Home PEx Local Entertainment Showbiz - Female Celebrities

Judy Ann Santos...a fan thread

To all the fans of Juday...this is it!
«134

Comments

  • Im a true blue maka-juday no matter what?sana ala nang intruders.....keep this thrad peaceful..

    Saroun_ek, invite more juday fans you know na magpost dito..
  • Im a true blue maka-juday no matter what?sana ala nang intruders.....keep this thread peaceful..

    Saroun_ek, invite more juday fans you know na magpost dito..
  • Originally posted by chalzzz
    Im a true blue maka-juday no matter what?sana ala nang intruders.....keep this thread peaceful..

    Saroun_ek, invite more juday fans you know na magpost dito..

    What I really like Juday beco'z she's so simple yet very unique.inspite of her sucess but she remains humble & sweet.I'm willing to defend her from her detractors kung kailangan beco'z I know,she doesn't deserves that kind of treatment.Fly high,Juday!!!
  • ano ba yan...2 pa lang ang posts!

    Mga fans ni Juday...please support this thread...sige na naman
  • Me too... gusto ko sana, makawala na siya sa mga loveteam. kasi i feel this will slightly affect her career kung mayroon mang split-up of loveteam. At saka 24 years old na siya, dapat retired na siya diyan.

    I have seen her in person, here sa US, first time, and she is simply beautiful and very down to earth. I was surprised that she is a bit shy, considering she has been in showbiz for a long time.
  • Originally posted by BBM2
    Me too... gusto ko sana, makawala na siya sa mga loveteam. kasi i feel this will slightly affect her career kung mayroon mang split-up of loveteam. At saka 24 years old na siya, dapat retired na siya diyan.

    I have seen her in person, here sa US, first time, and she is simply beautiful and very down to earth. I was surprised that she is a bit shy, considering she has been in showbiz for a long time.
    You're right,BBM2.she's not getting any younger,kaya dapat lang magsolo na siya.ang loveteam2x na yan ay para lang sa teen-ager.but hopefully next year,wala na siyang ka-loveteam.one more thing,sana tito A.will accept mature role for JAS,para naman maipakita ni JAS ang galing niya sa larangan ng pag-arte.
    Sana kung na-nominate lang siya as a best supporting actress sa "magkapatid"I'm sure,mananalo siya.impossible kasi pag best actress siya sa "magkapatid"beco'z kay sharon ang focus or ang ikot ng story sa magkapatid.
    Juday 4-lyf!!!
  • Originally posted by saroun_ek
    ano ba yan...2 pa lang ang posts!

    Mga fans ni Juday...please support this thread...sige na naman

    Let's face it,marami ang fans ni Juday but obviously konti lang ang pumapasok dito sa PEX.but thank's saroun-ek for making this thread.are you a solid JAS?
    Hopefully,ang mga fans ni JAS na andito sa PEX can post in her thread.
    Juday 4-lyf!!!!
  • hello chalzz, buffy2, & BBM2.

    i also like judai a lot. minsan lang ako dito sa pex kc bc lately sa work.
  • originally posted by saroun_ek
    ano ba yan...2 pa lang ang posts!

    Mga fans ni Juday...please support this thread...sige na naman

    oo nga naman, suportahan niyo si Judy Ann Santos dahil damay dito pati si Piolo Pascual di ba babygirl? :laugh:
    Sana kung na-nominate lang siya as a best supporting actress sa "magkapatid"I'm sure,mananalo siya.impossible kasi pag best actress siya sa "magkapatid"beco'z kay sharon ang focus or ang ikot ng story sa magkapatid.

    i don't think na mananalo si Juday sa Magkapatid. Magkapatid is an overrated movie. mas marami akong napanood na artistang nasa supporting category ang mas dapat na manalo kesa kay Juday.

    sana tito A.will accept mature role for JAS,para naman maipakita ni JAS ang galing niya sa larangan ng pag-arte.

    hinde competent ang manager niya. sayang yung role sa MANO PO na napunta kay Assunta and then to Ara Mina. inuna pa yung Genie, ayan tuloy na-magic sila sa box-office.
  • BBM2...I am not a solid Juday...I created this thread para naman sa ibang fans niya na napansin kong medyo lang war freak...pagod na kami sa kaniya...PEACE!!!

