PEx Highlights

PHOTOS: 40th PBA Season Opening Ceremony

Ellen Adarna, Megan Young and Alice Dixson led the parade of team muses yesterday during the Opening Ceremony of the new PBA season. Check our gallery here!

read more

PROMO: Big Hero 6

Join the promo and get a chance to win special screening tickets to Big Hero 6!

read more

Show Me Your Winning Teeths!

Merly and Chelsey are back for a new season of SMYT and they are 'happy to serve' you a new episode about the Miss World pageant and the UAAP Finals.

read more

REVIEW: The Trial

If there's one particular asset the film has, it's the ensemble.

read more

PHOTOS: Aguilar, Ginebra Bully Talk N Text

Ginebra had no problems in their opening campaign after a 101-81 win over TNT. Japeth Aguilar proved to be too much for the Texters with his game-high 18pts, 18rebs and 5 blks.

read more

PHOTOS: Kia Victorious in Battle of Newcomers

LA Revilla (23pts, 7rebs) stole away the spotlight off of boxing champ Manny Pacquiao's PBA debut, as he rallied Kia over Blackwater 80-66.

read more

Page 4 of 9 FirstFirst ... 3 4 5 ... LastLast
Results 61 to 80 of 176
  1. #61

    Post

    Originally posted by lukaret
    hello sa inyong lahat!!!sa ust po ako galing at dun naging prof at dean si dimalanta. hanggang ngayon naman nagtuturo padin siya dun pero di na yata siya ang dean. meron siyang nilabas na libro ng mga tula Love woman ang title. actually ngayon grumadweyt nako marami rin naman siyang naituro about poetry at literary criticism. Mga gawa ni Garcia Villa at ni nick qoaquin. Yung mga gawa ni F. Sionil nabasa ko lang dati sa library pero meron ako ng ermita. Ang mahal na kasi ng mga Rosales saga niya ngayon dito sa Manila eh. Pinag iipunan ko pa eh. tsaka tumitingin din ako ng magandang filipino story na babasahin. Anu ba manong sadir ang mga magagandang libro gawa ng filipino writers. Mas gusto ko nga basahin mga gawa ng local writers eh kumpara sa foreign. konti lang binabasa ko na foreign books yung mga classic lang.
    maganda at yung mga talagang writers at critics ang naging guro mo. para talaga manamnam mo ang kaibuturan ng fiction o prosa ni f. sionil jose ay kailangan mong mabasa lahat, hindi lang mabasa, kailangang maangkin mo rin, yung rosales novels niya para maulit-ulit mong basahin. alagad ng committed (socially-commited) na literatura si f. sionil jose. magandang pag-aralan lalo na ang kanyang nobelang "mass" na kasama sa rosales saga. di ko pa nababasa ang "ermita" kasi di pa ako nakakabili niyan. oo, mahal ang mga libro niya. international na kasi ang dating ng mga bagong edition, puwede mo iyang i-order sa amazon.com hehehe! yung nabili kong rosales collection ay second hand lamang na newsprint (mga naunang edition) pero maganda pa naman.

    ako rin, mas gusto kong magbasa ng mga pinoy na authors. karamihan sa mga ipon kong aklat ay filipiniana at karamihan nito ay sa panitikan at history. kung sa panitikang filipino, subukan mong magbasa ng mga obra nina wilfredo virtusio, rogelio sicat, edgardo reyes, jun cruz reyes, domingo landicho, lualhati bautista at iba pa pati yung mga contemporay authors katulad nina rolando tolentino, luna sicat, eli guieb, jimmuel naval at iba pa. kung sa panitikang english naman, bukod kay jose, yung kina edilberto tiempo, gregorio brillantes, butch dalisay, krip yuson, eric gamalinda, charlson ong at iba pa.


