Breastfeeding [Merged]

I'm giving birth this November. And I'm planning to breastfeed. I need tips.

I've heard kasi stories about women wanting to breastfeed, but they couldn't. And I'm scared it could happen to me. I really want to do this for my baby.

Luckily, I've been leaking colostrum as early as the fifth month of pregnancy. Will this assure that I will have a steady supply of milk?

Will it really hurt? What should I expect? I need advice! :*)

I've been reading tons of stuff from books and websites about breastfeeding. But nothing beats advice from moms who have really been there.

So please help. :*)
«134567105

Comments

  • GabrielaGabriela i luv my baby PExer
    Colostrum at 5 months, I guess that's a good sign. I never really knew I had a good supply of milk 'til 3 days after I gave birth. Frustrating at first kasi walang milk na lumalabas. Tsaka mejo masakit sya sa simula. I just let the baby suck tapos eventually I was overflowing with milk. You'll have this initial tingling feeling while the baby is sucking. And the fascinating thing about it is once I feel that my breasts are full again, I know it's time to feed the baby already. Tip especially pag less than a month pa si baby: since malakas ang milk flow (sumisirit pa yan), alalay lang kasi madali masamid si baby.

    After breastfeeding, wipe ur areola and breast with a wet, clean cloth. Don't always wash your breasts with soap kasi nakakairitate (siguro when u take a bath nalang). Besides, breastmilk has a natural antiseptic so you don't have to worry about germs or contaminants.

    Be sure to always carry a clean cloth and extra breastpads lalo na if you don't intend to breastfeed the baby in public. I had this experience once na I was leaking at the mall and I didnt have extra breastpads. I'm a working mom so I always bring my breast pump din.

    Hope you'll enjoy ur breastfeeding as much as I did kasi it's a wonderful feeling. That was the time when I felt really close to my daughter.
  • doc_irenedoc_irene Elmo's World PEx Veteran ⭐⭐
    that's good if you're planning to breastfeed your baby. but i'm telling you it's gonna be hard but fullfilling din naman.

    the day after i gave birth dun lumabas ang milk ko. at first ayaw ng baby ko, but then a lactation consultant taught me how to do it properly..you know like how the baby could latch on to your nipple. tsaka sabi nya the first few days may "baon" pang nutrients yung baby to last him/her for days kaya wala ganong gana na dumede. don't be discouraged if for the first few days eh mahirapan ka...lalo na pag nightfeedings na. you'll get the hang of it in no time.:)

    i remember the first time after i gave birth na di ko nabreastfeed on time yung baby ko ( of course i gave him formula instead) kasi we went out for a whole day, grabe sobrang engorged yung breast ko nung gabing yun to the point na nag-chills at nagkafever ako sa sobrang sakit. i was really crying.

    i just wished na i had stopped him from breastfeeding when he was still young. pwede na siguro 6 months. kasi 18 months na yung baby ko ngayon at dumedede pa rin. namomoproblema ko ngayon pano sya aawatin kasi ayaw nya na ng formula. he couldn't get to sleep ng di dumedede sa akin. minsan out of habit na lang kaya i want to stop him na.

    anyway napahaba ang post ko. the bottomline is...go ahead with your plan to breastfeed your baby. it's worth it cause he'll be healthy.
  • flavvvahflavvvah Member PExer
    Thanks Gabriela and Doc_Irene! :*)

    another question though: pano if i'm gonna take birth control? and meron bang foods na di ko pwede kainin if i'm breastfeeding? will i be able to drink the occassional glass of wine? or pati yon di rin pwede as long as i'm breastfeeding?
  • mytitagirlmytitagirl Member PExer
    breastfed my son from birth to 32+ months, bale last may 3, 2003 lang siya tumigil dumede sa akin, as in totally breastfed siya at after na lang siya uminom ng pediasure chocolate flavor, minsan anchor or sustagen, pero chocolate lang talaga.