    But BBM2, with the way you have been saying things about Juday, I wish her luck specially next year. I hope her film with Piolo would be a real blockbuster, which pretty sure would be, no doubt about that. Next year would be her chance to redeem herself from a not so good year in terms of flops and hits. Only Magkapatid was a real hit. And I am hoping that she gets roles that are really worth watching even without Piolo, whom everyone knows are really getting better roles than Juday (His DEKADA '70 role as Jules is the most coveted role among Amanda Bartolome's children). Blame it on her Manager, too much MONEY wandering guy. Kaya tuloy sa PEX, kawawa si Juday because of Alfie, the most unwanted guy here in PEX. Juday deserves a better manager, a selfless one and that is not biased.
  • I'm not a fan of juday....I don't hate her either, infact gusto siya ng nanay ko kasi fan siya ng Sa Puso Ko Iingatan Ka.

    Buhayin ko lang. :)
  • I think Juday is a nice person, I dont really like her or hate her as well, pero I can siguro mas like ko siya ngayon kesa noon. I don't know, but I think she has a good heart naman. And I think she doesn't deserve all the insults and destructive criticisms that has been said about her lalo na dito sa PEX. I am sure she is also hurt kahit sabihin niyang sanay na siya sa bad intrgues. I think she is also a good actress lalo na sa drama 'coz I watch Magkapatid and she is also good in there, although movie nga talaga ni Sharon yun but I still find her acting good in that movie. And I think BBM2 is right, she should avoid doing some movies which will just associated her with somebody. I think kaya naman niyang mag-isa lang and get better roles. Loveteam will not make her any good and pagsasawaan din yan ng tao and of course fans will expect na kung ano yung nakikita nila sa screen gusto nila yun na rin ang sa totoong buhay, so it is better for her to go solo and just leave the loveteam to the young ones, pass na siya doon. She can be another Sharon Cuneta kasi marami rin siyang fans and pang-masa talaga siya, minus the voice nga lang siguro compared to Sharon and Sharon can be of A-E crowd, pero at least Juday can prove herself na rin.

    Well, I think I bette stop here, that was just my comments guys and whether you agree or not, we have our own opinions naman and preferences so we should all respect that.

    Till then......:)
  • Well, Its good to know that kahit papano may mga defender din si juday sa pex kala ko kc magisa lang me hir... You know wat ?guys, I believe that juday really doesnt deserve to be insulted.. Napakabait at down to earth yan. Ive proven that... Anyway, with regards to her career, well I agree na she has to choose kung anong movies ang dapat nyang gawin.. I think with the box-office credentials she has made may right na sya para pumili.. With her stature dapat nga truly quality fims na ang ginagawa nya..At piliin din nya kung sino ang makakasama nya.. But, id like to emphasize na may manager sya, and according to alfie, lahat naman daw ng big star dumaan sa ganyan.. yun bang tumulong muna sa mga baguhan and pa sweet sweet muna..Hindi lahat ng movies ng mga big stars nagyon eh kumita...may mga sari sarili din silang flops... And, accordingly hindi naman daw flop ang mga movies ni juday,, hindi lang sya ganun kalakas gaya ng ibang movies nya.. Sobrang taas kasi ng expectation ng industriya sa kanya.. Which I agree...Ang 3 million sa first day for her movie eh mahina na, eh kung sa iba box-office hit na yun di ba?

    Anyway, She's currently doing a movie with Fernando Poe, sequel of isusumbong still under star cinema and a movie with Piolo..About early marriage daw ang story so malamang medyo seryoso na ang tema... Sana maging big big hit ito... so she could prove her detractors wrong.. Other line-up movies are ---- viva films, with regine velasquez, with richard gomez din meron and with vilma santos under star cinema.. So far bigatin na mga line-up so im sure ,makakabawi sya next year...

