Home PEx Local Entertainment Showbiz - Female Celebrities

The Bad Side of Lorna Tolentino!!

Ako lang ba ang nakakahalata sa masyadong paimportansiya ni LT lately?

First, yung agawan issue between her and Dina Bonevie sa isang role sa Mano Po 2. Yes, unang nagsalita si Dina about the issue, pero napansin ko ang dami ng sinabi ni LT, na kesyo isusuli nya na lang yung bayad kung hindi sya ang mapipili. At yung manager nya ring si Scam Queen Lolita Solis umeksena din at siniraan pa si Dina.

Second, yung lipatan issue! It was rumored lately na lilipat na sya sa Kapuso Network. If I remember right, meron syang interview with Lhar Santiago na para bang kino kumpirma nya na nga na magiging kapuso na sya SOON to think na ongoing pa rin ang teleserye nya sa ABS-CBN. May delikadeza nga itong actress na'to.

Third, yung pautang issue ni Nora Aunor sa set ng Kay Tagal. At sya nga yung tinutukoy sa blind items na nag spread na nangungutang raw si Ate Guy! An dami nya ring mga sinasabi.

ANG TARAY NYA NA THIS DAYS HUH? pansin nyo rin ba to?
«1

Comments

  • Source: Abante News Online

    Malungkot na ibinalita ni Arnold Vegafria na hindi na kasama sa cast ng Mano Po 2 ang kanyang talent na si Dina Bonnevie. Nagdesisyon daw ang Regal Entertainment Inc. na ibigay kay Lorna Tolentino ang third wife role na pareho nilang gusto ni Dina.

    Sinabi ni Arnold na umiral ang powerplay. Si Christopher de Leon ang bidang lalake sa Mano Po 2 at hindi papayag si Lolit na gawin niya ang pelikula kung hindi si Lorna ang gaganap na third wife.

    Naiintindihan daw niya ang naging aksyon ni Lolit bilang manager nina Lorna at Christopher.

    Si Arnold ang manager ni Dina at ayon sa kanya, nawalan sila ng faith, dignity at money dahil sa nangyari.

    Ipinararating naman ni Lolit na hindi siya galit kay Arnold. Type na type nga raw niya ang manager ni Dina dahil palagi siyang pinadadalhan nito ng gift certificates.

    Gustong linawin ni Lolit na walang powerplay na naganap dahil sa umpisa pa lang, sinabi niya kay Mrs. Lily Monteverde (Mano Po 2 producer) na hindi tatanggapin ni Christopher ang project kung hindi si Lorna ang gaganap na third wife.

    Si Dina raw ang dapat sisihin sa nangyari dahil nag-ingay siya. Kung hindi raw nagpa-interview si Dina, hindi malalaman ng press na may conflict sa role na kapwa nila gustong gampanan ni Lorna.

    Mabigat sa kalooban ni Lolit na magkaroon sila ng word war ni Dina dahil mababait at magalang sa kanya sina Danica at Oyoboy, ang mga anak ni Dina kay Vic Sotto.
  • JohnstonJohnston PEx Influencer ⭐⭐⭐
    para sa akin, mas bagay ung role kay dina bonevie. di ko kasi maappreciate ung role ni lorrinda sa KTKH as villain. sana kay ms. d na lang napunta.

    mukhang lilipat si LT sa GMA 7.. it's up to you ms. d kung gusto mong mag stay diyan at maging isang kapuso
  • this maybe OT but since we're talking about MANO PO 2. pansin ko lang... Mother Lily has this weird concept when making sequels. di ba dapat, the sequel should be a continuation of the first movie right?

    pero sa mga movies ng Regal lately... the 2nd movie has a far different story than the first one. it happened before with Spirit Warriors and Bahay ni Lola which were given sequels kaya lang ang layo na nung pangalawa sa unang movie.

    and now with MANO PO. i would have preferred it if they did a story on either of the 3 Go sisters in the first movie. pero now it seems like they're focusing on a different family na.