    Si rio Alma huling pagkabalita ko sa kanya eh nasa National Commission for Culture and the Arts siya. Kasama niya si Jaime Laya pro alam mo naman kasi magulo sa gobyerno ngayon kaya ayun biglang iba na ang nasa puwesto nila ngayon. Sayang nga eh kasi mga artist sila at alam nila ang feeling ng mga kapwa nila artist. Ewan ko lang kung sinu na ngayon.
    wala na yata sa ncca si rio alma, nagbalik yata sa UP....

  2. #62

    Post

    haay hirap talaga dito sa opis. may pasok kahit sat. eh manong sadir sa mga literary major lang nagturo ang mga writers eh. di ko sila naging prof...sayang nga eh nagturo din daw si F. Sionil sa lit. majors. dun sa ust nun tym ko. samin kasi eh journalism writers ang prof namin.. at sa filipino naman si michael coroza. U.P. prof din yun at writer ng filipino poems and stories.

    sige hahanapin ko lahat ng sinugest mo ha. tsaka nagbrobrowse ngako sa national bookstore, ang library ng bayan he he! eh hobby ko lang kasi talaga magbasa ng filipno authors kahit di ako lit. major. at di din ako masyadong marunong gumawa ng poem kahit gusto ko eh.

    sabi *** ni dimalanta, dapat daw kapag may gagawin kang tula tungkol sa isang feeling o event eh antayin mo muna magsubside or di mo agad isusulat and if after some time eh gusto mo pa din gawan ng tula eh karapat dapat daw na gawan yun ng tula. Yan daw ang strategy para malaman mo kung dapat nga gawan ng tula ang isang bagay o anu.

    comment ka naman manong sadir

  3. #63

    Post

    na-meet ko na minsan yang si mike coroza, although indirectly nga lang kasi friend niya yung friend ko ring writer na based sa metro manila, sa awarding ng palanca awards last year kung saan unang gantimpala siya (si mike coroza) sa tulang filipino.

    tungkol naman sa pagbuo o pagkatha ng tula, tama yung sinabi ni dimalanta. pero marahil ay sarili niyang estilo yun ng paggawa ng tula. hindi bawat o lahat ng makata ay hanon. merong iba na habang nangyayari ang isang event ay tinutulahan na halimbawa. bawat makata o manunulat ay may kanya-kanyang estilo o pamamaraan ng pagsulat o pagkatha. may kanya-kanyang mood, kanya-kanyang ka-weirdo-han, kanya-kanyang teorya at praktis. walang establisadong pamamaraan o standard o pamatayan o rule na kailangang sundin. maliban lang siguro kung baguhang-baguhan ka pa, kailangan mo ng mga standard na pamantayan o alituntunin. kapag medyo nakakaangat ka na o nakakalayo ka na, magsisimula ka na ring makagawa ng mga sarili mong set of rules at pagpapraktis na distinct at unique sa iyo.

  4. #64

    Post

    ang galeng at last naman may nagbibigay na ng advice saken...gusto ko nga makagawa ng tula eh. kailangan ba yung mga meter meter na yan ag gagawa ka ng tula? kasi di ko talaga ma gets yan eh. Sa mga bagong manunula kilala mo ba si Carlomar Daona ? at si Red dizon? mga kaeskwela ko yang mga yan eh nanalo ng palanca. galing nga nila eh!

    manong sadir pag nakagawa ako ng tula ha ievaluate nyo ha ha.

  5. #65

    Post

    sa paggawa naman ng tula eh depende na rin sa makata kung anong gusto niya o kung ano ang nakasanayan niya. maaring metered ito o free verse. sa mga tula sa ngayon ay karamihan free verse. pero maski free verse ay may ritmo at cadence pa rin siyempre hindi basta na lang eh free. malaya nga siyang taludturan pero baka naman hindi verse o berso yung makakatha. gayunpaman ay marami pa rin namang makata, hindi nawawala, hindi dapat mawala, ang mga nagtutula ng talagang strict na metered ang taludtod, kagaya halimbawa ni vim nadera. at maging si rey duque sa kanyang epikong "candon" na nanalo ng unang gantimpala sa centennial literary prize.

