PEx Highlights

Show Me Your EDM Teeths!

In this week's episode of SMYT, Chelsey and Merly poke fun at artistas who may have gone too far by releasing albums to boost their careers.

read more

PHOTOS: Beermen Blasts Batang Pier

The San Miguel Beermen put on a demolition job against the GlobalPort Batang Pier, winning by a huge margin, 95-69.

read more

PHOTOS: Paul Lee Saves the Day for RoS

Paul Lee nailed a crucial three-pointer plus two pressure packed free throws to lead his team to victory over the NLEX Road Warriors, 95-93.

read more

REVIEW: Penguins of Madagascar

Our adult/kiddie review is back! This time, Jollo and Aidan share their thoughts on the sly and slick Penguins of Madagascar.

read more

REVIEW: Horrible Bosses 2

Horrible Bosses 2 carried its hilarity from the first movie and showed good comedic chemistry of its three lead actors.

read more

PROMO: Past Tense

Join the promo and get a chance to win block screening tickets to Past Tense!

read more

Page 3 of 9 FirstFirst ... 2 3 4 ... LastLast
Results 41 to 60 of 176
  1. #41

    Post Re: Re: Maligayang Pagdating at Iba Pa

    Originally posted by arnivorous

    Hanggang ngayon ba ay nagtuturo pa rin si Vim sa UST? Kasama ko kasi siya dati sa St. Paul College of Manila eh. Pitong taon akong nagturo doon bago pumarito sa Amerika pero si Vim ay isang taon lang nagturo doon dahil napakarami niyang "racket" nung mga panahong iyon. Siya ang tumulong sa akin para tulungan ang mga estudyante doon na magtayo ng kanilang sariling grupo na mahilig sa literatura. Dahil nga nagkasama kami sa LIRA, parati ko siyang guest speaker sa mga writing workshops doon. Shocked yung mga madre sa kanyang estilo pati na ang chairperson ko. Ahihihi.

    Mamaya ay babalik ako para mag-komento sa sinulat mo. Papasok pa kasi ako sa hotel na pinagtatrabahuhan ko dito. Ayaw kong masisante dahil late na naman ako.
    Pasensiya ka na, di ko nakita itong sinulat mo noong araw na ilagay mo ito. (Mas tama yata ang di ko napansin.) Pasensiya na talaga.

    Ang balita ko'y nagtuturo pa rin siya sa UST hanggang ngayon.

    Magigitla talaga ang mga madre sa kanyang istilo. Tiyak ko, pati ang mga estudyante roon, medyo nagulat din, ano?

  2. #42

    Post Panitikan sa Pilipino at Panitikang Pilipino sa Ingles

    Originally posted by sadirmata
    ilaban mo ulit ang kuwento mo ngayong 2002. ako naman, baka di ko maihabol ang aking lahok na kuwento. pero sisikapin kong makasali ngayon para may hihintayin lang. masarap ding mag-asam, hehe! kung matalo ulit eh di ayos lang, next time na naman, makakatsamba rin!

    samantala...

    anong masasabi nyo sa malaking kaibhan ng mga paksa o temang sinusulat sa filipino (fiction man o tula at iba pa) at ng english? bakit kaya kay laki ng pagkakaiba, ano? maging sa porma o hugis ng pagkatha. buhay pa rin ang tunggaliang sinimulan nina salvador lopez at jose garcia villa tungkol sa "art for art's sake" at sa commited na art o kaya proletarian literature...
    Lumalabas na ang nagpapasya ng wikang gagamitin ng isang manunulat ay sa kanyang karanasan nagmumula. Ayon sa isang manunulat natin sa Ingles, si Luis Teodoro, mapupuna nating ang mga manunulat sa sarili nating mga wika ay nanggaling sa ibabang hanay ng lipunan, dili kaya'y malawak ang pakikisalamuha sa mga tao sa ibaba. Sa bahaging ito ng lipunan ay di gaanong nauunawaan ang Ingles, at ang mga manunulat sa sariling wika natin, dahil sa kanilang pagkakapanggaling o pakikisalamuha nila sa hanay na iyon, ay nakatatantong ang mga hinagpis at pangarap ng mga taong iyon ay higit na mahusay na mahuhugisan sa sariling wika natin.