    Till here na lang muna.. I LOVE JUDAY no matter what!!
  • Fans daw sila ni Juday? Ows?!

    May ilang nag-text sa amin, ‘yung iba ay nag-email na nagpapanggap na fans daw sila ni Judy Ann Santos.

    ‘Yung mga mensahe nila ay tunay na nakakapagpataas ng presyon, ‘yung iba ay naghahamon ng tarayan, ‘yung iba ay nambubuska, nangangantyaw.

    ‘Yung iba ay nagmamarunong, kami ay pinapayuhan, marami ang kami ay pinagsasabihan.

    Nakasisiguro ako na dahil sa posture ng mga ito, they’re not even half my age, never have seen what I have seen and know very little about showbiz history and the mechanics of moviemaking and star building, least of all, star managing!


    *****

    Noong nagsisimula pa lang si Juday sa showbiz, ang tanging nasasabi sa mga sulat na ipinapadala sa kanya ay ang labis nilang paghanga kay Juday.

    Nauna at nanguna sa teledrama at teleserye si Juday laban sa lahat ng mga kapanabayan niya.

    Palagi siyang nauuna and the rest are merely after-you-Juday!

    Ang Mara Clara ay nagsimula sa afternoon slot (na okupado ngayon ng Recuerdo de Amor). Unti-unting umusad ito sa evening primetime at napahinog ni Juday ang 7:00 PM evening slot.

    Noong magkaroon ng built-in televiewing habits ang 7:00 PM slot ay sinabayan na ito ng iba pang drama shows ng ABS-CBN kaya na-promote na si Juday bilang Drama Queen, kaya binigyan si Juday ng sarili niyang Judy Ann Drama Special which was a weekly.

    Noong iwan ni Juday ang daily 7:00 PM slot, unti-unti itong lumaylay lalo na noong mawala na rin si Noli de Castro sa TV Patrol kaya kinailangang ibalik si Juday sa iniwang slot ng Mara Clara at Esperanza pagkatapos ng isang taon ng Judy Ann Drama Special.

    And these are all facts entered into the ABS-CBN memorabilia that no one can deny.


    *****

    Gumawa ng maraming pelikula ang Juday-Wowie loveteam which were mostly big hits, meaning tumubo nang husto ang producers, karamihan nito ay sa Regal Films kaya tubong lugaw si Mother Lily.

    Gumawa rin sa Star Cinema ang loveteam nina Juday at Wowie kaya kumita na ang ABS-CBN at Star Cinema from Juday before anybody else did (‘yung mga ka-age level ni Juday na pilit na itinatapat at inili-level kay Juday).

    May kantyawan noon na pag gustong igawa ng Star Cinema ng movie ang mga alaga nilang starlets ay gagawa muna ng Juday movie at ‘yung kikitain ng Juday movie ang ipampuprodyus ng movie para sa mga starlet ng Talent Center.


    *****

    There was no argument among fans then. Basta may movie si Juday, nanonood sila.

    Syempre, hindi pwedeng palagi na lang Juday-Wowie movie ang gagawin.

    Maski na litson, kung araw-araw ay nakakasawa. Kaya si Wowie ay gumawa ng movie with Juday’s rival in popularity, Angelu de Leon.

    At si Juday ay gumawa ng movies na iba’t iba ang kapareha. Mga ordinary movies na low budget pero nakapagbibigay ng break sa mga deserving na mga baguhan.

    Kaya hindi lang isang Wowie de Guzman ang nagkapangalan kundi pati na isang Rico Yan at ng galing sa ‘flopsina’ na first starring role na Lagarista na Piolo Pascual.

    When you make a low budget movie, mas madaling bumalik ang puhunan at madali ring magtubo ang puhunan.


    *****

    In between ay gumagawa si Juday ng big budgeted movies like ‘yung kay Fernando Poe Jr. na Isusumbong Kita sa Tatay Ko which made Juday the ‘Box Office Queen’ that year.

