PEx Highlights

REVIEW: The Trial

If there's one particular asset the film has, it's the ensemble.

read more

PHOTOS: 40th PBA Season Opening Ceremony

Ellen Adarna, Megan Young and Alice Dixson led the parade of team muses yesterday during the Opening Ceremony of the new PBA season. Check our gallery here!

read more

PHOTOS: Kia Victorious in Battle of Newcomers

LA Revilla (23pts, 7rebs) stole away the spotlight off of boxing champ Manny Pacquiao's PBA debut, as he rallied Kia over Blackwater 80-66.

read more

PHOTOS: Aguilar, Ginebra Bully Talk N Text

Ginebra had no problems in their opening campaign after a 101-81 win over TNT. Japeth Aguilar proved to be too much for the Texters with his game-high 18pts, 18rebs and 5 blks.

read more

PROMO: Big Hero 6

Join the promo and get a chance to win special screening tickets to Big Hero 6!

read more

Show Me Your Winning Teeths!

Merly and Chelsey are back for a new season of SMYT and they are 'happy to serve' you a new episode about the Miss World pageant and the UAAP Finals.

read more

Page 1 of 9 1 2 ... LastLast
Results 1 to 20 of 176
  1. #1

    Post Mga Mambabasa ng Panitikan sa Wikang Pilipino--Dito Tayo!!!

    Sinu-sino ang mga paborito ninyong manunulat sa wikang pambansa natin?

    Pagdating sa tula, kina Amado Hernandez at Jesus Manuel Santiago ako. Sila ang pinakamatatagumpay sa pagsasanib ng anyo at nilalaman sa tula.

    Sa nobela at kuwento naman, kay Rogelio Sikat ako. May realismong panlipunan ang kanyang nobela at mga kuwento, at bukod doon ay nagawa niyang makabago ang pagsusulat sa wikang Pilipino nang di sinasalaula ang wika. At kaya niyang ipahayag ang kahit anong damdamin sa katha--galit man, lungkot, o pagkahabag.

    Pagdating sa dula, wala pa yata akong nakikitang tatalo kay Rolando Tinio. Siya ang Fyodor Dostoevsky ng dula sa wikang Pilipino. Nagawa niyang papagsanibin nang mahusay ang pagtiligsa sa lipunan at sikolohikong pagsusuri sa bawat tauhan.

    Sa mga sanaysay ay sina Emilio Jacinto at Rogelio Ordonez ang mga pambato ko. Kahanga-hanga kung paano nila nailahad ni Jacinto at nailalahad ni Ordonez nang malinaw ang malalalim na kaisipan sa payak na mga salita. Bukod pa riyan ay matagumpay din sila sa paggamit ng mga tayutay o figure of speech sa mga sanaysay nang di nagmumukhang OA.

    Kayo naman!

  2. #2

    Post

    dp

  3. #3

    Post

    karamihan sa mga libro ko sa filipiniana ay sa panitikang pilipino (lalo na sa filipino o tagalog)...

    ang ilan sa mga paborito kong manunulat/makata/mandudula ay ang mga sumusunod:

    wilfredo p. virtusio
    jun cruz reyes
    edgardo reyes
    elmer ordoņez
    dominador mirasol
    rogelio sicat
    efren abueg
    bienvenido lumbera
    buenaventura s. medina
    isagani cruz
    fidel rillo
    rene villanueva
    amado hernandez
    rio alma (virgilio almario)
    edgardo maranan
    reynaldo duque
    domingo landicho
    lualhati bautista
    levy balgos de la cruz
    jess santiago
    lilia quindoza-santiago
    rolando tinio
    joi barrios
    ricky lee
    tony perez
    pete lacaba
    eman lacaba
    ruth firmeza
    kris montaņez
    ariel borlongan
    tomas agulto
    teo antonio
    lamberto antonio
    jose rey munsayac
    reuel molina aguila
    vim nadera
    rolando tolentino
    eli guieb
    ariel valerio
    jimmuel naval
    roberto aņonuevo

    ... at marami pang iba....