    Samantala, ang panitikan sa Ingles sa atin ay isinilang na nagtataglay ng matinding eskapismo, bukod pa sa ang mga pinakamahilig sa Ingles sa atin ay yaong mga taong di nakadarama ng kabalakyutan ng lipunan dahil sa kanilang pagkakabilanggo sa mga kastilyong garing, kung kaya't ang kalakhan ng dugo ng panitikang Pilipino sa Ingles ay sa kanilang pamumuhay nanggagaling.

    Buti na nga lang at may mga manunulat tayo sa Ingles na kahit paano'y nakaugat sa kaluluwa ng bayan, tulad nina Luis Teodoro at Conrad de quiros.

  3. #43

    Post

    masyado ngang eskapista o eskapistang talaga ang karamihan sa mga akdang english. maliban lang sa mga obra ng mga kagaya nina f. sionil jose, e. san juan, butch dalisay, alfredo salanga, antonio enriquez at iba pa.

  4. #44

    Post

    ano naman ang masasabi nyo tungkol sa performance poetry at treatment poetry na siyang isa pang pangunahing pinapasimunuan ni vim nadera? sayang at di pa ako nakatunghay ng pagtatanghal ng tinatawag na performance poetry....

  5. #45

    Post Mga Akdang Pilipino sa Ingles at Performance Poetry

    Dapat ko ngang binanggit diyan sina F. Sionil Jose, Butch Dalisay, ang yumaong Alfredo Salanga, si E. San Juan, Jr., at si Antonio Enriquez. Maisasali na rin natin diyan si Ninotchka Roska. Mayroon din yatang mga tula sa Ingles si Gelacio Guillermo. At sino ba naman ang makalilimot sa yumaong Carlos Bulosan? Nariyan din ang kuwentistang si Amadis Ma. Guerrero.

    Samantala, tungkol naman diyan sa performance poetry, iya'y isang bagong uri ng pagtulang dapat na higit pang sisirin ng mga manunulat na Pilipino upang makaakit ng higit na maraming mambabasa. Tamang-tama, ngayo'y nauuso uli ang rap music, salamat sa grupong Salbakuta, bagama't di naman gaanong matulain ang kanilang mga awit, at sa mga bandang Rage Against the Machine at Linkin Park, at ang bagong musical genre na jazz-funk-poetry, sa pamamagitan naman ng Radioactive Sago Project.

  6. #46

    Post

    si vim lang pa ba ang nagsasagawa ng performance poetry?

  7. #47

    Post Wala Pa Akong Alam na Iba, at Iba Pa

    Wala akong iba pang alam na gumagawa niyan sa ngayon, e.

    Bukod nga pala sa mga binanggit kong manunulat ay dapat ko ring binanggit ang mandudulang si Alberto Florentino.

  8. #48

    Post

    ... at mababanggit ko rin siyempre pala si joma sison. kailan ko lang nakita yung kanyang personal na site--ang ganda! meron ditong featured ang ilan niyang tula...

  9. #49

    Post Joma Sison

    Originally posted by sadirmata
    ... at mababanggit ko rin siyempre pala si joma sison. kailan ko lang nakita yung kanyang personal na site--ang ganda! meron ditong featured ang ilan niyang tula...
    Kagagaling ko lang sa personal site ni Joma Sison. Ang ganda nga!

    Pinagusto ko sa mga tulang naroon ang "In the Dark Depths". Mahusay nitong ipinakikitang maaaring baguhin ng isang siil na bayan ang kanyang kalagayan.

  10. #50

    Post

    hmm, mukhang tayo-tayo na lang ang natitirang interesado o nagbabasa ng panitikang filipino, ano?

  11. #51

    Post

    hello manong sadir!!!

    la lang poh binasa ko lang tread nato kasi gustong gusto ko si F. Sionil. grabe! yun lang poh at narinig nyo na po ba si Ophelia Dimalanta? poetry?

  12. #52

    Post

    maraming salamat sa pagdalaw mo rito, manang lukaret! sino-sino ba ang mga nabasa mo o binabasa mong mga manunulat sa wikang filipino?

    sina f. sionil jose at ophelia dimalanta ay sa english lang nagsusulat. magaling ding makata sa english si dimalanta.