    problem ko una ay try ako stop breastfeeding (BF) kaso either naninigas dede ko at super sakit or nag-iiiyak siya, e, super nakakaawa talaga, so hindi ko siya napigilan at miski nga lahat na ng brand ng powdered milk pinatikim ko sa kanya, e, ayaw talaga.

    nagdecide ako itigil siya kasi nakagat dede ko at nagkapasa at sugat, tapos pinagalitan na ako ng ob-gyn ko kasi nga malaki na daw anak ko at wala na nutrition milk ko at out of habbit na lang dumedede...

    may ininom ako to stop milk, di ko na matandaan name, pero kapag ininom kong gutom ay nakakasuka. tapos sinabayan ko na ang total stop sa BF. bale preparation ko ay kinakausap ko baby ko na hindi na kailangan na niya mag-stop dumede at tinuturo ko kids sa tv commercials na malulusog at malalaki dahil sa canned milk, ek-ek at bola, tapos yung first day talagang harrowing...as in iiyak-iyak at meron pang nagmamaka-awang Please, nanay, dede na ako" at "i love you, i love you" at lahat ng endearments niya sa akin at talagang ginawa kong bato ang puso ko kasi sabi ko sa sarili ko na now or never.

    very, very, very hard ang 1st week mag-weaning. pero after nun ay okay na din, sa books kasi sabi wean by not feeding during daytime at night time lang tapos wala na, e, pero physically mahirap gawain.

    kasama ko din anak ko mamili ng bottles at siya pumili colors at designs, pang-enganyo para uminom sa bote.

    ngayon naman problema ang paano siya wean from bote, pero not too much kasi at night lang naman siya bote kapag for sleeping lang talaga...potty training ang major problem, pero still trying kaso messy...

    hope this helps sa weaning problem mo.
  • mytitagirlmytitagirl Member PExer
    lahat ng iinumin mo at kakainin mo lalabas flavors sa milk, sabi yan ng books. dati kumain ako bagoong while breasfeeding at nagka rash sa face baby ko, so since then maingat na din ako sa kinakain ko while breasfeeding. tapos sa wine, siguro as long as kaunti lang at di naman isang bote ok lang, kasi i cook with wine na mga tablespoons lang sa dishes at ok naman baby ko that time.

    sa pills naman, ask your ob-gyn. i took pills only after i had my regular period back (mga 8-9 motnhs after giving birth) while breasfeeding din, use other forms of birth control kasi di naman true at 100% na safe ka while breafeeding, i have a number of friends na kapapanganak pa lang while breastfeeding nabuntis at magkasunod lang age ng anak nila. best consult your ob-gyn for a prescription.

    i took natalac or malunggay capsules to ingrease the nutrients in my milk and increase milk supply too.

    hope this helps.:)
  • JdelaCruzJdelaCruz Place Avatar Here PExer
    Invest in a good breast pump. You'd definitely want to avoid the discomforts of engorgement and the embarrassment of leaking in public. Plus, you can save all that excess breastmilk so that even if you're out at the movies baby can still have your nourishment.

    Buy a brand that's battery AND electric powered. Pigeon is a good brand. A little expensive but worth it in the long run.
  • doc_irenedoc_irene Elmo's World PEx Veteran ⭐⭐
    Originally posted by mytitagirl
    breastfed my son from birth to 32+ months, bale last may 3, 2003 lang siya tumigil dumede sa akin, as in totally breastfed siya at after na lang siya uminom ng pediasure chocolate flavor, minsan anchor or sustagen, pero chocolate lang talaga.

    problem ko una ay try ako stop breastfeeding (BF) kaso either naninigas dede ko at super sakit or nag-iiiyak siya, e, super nakakaawa talaga, so hindi ko siya napigilan at miski nga lahat na ng brand ng powdered milk pinatikim ko sa kanya, e, ayaw talaga.