    isang magandang halimbawa ng napaka-epektibong free verse ay yung estilo ni cirilo bautista. lalo na sa kanyang "sunlight on broken stones" na epiko niyang nanalo din ng unang premyo sa centennial awards (at lahat na ng iba pa sa kanyang "trilogy of st. lazarus")... yung kina rio alma at roberto añonuevo ay mga malayang taludturan din o kaya ang ilan ay may sinusunod na meter.

    tungkol pa rin sa tula't pagtula, sapagkat isa kang ilokano, ading lukaret, ay ise-share ko na lang muna sa iyo ang bahagi ng aking sanaysay sa iluko tungkol sa daniw (pasensiya na sa mga ilokano, hindi ko na muna maisasalin ito sa ngayon):


    xxxx Adun a depinision ti nabasbasatayo wenno ammotayo maipapan iti no ania ti daniw manipud kadagiti nalatak a mannaniw iti lubong. Agduduma a depinision, agduduma a kaipapanan. Tunggal mannaniw addaan iti bukod a depinision segun iti estilona, pammatina nga agdaniw ken agmannaniw.

    Kadagitoy a depinision, maymaysa ketdi ti pakabuklan ti daniw tapno makuna a daniw daytoy: nasken nga addaan sukog (form wenno structure) ken bugas (content wenno substance).

    No sukog a makuna, saan la a daydiay pisikal a porma wenno istrukturana nga addaan umiso a binnatog (line, stanza) wenno rukod (meter) wenno rima (rhyme), nangnangruna met ti ritmo (rhythm). Ti ritmo isu ti kinaberso ti daniw ket isu daytoy ti maysa a makuna a nakaparsuaan ti daniw: addaan iti ayug, iti samiweng, iti simponia, iti cadence. Ti ritmo ti/iti daniw ket nasken a sibibinggas latta iti daniw uray no putaren daytoy a free verse wenno awanan iti planado a binnatog ken rima. Ta kas kuna pay ti maysa a kritiko: "not all verse is poetry, and not all poetry is verse."

    No bugas, isu daydiay pilosopia, daydiay meaning, daydiay bagas/kababagas wenno linaon ti/iti daniw a buklen ti metapora, imahen, simbolo, ken dadduma pay a panangipaduyakyak ken/wenno panangilinged. Isu daytay ibagbaga/saan nga ibagbaga ti daniw wenno daytay panangibaga/panangiparang iti kayat a sawen/iparang ngem sabali met gayam ti kaipapanan/langana.

    Ti daniw tapno makuna a daniw, nasken nga addaan iti sukog ken bugas. Saan a mabalin nga agsina ti sukog ken bugas iti daniw ta kas kinuna ti maysa a mannaniw: "ti sukog ket isu ti bugas, ti bugas ket isu ti sukog."

    xxxx Daniw kunak no iti panangbasak ken panangimutektekko ket adda dayyeng wenno danggay a matimud ken mariknak. No iti/kadagiti idea, kinapudno a naiparang ket naan-nayas, nakappapati, nalawag ti pannakaibinsa ken pannakaibuksilda. No nagballigi kadagiti nausar/nairanta a wagas ken pamuspusan a pangipaduyakyak, pangiladawan, panangilinged iti kayat ken saan a kayat nga ibaga ken ipakita.

    Saan a daniw daytoy, wenno saan a kastoy ti agdaniw, kunak no ti daniw ket awanan harmonia wenno urnos, no awanan man laeng iti ayug ken tunos nupay patien ti nangsurat a berso daytoy ta nagusar pay ngarud iti rukod ken rima ti sinuratna a binnatog. No saan nga agsusurot wenno agtutugmok dagiti naiparang a metapora ken imahen iti kayat nga iparangarang wenno ilawlawag ti daniw ken ti mannaniw.