  13. #53

    Post

    oo nga manong sadir! he he prof ko si Dimalanta dati eh. tsaka dun ko din nabasa mga filipino works pero di ko pa nabasa ng buo yung mga exerpts lang anu ba yon?...dugo sa ulo ni rebo? tama ba? eh ang talagang nabasa ko lang ay mga works ni F. Sionil . gusto ko din yung kay steven javellana -without seeing the dawn at bumili pako nun. si nick joaquin eh hirap interpret talagang iisipin mo. yun lang poh. pro nagbabasa akoh ng liwayway lalo na mga stories dun

  14. #54

    Post

    Originally posted by lukaret

    wow, naging prof mo pala si dimalanta? sa ust ka ba nag-aral? o dlsu? hindi ko masyadong kabisado ang kanyang mga tula. si f. sionil jose, meron ako ng kanyang rosales novels at ilang kalipunan niya ng maikling kuwento. isang ilokano si f. sionil jose at parehas sila ng town na pinanggalingan ni juan sp. hidalgo, jr., sa rosales, pangasinan.

    dugo sa ulo ni rebo? baka "dugo sa ulo ni corbo" yan, kuwento yan ni efren r. abueg.

    karamihan sa mga nobela, maikling kuwento at tula sa liwayway ay pang-romansa o yung komersiyal ang porma at estilo, pop ang dating. wala nang magasin ang naglalathala ng mga seryosong pampanitikan talagang akda sa filipino. natigil na kasi yung filmag noon nina rio alma. sa mga journals at reviews na lang sa akademya ka makakasumpong ng talagang literary. o kaya sa mga inilalathalang philippine literary series ng anvil publication, ng up press, ateneo de manila press, dlsu press at iba.

    wala ka bang mga aklat sa panitikang filipino?

  15. #55
    Member
    Join Date
    Nov 2001
    Location
    not_in_the_Phil

    Post

    Mahigit sampung taon na nang huli akong nagbasa ng panitikan sa Pilipino, may Midweek Magazine pa noon. Doon ko unang nakita ang mga tula ni Rio Alma, atbp.
    May mga mahusay bang compilation o anthology ng panitikang Pilipino? O kaya saan (o kanino) magandang magsimula sa pagbabasa (nobela, tula, kwento)?
    BTW, years after I read my last Pilipino poem, gulat ko na lang nang makita ko ang mga tula ni James Fenton sa Pilipino ("Manila Manifesto" sa Out of Danger, 1994).

  16. #56

    Post

    Originally posted by tukid

    may ilang mga maganda't mahuhusay na ring inilabas na libro o mga kalipunan sa panitikang filipino, kagaya ng mga inilathala at inilalathalang philippine literature series ng anvil publication at UP Press at pati na ang mga palimbagan ng ateneo, la salle at ust.

  17. #57

    Post

    may nakabasa na ba sa inyo ng librong "Muog (Ang Naratibo ng Kanayunan sa Matagalang Digmang Bayan sa Pilipinas)" na inilathala ng UP Press? ito'y kalipunan ng mga kuwento, tula, sanaysay ukol sa buhay/pamumuhay ng mga NPA at iba na mostly ay sinulat din ng mga aktibong kasapi ng NPA at iba pang progresibong manunulat. ano naman ang masasabi nyo ukol sa panitikang proletarian o leftist o marxist-maoist ang buod o ang tema o ang kiling? may ilan din akong nasulat na parang ganito, yung tungkol sa buhay ng mga rebelde, tungkol sa mga pangarap at pag-iibigan ng dalawang magsing-irog na gerilyang NPA. sa iluko nga lang ang kuwento kong ito.

    nabasa nyo na rin ba yung "gera" ni ruth firmeza, "kabanbanuagan" ni kris montaņez, yung "kung ikaw ay inaapi bakit hindi ka magbalikwas?" ni e. san juan jr.?

  18. #58

    Post

    Karamihan ng binabasa kong Panitikan sa Wikang Pilipino ay yung mga Children's book.

    I also read works by Lacaba, Pero, i would never forget the short story Impen Negro. Favorite ko talaga yun. I forgot the author.
    Favorite ko rin yung Kangkong 1896. Ginawang movie...it sucked.

  19. #59

    Post

    Originally posted by Bostsip
    Karamihan ng binabasa kong Panitikan sa Wikang Pilipino ay yung mga Children's book.