    The movie was also the topgrosser of the year.

    And then ‘yung Kahit Isang Saglit at Bakit Di Totohanin nila ni Piolo Pascual last year.

    And this year, ‘yung Magkapatid nila ni Sharon Cuneta na topgrosser ng Manila Film Festival.

    So, ano pa ang gusto ng fans ni Juday, every movie of hers ay blockbuster? Sinong artista on record, here and abroad, ang lahat ng movies ay big hits?

    Palagi bang big hits ang movies ni Arnold Schwarzenegger? Ni Brad Pitt? Sylvester Stallone? Bruce Willis? Kaya ‘yung sosyohan ng tatlong box-office kings na ‘Planet Hollywood’ ay nagsara na dahil lugi rin, debah?

    Maging sina Sharon Stone, Demi Moore, Madonna, atbp. ay may mga flops, ah!

    Nowadays ay tatlo lang sa Hollywood ang nasa power list: Mel Gibson, Tom Cruise and Tom Hanks.

    Bumaba ang audience appeal nina Stallone, Arnold at Bruce Willis at malapit nang ilagay sa has-beens position sina Kevin Costner at Leonardo di Caprio.

    Gumawa si Jim Carrey ng mga relevant themes but the audience preferred him in such yucky and idiot movies like The Mask, Dumb and Dumber, etc.


    *****

    Sa history ng Philippine Movies, sinong pinakasikat na artista ba ang hindi gumawa ng IDIOTIC FILMS?

    Gumawa ng mga imposibleng tema sa pelikula sina Nida Blanca, Gloria Romero, Amalia Fuentes, Susan Roces, Nora Aunor at Vilma Santos.

    The stage Juday’s career is treading is the same path na tinahak ng mga naunang sikat sa kanya.

    Usu-uso lang ‘yan, pana-panahon lang ‘yan, paulit-ulit lang ‘yan.

    Huwag nating apurahin si Juday sa career moves niya. It will come, as sure as I am that the sun will shine tomorrow morning kahit pa tabingan ng makapal na ulap.


    *****

    Nagre-request ang fans (daw!) ni Juday ng quality project. Quality project?

    But how do you choose a quality project? How sure are you na basta may magandang script ay quality na ‘yun?

    Paano ang interpretation ng direktor sa isang magandang script? Judgement is rendered only on the finished product. And again, box-office performance.

    Teka, di ba, ‘yung Juday-Cogie Domingo movie na Pakisabi Na Lang, Mahal Ko Siya eh nanalo ng FIRST Presidential Quality Film Award on the month it was shown?

    Ito ang kauna-unahang winner sa pilian ng mga pelikulang magkakasabay na ipinapalabas at may premyo ito mula sa Malacañang.

    Winner pa ‘yan ng QUALITY award, eh bakit ni hindi ito kasinlakas ng mga tinatawag na basura movies nina Juday at Wowie?

    Ang mga Juday-Wowie movies ay nag-akyat ng milyones sa kaban ng producers, eh bakit walang angal ang mga manonood?

    Bakit walang nagde-demand ng quality?

    Hindi sa lahat ng oras ay natatamaan ang right formula para sa isang matagumpay na pelikula.

    Merong siguradung-sigurado na ang producer bago mag-showing, pero sa araw ng showing ay nag-away na pala ang magkapareha, itlog na ‘yun sa takilya!

    Good scripts are hard to come by. Few producers are willing to shell out the right budget and promotions. Walang nakasisiguro kung ano ang gusto ng manonood.


    *****

    Eh baka naman abutin ng isa o dalawang taon si Juday na walang pelikula kung hihintayin namin ang RIGHT PROJECT na may QUALITY na hanap ng mga mapaghanap at mareklamo.

    Hindi ba ang usual na katwiran ng mga WALANG OFFERS ay namimili pa sila ng right project, at inabot na ng tatlong taon na wala pa ring ginagawa dahil WALA talagang nag-aalok?