    hmmm... only in the Philippines.:rolleyes:
  • ariel madridariel madrid PEx Influencer ⭐⭐⭐
    lumalabas na ang tunay na kulay ni LT.pangit talaga ugali nya at puno ng insecurities.like nung mag-guest sya sa LOVELI-NESS noon,natsika talaga na ginawa nya lahat para matalbugan si alma at tumaas pa ang kilay nya sa dressing room at ngumiting-aso sabay sabing talbog sa kanya si NESS.sa totoo lang,mas maganda si NESS kesa ke LT.fresh lagi tingnan si NESS at konting make-up lang kailangan nya kasi super-ganda sya.pagpareho silang walang make-up,lutang talaga beauty ni NESS.sana si NESS na lang ang gaganap na 2nd wife,pwede rin si RIO LOCSIN.feel ko di kikita ang MANO PO2 kasi negative ang vibes sa casting.por delicadeza ke LT,sana di na sya nagmatigas kasi di naman talaga babagay sa kanya ang role.makakarma ka,LT.
  • may pagka TARAY nga itong actress na'to
  • NWEI, I HOPE GOOD KARMA ANG DUMATING KE MS. DINA!

    I KNOW DAMI PANG PROJECTS NA MAPUPUNTA SA KANYA

    AT LEAST NAGMUKHA 2LOY UNDERDDOG SI MS. DINA NGAYON

    BASTA AKO MS. DI PA DEN

    HANEP PA RIN SA WANGKATA

    BINILI KO NGA ISSUE FHM NUNG NA-FEATURE SYA EH

    GRABE ANG BABAENG ITO.....MAY ASIM PA DIN

    GO MS. D

    SANA NAGING NANAY NA LANG KITA.....OOPPPSSSSS INCEST BA? HEHE:D

    LT.........:rolleyes:
  • NWEI, I HOPE GOOD KARMA ANG DUMATING KE MS. DINA!

    I KNOW DAMI PANG PROJECTS NA MAPUPUNTA SA KANYA

    AT LEAST NAGMUKHA 2LOY UNDERDDOG SI MS. DINA NGAYON

    BASTA AKO MS. DI PA DEN

    HANEP PA RIN SA WANKATA

    BINILI KO NGA ISSUE FHM NUNG NA-FEATURE SYA EH

    GRABE ANG BABAENG ITO.....MAY ASIM PA DIN

    GO MS. D

    SANA NAGING NANAY NA LANG KITA.....OOPPPSSSSS INCEST BA? HEHE:D

    LT.........:rolleyes:
  • hey peeps!
    alam nyo naba kung ano ang pinaka bad bad bad side ni LT?
    the bad side about her is dat SHE IS D BEST ACTRESS!!!
    hindi nyo ma appreciate ang lorrrina role nya? sa inyo na yon
    basta ako..
    LORNA TOLENTINO PARIN!!

    :)
    sorry po pero maka lorna ito eh!!!
  • i dnt like ms d. i prefer lorna. naartehan ako kay dina e. parang may pagka kris aquino un minsan. ok acting nya dti pro ngyn d na...parang ang arte minsan.
  • doolfreak_bigedoolfreak_bige PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Ako rin, I like LT better than Ms. D. :)
    No offense meant to anyone, pero as far as I read in the newspapers and watch tv, I did not hear anything from LT at all (sa mga napanuod ko, ah...although cannot be 100% sure). I think it has been Lolit Solis, her manager, all along who's making a lot of noise.
    Eh si Ms. D, she has been vocal about the issue....even to the point of inciting a feud between her and Ms. D. Please! Don't wash dirty linen in public! Para namang desperada siya sa role na yun.

    In fairness, Dina is a very good actress, no question about it, but LT is good, too. Hello?! She won grand slam best actress, diba? Siguro naman eh may talento talaga yung tao. Truth to tell, hindi naman nang-agaw si LT ng role eh....nakarma lang si Ms. D....did u know that yung movie ni Ms. D. ngayon (Moral 2: Noon at Ngayon ba title nun, not sure)...yung role ni Dina nun was intended for LT but then for some reason napunta ka Ms. D....so we can say that it's just even Steven.
    After all that's been said and done, just move on na lang-yun dapat gawin ni Ms. D. Tapos na eh...si LT na napili....marami pa namang projects for her na maganda rin, o baka mas maganda pa. Malay mo, magsama pa itong dalawa sa movie sometime soon.