  4. #4

    Post Iba pang mga Manunulat

    Buti na lang at nabanggit mo ang pangalan ni Eman Lacaba. Talagang isa siya sa mga paborito kong makata, hindi ko nga lang nabanggit dahil hati ang pagsulat niya, di ba--mayroon sa Ingles at mayroon din naman sa Pilipino? Pero bilib ako sa estilo ng taong iyan; halata mong aral sa teknika pero saksakan din naman ng lalim ang ideya, di tulad ng ibang nag-aral ng teknika na parang kinalimutan ang sustansiya.

    Sino ang mas gusto mo sa magkapatid na Lacaba?

    Doon sa grupo ng mga manunulat na galing-MLQU na sumikat noong dekada 60, ang hindi ko pa nababasa ay si Ave Perez Jacob.

    Nabasa ko na rin si Wilfredo Virtusio, at ang galing din ng taong iyan. Matulain ang kanyang pagsulat ng kuwento. (Buhay pa ba iyang si Virtusio?)

    Marami sa mga binanggit mo ay mga paborito ko rin sa katunayan, pero ang mga binanggit ko ang mga pinakagusto ko sa kanila.

    Idagdag na nga rin natin sa mga paborito kong tula sa Pilipino yaong mga sinulat ni Eman Lacaba sa Pilipino. Gusto ko rin si Pete, pero mas gusto ko ang estilo ni Eman.

    At kung idaragdag naman natin ang mga titik ng mga kanta sa mga anyong pampanitikan, ang pambato ko'y sina Joey Ayala at Gary Granada.

  5. #5

    Post Re: Iba pang mga Manunulat

    Originally posted by butasnamaong
    Buti na lang at nabanggit mo ang pangalan ni Eman Lacaba. Talagang isa siya sa mga paborito kong makata, hindi ko nga lang nabanggit dahil hati ang pagsulat niya, di ba--mayroon sa Ingles at mayroon din naman sa Pilipino? Pero bilib ako sa estilo ng taong iyan; halata mong aral sa teknika pero saksakan din naman ng lalim ang ideya, di tulad ng ibang nag-aral ng teknika na parang kinalimutan ang sustansiya.

    Sino ang mas gusto mo sa magkapatid na Lacaba?
    mas gusto ko ang estilo ng pagsusulat at sinusulat ni eman lacaba. sayang nga at namatay siya nang maaga at hanggang doon na lang ang mga nasulat at isinulat niya. gusto ko pareho ang mga filipino at english niyang obra. pero mas nakakagaanan ko ang kanyang mga filipino tula.

    kay pete lacaba naman, masasabing klasika na yung estilo niya ng pagtula, namumukod tangi siya sa pamamaraan niyang ito na sa ngayon ay ginagaya na ng maraming makata. marahil ay mas epektibo bilang isang script writer o taong-pelikula si pete lacaba. pero hindi rin matatawaran ang kagalingan at ka-epektibuhan niya bilang makata.

    Doon sa grupo ng mga manunulat na galing-MLQU na sumikat noong dekada 60, ang hindi ko pa nababasa ay si Ave Perez Jacob.
    dapat ko rin palang isinali diyan si ave perez jacob at iba pang kasapi sa grupong "mga agos sa disyerto." may ilang kuwento na ni jacob nabasa ko kabilang ang ilang tila eksperimental ang pagkaporma, at nabasa ko na rin (sa liwayway noon) ang ilang kabanata ng kanyang nobelang "sibol sa guho" (hindi pa kasi ako nakabili ng libro nito).

    Nabasa ko na rin si Wilfredo Virtusio, at ang galing din ng taong iyan. Matulain ang kanyang pagsulat ng kuwento. (Buhay pa ba iyang si Virtusio?)
    sadyang napakagaling at napaka-effective na writer sa filipino si virtusio. mayron ka ba ng kanyang librong "bilanggo at iba pang akda"? napabalita minsan na yumao na si virtusio.

