Home PEx International Entertainment Music and Radio

the state of ANALOG EFFECTS in the philippines

napakaraming effects boxes na sooobrang ganda... kaya nakakapanghinayang dito sa pilipinas na boss lang at dod ang gamit na gamit.

kakaunti lang tayo dito sa bansa na alam ang lambing ng budda phatman, paglipad ng small stone at roland jet phaser, all-around ability ng mxr phase90, tamis ng vox wah (nagbebenta nga pala ako nun, bnew 6t), rarity ng ADA flanger, at angas ng di mapapalitang electroharmonix big muff pi.

minsan nakakapikon makakita nung mga may bitbit na bcb6 case ng boss na bilib na bilib dahil puro "boss" na sila. gusto ko sila i-educate at sabihing "gaganda lang yang ds-1 mo kung papalitan mo ng diode yung isang capacitor nyan!". of course di naman lahat din ng may bcb6 ignorante :P meron din akong gamit eh!

basta analog users, usap tayo! mga problems na naencounter nyo sa mga gamit nyo, effects chain ninyo, yung hirap ng paghahanap ng vintage stompboxes... basta daldalan tayo :)

share share lang mga boys!
«13

Comments

  • astig ng post mo! nakakaenganyo. hehe.

    ako kasi wala masyadong alam sa pedals, nag-ipon ako't bumili ng multifx na korg, pero balak kong magupgrade (o downgrade ba?) sa analog stompboxes. ewan ko kasi kung sa timpla ko lang yun talaga, o ang artificial talaga nung tunog ng fx ko. hehe. :D

    ang ganda pati tingnan ng maraming pedals na tabi tabi tas color coded sila. hehe. :D

    educate mo pa kami papaping :D
  • Hapyman: kaw yung very first student ko hehehehehe! bandmate!!!

    dude, marami kang matututunan sa mga magazines. ako na chambahan lang na na-fuel sa kababasa nung mga articles about vintage effects sa Guitar World.
    tsaka dapat mahal mo talaga pag tugtog :) ako wala akong kwenta mag gitara talaga... as in hindi ako magaling. sobrang saya ko lang tumugtog kaya gusto ko alam ko lahat ng mga tinatapakan ko... kaka-aliw kasi maraming tunog eh :)
  • puk!ng |na kasi ang hirap maghanap ng mabilihan dto kaya either sa states or hk na lang ako bumibili men, pero nagbili ako sa ermat ko ng mxr phase 90, chaka small clone na e-h. magkaka modulator napala ako pati octoplus, benta mo pa ba envelope filter mo???=) chong san ako makahanp ng patch cable?!
  • hey cool to a...
    sa wakas may mapapagtanungan ako....

    question lang... may way ba para magamit mo yung effects mo na parang multi effects.... parang isang tapak mo lang e sabay na maaactivate yung delay mo saka phaser.... basta combination...
    kasi gusto ko yung ganun e... meron akong zoom 606 kaya lang pag switch mo to distortion parang nalelate siya saka ayoko nung distortion at clean niya... meron akong metal zone na boss yun lang... hehe medyo mahina ako sa pagtimpla ng mga effects e....
  • di ko alam sa multi kung bakit ganun eh... siguro yugn settings mo lang sa delay, kasi kaya naman ng processor ng mga yan na ipasok yung effects ng sabay, so walang "magla-lag". or baka may sira. bypass switching kasi sa analog so iba (altho merong mga hindi rin).

    dun sa pagtapak ng sabay... praktis lang. ako gamit ko flanger, chorus, disto, delay, tsaka envelope filter... pinaka mabilis ko siguro 4 na switches sabay-sabay. pero the sound is quite worth it :)

    zoom ba multi mo? marami talaga umaangal sa disto nila, mejo kapos. pwede mo naman gamitin metal zone mo with the multi... astig nga metal zone eh.

    Lemontea: hassle, may octoplus ka na... ang angas mo naman. gamit ko envelope fiter eh, sorry :p chong, baka pwede naman pabili sayo na lang ng phase90 rin. sale daw sa musician's friend yata or sam ash, $65. sana meron pa. sa susunod na sweldo ko te-text kita.
  • kaaway mo lang sa analog, patch cables hehehehe! sa bawat dagdag, kailangan ng isa pang connector.