    nagdecide ako itigil siya kasi nakagat dede ko at nagkapasa at sugat, tapos pinagalitan na ako ng ob-gyn ko kasi nga malaki na daw anak ko at wala na nutrition milk ko at out of habbit na lang dumedede...

    may ininom ako to stop milk, di ko na matandaan name, pero kapag ininom kong gutom ay nakakasuka. tapos sinabayan ko na ang total stop sa BF. bale preparation ko ay kinakausap ko baby ko na hindi na kailangan na niya mag-stop dumede at tinuturo ko kids sa tv commercials na malulusog at malalaki dahil sa canned milk, ek-ek at bola, tapos yung first day talagang harrowing...as in iiyak-iyak at meron pang nagmamaka-awang Please, nanay, dede na ako" at "i love you, i love you" at lahat ng endearments niya sa akin at talagang ginawa kong bato ang puso ko kasi sabi ko sa sarili ko na now or never.

    very, very, very hard ang 1st week mag-weaning. pero after nun ay okay na din, sa books kasi sabi wean by not feeding during daytime at night time lang tapos wala na, e, pero physically mahirap gawain.

    kasama ko din anak ko mamili ng bottles at siya pumili colors at designs, pang-enganyo para uminom sa bote.

    ngayon naman problema ang paano siya wean from bote, pero not too much kasi at night lang naman siya bote kapag for sleeping lang talaga...potty training ang major problem, pero still trying kaso messy...

    hope this helps sa weaning problem mo.

    Thanks mytitagirl for the tip.
    Naiiyak nga ako pag nakakagat nya ako eh.
    My son is also drinking chocolate-flavored pediasure, kaso di naman nya inuubos. Sippy cup na gamit nya pag nasa labas kami.
    Kung pwede nga lang bang kausapin ko sya ng "heart to heart" para tumigil na sya, kaso di pa rin naman nya maiintindihan. mas ok nga kung titigil na lang kusa yung supply ng milk ko para wala na syang madede.

    Why don't you try using sippy cups instead of bottles?
  • doc_irenedoc_irene Elmo's World PEx Veteran ⭐⭐
    Originally posted by flavvvah
    Thanks Gabriela and Doc_Irene! :*)

    another question though: pano if i'm gonna take birth control? and meron bang foods na di ko pwede kainin if i'm breastfeeding? will i be able to drink the occassional glass of wine? or pati yon di rin pwede as long as i'm breastfeeding?

    Hmmm...about the birth control thing medyo wala akong masasabi dyan, kasi i'm not taking any b.c. pills eh. pero i remember may b.c. pills for lactating/breastfeeding moms eh. yun kasi ang sinabi sa kin when i went in for my post-partum check up.


    basta be careful in everything that you eat and drink. some food,medicine and drinks passes thru your milk to your baby kaya konting ingat. i read somewhere that broccoli causes gas sa babies. when i was still single, umiinom ako ng alak occassionally, but now di na talaga kasi nga nagbebreastfeed ako. lalo na in taking medications. when i was still practicing my profession there in the Phils, i always ask my female patients if they're breastfeeding before i prescribe them any medications.

    kaya nga isang reason din why i couldn't take any diet supplements eh kasi nga nagpapadede ako. kainis!:D
  • GabrielaGabriela i luv my baby PExer
    flavvvah, you can ask ur obgyn to prescribe u birthcontrol pills for breastfeeding moms. i believe that's safe to take. i forgot lang kung ano un prescribe sakin kasi i only breastfed for a couple of months then i switched already to the usual pills.
  • flavvvahflavvvah Member PExer
    mytitagirl: thanks for the tips. grabe. i didn't know ganon pala kahirap mag-wean ng baby!

    doc_irene and Gabriela: thanks too. :*) I asked na my ob. and she said i could take daw progestin only pills when i give birth. that won't affect daw my milk supply and my baby.

