Home PEx Local Entertainment Showbiz - General
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

Mfff-philippines Box Office Results!

as off this time and date : december 25,2002,8:30pm

NARINIG KO SI MAYOR MALONZO SA DZRH updating the box office results ng MMFF-P at ito ang mga sumusunod:

1.AGIMAT (bong r.)
2.LAWIN (fpj)
3.LAPU-LAPU (lito lapid)
4.HULA MO HULI KO(daboy)
5.HOME ALONE DA RIBER (dolphy)
6.MANO PO (maricel)
7.DEKADA 70 (VILMA)

sabi ni mayor yung mga serious films kaya dipa umaariba kase mga bata pa ang manonood pag dec.25 yung mga iba pang dates mga matatanda naman yan kaya may pag asa pa si ate vi!?

tuwang tuwa naman si bong sa resulta.........!

UPDATE NATIN YAN D2 !
«1345

Comments

  • :hmm: duda ako doon sa lapu lapu. tatalunin pa nito yung kay dolphy? eh serious film din yon ah.mas serious pa nga yon sa dekada 70 at sa mano po.

    parang i smell something fishy here,parang si malonzo may sosoyo sa movie ni lito lapid.di ba balita,laglag yan sa screening,may umareglo lang kaya isinali sa top 7.

    pero sigurado dapa ang dekada 70,kasi may news blackout sa 2.ni hindi binaggit sa tv patrol.;)
  • i smell something fishy.

    napanood ko na kasi kanina ang MANO PO sa SM Cinema, uy people maganda ang mano po huh and take note punong puno ng tao ang movie theater. parang hellooooo nasa no 6? hinde yata kapani-paniwala. anong ibig nilang palabasin, It's Man's World?

    tomorrow panonoorin ko naman ang Dekada 70. dapat itong mga ganitong movies ang panoorin natin, Mano Po and Dekada 70. tuwang tuwa ako sa mano po dahil for the first time nakita kong mahusay umarte si kris aquino. si ara mina, eksenadora ang bruha at mahusay na ring umarte pero pinakagusto kong sabunutan si Maricel Soriano, grabe hinde siya nagsasalita pero ramdam mo ang presence niya. donyang donya si marcielsa movie.
  • expected 'yan na kulelat ang dekada '70 on christmas day! sino ba naman ang gustong ma-depress paskong-pasko? this is one movie na mukhang mabigat dalhin o panoorin. but just like bata, bata which didn't do well initially and only turned out a monster hit through word-of-mouth, may pag-asa pa ate vi! :wink:

    nasaan na ang mga nanood ng anak? trailer pa lang, itong dekada '70 ay mukhang mas nakaka-iyak!
  • yorimichiyorimichi PEx Influencer ⭐⭐⭐
    sabi sa TV kagabi...

    1. Agimat
    2. ALamat ng Lawin
    3. Home Alone D Riber

    tpos sabi na lang na hindi na nagkkalayo ung ibang movies...
  • TiNyCuTiETiNyCuTiE PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Originally posted by luciam124
    i smell something fishy.

    napanood ko na kasi kanina ang MANO PO sa SM Cinema, uy people maganda ang mano po huh and take note punong puno ng tao ang movie theater. parang hellooooo nasa no 6? hinde yata kapani-paniwala. anong ibig nilang palabasin, It's Man's World?

    tomorrow panonoorin ko naman ang Dekada 70. dapat itong mga ganitong movies ang panoorin natin, Mano Po and Dekada 70. tuwang tuwa ako sa mano po dahil for the first time nakita kong mahusay umarte si kris aquino. si ara mina, eksenadora ang bruha at mahusay na ring umarte pero pinakagusto kong sabunutan si Maricel Soriano, grabe hinde siya nagsasalita pero ramdam mo ang presence niya. donyang donya si marcielsa movie.

    hehhe..agree ako jan..i watched mano po yesterday...parang di ako naniniwalang nasa kulelat ang mano po & dekada..nagpunta ako sa g1, g4 and greenbelt sold out lagi...tsktsk...
    pero yun agimat pwedeng #1 kasi sold out din eh...

    well...i dunno if in some other places ganun din
  • Noel VeraNoel Vera PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Saw Dekada 70, and it was full.