    [
    At kung idaragdag naman natin ang mga titik ng mga kanta sa mga anyong pampanitikan, ang pambato ko'y sina Joey Ayala at Gary Granada.
    parehas tayo dito, gusto ko rin sina ayala at granada, lalo na si ayala sa kanyang "walang hanggang paalam" at "wala nang tao sa sta. filomena".... gusto ko rin ang mga titik at musika ng mga grupong inang laya at buklod. sige, pati na rin ang grupong asin.

    nais ko lang idagdag na ang partikular na gusto ko kay ricky lee (bilang ricardo lee) ay sa kanyang pagkukuwento, noong kanyang kabataan na maikling kuwento pa lang ang tinututukan niya. hindi ko magustuhan ang ilan niyang script sa pelikula.

  6. #6

    Post Re: Re: Iba pang mga Manunulat

    Originally posted by sadirmata

    mas gusto ko ang estilo ng pagsusulat at sinusulat ni eman lacaba. sayang nga at namatay siya nang maaga at hanggang doon na lang ang mga nasulat at isinulat niya. gusto ko pareho ang mga filipino at english niyang obra. pero mas nakakagaanan ko ang kanyang mga filipino tula.

    Pareho tayo tungkol diyan kay Eman Lacaba. Ang mga sinulat niyang tula sa Pilipino, bukod sa mas malaman, ay mas mapagpahayag din. nakapanghihinayang nga at syia'y maagang namatay. Sang-ayon ako sa sinabi ni Freddie Salanga (SLN) na kundi namatay ng gayon kaaga si Eman Lacaba ay siya ang pinakadakilang manunulat ng kasalukuyang panahon.

    kay pete lacaba naman, masasabing klasika na yung estilo niya ng pagtula, namumukod tangi siya sa pamamaraan niyang ito na sa ngayon ay ginagaya na ng maraming makata. marahil ay mas epektibo bilang isang script writer o taong-pelikula si pete lacaba. pero hindi rin matatawaran ang kagalingan at ka-epektibuhan niya bilang makata.

    Napansin ko nga ang pagkakahawig ng maraming tula sa Pilipino sa ngayon, kung estilo ang pag-uusapan, sa mga tula ni Pete Lacaba.

    dapat ko rin palang isinali diyan si ave perez jacob at iba pang kasapi sa grupong "mga agos sa disyerto." may ilang kuwento na ni jacob nabasa ko kabilang ang ilang tila eksperimental ang pagkaporma, at nabasa ko na rin (sa liwayway noon) ang ilang kabanata ng kanyang nobelang "sibol sa guho" (hindi pa kasi ako nakabili ng libro nito).

    Gusto ko talagang mabasa iyang si Ave Perez Jacob dahil ang balita ko'y siya ang pinakamagaling sa grupo ng Mga Agos sa Disyerto. Totoo ba iyon?

    sadyang napakagaling at napaka-effective na writer sa filipino si virtusio. mayron ka ba ng kanyang librong "bilanggo at iba pang akda"? napabalita minsan na yumao na si virtusio.

    Mayroon ako ng libro niyang iyon--nabasa ko na ang buong libro. Ang galing niyang maglahad ng ideya kasabay ng pagpupukaw ng damdamin. Kaya ko naitanong kung buhay pa siya ay sapagkat may nabasa akong tula ni Teo Antonio na inialay sa kanya, at ang kuha ko sa mga titik ay patay na ang pinaghahandugan ng tula. Nakalulungkot naman kung totoo iyon.

    parehas tayo dito, gusto ko rin sina ayala at granada, lalo na si ayala sa kanyang "walang hanggang paalam" at "wala nang tao sa sta. filomena".... gusto ko rin ang mga titik at musika ng mga grupong inang laya at buklod. sige, pati na rin ang grupong asin.

    Ay, pareho tayo riyan sa "Walang Hanggang Paalam". Sa ganang aki'y iyan ang pinakadakilang kanta ng pag-ibig na nasulat sa kaysayan ng Pilipinas. Nakalulungkot at nakayayamot na hindi ito naririnig sa radyo.

    Ang pinakagusto ko naman sa mga kanta ni Gary Granada ay yaong "Pilipinas", "Mananatili Ka", at "Iisa".