    JdelaCruz: i'm confused nga about breastpumps eh. sabi ng friend ko na bagong panganak, sha daw she doesn't need breastpumps kasi daw pag pinu-pump niya, sobrang konti lang daw lumalabas. so it's not worth it daw.

    eh me naman, i'm thinking, diba breastfeeding is all about supply and demand? the more often you empty your breasts, the more milk it produces. so, ano ba talaga?

    is pigeon a good brand? mga how much yung electric/battery operated non? kasi i heard avent is a good brand daw. when i checked the price, grabe! P4000! and this is for manual ha. wala naman kc silang battery or electric. tapos yung medela naman na electric, nasa 7000! grabe. di ko ma-take yung price.
  • seasonseason work in progress PEx Veteran ⭐⭐
    Originally posted by flavvvah

    is pigeon a good brand? mga how much yung electric/battery operated non? kasi i heard avent is a good brand daw. when i checked the price, grabe! P4000! and this is for manual ha. wala naman kc silang battery or electric. tapos yung medela naman na electric, nasa 7000! grabe. di ko ma-take yung price.

    Hi, Flavvah! Good luck with breastfeeding. It's one of the greatest things about motherhood. The bonding is just great!

    Lucky nga yung ibang moms dito, overflowing ng milk. I had a problem. But I was lucky to have overcome that---I mixed fed for the first three months, then afterwards, he was exclusive all the way! :)

    Anyway, for me, the best brand of breastpump is Medela. But I suggest you try expressing using your hand. A friend of mine is able to do this and even has trouble when she uses a pump. Might be the same for you. Once you get your milk going kasi, it just really FLOWS!!!
  • mytitagirlmytitagirl Member PExer
    before you buy a breast pump think if:
    1. you'll really use it as in you need it because you'll go back to work in a month or so after and need to express milk;
    2. ask around from kamaganak and friends maybe they have a breastpump lying around in their tambak;
    3. budget

    when i gave birth, too sudden kasi my baby was premature and it was an emergency c-section at 33 weeks, so hindi pa ako handa kasi i was working at that time. so when he came out, diretso siya sa incubator at wala naman ako padededehin, tapos sa advice ng doctor ko magpump ng milk and store para maibigay sa nicu (intensive care ng babies). it took 3 days bago may napump ako, as in first ko na try hand pump at umiiyak na ako sa sakit at may ring marks na dede ko sa exertion. tapos may nagpahiram ng electric pump, e natakot ako kasi di ko mastop, suck lang ng suck.

    tapos nang ma-check out ako sa hospital on the 3rd day nagdecide ako na maghagilap na compatible sa needs ko. sa rustans at sm ako nagpunta, pero sa rustans ko nabili ang avent manual breastpump set. noon nga nasa P4000+ na din. pero i tried them all sa hand at skin ko, natakot ako sa battery-operated. sa avent ko lang na feel ang natural sucking motion at very easy to use.

    from that time from a few cc of milk to mga 1 glass a day na napump ko, seems kaunti compared sa needs ng baby, pero kasi starting ko yon at wala naman natural demand at nasa tube-feeding nga baby ko pero milk ko naman iniinom niya.

    after naalis sa incubator baby ko ay hindi ko na kinailangan breast pump at kaming dalawa na magkasama, so hindi ko na rin nagamit. good thing about sa purchase ko, miski mahal, ay 4 na mothers na rin ang nakakagamit. as in pinapasa-pasa ko lang sa friends ko at hindi na sila bumili, at the moment nasa bicol nga at naroon ang sister-in-law ko just gave birth. so ask around, maybe meron kang kakilala na meron, di mo lang alam.
  • doc_irenedoc_irene Elmo's World PEx Veteran ⭐⭐
    i also bought a battery operated and at the same time pwedeng electrical na breast pump. i bought it when i experienced engorgement nga. i just used it for like a month and then tinigil ko na kasi nakakatamad mag pump. mas convenient straight na lang padedehin yung baby. ok sa kin yon kasi di naman ako nagwowork kaya anytime pwede ako.

    but if you'll be working after giving birth it would be better if you'll buy a breastpump, that is kung you want your baby to take only breastmilk even if you're away. but if you're planning to mix feed your baby, siguro pwede ng hindi. that's just my opinion ha.

    you're right by the way...breastmilk is all about supply and demand.
  • JdelaCruzJdelaCruz Place Avatar Here PExer
    hey flavvvah, Pigeon was the most reasonably priced of the high end quality breast pumps we saw on the market. IIRC, it was between 2k and 3k.