    Tama na ‘yung maraming ginagawang pelikula si Juday at sa rami ay isa man lang ay maging blockbuster!

    Nangyari na ‘yan kina Maricel Soriano, Sharon Cuneta, Dina Bonnevie at iba pang mga sikat.

    May movies silang hindi kumita sa takilya pero nag-uwi ng awards. Merong big hits na ni isang nomination ay wala. Pero after how many decades, nandyan pa rin sila.

    Marami ring naging flops si Nora (lalo na sa mga film festivals na malimit na kulelat sa takilya ang entry niya) pero nandyan pa rin siya, ganoondin si Vilma Santos na bumilang din ng mga mahihinang mga pelikula, pero mga awardees at nandyan pa rin si Ate Vi sa kabila ng ilang dekada!

    Classic ang mga movies ni Ate Vi na Sister Stella L at Baby Tsina, pero mas kumita pa ang mga Rock Baby Rock at Darna movies niya!

    Ang Bulaklak ng City Jail, Andrea: Paano Ba Ang Maging Ina ay hanggang awards lang for Ate Guy, pero walang perang pumasok sa bulsa.


    *****

    So, aber nga, ano ba talaga ang isang QUALITY FILM? ‘Yung ang bida ay nakipag-live in na sa iba’t ibang lalake? ‘Yung bawat kapareha ay binoboypren?

    ‘Yung magpapakita ng binti at aninag ang suso sa magic camison?

    ‘Yan ang usual na kalakaran sa local showbiz. God forbid na tularan ni Juday ang ganyang kalakaran.

    I will hate the day na magpalamon na si Juday sa sistema. God, hindi na titino ang local movie industry kung wala nang matitirang ROLE MODEL para sa mga kabataan, huh! Huwag po. Huwag po. Hindi namin pinangarap na ikomersyo ni Juday ang kanyang katawan for the sake of art at mga taong too demanding at mga nagpapanggap lang na mga fans niya kuno! Ows?

    Hindi kaya kayo mga devil’s advocate lang?
  • Si TA gave an example of Pakisabi na lang movie as one quality film dahil nakakuha ng presidential award... hmmmmm... I have watched this film, and I must say, hindi talaga quality film ito. for me parang pito pito movie. Sana naman next time, gastusan ng Viva ang movies ni Juday, kasi lately parang sobrang cheap ang production dito. Hindi kagaya ng movies ni Juday sa StarCinema. Kahit ang istorya nito ay not the greatest, pero maligaya ka naman sa cinematography.

    Yung mga mensahe nila ay tunay na nakakapagpataas ng presyon, ‘yung iba ay naghahamon ng tarayan, ‘yung iba ay nambubuska, nangangantyaw.

    I cannot comment dito dahil hindi ko alam ang content of the email.
    Yung iba ay nagmamarunong, kami ay pinapayuhan, marami ang kami ay pinagsasabihan.

    Nakasisiguro ako na dahil sa posture ng mga ito, they’re not even half my age, never have seen what I have seen and know very little about showbiz history and the mechanics of moviemaking and star building, least of all, star managing!

    I am sure these fans only want the best for Juday. Hindi siguro nagmamarunong sila, kaya lang since they are the paying viewers, siguro may karapatan din naman silang magsalita kung ano gusto nilang mapanood. I am sure this is only a constructive criticism in their part.

    Ang age part - hmmmm.... ang labo naman ni TA. Pati ba naman iyong experience niya nasama pa dito. Gasgas na rin naman ang linyang iyan, and we the fans are really grateful to all the hardwork he has done. Kaya nga siguro concerned ang mga fans because they do not want all his hard work to go to waste.

    Iyon na lang muna. I've noticed Wowie's name has been mentioned many times lately... may plano kayang buhayin ni TA ang loveteam ni Wowie and Juday? Huwag naman sana. Siguro to do a movie with Wowie OK lang pero to revive their loveteam? huwag na lang sana.
    saroun_ek BBM2...I am not a solid Juday...I created this thread para naman sa ibang fans niya na napansin kong medyo lang war freak...pagod na kami sa kaniya...PEACE!!!

