pero just the same, wala silang pinagkaiba. Pareho rin silang fan.

    Sino man ang hinahangaan at gaano man katindi ang paghanga, ang pagiging fan ay hindi dapat ikahiya.

    Why naman?

    Being a fan means you have the ability to see beauty in another person. You appreciate that person. Ibig sabihin, you're alive. Nakakakita ka pa. Nakaka-feel ka pa. Hindi ka manhid. Di ba pagkatapos kumanta ni Sharon, hindi ka magkandaugaga sa pagpalakpak?

    More often than not, we idolize people for things that we don't have. Meaning, gustong-gusto mo ang pagiging matapang ni Sharon, kasi duwag ka. Therefore being a fan makes us accept the fact that we are not perfect. And when we know in mind and heart that we are not perfect, we work on our weakness and keep our strengths. We become better human beings.

    Being a fan also gives us one of the best things in life. That is, we get to do what we love doing. Bakit ka ba humahanga, kai masarap humanga, di ba? May nakilala ka na bang fan na hindi masaya sa pagiging fan? Bakit mo hinahabol si Sharon? Kasi heaven ang feeling mo pag nakita mo siya.

    Idolizing someone is also one of the cheapest forms of entertainment. You get giggly without spending a fortune. Autograph lang ang makuha mo, parang nag-Boracay ka na. Makamayan o mahalikan mo lang ang idol mo, parang bumili ka na ng new arrival na Nike.

    Idolizing someone is also a very safe way to get high. Makapanood ka lang ng movie ng idol mo, solve ka na. Marinig mo lang ang idol mo sa concert, cloud 9 na ang feeling mo.

    The joys of being a fan are countless. Nakakahiya lang naman ang pagiging isang tagahanga kung ito'y nagpapahamak sa iyo. Instead na mapabuti ka, eh napapasama ka. In this case, tangahanga na ang tawag sa iyo.

    To prevent this from happening, take this subject: Responsible Fanaticism 101.

    Lesson 1: Choose your idol.
    Idols, more often than not, act as role models. And role models should be upright individuals. Admire only those that could make a difference in your life. Those that could bring out the best in you. In other words, huwag lamang humanga sa beauty at talent, tignan din kung isang matinong tao ang iyong iniidolo. Kung may mga bagay na ginagawa ang iyong idol na hindi mo ever na masisimurang gawin, humanap ka na ng bagong prospect.

    Lesson 2: Grow with your idol.
    Dapat sabay kayong nagmamature ng idol mo. Kung ang mga roles ng idol mo ay nag-evolve na from teens to adults, dapat sa totoong buhay nag-evolve ka rin. Kung ano ang mga kapalpakan ng idol mo sa buhay, dapat natuto ka doon. Hindi dapat ginagaya. Instead you should treat them as learning experiences.

    Lesson 3: Your idol is not your life.
    Although your idol makes your life a lot brighter, he or she is not your life. Pampasaya lang ng buhay ang isang idol. Wag ipaikot ang buhay sa kanya. Tuloy ang school, tuloy ang office. Mahirap naman yung mawalan ka ng trabaho sa kaka-absent dahil panay ang attend mo ng shooting ng idol mo, di ba?

    In other words, hindi bawal ang humanga. Kailangan lang may control. That doesn't make you love your idol less. It just makes you love yourself more. Ganyan exactly and guide ko in idolizing Sharon.

    Kung patindihan lang ang pagka-fan kay Sharon, isa na yata ako sa pinakagrabe. Lahat ng pelikula niya, alam ko. Lahat ng kanta niya memorized ko. Lahat ng concerts niya napanood ko. That's why when I met her in person the very first time, nanginig ako. Pero hindi ako nagpahalata. Cool lang. Pero deep inside, ninenerbiyos ako. Para akong nagpapainterview sa US Embassy sa nerbiyos.

    Ganoon naman talaga. Kahit kilig ka na, dapat hindi ka pa rin nawawala sa sarili.

    Alam ko man lahat ng roles niya mula Dear Heart hanggang Magkapatid, hindi ko naman kinalimutan ang mga roles na dapat kong gampanan sa aking pamilya, kamag-anak at mga kaibigan.

    Lahat man ng pelikula niya ay napanood ko, ni minsan hindi ako nag-absent sa school or office sa panonood nito.

    Lahat man ng albums niya ay meron ako, inuuna ka pa ring bilhin ang mga mas importanteng bagay bago ang mga ito.

    Lahat man ng TV shows niya ay nasundan ko, alam ko pa rin na may mga iba pang bagay na enjoy gawin maliban sa panonood ng TV.

    Dahil ako ay tagahanga. Hindi tangahanga.




    Note: Ricky Gonzales is an advertising Creative Director at Jimenez Basic Advertsing, a top advertising agency in Manila.
  • thanks again josh:)
  • visit her often and post din kayo sa forum niya:)
  • guys, keep visiting Mega at Filmbug.
  • ok will visit again:)
  • she's simply amazing!
  • go filipino nasa top 20 na si mega
  • wow amazing! *okay*
  • i visited the website yesterday and nasa #12 na si Mega magkasunod sila ni Angelina Jolie, o di ba bongga:D

    visit lang kayo Sharonians and post also sa forum niya. Ang dami na nga ring dinagdag na request ko e:D pati yung birthdate niya pinalitan na rin so just send in your request and siguradong igagrant nila also her website nandun na rin pero i think her official website is not working at the moment kasi the transmission is currently on-going:) let us wait na lang:)
  • Originally posted by sexygoon
    Donna Cruz is also on the list....
    Totoo nga? Pano nangyari yun eh matagal nang retired si Donna sa showbiz di nga naramdaman ng public na wala na sya....Saka di naman sya umabot talaga sa peak nya kase nag-asawa agad....Katawa naman yan....:D
  • marami rin kasing fans si Donna and at this time medyo nahuhuli na nga siya.

    visit ko kanina medyo bumaba na naman si Mega pero ok lang at least nasa top 20 na siya kasi dati nasa 50 something pa nga siya:)
Sign In or Register to comment.