    Hindi rin nga pala dapat na mawala sa listahan ko ang Inang Laya, Buklod, at Asin, pero ang Buklod ang pinakagusto ko sa mga iyan.

    nais ko lang idagdag na ang partikular na gusto ko kay ricky lee (bilang ricardo lee) ay sa kanyang pagkukuwento, noong kanyang kabataan na maikling kuwento pa lang ang tinututukan niya. hindi ko magustuhan ang ilan niyang script sa pelikula.

    Nakikita ko kay Ricky Lee na kung gugustuhin niya'y makagagawa pa siya ng mga iskrip na tulad ng kanyang mga dating kuwento, ngunit nakalulungkot na tila napasusuko na siya ng komersiyalismo.

  7. #7

    Post

    wala na bang ibang PEXer na nagbabasa ng panitikang filipino?

  8. #8

    Post Iba Pang PEXer na Nagbabasa ng Panitikan sa Wikang Pilipino

    Yayayain ko nga sa thread na ito ang kasamahan ko sa Tinig.com (http://www.tinig.com/) na si bogart_v. Estudyante iyon ng Malikhaing Pagsulat sa Filipino sa UP, kaya't halos nasisiguro ko nang may alam siya sa paksang ito.

  9. #9

    Post Re: Iba Pang PEXer na Nagbabasa ng Panitikan sa Wikang Pilipino

    Originally posted by butasnamaong
    Yayayain ko nga sa thread na ito ang kasamahan ko sa Tinig.com (http://www.tinig.com/) na si bogart_v. Estudyante iyon ng Malikhaing Pagsulat sa Filipino sa UP, kaya't halos nasisiguro ko nang may alam siya sa paksang ito.
    sige nga. tiyak na marami siyang mai-aambag sa ating usapan dito.

    samantala, ano naman ang masasabi mo sa gay lit sa filipino? anong mapupuna o maikokomento mo sa mga halimbawa'y akda nina tony perez (lalo na yung cubao 1980 niya), honorio bartolome de dios, roland tolentino, marco lopez at iba pa?

  10. #10

    Post

    maraming salamat pala, butasnamaong, sa pagbisita mo sa aking abang personal site!

  11. #11

    Post Gay Lit sa Pilipino

    Ang nabasa ko na sa ating gay lit ay sina Roland Tolentino at Tony Perez. Kaunti pa lang ang nabasa ko sa mga akda nila, pero napansin kong matalas din ang kanilang pagpuna sa lipunan. Hindi rin naman nahuhuli sa usapin ng estetika ang mga ito.

  12. #12

    Smile Walang Anuman

    Originally posted by sadirmata
    maraming salamat pala, butasnamaong, sa pagbisita mo sa aking abang personal site!
    Walang anuman, sadirmata!

  13. #13
    kabalyero
    Join Date
    Dec 2001
    Location
    mahiwagang pala

    Post Re: Gay Lit sa Pilipino

    Originally posted by butasnamaong
    Ang nabasa ko na sa ating gay lit ay sina Roland Tolentino at Tony Perez. Kaunti pa lang ang nabasa ko sa mga akda nila, pero napansin kong matalas din ang kanilang pagpuna sa lipunan. Hindi rin naman nahuhuli sa usapin ng estetika ang mga ito.
    buti naman at may gustong tumalakay ng panitikang pilipino sa wikang filipino rito. masaya.

    doon sa mga nabanggit na manunulat, lalo na doon sa mga inilista ni sadirmata ,natuwa ako kasi mga guro ko ang iba doon, at talaga namang mahuhusay sila at mabait pa.

    sa usapin ng gay lit, hindi pa gaanong nae-explore ang paksa ng kabaklaan sapagkat sa totoo naman ay malawak at malalim ang usaping ito katulad ng iba pang usapin sa kasarian at sekssuwalidad. magulo at masalimuot na proseso ang paghihimay sa iba't ibang lebel ng pagiging bakla sa ating bansa.