    But BBM2, with the way you have been saying things about Juday, I wish her luck specially next year. I hope her film with Piolo would be a real blockbuster, which pretty sure would be, no doubt about that. Next year would be her chance to redeem herself from a not so good year in terms of flops and hits. Only Magkapatid was a real hit. And I am hoping that she gets roles that are really worth watching even without Piolo, whom everyone knows are really getting better roles than Juday (His DEKADA '70 role as Jules is the most coveted role among Amanda Bartolome's children). Blame it on her Manager, too much MONEY wandering guy. Kaya tuloy sa PEX, kawawa si Juday because of Alfie, the most unwanted guy here in PEX. Juday deserves a better manager, a selfless one and that is not biased.

    Alam kong hindi ka solid. Pero thanks huh. Sana nga, next year will be a better year for her. I wish Piolo the best of luck also. I am sure ang Dekada will win him his first major award. Thanks again for the thread.
  • No problem BBM2...I admire you for being a true Juday fan...you see her weaknesses as well as her positive ones...keep it up!
  • Lemme say that I miss Juday a lot as Diane in Gimik. I guess that character was closer to her real self than any of her soaps, especially the most recent one.
  • Originally posted by saroun_ek
    BBM2...I am not a solid Juday...I created this thread para naman sa ibang fans niya na napansin kong medyo lang war freak...pagod na kami sa kaniya...PEACE!!!

    hahaha...you're sick & tired,kanino?di naman siguro warfreak,sinaasagot lang ang mga insulto nila kay JAS.sila lang ba ang may karapatan mang-insulto kay JAS?pero pag ginawa sa idol nila ang ginagawa nila kay JAS,warfreak na ang tawag nila doon?it's not fair huh...but again thank you sayo.fan ka pala ni PP,well...goodluck sa movie nila ni JAS next year.
  • Originally posted by BBM2
    Si TA gave an example of Pakisabi na lang movie as one quality film dahil nakakuha ng presidential award... hmmmmm... I have watched this film, and I must say, hindi talaga quality film ito. for me parang pito pito movie. Sana naman next time, gastusan ng Viva ang movies ni Juday, kasi lately parang sobrang cheap ang production dito. Hindi kagaya ng movies ni Juday sa StarCinema. Kahit ang istorya nito ay not the greatest, pero maligaya ka naman sa cinematography.

    - I definitely agree with you on this.. 101%.Kaya puro blockbusters ang movie nya sa Starcinema.. Sa Viva, magkapatid lang certified blockbuster and talagang quality film na matatawag.. Anyway, she has one with regine in the making, sana quality film ito..


    I am sure these fans only want the best for Juday. Hindi siguro nagmamarunong sila, kaya lang since they are the paying viewers, siguro may karapatan din naman silang magsalita kung ano gusto nilang mapanood. I am sure this is only a constructive criticism in their part.

    Ang age part - hmmmm.... ang labo naman ni TA. Pati ba naman iyong experience niya nasama pa dito. Gasgas na rin naman ang linyang iyan, and we the fans are really grateful to all the hardwork he has done. Kaya nga siguro concerned ang mga fans because they do not want all his hard work to go to waste.

    - Again, Tama ka na naman.. I hope Alfie will realize this.. We only want the best for Juday..

    Iyon na lang muna. I've noticed Wowie's name has been mentioned many times lately... may plano kayang buhayin ni TA ang loveteam ni Wowie and Juday? Huwag naman sana. Siguro to do a movie with Wowie OK lang pero to revive their loveteam? huwag na lang sana.

    -Tama ka na naman...

    Anyway, Im wishing her the best for next year..
  • anyway I got this picture from another MB. Sana huwag silang magalit. This is how close I was with her sa LA concert. Very pretty talaga.

    0.jpg
Sign In or Register to comment.