    Looks like this is going to be very well attended...
  • originally posted by TinyCutie
    hehhe..agree ako jan..i watched mano po yesterday...parang di ako naniniwalang nasa kulelat ang mano po & dekada..nagpunta ako sa g1, g4 and greenbelt sold out lagi...tsktsk...
    pero yun agimat pwedeng #1 kasi sold out din eh...

    well...i dunno if in some other places ganun din

    oo nga eh. kanina naman ang pinanood ko ay Dekada 70. okay din ang movie na ito pero mas gusto ko ang Mano Po. matao din ang Dekada 70 sa sinehan na pinanooran ko. and then my friends told me na nanood sila ng Mano Po sa SM Megamall naman, punong puno daw ang sinehan.

    sana naman ilabas nila ang talagang box-office results. kung puro "respeto" na lang ang paiiralin nila, ay naku iisipin ng iba na talagang walang improvement sa movies natin. diosko, sawang sawa na ako sa mga paulit-ulit na story at klase ng akting ng iba diyan.
  • :hmm: parang may effort na iangat sina fpj at dolphy,para di mapahiya na bagsak sila sa takilya. kita nyo kahapon ang repost ni rey malonzo no.5 ang home along,bigla bigla ngayon no.3 na. bakit? bilis namang umakyat ng ranking niya.

    kung maniniwala tayo sa execom: eto daw official gross ngayon:
    1.agimat
    2.alamat
    3.home along
    4.mano po
    5.dekada 70
    6.hula mo huli ko
    7.lapu lapu

    :hmm: kahapon sabi ni rey malonzo no.3 ang lapu lapu,ngayon biglang bagsak sa no.7?wala kasing maniwalang nag no.3 ito kahapon.
  • sa bawat sinehan iba iba ang results talaga! pero sa overall! tingin ko!

    AGIMAT AND MANO PO! OOPPPS EXCUSE ME AS OF TODAY THAT I BEEN SA SM MALL! MAS PUNO ANG TICKET SLOT NG mano po! sa dalawang cinema numbers! at sa AGIMAT almost puno palang! thats the truth!


    MORE COMMENTS AND EXPECTATIONS SA MMFF DETECTIVE!!! CHECK OUT MY POST!
  • latest as of yesterday(december 27),official ranking, according to lolit solis,

    1.agimat
    2.mano po
    3.dekada 70
    4.home along da riber
    5.alamat ng lawin
    6.hula mo huli ko
    7.lapu lapu

    i think may credibility si lolit sa dineklara niyang ito.remember alaga niya si daboy and yet inamin niyang nilangaw ang movie nito.:D
  • The MMFF, a contest to find out which films are the worst of the lot.:D
  • Originally posted by onwils
    The MMFF, a contest to find out which films are the worst of the lot.:D

    so that means agimat sucks the most... :beg:
  • malaki ang possibility na talunin ng MANO PO ang AGIMAT based sa nakita kong line-up ng moviegoers sa mga sinehan.
  • Originally posted by SiDarnaAko
    malaki ang possibility na talunin ng MANO PO ang AGIMAT based sa nakita kong line-up ng moviegoers sa mga sinehan.

    wag lang dayain ang tunay na results,either topgrosser o no.2 MANO sa takilya. may feeling ako na baka dayain ang gross nong FPJ movie para lang mapakitang malakas pa si da king.RESPETO ng industriya para di mapahiya si da king.

    marami nga ang nagcomment na di dapat ito nakasali sa 7 enties kasi pangit ang ALAMAT NG LAWIN,pero FPJ nga kaya sinali na rin.mas maganda pa daw yung SPIRIT WARRIORS sa ibang entries except or MANO PO and AGIMAT.

    feedback naman sa mga sinehan.mas dumami ba ang nanonood ng MANO PO after the awards night.nong 2nd and 3rd day nasa no.2 ang MANO PO.
  • Originally posted by fr34k


    so that means agimat sucks the most... :beg:
    Looking at the trailers, I would say that AGIMAT is the best in terms of special effects. But it will take more than special effects to become the best of the lot.
  • just curious,bakit walang trailer ng Lapu-lapu?
  • napanood ko interview ni Mayor Malonzo sa TV Patrol.

    sabi niya, top-grosses nga daw as of the moment is Agimat

    tapos, ang kasali sa top 5 ay Dekada, Mano Po, Alamat ng Lawin, Home Alone --->di in order yan, kase ayaw niya magbigay ng ranking. pero yang movies na yan ang top5, 6 and 7 lang ang Hula Mo and Lapu-Lapu.

    anyway, malalaman naman yon sa January 1, Kung aling 2 film daw ang papalitan ng Spirit Warriors at Lastik Man, ibig sabihin yun ang pinakamahina. :D
  • after the awards night according to billy balbastro, eto ang ranking sa takilya:

    1.AGIMAT
    2.MANO PO
    3.ALAMAT NG LAWIN
    4.HOME ALONG DA RIBER
    5.DEKADA 70
    6.HULA MO HULI KO
    7.LAPU LAPU
  • dapat mas bigyan pansin eh yung turnout ng mga moviegoers. eh number 1 nga sa ranking ang isang pelikula tapos wala pa sa isang libo ang nanood eh saan ang hustisya run? :)

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file