FEATURE ADJUSTMENT: The Flag button is temporarily unavailable for members. We are doing certain system adjustments as of the moment to prevent some users from abusing this feature. For reports, please message the moderators or email us at [email protected]
PEx Alert: Welcome to the new PinoyExchange. For access issues, bug reports and technical concerns, please email us at [email protected] Thank you!

CORRUPTION sa Post Office

Pati pala sa Post office may mga anomalya na nagaganap, last week lang pumila ako para magpadala ng package tapos sa harap ko yung isang custumer nagbayad para sa mail niya. Akalain mo ba naman nung ibinigay yung sukli ng teller, humirit na eto sukli tapos biglang kuha ng p20 sa kawawang customer para daw sa packaging tape. Naawa ako sa babae at di man lang nag-ask kung para saan yung bente! Nung ako na sabi ko wag mo ng ilipat yung ;laman niyan at di ako nag bayad ng p20 "Service Charge"!! Lang hiyang mga teller kung ano anong gimik na ILLEGAL!!
«1

Comments

  • SweetkaySweetkay looking for my next mistake PExer
    Really? Kasi lagi kaming nagpapackage never pa naman kaming ginanon ... :shrug:
  • TempoTempo Member PExer
    Try mo sa central post office sa manila! doon sa may gitna sa may babae na nkasalamin, siguradong susungkitin p10 or p20 bayad sa tape pag-abot sa yo ng change
  • juve_grrrl10juve_grrrl10 mental in the bad way PExer
    sobra naman yun!!! walang silbi talaga Philpost. kada taon na lang yata nagtataas na sila ng presyo ng selyo...pero yung service nila bulok pa rin!

    malapit na naman pasko, sigurado marami na naman sila ek-ek :rolleyes:

    ang napapansin ko naman pag pasko, "ambabait" ng mga clerks, nagsma-small talk sila, as in "sino itong sinusulatan mo?", minsan naman napansin yung return address ko, "ay doon ka ba nakatira? same village pala tayo." duh? pero siempre kaya lang sila ganun para bigyan mo sila ng "DONATION"! ang malala eh hindi pa nila agad ibabalik sa iyo yung mga envelopes mo na nilagyan na nila ng stamps...unless makita ka nilang maghulog sa donation box nila!!!

    sobra ha! pwede ba yung, eh di ba gov't service na nga sila?!?


    ang napansin ko rin sa packages naman, pag outgoing tapos para sigurado talaga, registered pa, safe yung package mo, makakarating abroad. pero pag incoming...lagot! ilang beses na akong nawalan ng package. tapos ngayon pa na may email, nasasabihan agad ako na abangan nila padala nila...kaya nake-keep in track ko gaano katagal dumating yung package o kahit sulat nila.

    ang sabi naman sa akin ng ibang clerk (kasi may ibang mababait din naman talaga sa PO kung tutuusin...pero sigurado iilan lang sila! haha!) kadalasan yung mga malilikot ang kamay ay yung nasa Airmail Distribution Center (ito yata yung nasa Pasay, malapit sa airport), kasi doon talaga tumatagal yung mga package.

    may iba pa akong "horror stories" sa Philpost kasi madalas akong gumamit ng services nila
  • avonleaavonlea Moderator PExer
    Three months ago... sinauli ko yung cashier's check ng sister ko worth US$3,000 pero syempre vandalized na yun at puro void ang nakalagay... alas, hanggang ngayon hindi pa rin nakakarating sa kanya! Ordinary mail siya pinadala pero hello...
  • FootlooseFootloose All Time High PExer
    dapat nang ma-overhaul yang post office natin diyan sa PInas, matagal ng may mga anomalyang ginagawa ang mga empleado diyan. dinig ko pa mayroon laging nakahandang kumukulong tubig lagi sa distribution office sa Pasay, para ng sa ganoon ay madaling mabuksan ang mail na galing sa abroad at naibabalik din yun takip ng hindi nahahalatang binuksan . matagal ng ginagawa ito pero wala pang nahuhuli kase nga hati - hati sila sa kita mula sa mababa hanggang sa mataas na pwesto.
  • Mickey2000Mickey2000 TheFoodBlogger PExer
    mickey08a.gif hay naku,grabe talaga,tapos wala pang konsiderasyon,yung post office sa me kalookan,pinapasok ng tubig kapat malakas yung ulan,parang yung warehouse nila kung saan nakalagay yung mga packages,basa na lahat,wala man lang silang nilagay na kahit mga kahoy,mabuti sana kung me insurance yang mga yan or pwede mo silang i-sue,eh wala eh,pag nagsumbong ka naman sa postmaster,sila pa galit!
  • yeeeyeee Member PExer
    antagal na tugtugin yan. kahit sa sulat.
  • EllheymEllheym entrepreneur PExer
    ay naku! kahit noon pa ganyan na sila.. kaya hindi kami nagtitiwala sa kanila.. kapag nagpapadala kami ng pera sa probinsya.. mas gusto namin ang bank to bank.. at kung package naman.. for local LBC or JRS, para safe. :)
  • yeeeyeee Member PExer
    Went to the Post Office in Cuneta astrodome 2 days ago, I was planning to express my mail to washington dc but then again, naloka ako sa post officer