    nabasa ko na yung kay tony perez, yung cubao 1980. mahirap pang sabihing matagumpay na matagumpay ito dahil ang perspektibang ginamit ay perspektiba ng isang heterosekswal na binata. ngunit naging magandang simula ito at sa tingin ko'y malaki ang naiambag ni tony perez sa pagbubukas ng paksang ito sa mga mambabasa.

    may mga lumalabas na antolihiya na tungkol sa kabaklaan tulad ng ladlad at sa labas ng parlor. bagaman may mga mahuhusay na seleksiyon ang mga antolohiyang ito, may mga bahagi pa ring tumatalakay lamang sa mga mithi ng mga bakla na nasa mataas na uri ng lipunan. yung mga bading na businessman atbp. ayon nga sa mga pag-aaral na ginagawa ng iba kong guro, magiging mabunga ang paglikha ng mga kuwento ng mga bakla mula sa ibabang bahagi ng lipunan.

    paano kaya ang usapin ng popular na panitikan? maituturing ba na panitikan ang mga kuwentong lumalabas sa mga adult magazine na tulad ng gigolo? e yung sa xerex?

    ang mga gusto kong manunulat sa aming departamento ay sina eli guieb, jun cruz reyes, chocovim nadera, luna sicat cleto, rene villanueva, at reuel aguila. hindi ko man nabasa ang lahat ng gawa nila'y batid kong mahuhusay silang tao (at napakabait pa't handang tumulong sa mga nag-uumpisang manunulat tulad ko). siyempre bilib din ako kay pete lacaba. okey din si ka amado. at sino ba naman ang hindi magagalingan kina rogelio sikat at ang iba pang agos sa disyerto writers?

    yun lang muna.

  14. #14

    Post Mga Manunulat na Propesor

    Originally posted by bogart_v

    Nagtuturo rin pala sa inyong departamento si Jun Cruz Reyes. Natutuwa ako sa kanyang estilo sa pagkukuwento--seryosong makulit. Ganoon din ba siya sa totoong buhay?

    Gusto ko rin iyang si Vim Nadera, at hayaan ninyo na muna akong magmalaki nang kaunti, sapagkat iyang si Vim Nadera ay doon nagtapos sa pamantasang siya ko ring pinasukan. Ang kahanga-hanga kay Nadera ay ang kanyang kumbinasyon ng magaang wika at masakit na patama.

    Ang kahanga-hanga naman diyan kay Rene Villanueva ay ang kakayahan niyang ibagay sa antas ng kamalayan ng karaniwang mamamayan ang mabibigat na temang panlipunan.

    Sa mga "Agos sa Disyerto", sino ang sa palagay mo'y pinakamagaling? Kasama nila si Ave Perez Jacob, pero hindi kasama ang mga kuwento niya sa kasalukuyang edisyon. Ang balita ko sa nanay ko ay napakagaling niya, at ang balita naman sa akin ng isang kakilala ay siya ang pinakamagaling sa kanilang grupo. Pero sa mga nabasa ko na sa kanila, ang pinakahinahangaan ko ay si Rogelio Sikat

  15. #15

    Post Mga Manunulat na Propesor

    Originally posted by bogart_v

    ang mga gusto kong manunulat sa aming departamento ay sina eli guieb, jun cruz reyes, chocovim nadera, luna sicat cleto, rene villanueva, at reuel aguila. hindi ko man nabasa ang lahat ng gawa nila'y batid kong mahuhusay silang tao (at napakabait pa't handang tumulong sa mga nag-uumpisang manunulat tulad ko). siyempre bilib din ako kay pete lacaba. okey din si ka amado. at sino ba naman ang hindi magagalingan kina rogelio sikat at ang iba pang agos sa disyerto writers?

    yun lang muna.

    Nagtuturo rin pala sa inyong departamento si Jun Cruz Reyes. Natutuwa ako sa kanyang estilo sa pagkukuwento--seryosong makulit. Ganoon din ba siya sa totoong buhay?