    Daniw kadi met daytoy, idillawko pay no napno wenno bin-ig a panangaska-saba/panamalbalakad wenno moralista la unay (didactic), no nalidem/nakusnaw/akikid ti sirmata/parmata ti mannaniw iti direksion wenno epekto a kayatna a pakabuklan wenno panggep ti daniwna. Kasta met no napno kadagiti cliché ken trite a balikas wenno phrases. Dagitay "naasukaran" ken "nasabsabongan" a balikas wenno phrases a gapu iti kanayon a pannakaaramatda ket nadudog ken nagagaran dagitoy ket awananen iti kidag wenno kugtar, puersa ken kinalibnos ken kinasadia uray pay no nabileg wenno nabagas ti kaipapanan dagitoy. Masansan a masarakan dagitoy a balikas kadagiti daniw maipapan iti ayat ken innayat.



    samantala, hindi ko kilala ang mga nabanggit mong mga naging kaklase mo. anong kategorya (tula, maikling kuwento, dula, etc.) sa palanca ba sila nanalo? at anong division (kung filipino o english)?

  6. #66

    Post Sus, Ang Dami!

    Ang laki na pala ng inilawak ng talakayan dito noong ilang araw na wala ako. Pasensiya na kayo, tinamad lang kasi ako sa kawalan ng search function.

    lukaret, anu-anong taon ka nag-aral sa UST? Nag-aral ako roon mula 1994 hanggang 1998. Masugid akong mambabasa noon ng The Varsitarian at parang pamilyar sa akin ang mga nabanggit mong nanalo sa Palanca, lalo na iyang si Carlomar. Ang naging kurso ko ay Legal Management, pero naging guro ko sa World Lit si Dimalanta.

    Naabutan ko nga pala ang panahong mura pa ang Rosales Saga ni F. Sionil Jose. Mga 1994-1995 nang ako'y magkainteres sa mga iyon. Isa-isa pa lamang ang benta ng mga iyon noon, di tulad ngayong isang set nang kamahal-mahal. Ang The Pretenders nga ay nabili ko lang sa halagang P60, e. Mga ganoon din ang bili ko saTree. Nakumpleto ko ang serye.

    sadirmata, marami-rami na akong nabasang akda tungkol sa mga NPA. Pinangangahasan kong sabihing matatagpuan sa pangkat na ito ng mga akda ang marami-rami sa pinakamagagandang akda sa kasaysayan ng panitikang Pilipino. Kuhang-kuha ng mga ito ang pagkamadulain ng pakikibakang makakaliwa, at para kang nasa kanayunan din habang binabasa mo ang mga ito. Karamihan sa mga nabasa kong akdang ito ay yaong mga nasa antolohiyang Kamao, na nadiskubre ko sa aklatan ng UST nang ako'y nag-aaral doon. Mayroon din akong nasulat tungkol sa isang estudyanteng namundok matapos na agawan ng lupa ang kanyang ama--hindi ko pa nga lang napalalathala. Aayusin ko pa nga ito bago ko ipalathala. Hindi ito tungkol sa pamumuhay mismo sa bundok, kundi tungkol sa kung ano ang tumatakbo sa isip ng isang nagpasyang mamundok matapos na mawalan ng pag-asang makakita pa ng katarungan.

    Bostsip, nabasa ko ang nobelang Kangkong 1896, pero di ko napanood ang pelikula.

  7. #67

    Post

    buti at bumalik ka na dito kasamang butasnamaong! ako ma'y di na rin nadadako doon sa tinig.com forum, kumusta na kayo doon?

    meron din ako ng librong "kamao" na nabili ko nang second hand. magaganda ang mga kuwento diyan na pawang ukol sa aktibismo o sa buhay ng mga NPA o buhay/pamumuhay sa panahon ng ligalig (martial law o panahon ng militarisasyon at iba pa)... subukan mong bumili ng librong "muog" na sinasabi ko, mga NPA mismo ang karamihan sa mga manunulat dito, hinango ang karamihang kuwento mula sa mga underground na publikasyon.

  8. #68

    Post Marami-rami Pa Rin

    Mabuti naman! Lumawak na ang talakayan at dumami ang mga kasapi. Sana'y bumalik ka rin doon, sadirmata!