    Me: Madam, magkano magpa express mail papuntang US?
    Post Officer: 400 pesos po.
    Me: Mga Ilang araw po ang express?
    Post Officer: Ay alam ko basta sa amerika , isang linggo.
    Me: Nyek, sige ordinary na lang, magkano ba po>?
    Post Officer: 20 pesos
    Me: Ilang araw po ito
    Post Officer: One week din.

    :bop:
  • FootlooseFootloose All Time High PExer
    Originally posted by yeee
    Went to the Post Office in Cuneta astrodome 2 days ago, I was planning to express my mail to washington dc but then again, naloka ako sa post officer

    Me: Madam, magkano magpa express mail papuntang US?
    Post Officer: 400 pesos po.
    Me: Mga Ilang araw po ang express?
    Post Officer: Ay alam ko basta sa amerika , isang linggo.
    Me: Nyek, sige ordinary na lang, magkano ba po>?
    Post Officer: 20 pesos
    Me: Ilang araw po ito
    Post Officer: One week din.

    :bop:

    hahahahah,
    anymore funny and sad stories at any Phil. Postal Service? post niyo rito
  • juve_grrrl10juve_grrrl10 mental in the bad way PExer
    naku, yeee, isa pa yang pinagtatakhan ko sa PO services natin! like merong special delivery ha, tapos siempre mas mataas ang bayad...pero anong special doon? it takes the same length of time to deliver as ordinary mail anyway! :rolleyes: di ba ang weird din kung intra-city mail lang, 3 days bago matanggap ng pinadalhan mo. di ba dapat same day lang? or at the most next day deliver...

    isa pang ayoko sa mga post offices...meron silang mga racket sa tabi-tabi, o kaya pumapasok sa loob mismo yung mga nagtitinda ng mga kung anu-ano! (pero ganun din naman yata sa mga opisina 'no?) minsan kasi walang tao doon sa stamps window, pero nakita ko naman na andun yung clerk sa loob. akala ko may inaasikaso siyang related sa trabaho niya -- yun pala, bumibili ng mangga dito sa naglalako! ang pinakamasama pa...ginamit niya pa yung postal scale para itimbang kung 1 kilo nga binili niya!!!! g'leng-g'leng talaga, multitasking!!! :rolleyes: again
  • PUGSLEYPUGSLEY Banned by Admin PExer
    Noong si Roilo Golez ang Naging Post Master General naging maayos and Post Opis, nawala and mga magnanakaw.......

    Ngayon balik sa dati ulit and Post Opis.


    Here in Baguio, one postman was charged with qualified theft (don't know if he was convicted ) but until now he still is working with the post office.
  • donstruandonstruan For the Family PExer
    :dance:

    Maybe I'm crazy but 3 times I have sent cash to the Phil. Twice it was just in a greeting card. He he.. But only 20 to 50 bucks at a time. The mailmen must be making good money from Tempo so they don't bother checking mail anymore. Ha ha. Biro lang, Tempo.
  • TempoTempo Member PExer
    Hahaha binubuksan talaga yang mga yan! Dad ng neybor ko nanakawan ng Credit card fr AT&T galing sa US tapos ginamit yung mismong Credit card! Buti na lang at di na charge dad nya! Pinadala na lang ng AT&T via Fedex.....Tsk Tsk Lahat ng mail niyo Binubuksan at sinusuri yan! Kahit money order na nakapangalan sa inyo, pagtiyatiyagaan yan! MGA CORRUPT YAN!
  • juve_grrrl10juve_grrrl10 mental in the bad way PExer
    oo naalala ko noong panahon na si Roilo Golez ang PM General...umayos nga ang post office. pero siempre, dating gawi na uli, lumalala pa ata!