    Gusto ko rin iyang si Vim Nadera, at hayaan ninyo na muna akong magmalaki nang kaunti, sapagkat iyang si Vim Nadera ay doon nagtapos sa pamantasang siya ko ring pinasukan. Ang kahanga-hanga kay Nadera ay ang kanyang kumbinasyon ng magaang wika at masakit na patama.

    Ang kahanga-hanga naman diyan kay Rene Villanueva ay ang kakayahan niyang ibagay sa antas ng kamalayan ng karaniwang mamamayan ang mabibigat na temang panlipunan.

    Sa mga "Agos sa Disyerto", sino ang sa palagay mo'y pinakamagaling? Kasama nila si Ave Perez Jacob, pero hindi kasama ang mga kuwento niya sa kasalukuyang edisyon. Ang balita sa akin ng nanay ko ay napakagaling niya, at ang balita naman sa akin ng isang kakilala ay siya ang pinakamagaling sa kanilang grupo. Pero sa mga nabasa ko na sa kanila, ang pinakahinahangaan ko ay si Rogelio Sikat

  16. #16

    Post Mga Manunulat na Propesor

    Originally posted by bogart_v

    ang mga gusto kong manunulat sa aming departamento ay sina eli guieb, jun cruz reyes, chocovim nadera, luna sicat cleto, rene villanueva, at reuel aguila. hindi ko man nabasa ang lahat ng gawa nila'y batid kong mahuhusay silang tao (at napakabait pa't handang tumulong sa mga nag-uumpisang manunulat tulad ko). siyempre bilib din ako kay pete lacaba. okey din si ka amado. at sino ba naman ang hindi magagalingan kina rogelio sikat at ang iba pang agos sa disyerto writers?

    yun lang muna.

    Nagtuturo rin pala sa inyong departamento si Jun Cruz Reyes. Natutuwa ako sa kanyang estilo sa pagkukuwento--seryosong makulit. Ganoon din ba siya sa totoong buhay?

    Gusto ko rin iyang si Vim Nadera, at hayaan ninyo na muna akong magmalaki nang kaunti, sapagkat iyang si Vim Nadera ay doon nagtapos sa pamantasang siya ko ring pinasukan. Ang kahanga-hanga kay Nadera ay ang kanyang kumbinasyon ng magaang wika at masakit na patama.

    Ang kahanga-hanga naman diyan kay Rene Villanueva ay ang kakayahan niyang ibagay sa antas ng kamalayan ng karaniwang mamamayan ang mabibigat na temang panlipunan.

    Sa mga "Agos sa Disyerto", sino ang sa palagay mo'y pinakamagaling? Kasama nila si Ave Perez Jacob, pero hindi kasama ang mga kuwento niya sa kasalukuyang edisyon. Ang balita sa akin ng nanay ko ay napakagaling niya, at ang balita naman sa akin ng isang kakilala ay siya ang pinakamagaling sa kanilang grupo. Pero sa mga nabasa ko na sa kanila, ang pinakahinahangaan ko ay si Rogelio Sikat.

  17. #17

    Post

    masaya nga at dumating ka rito, kasamang bogart_v, para makituwang sa ating paksa rito...!

    paborito ko rin talagang writer yang si jun cruz reyes, gustong-gusto ko ang estilo at banat niya ng kuwento/pagkukuwento--magaan lamang ang lengguahe niya ng pagkukuwento, simple ang porma, parang napapatawa lagi o parang corny ang dating pero mabigat naman ang tira at banat at palaging sumasapol. nabasa nyo na ba ang kanyang nobelang "etsa-puwera?" nangangalahati pa lamang ako nito! nandito pa rin talaga ang tatak niya sa "utos ng hari," "tutubi, tutubi, wag pahuhuli sa mamang salbahe," "ilang talang luma..." etc.

    minsan ko lang na-meet o nakasama si jun. sa up writers workshop sa baguio noong 1996. super nga siyang kasama, simple, mabait, down-to-earth. makulit, masaya, koboy, etc.

    samantala, sa ganang akin, bukod kay rogelio sikat, pinakamagaling din sa "agos..." si edgar reyes sa kanyang mga seryosong prosa kagaya ng "sa mga kuko ng liwanag" at mga kuwento niya (lalo na sa kanyang maliit na kalipunang "13 piling akda")...