    Let's not judge LT on d basis of ds issue. :)
  • kris "clarified" some of that issues sa morning girls kanina ...

    imo, si mother lily ang may kasalanan
  • Naiinis ako kay Dina kasi ang arte-arte niya. At in fairness wala akong nababalitaan na nagsalita si LT about the agawan issue. Si Dina talaga yung nakikita ko on TV. Since she was so smug about it akala ko done deal na that the 3rd wife role was hers. Eh hindi naman pala. :o

    And in fairness to both of them it's very possible na ang nagpalaki sa alitan ay ang mga managers nila. I SO don't like Lolit, and as for Dina's manager, 'di ko siya kilala. :rolleyes:

    Eh ganun talaga sa showbiz eh ("There ain't no business like showbusiness..."). Nothing's ever a done deal until shooting wraps up. :p Kay Dina, grin and bear it nalang. You win some, you lose some. Such is life. Kay LT, congrats on bagging the role. I have no doubt you will do it justice. ;)

    I don't know how true the rumors are about LT spreading the dirt on Nora, though. Sana hindi totoo. :confused:
  • WaGGyWaGGy PEx Influencer ⭐⭐⭐
    I don't wanna comment about the Ms. D, Lorna & Mano Po2.


    Pero HINDI ko lang nagustuhan yung sabihing walang delicadeza si Ms. LT sa paglipat sa 7.... UNFAIR na sabihan ng ganun si Ms. LT! Lalu na hindi niyo man alam yung pinag-ugatan ng issue.

    Noon pa dapat nasa GMA 7 si Ms. LT. She was supposed to play the third wife of Eddie Garcia sa Kung Mawawala...that was LAST YEAR PA!

    She already attended the story conference and meeting (with the cast and director etc) kaya lang out-of-the-blue ABS-CBN remembered that Ms. LT still has an existing contract sa kanila. Isang contract na "almost" forgotten na at naalala lang yata nila when they learned that GMA7 is getting Ms. LT. I strongly believe that they got threatened so they reminded Lolit about the contract...at bigla ngang nag-create sila ng PANTAPAT sa Kung Mawawala -- which is Kay Tagal...and kinuha nila si Ms. LT to play the lead....natural lang na hindi na natuloy si Ms. LT sa KMK. Pero noon pa man - alam ng marami yan - na tatapusin lang ni Ms. LT yung naiwang contract sa ABS at lilipat na siya sa 7.

    So kung sabihin man niya NGAYON na lilipat siya...SHE IS JUST BEING HONEST...expected naman talaga na lilipat siya noon pa. Huwag ninyo naman husgahan agad ng walang delicadeza.

    If you want proof I have a folder which contains all the news & clippings about Kung Mawawala Ka...from beginning to end. At merong mga parts doon about Ms. LT joining GMA7 -- at matagal nang issue yun.
  • E di lumipat si Lorna
    di naman siya nagdadala ng KTKH
    I mean kahit sino yun lead actress basta magaling ok pa rin ang KTKH, story and nagdala sa KTKH hindi artista
    d closest n artista nagdala sina John Lloyd and Bea

    Bad side ni Lorna si Lolit!
    GrandSlam Actress, kaduda-duda!
    saka isa pa may katangahan naman yan si Lorna pareho ng asawa niya!
  • Blame it on the producer. For being so irresponsible. She's the one who promised so and so over some role that has not even been written. :rolleyes: She's the one who's *cough*greedy*cough*to create all this fuzz over some overrated film . LT has not commented about the issue. So it's quite unfair to blame her for all this. In showbusiness you win some, you lose some. And isn't it Lolit Solis who has blown this out of proportion? And another thing...don't you think this whole Mano Po II fiasco is just one pathetic gimmick to generate buzz for a passe' film?
  • i read the statement made by dina bonnevie's manager, arnold v. arnold wouldn't write something without hard facts.

    i do believe that lolit solis should be blamed for this issue and not mother lily. a producer has to rely on stars to carry the film through.

    lolit solis threatened to pull out christopher de leon from the cast if lorna doesn't get the role of the 3rd wife.

    susan roces would back out if christopher's no longer interested in making the movie.

    it's not lorna's fault to desire for a meaty role.

    if i am in mother lily's position, i have no choice, but give the role to lorna.

    lolit solis....when will she ever learn?

    i remember years ago, lorna wanted to do the babymaker role in a vilma-edu starrer. dina eventually took the role.

