Home PEx Hobbies Anime and Manga

Neon Genesis Evangelion at Dual Parallel Adventure

Ako'y di masyadong bihasa sa anime kaya ako'y nagtatanong kung konektado ang dalawang series na ito. Pareho ang hitsura ng mga robot sa nasabing palabas. May makakapagbigay linaw sa akin ukol dito?

Comments

  • ginaya ng dual ang eva. Pero iba naman sila ng istorya.
  • thehitmanthehitman PEx Veteran ⭐⭐
    Walang koneksiyon ang dalawang palabas. Mga pagkakaiba:

    1. May takong ang 3 units ng Dual :rotflmao:
    2. 4 ang units ng Dual, sa Eva, 3 lang
    3. Malalim (sobra) ang kuwento ng Eva, at kung hindi ka maalam sa cosmology ay mahihilo ka sa mga pinagsasasabi nila tungkol sa dead sea scrolls, 17 angels, Lilith, at iba pa. Lalo na yung mga movies ng Eva, ang labo talaga. Kanya-kanyang interpretation sa ending ng Eva. Sa dual, simple lang ang storya.
    4. Simple lang ang mga personality ng mga tao sa Dual. Ang pangunahing bida ay isang ordinaryong lalaki na (as usual) habulin ng mga babae. Kasama niya ang crush-ng-bayan na babae, isang creature na anyong babae na may luntiang buhok, isang 23-anyos na babae na dating piloto ngunit naging guro niya sa paaralan, at ang anak ng kalaban na magaling magluto. Sa Eva naman, ang pangunahing bida ay isang lalaking may personality disorder, isang magandang bruha na German half-breed, at isang clone na siyang pangatlo sa series ng mga clones na ginawa.

    at

    5. Si Kazuki ay lalaki samantalang si Shinji ay bading.

    Alis na 'ko dito, paparating na sina Nanashi at VioletJersey.

    :cool:
  • SoliduS_AlphASoliduS_AlphA PEx Veteran ⭐⭐
    :rotflmao:
  • bichbich PExer
    haha... si D nga parang rip-off ni rei., buti na lang sa huli tumno.. lol
  • delphic_oracledelphic_oracle PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Dual aka Pirated Evangelion :D
Sign In or Register to comment.