    Maghahanap nga ako minsan ng Muog. Isa iyon sa aking mga aatupagin pagsuweldo ko.

    Samantala, ano naman ang masasabi ninyo sa panitikan sa Tagalog, na siyang pinaghanguan ng wikang Pilipino, na nasulat noong panahon ng mga Amerikano, halimbawa'y mga akda nina Inigo Ed. Regalado, Ismael Amado, Aurelio Tolentino, Jose Corazon de Jesus, at iba pa?

  9. #69

    Post

    Hello mga kapatid! kumusta? hay manong sadir konti lang ang naintindihan ko sa ilokanong nilagay mo kasi ang lalim eh. lam mo naman akoh mababaw ang kaalaman sa ganyang bagay. pasensya na. kinagagalak ko nga palang ipamalita sa inyong lahat na may cd na ng poetry readings ang ust. ustinig: Thomasian writers read. Rebecca Añonuevo, Cirilo Bautista, F. Sionil Jose, Michael Coroza, J. Neil Garcia, Nerisa Guevara, Jose Victor Torres, Lourd de Veyra, Ophelia Dimalanta, Joselito Zulueta, Ramil Gulle, and Vim Nadera.





    butasnamaong magkabatch tayo. baka kilala mo ko ha. 1994 - 1999 ako kasi nagliwaliw pako kaya 99 ako nagradweyt. Mabuti mahilig ka din sa mga panitikn Pilipino kahit nasa legal management ka. Nagbasa ka ba ng FLAME?


    Nakapunta na ba kayo sa Sanctum? isang bar/cafe siya sa chamber 9 ng intramuros. Tuwing friday night may poetry reading dun. pasyalan nyo mukang maganda kasi karamihan nagpupunta dun mga poets and writers. may mic dun sa harap tapos pwede mo gawn lahat ng gusto mo...well almost everything like sing, read, monologue etc. manong sadir pag napadaan ka dito pasyalan mo din yun.

  10. #70

    Post Marami Na Naman

    Originally posted by lukaret
    Hello mga kapatid! kumusta? hay manong sadir konti lang ang naintindihan ko sa ilokanong nilagay mo kasi ang lalim eh. lam mo naman akoh mababaw ang kaalaman sa ganyang bagay. pasensya na. kinagagalak ko nga palang ipamalita sa inyong lahat na may cd na ng poetry readings ang ust. ustinig: Thomasian writers read. Rebecca Añonuevo, Cirilo Bautista, F. Sionil Jose, Michael Coroza, J. Neil Garcia, Nerisa Guevara, Jose Victor Torres, Lourd de Veyra, Ophelia Dimalanta, Joselito Zulueta, Ramil Gulle, and Vim Nadera.





    butasnamaong magkabatch tayo. baka kilala mo ko ha. 1994 - 1999 ako kasi nagliwaliw pako kaya 99 ako nagradweyt. Mabuti mahilig ka din sa mga panitikn Pilipino kahit nasa legal management ka. Nagbasa ka ba ng FLAME?


    Nakapunta na ba kayo sa Sanctum? isang bar/cafe siya sa chamber 9 ng intramuros. Tuwing friday night may poetry reading dun. pasyalan nyo mukang maganda kasi karamihan nagpupunta dun mga poets and writers. may mic dun sa harap tapos pwede mo gawn lahat ng gusto mo...well almost everything like sing, read, monologue etc. manong sadir pag napadaan ka dito pasyalan mo din yun.
    Nabalitaan ko nga ang tungkol sa album na iyan, at minsa'y maghahanap ako niyan.


    lukaret,

    Parang lumilinaw na. Kaunting clue na lang. Anong kurso ang kinuha mo?