    I also read works by Lacaba, Pero, i would never forget the short story Impen Negro. Favorite ko talaga yun. I forgot the author.
    Favorite ko rin yung Kangkong 1896. Ginawang movie...it sucked.
    mahilig din ako sa mga kuwentong pambata. sinusubukan ko nga ring gumawa. magaganda ang mga kuwentong pambata nina rene villanueva, rio alma, dr. luis gatmaitan at iba pa.

    yung "impeng negro" ay kuwento ni rogelio sicat. ang "kangkong 1896" ay nobela ni ceres alabado at ito yata yung ginawang movie na pinamagatang "damong ligaw" na pinagbidahan nina romnick sarmenta at beth tamayo. hindi ko pa nabasa yung nobela o napanood yung pelikula.

  20. #60

    Post

    Originally posted by sadirmata

    wow, naging prof mo pala si dimalanta? sa ust ka ba nag-aral? o dlsu? hindi ko masyadong kabisado ang kanyang mga tula. si f. sionil jose, meron ako ng kanyang rosales novels at ilang kalipunan niya ng maikling kuwento. isang ilokano si f. sionil jose at parehas sila ng town na pinanggalingan ni juan sp. hidalgo, jr., sa rosales, pangasinan.

    dugo sa ulo ni rebo? baka "dugo sa ulo ni corbo" yan, kuwento yan ni efren r. abueg.

    karamihan sa mga nobela, maikling kuwento at tula sa liwayway ay pang-romansa o yung komersiyal ang porma at estilo, pop ang dating. wala nang magasin ang naglalathala ng mga seryosong pampanitikan talagang akda sa filipino. natigil na kasi yung filmag noon nina rio alma. sa mga journals at reviews na lang sa akademya ka makakasumpong ng talagang literary. o kaya sa mga inilalathalang philippine literary series ng anvil publication, ng up press, ateneo de manila press, dlsu press at iba.

    wala ka bang mga aklat sa panitikang filipino?

    hello sa inyong lahat!!!sa ust po ako galing at dun naging prof at dean si dimalanta. hanggang ngayon naman nagtuturo padin siya dun pero di na yata siya ang dean. meron siyang nilabas na libro ng mga tula Love woman ang title. actually ngayon grumadweyt nako marami rin naman siyang naituro about poetry at literary criticism. Mga gawa ni Garcia Villa at ni nick qoaquin. Yung mga gawa ni F. Sionil nabasa ko lang dati sa library pero meron ako ng ermita. Ang mahal na kasi ng mga Rosales saga niya ngayon dito sa Manila eh. Pinag iipunan ko pa eh. tsaka tumitingin din ako ng magandang filipino story na babasahin. Anu ba manong sadir ang mga magagandang libro gawa ng filipino writers. Mas gusto ko nga basahin mga gawa ng local writers eh kumpara sa foreign. konti lang binabasa ko na foreign books yung mga classic lang.

    Si rio Alma huling pagkabalita ko sa kanya eh nasa National Commission for Culture and the Arts siya. Kasama niya si Jaime Laya pro alam mo naman kasi magulo sa gobyerno ngayon kaya ayun biglang iba na ang nasa puwesto nila ngayon. Sayang nga eh kasi mga artist sila at alam nila ang feeling ng mga kapwa nila artist. Ewan ko lang kung sinu na ngayon.

Page 3 of 9 FirstFirst ... 2 3 4 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

SPORTS:

Azkals demolish Indonesia 4-nil, reach AFC Suzuki Cup semis

Azkals demolish Indonesia 4-nil, reach AFC Suzuki Cup semis

read more
PBA:

Streaking Elasto Painters get fourth straight win against NLEX Road Warriors, 95-93

Streaking Elasto Painters get fourth straight win against NLEX Road Warriors, 95-93

read more
SHOWBIZ:

Isabelle Daza now a Kapamilya, set to work with Gerald Anderson in new teleserye

Isabelle Daza now a Kapamilya, set to work with Gerald Anderson in new teleserye

read more
LOCAL AND FOREIGN ISSUES:

Ano ang epekto ng pagkapanalo ni Pacquiao sa bansa maliban sa Pinoy Pride?

Ano ang epekto ng pagkapanalo ni Pacquiao sa bansa maliban sa Pinoy Pride?

read more
PROMO:

Join the promo and get a chance to win block screening tickets to Past Tense!

Join the promo and get a chance to win block screening tickets to Past Tense!

read more
CALL CENTER:

What Christmas gift will you buy yourself this year?

What Christmas gift will you buy yourself this year?

read more
NMFtv:

Chieffy Caligdong reveals the real reason why he retired from the Philippine Azkals

Chieffy Caligdong reveals the real reason why he retired from the Philippine Azkals

read more