    It's battery operated so you can take it anywhere, and it has a plug for an adaptor (not included) to save on batteries when you're at home. It also has a release button so that you control the suction yourself and simulate a baby's sucking rhythm.

    If you're going to stay with baby 24/7 and baby feeds regularly and exclusively on your milk, you practically won't need a breast pump. But of course there will be times that you will go out and eventually go back to work and that's where you'll need it.

    You're right about supply and demand. The body will keep up milk production with baby's demand, so the more she feeds, the more you produce.

    Another tip which my wife swears by, halaan (clams) cooked with malunggay is a sure way to boost milk production. I do not know the scientific basis for this, but everybody says it works.
  • tortangpagongtortangpagong lurker PExer
    it's breastfeeding month! breastfeeding items are on sale -- breast pumps, breast pads... so if you're planning to buy, now is a good time. :)
  • flavvvahflavvvah Member PExer
    Thanks everyone! All your advice are really really helping me! :*)

    Tortangpagong: really? it's breastfeeding month? I didn't know that. August ba yon or Sept? May sale ba somewhere? I wanna know! hehehe.

    JdeLaCruz: I heard nga that malunggay boosts milk production. My friend took malunggay pills. Pero I think I'll just go natural and eat malunggay as it is. Thanks for the tip. :*) I also checked out pigeon yesterday sa Rustan's. You're right, they are reasonably priced.

    Doc_Irene: what brand of breastpump did you buy?

    mytitagirl: hay nako, i asked around na. all my friends didn't buy breastpumps when they gave birth. my cousins naman didn't attempt to breastfeed at all. so wala talaga eh. :) sige, if you're sure that avent really is effective, i might as well save up for that. did you try pigeon too? they have a breastpump na exactly the same as avent. baka the same lang naman. eh pag the same lang, sa pigeon na ko. 2k cheaper kc. :*)

    season: we were taught by chiki hahn to express our milk by hand. pina-practice ko nga eh. hehehe. and of course, super konti lang lumalabas kasi it's just pre-milk. i just hope marami talaga kong milk pag lumabas na si little one. :*)

    Anyway you guys, my mom says I should buy a breastpump pag lumabas na yung baby. Kasi I won't be going back to school until Feb. That gives me around 2 months to be exclusively with my baby. Do you think that's good advice? Or should I have a pump the day I give birth talaga?
  • tortangpagongtortangpagong lurker PExer
    hehe, it's this august. sorry... late information... well, the avent isis breast pump is on sale - 6, 500 originally, 3,250 on sale at rustans... i think. - this info is from a couple from our lamaze class. good luck! :)
  • flavvvahflavvvah Member PExer
    awww...sayang! thanks anyway tortangpagong!

    by the way, where do u attend lamaze classes?
  • pbrgpbrg Envy me!!! PExer
    Dito ko na lang i-post baka may interested to buy my slightly used breastfeeding pillow, brand is brestfriend pillow.
  • doc_irenedoc_irene Elmo's World PEx Veteran ⭐⭐
    Originally posted by flavvvah



    Doc_Irene: what brand of breastpump did you buy?



    my husband bought me Evenflo Battery/Electric Breast Pump by Evenflo

    it was around $40 at that time. not so cheap, not so expensive.tama lang sya. and it's so easy and comfortable to use.
    you can control the pumping action by pressing a button.



    here's how it looks like

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file