    Mabuti ka nga at nakatapos; ako'y nakabuo nga ng apat na taon pero di nakatapos. (May ilang unit akong naiwan at babalikan ko sana sa susunod na taon, pero nagkasakit ang tatay ko noong March 1998 at hindi ko na naipagpatuloy ang aking pag-aaral dahil sa kawalan ng pangmatrikula. Mabuti nga't tinanggap ako ng Ibon Foundation kahit hindi ako tapos (manunulat ako roon at kamakailan lang ako nagsimula).

    Nasa Legal Management nga ako nang magsimula ang pagkahilig ko sa panitikan sa wikang Pilipino.

    Naging Assistant Features Editor ako ng The Flame noong 1996-1997. Kung may kopya ka pa ng unang isyu ng Flame noong taong iyon, kuha mo na ang pangalan ko.

    Bigay ka pa ng clue. Baka naging kaklase pa kita.

  11. #71

    Post

    haay naku at kapatid *** kita sa flame . butasnamaong ako naman ay 1998 sumali sa flame. sa news nga lang ako. pero wala na yata akong kopya ng flame 1997. wag ka alala pwede ka naman bumalik sa pag aaral eh. la naman edad pinipili yun at pwede ka na mag double major. Malamang kakalase mo sa leg Ma ang mga klasmeyt ko sa first and second year. baka naman ikaw si dan lomadilla ha umamin kana. yung klasmeyt ko nun. komedyante ng klase.

  12. #72

    Post

    uyyy, mukhang magkakilala pala kayo, kasamang butasnamaong at ading lukaret! ako'y natutuwa at nagkatagpo kayo dito!

    tungkol doon sa panitikang tagalog na pinag-ugatan ng konteporaryong panitikang filipino sa ngayon....... hmm, teka magre-refresh muna ako ng diwa kasi medyo nalango ako sa dami ng ibang pagkaabalahan sa ngayon dito sa aming ofis, kasalukuyan ko kasing kinukumpuni itong mga linux servers namin, nag-a-upgrade ako't nagmi-migrate sa redhat linux 7.2 kasi pawang mga version 6.x itong lumang servers namin..... hmmm off-topic.... pasensiya na....

  13. #73

    Post Dalawang Paksa

    sadirmata,

    Ayos lang iyan. Mapag-uusapan pa naman natin iyan, e.


    lukaret,

    Hindi ako si Dan Lomadilla, at hindi ko siya nakaklase.

    Pasensiya na nga pala sa hindi ko pagsagot kaagad. Nagluko yata ang server, kahapon, e.

    E ikaw na muna ang sumagot sa tanong ko tungkol sa mga akda sa wikang Tagalog noong panahon ng mga Amerikano--halimbawa nga'y ang kina Inigo Ed. Regalado at Jose Corazon de Jesus, at iba pa.

  14. #74

    Post

    helo manong sadir at butasnamaong!

    eh pasensya na butasnamaong di ko pa sila nabasa eh. or baka natackle na sila sa lit. namin pro di ko tanda. di naman kasi pako particular sa mga ganyan o kung anung era sila kasi basa lang ako ng basa.

  15. #75

    Post

    iilan pa lang ang nababasa kong mga akda ng mga manunulat sa tagalog noong panahong amerikano o kaya noong 1930s at 1940s. katulad halimbawa nina macario pineda, teo baylen, brigido batungbakal (?), serafin guinigundo, amado hernandez, alejandro g. abadilla, lope k. santos, lazaro francisco, iñigo ed. regalado at iba pa. di kasi ako makahagilap ng mga aklat o peryodikal na naglalaman ng mga sinulat nila. di ko pa masyadong gagap ang kabuuan o diwa ng kanilang mga akda at pag-aakda. maliban sa siyempre masasabi romantiko at eskapista rin marahil at parang katulad din ng mga nagawang akda sa english ng mga panahong iyon. maliban lang sa ilang mga akdang palaban pa rin katulad ng sa mga obra ni amado hernandez at yaong mga dula halimbawa nina severino reyes, aurelio tolentino atbp.

