nagpupunta ba kayo o dating naga-access sa website ng panorama magazine (ng manila bulletin)? kasi hanggang ngayon wala pa ring kalaman-laman ang naturang website o online edition ng magasin ng bulletin. mula nang binago nila ang kanilang www.mb.com.ph na site ay hanggang ngayon hindi pa natatapos ang site ng panorama mag sa www.panorama.com.ph ... tuwing sunday pa naman ay pinupuntahan ko pero palaging wala. mabuti pa noon sa lumang website ng bulletin at merong online na panorama pero ngayon wala na. meron ngang website at sarili pang domain pero wala yatang balak ang manila bulletin na i-online pa ang kanilang sunday magazine. iniipon ko kasi ang mga column ni cirilo bautista.

alisin na lang sana nila ang link ng panorama sa website ng manila bulletin. sayang. ang yaman-yaman ng bulletin ni hindi matapos-tapos ang site ng panorama. o baka mga tamad lang at pabaya ang mga webmaster ng manila bulletin?

baka gusto niyo ring magbigay ng feedback sa bulletin tungkol sa website ng panorama? punta lang kayo dito --> http://www.mb.com.ph/others.php?sect=26