    i like both lorna and dina. lorna wasn't as nice as she is now. she was suplada. remember the time wherein she and rio locsin fought it out - billing and role - in the movie stepsisters?

    who can forget the nervous breakdown she had to go through after her real father went public. she even sued inday badiday for that.

    i don't approve this pakikisama system. when the filmfest scam came into being, lorna and rudy expressed support to lolit solis. ano? support for what she did?

    same thing with other showbiz personalities. they supported erap dahil may pinagsamahan. i admire bong revilla for what he did and i have lesser respect for rudy fernandez and philip salvador.

    kaya hindi umuunlad ang pilipinas.
  • Lorna Tolentino and Dina Bonnevie are not included in my list of Philippine Cinema's Best Actresses kaya wala akong pakialam kung kanino man mapunta ang role na pinag-aagawan nilang dalawa. Cheap nila huh, ang tagal na nila sa showbiz, ngayon pa sila nagisiarte na para silang mga batang nag-aagawan sa kendi.

    Hinde ko sila maramdaman kapag nagsisiarte. *irap*

    I guess may powerplay talagang nangyari dito. Knowing Lolit Solis? gagawin niyan ang lahat makuha lang ang isang bagay na gusto niya. at huwag sasabihin ng iba rito na walang nalalaman si Lorna Tolentino sa mga decisions ni Lolit with regards to the former's career. may consent ni lorna yan dahil career niya ang nakasalalay. ang hirap kasi sa mga Filipino madaling makalimot. I just want to remind you that movie people lost their credibility, and they also lost the interest of moviegoers in local films because of that filmfest scam brouhaha perpetrated by Lolit Solis.

    RE: Lucresia Kasilag a.k.a Mother Lily (Lukring for me). yung original na Mano Po, hinde matinde ang ginawa niyang promotion, bandang huli na lang siya kumilos ng makita niyang kinagat ng mga tao ang movie. ang mga fans ang nag-ingay sa pelikulang ito and not Mother Lily's group. Bihira nga akong makabasa ng articles about the original mano po sa mga newspapers and tabloids eh.

    yung sequel na ginagawa nila ngayon, sumasakay na lang ito sa popularity na na-create ng nauna pero sa totoo lang i doubt na kumita ito ng kasing-laki ng kinita ng naunang pelikula. why? aba, hinde ako manonood nito ano!!! *irap*

    manonood ako ng "FILIPINAS"...starring Maricel Soriano, Richard Gomez and Dawn Zulueta....
  • panalo si LOLIT-TULIS! ang tsinelas queen! takutin ba naman si mother lily na pag hindi si LT ang nilagay, ipu-pull out din niya si christopher na isa rin niyang alaga! duhapang talaga itong babaeng ito! kung may delikadeza naman itong si lorna, hindi niya hahayaan na mangyari yun, kaso takaw na takaw din siya sa role na yun, kasi posible raw na magka award eh. haay! malamang na hindi kikita ang movie na ito.
  • Na turn off talaga ako sa kanya dito sa isyung ito. Pwede naman sana cool and calm lang siya...instead of acting so BRATTY about it...kung hindi ako third wife...isosoli ko ang talent fee ek! ek!

    Ito pang si Lolit solis...kung sino ang pipiliin ni MOther, e di siya ang mas malaking star...meron pang "hindi ako nakikipag-usap sa mga taong less than 1 million ang talent fee".

    MY GULAY! SUCH BRATS! SUCH B!TCHES.:mad:

    Pero ang may kasalanan talaga dito si MOTHER LILY . Dapat hindi na siya nagpa-presscon with the 2 actresses kung hindi pa naman talaga na-iron out ang final cast.

    Na-embarass tuloy si Dina...I can't blame Dina kung magsalita siya nang ganoon kung totoo namang she was offered by Mother Lily.

    MOTHER LILY SHOULD APOLOGIZE TO DINA

    and because of this...
    I REFUSE TO WATCH MANO PO in the MOVIE THEATRES....

    BAd trip yang Mother Lily na yan...
  • I prefer LT, but Dina is a good actress, too. But, may pagka-taray nga si LT. I've heard her interview (more of spontaneous interview lang) sa The Buzz, ayun, may pairap-irap pa saya. Basta I can't remember what she said, but one thing entered my mind, ang taray pa la ni LT.
Sign In or Register to comment.