  16. #76

    Post

    Nabasa ko na sina Lope K. Santos, Inigo Ed. Regalado, Aurelio Tolentino, Severino Reyes, Lazaro Francisco, at siyempre pa'y si Jose Corazon de Jesus.

    Si Santos ay nagtangkang tumalakay sa mga panlipunang usapin, kaya lang ay medyo magulo ang kanyang mga kuro hinggil sa sosyalismong siyang paksa ng kanyang Banaag at Sikat.

    Si Regalado naman sa kanyang Madaling-Araw ay tumalakay sa paghihimagsik laban sa mga mananakop, pero madalas siyang sumulat ng mga romantikong akda. Si Jose Corazon de Jesus nama'y pinapagsabay ang pagkaromantiko at pagkamakabayan sa kanyang pagsusulat.

    Si Lazaro Francisco ay makatotohanang nakapaglarawan ng kalagayan ng mga magsasaka, pero hindi makatotohanan ang kanyang pananaw sa lipunan.

    Ang talagang naging consistent na rebolusyonaryong manunulat ay si Aurelio Tolentino. Si Severino Reyes naman ay kahanga-hangang labis sa kanyang Walang Sugat sapagkat kahit na mabigat ang elemento ng pag-ibig sa akda niyang ito ay di ito humiwalay sa usapin ng pakikisangkot sa pagpapalaya ng bayan.

  17. #77

    Post

    uy napanod ko na yang walang sugat sa play. maganda ang storya. okey siya. eh si Rolando tinio ba nagsusulat din?

  18. #78

    Post

    Originally posted by lukaret
    uy napanod ko na yang walang sugat sa play. maganda ang storya. okey siya. eh si Rolando tinio ba nagsusulat din?
    isang primera klaseng mandudula at makata sa english at filipino si rolando tinio. artista rin siya sa teatro at pelikula. kaya lang namatay na siya. national artist nga siya (posthumous nga lang). nagugustuhan ko ang mga tula niya sa filipino, lalo na yung mga taglish na tula niya. nabasa ko lang ang ilan niyang dula, di ko pa napapanood.

  19. #79

    Post Rolando Tinio Bilang Mandudula

    Hindi pa ako pinapalad na mabasa nag mga dulang pantanghalan ni Rolando Tinio. Pero napanood ko ang ilan sa mga pelikula kung saan siya ang sumulat o katulong siya sa pagsulat ng iskrip, tulad ng Milagros, Bayad-Puri, at Sidhi. Doon pa lang ay makikita na ang kanyang kakaibang galing.

    Nakabasa na rin ako ng ilang tula niya.

    Malaking kawalan si Rolando Tinio sa ating panitikan.

  20. #80

    Post Rolando Tinio Bilang Mandudula

    Hindi pa ako pinapalad na mabasa nag mga dulang pantanghalan ni Rolando Tinio. Pero napanood ko ang ilan sa mga pelikula kung saan siya ang sumulat o katulong siya sa pagsulat ng iskrip, tulad ng Milagros, Bayad-Puri, at Sidhi. Doon pa lang ay makikita na ang kanyang kakaibang galing bilang mandudula.

Page 4 of 9 FirstFirst ... 3 4 5 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  


Hot Topics

CHIT CHAT:

Unzip your man purse and share what's inside your kikoy kit!

Unzip your man purse and share what's inside your kikoy kit!

read more
PBA:

Kia, Ginebra victorious in 40th PBA Season opening

Kia, Ginebra victorious in 40th PBA Season opening

read more
TV:

The Voice PH to open second season on October 26!

The Voice PH to open second season on October 26!

read more
SPORTS:

2014 Philippine Superliga Grand Prix opens

2014 Philippine Superliga Grand Prix opens

read more
SHOWBIZ:

Nadine Samonte also admits private marriage

Nadine Samonte also admits private marriage

read more
NMFtv:

NBA 2K15 Exhibition Gameplay - Washington Wizards VS Los Angeles Clippers on PS4

NBA 2K15 Exhibition Gameplay - Washington Wizards VS Los Angeles Clippers on PS4

read more