    naisip ko pa ito dati, dapat siguro may rule para sa mga Philpost clerks na mandatory magkaroon sila ng at least 3 penpals mula sa iba't-ibang bansa. as in penpal talaga na hindi kamag-anak o kaibigan. tapos madadama din nila kung gaano yung anxiety na isang tao kakaantay ng sulat mula dito, lalo na kung packages ang ipinadala kasi malamang nauusyoso ito tapos mawawala na lang... para naman maranasan nila kung paano nila dinadaya yung publiko. ha ha. ang babaw nitong naiisip ko 'no?

    isa pang napansin ko: bakit ang daming matatandang clerk sa p.o.? hindi ko naman tinatanong edad nila, pero mukhang mga dapat noon pa nag-retire.... wala akong nakikitang 'younger' clerks sa p.o. ang hirap kasi doon sa mga matatanda, ang babagal kumilos! as in arithmetic lang, in-add na nga sa papel, gagamit pa ng calculator para sigurado...eh kanina mo pa sinasabi yung sagot ayaw naman maniwala sa iyo.
  • sneykssneyks Member PExer
    Nakakalungkot ang mga stories nyo. Pero wala naman atang Government office dito sa Pinas na di corrupt e. Masanay nalang tayo. Ganyan talaga dito, hindi na magbabago yan....
  • juve_grrrl10juve_grrrl10 mental in the bad way PExer
    sorry, sneyks, pero hindi ako papayag na "tanggapin" ko na lang nang basta-basta ang corruption ng P.O. natin. ganun lang? magsanay na lang? parang walang pag-asa para magbago itong bansa natin. tsk tsk tsk. hindi pwede. ako, hindi naman ako overtly optimistic na tao. i actually see the glass half-full. pero hindi naman ako extremely pessimistic o passive na lang. basta naniniwala ako na habang may buhay, may pag-asa! di ba? ;)

    share ko lang itong nabasa ko sa novel ni Carl Hiaasen. meron kasing recurring character sa novels niya na tibak ang dating, very pro-active environmentalist. tapos ito yung sagot niya noong itinanong sa kanya kung bakit ganun siya.
    "Somebody's got to be angry or nothing gets fixed. That's what we were put here for, to stay pissed off." *pipe*
  • SUNSTARSUNSTAR ENJOY LIFE !!!! PExer
    Ang alam ko kasi dito sa Post office namin ikaw ang dapat talagang magdala ng packing tape. Kung anu man papadala mo kailangan makita nila so dadalhin mo syang nakabukas tapos dala dala mo tape mo ikaw rin ang magtape non.
    Syempre sa gobyerno minsan mahirap ang mga supplies kaya baka minsan mga tellers na rin nag aabono, so baka lang nga nagamit o napasobra gamit nung ale sa tape nung teller kaya sya siningil. Kasi d2 sa post office namin kung gagamit ka ng tape nila magbabayad ka talaga kasi ikaw dapat maydala ng tape. dapat galing sa yo tape so baka ganun ang nangyari.
  • juve_grrrl10juve_grrrl10 mental in the bad way PExer
    sunstar, ganyan din naman dito sa post office namin at doon sa Pasay P.O. (kung saan kami dati nakatira). pero dati nakakalusot ako minsan na dadalhin ko na sa P.O. yung package ko, balot na talaga :D kaya hindi na pwede inspect. they just have to take my word for it, na kung anong sabihin kong ito ang laman ng package, ayun nga...ano namang mapapala ko kung magsinungaling ako sa kanila, di ba? pero itong huling beses na ginawa ko ito, pinagsabihan na ako ng clerk, 'wag ko daw muna isara para ma-inspect kasi mandatory daw yun.

    ang hindi ko lang maintindihan eh kung bakit kapag magsama ka ng sulat sa package mo, eh may iba pang bayad yung sulat doon sa package. halimbawa, P200 yung selyo ng package, tapos may sulat pala, may patong pang P22...ha?!?? weird lang...as if sobra ang dagdag sa weight ng package, eh di ba kasama na yun sa timbang ng package???
  • TempoTempo Member PExer
    may extra charge tlga pag books ang pinadala mo tapos may nakitang other paper material
«1

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file