    Monty: sa SM north edsa daw may patch cables na P90 each. di ko nga lang alam if ok. eron din sa Harrison para mas malapit satin. may Peavey dun sa Salonga Music, 2nd flr. yun nga lang 200 isa, so mejo taga para sa patch cable diba? kung ako sayo bumili ka na lang ng 10ft. cable and jacks, tapos manghiram ka ng soldering gun... dya-ran! instant patch cables!
  • Mag pangarap kong analog fx:

    Ibanez TS-808 (SRV!!!)
    Big Muff Pi
    Tycobrae Octavia
    Roger Mayer Voodoo Man
    Dunlop Rotovibe
    MXR phase90
    Echoplex

    Bakit kaya maraming me gusto ng Boss DS1? Meron ako dati nun original vintage japan pa pero d ko alaga magustuhan kaya binenta ko. Namimili pa ng gitara. :)
    firedevil.giffiredevil.giffiredevil.giffiredevil.gif
  • rumblebelly, how much is the DS-1? curious lang..
  • I sold it to Kakoy of riveramaya for P1,500. Good deal na yun, "prends" naman kami e. :) Medyo nakakahinayang din dahil classic un, pero talagang hndi ko magamit e dehins ko type talaga ung tunog.

    firedevil.giffiredevil.giffiredevil.giffiredevil.gif
  • I sold it to Kakoy of riveramaya for P1,500. Good deal na yun, "prends" naman kami e. :) Medyo nakakahinayang din dahil classic un, pero talagang hndi ko magamit e dehins ko type talaga ung tunog.
    firedevil.giffiredevil.giffiredevil.giffiredevil.gif
  • I have a friend who is selling his Washburn XB400 4-string bass. Price is 16K but still negotiable. Kukunin ko sana kaso may project pa akong dapat tapusin eh. Kaya ayoko muna bawasan pera ko. He's getting rid of it kasi di na siya nagbabanda eh. Included w/ the bass is a Washburn tolex hardcase & cable. It has a solid alder body w/ shallow heel, maple neck, 24 frets rosewood fingerboard, Washburn "Eliminator" humbucking pickups, active electronics, & balanced-feel design. Finish is natural matte. Makinis siya & maganda. Sayang nga kasi di ko nakuha. Anybody interested can contact Michael @ 5892011 or text Gina @ 091774316.
  • mga dude, ang expensive e. i can't afford kasi e. pero what do you think is a better deal? getting a zoom 707II or getting analog stomp boxes?
  • syempre mas ok stompboxes. pero kng mostly sa bahay k lng o konti gigs nyo mas praktikal mga multi. sabi s reviews maganda daw yang 707II pero ewan, klangan matry ko muna.
    firedevil.giffiredevil.giffiredevil.giffiredevil.gif
  • kuya lapi.
  • oi litol sistur! bkit ka andito? :)
  • Originally posted by rokker
    mga dude, ang expensive e. i can't afford kasi e. pero what do you think is a better deal? getting a zoom 707II or getting analog stomp boxes?

    kung mage-experiment ka muna sa mga gusto mong gawin, ok naman ang multi. tsaka tipid nga rin hehehe.
    pero once na maging maarte ka na sa tunog ng effects mo (ex: tone ng disto, "watery" sound ng phaser...), madadala ka rin sa stompboxes.
    sabi ng kaibigan ko ok daw yung 707II, pero nga lang di raw maganda disto... which is typical sa zoom multis.

    BTW, im looking for a Boss SuperPhaser or MXR phase90, baka may nagbebenta 2nd hand. tsaka proco rat disto, pang backup ko sa aking old big muff.
  • POOTA! GANDA NG THREAD! eheheheh

    guys guys balak ko bumili ng korg 104ds hyper disto bukas
    say nyo dun? rinig ko sobrang ganda raw e
    pinapagisipan ko kung korg o sansamp tri ac

    advice pa hehe

    san nga pala makakabili ng floor board? yung lalagyanan ng stomp boxes eheheh

    setup ko:

    hamer diablo into a DOD a/b box
    a: zoom 505
    B: zoom gm-200 na may metal zone na booster (tapos mesa boogie yung amp model)

    tapos yung a papasok uli sa gm-200...built in mixer

    sulit yung gm-200 for me...mas natural yung tunog kesa sa POD
    tapos 2500 lang bili ko, sale sa states e
  • sa perfectpitch sa robinson's place manila meron...
    floor board 6 yung pwede mo ilagay na stomp boxes 4000+ yung price.
  • ko naman daw yung hyper ng KORG... maraming settings. processor kasi hehe (sorry, may bias na talaga ako).

    and i know someone who's selling a pedalboard na may daisy chain na for the power supply. SKB pedalboard sya so 14K ang benta. dapat iiskorin ko dati kaya lang andami kong fx na walang AC output (mga e-harmonix).

    chRoMeKniVe, try mo rin yung mga marshall drivers kung gusto mo makatipid. sulit yung tunog nila sakin. pero kung gusto mo ng crunchy na midgain, ayaw mo proco rat? yun balak kong bilin ngayon eh :handsdown:

    huy, 2nd hand phaser naman dyan... please?
    keep on posting peeps!!! daldalang fx lang! :pexadik:
Sign In or Register to comment.