  18. #18

    Post Edgardo/Edgar Reyes (?)

    Originally posted by sadirmata

    samantala, sa ganang akin, bukod kay rogelio sikat, pinakamagaling din sa "agos..." si edgar reyes sa kanyang mga seryosong prosa kagaya ng "sa mga kuko ng liwanag" at mga kuwento niya (lalo na sa kanyang maliit na kalipunang "13 piling akda")...
    Si Edgardo Reyes ba ng "Agos sa Disyerto" ang siya ring Edgar Reyes na sumusulat ng mga romance novel? Naitaong ko lang dahil parang hindi kapani-paniwala kung babasahin natin ang kanyang nobelang "Sa Mga Kuko ng Liwanag" at ang kanyang mga kuwentong "Daang-Bakal" at "Di Maabot ng Kawalang-Malay".

  19. #19
    kabalyero
    Join Date
    Dec 2001
    Location
    mahiwagang pala

    Post ang aking mga guro

    mababait talaga ang mga iyan. pero yung iba, tulad ni ser jun, kakaiba iyan pag workshop! akala mo'y wala ka nang magandang magagawa sa buong buhay mo. ganoon kasi ang scheme niya para matakot at mapiga ang estudyante para mas humusay ang pagsusulat niya. pero pagkatapos na ng semestre, mas makulit pa siya sa akin.

    okey din si chocovim. at napakasipag pa. nanalo nga siya ng gawad para sa pagiging pinakamahusay na alagad ng sining. galing talaga.

    yung gusto kong kuwento doon sa agos ng disyerto ay yung tungkol sa lalaki at babae. parang adan at eba ang imahe. nakalimutan ko ang pamagat at ang sumulat. patawad.

    sadirmata , fellow ka na pala sa writers workshop. ako'y aplikante pa lamang ngayon. noong sumali ako last year ay naging pang-apat ako sa 14 na sumali sa kuwento. kaya lang, yung top three lang ang kukunin. *****.

    pero sana makuha ako ngayon. wala lang, dagdag karanasan at bibili rin ako ng kulangot sa baguio. saka sasali ako sa palanca. pahingi ng form.

  20. #20
    kabalyero
    Join Date
    Dec 2001
    Location
    mahiwagang pala

    Post Re: Edgardo/Edgar Reyes (?)

    Originally posted by butasnamaong

    Si Edgardo Reyes ba ng "Agos sa Disyerto" ang siya ring Edgar Reyes na sumusulat ng mga romance novel? Naitaong ko lang dahil parang hindi kapani-paniwala kung babasahin natin ang kanyang nobelang "Sa Mga Kuko ng Liwanag" at ang kanyang mga kuwentong "Daang-Bakal" at "Di Maabot ng Kawalang-Malay".
    sa tingin ko. kasi po, malaki ang kita sa romansa nobela lalo na kapag established ka na. at nanggaling na naman sa pagsusulat ng ganito si edgardo reyes. pero hindi ako sigurado ha. sa tingin ko lang.

Page 1 of 9 1 2 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

CHIT CHAT:

Unzip your man purse and share what's inside your kikoy kit!

Unzip your man purse and share what's inside your kikoy kit!

read more
PBA:

Kia, Ginebra victorious in 40th PBA Season opening

Kia, Ginebra victorious in 40th PBA Season opening

read more
TV:

The Voice PH to open second season on October 26!

The Voice PH to open second season on October 26!

read more
SPORTS:

2014 Philippine Superliga Grand Prix opens

2014 Philippine Superliga Grand Prix opens

read more
SHOWBIZ:

Nadine Samonte also admits private marriage

Nadine Samonte also admits private marriage

read more
NMFtv:

NBA 2K15 Exhibition Gameplay - Washington Wizards VS Los Angeles Clippers on PS4

NBA 2K15 Exhibition Gameplay - Washington Wizards VS Los Angeles Clippers on PS4

read more