VILMA SANTOS: The ACE Among the Queens: EVERYTHING ABOUT HER...UNEQUALLED! Thread 48 - Page 5 | Showbiz - Female Celebrities | PinoyExchange

Page 5 of 89 First ... 4 5 6 15 55 ... Last
Results 81 to 100 of 1778
  1. #81
    Maraming maraming Salamat TrudisLiit, Oscar's Pride, at ronaldubai sa pagwelcome sa akin. Gusto ko din magpasalamat sa binibigay nyong pagmamahal, loyalty, at suporta sa ating Idol. Ang mga Solid Vilmanians na gaya ninyo ang nagsisilbing inspirasyon at motivation sa gaya naming mga Silent Vilmanians upang patuloy na tangkilikin ang mga proyekto ng QueenStar Vilma sa Movies at sa TV. Maging sa radyo at newspapers ay nakasubaybay kami sa ating Reyna, at nalulungkot ako kapag may hindi kagandahang balita at naninira sa isang napakabuting tao at very humble QueenStar. Yes, humility and kindness ang ilan sa mga good traits and qualities ng isang Vilma Santos, na hindi ko nakita sa ibang mga aktres mula noong 1970's, 1980's, at nitong 2000's. Karamihan ay yumabang, lumaki ang ulo, plastik, mapagkunwari, nagpiPR sa press at showbiz people para lang kumuha ng simpatya, at hindi totoo ang pinapakita. Vilma is a genuinely kind person. Sana ay nakakarating kay Ms. Vilma Santos ang mga messages at sinusulat natin dito. Marami pa kasi sana akong gustong iparating sa kanya at suggestions para sa showbiz career nya. Salamat ulit ronaldubai sa iyong sipag sa paginclude ng mga photos. Vilmanians are so blessed.

  2. #82
    Yes ronaldubai; Biggest Dream ko din na manominate at manalo ng Oscar's award si QueenStar Vi. Isang perfect project lang at the right time, mangyayari yun. And dream ko din na mapenetrate ni QueenStar Vi ang Hollywood: movies with Tom Hanks, or Mel Gibson, or Nicolas Cage, and of course with Meryl Streep. Wow! The Greatest Actress will be in Hollywood! Sana po magkatotoo.

  3. #83

  4. #84

  5. #85
    Sexy and Fresh johnnebula's Avatar
    Join Date
    May 2005
    Location
    Quezon City
    Happy happy BIRTHDAY kaibigang ronalddubai

  6. #86
    wow!
    new hauz na.
    maraming salamat sa lahat.
    tama kayo sa pagsasabing napakalayo na ng ating narating.
    nangawala man ang halos lahat ng mga pex vilmanian pioneers, marami ang pumalit na mga bagong members.
    nakakatuwa.
    para tayong kabuting patuloy sa pagdami.
    for the love of the queenvi.
    nais ko ding pasalamatan sina solidvi at ronaldubai sa patuloy nilang malasakit at pagmamahal sa ating idolo upang patunayang may bilang pa tayo sa dahilang tayo na lang ang patuloy na namamayagpag sa pinoyexchange.com kung seniority ang paguusapan.
    tanging pangalan na lang ni ate vi ang naririto.
    patunay na nananatili tayong matatag at sama-sama.

    welcome gretestactress to the group.
    gustung-gusto ko ang mga post mo.

    salamat kasamang johnebula at nagbalik ka na.
    napakagaganda ng iyong mga posts.

    at sa lahat, thanks a lot sa lahat ng effort at pagbisita.

    nawa'y mapasaatin ang tunay na meaning ng Lenten Season.

  7. #87
    happy, happy birthday ronaldubai!
    wishing you all the best.

    wish you good health always para mas maalagaan mo pa ang ating thread.

    GOD bless you always.

  8. #88
    Quote Originally Posted by GreatestActress View Post
    Totoong masaya dito. At yan ay dahil may maturity at open mind ang mga Vilmanians, gaya ng idol natin. Sabi nga ng mga artista at direktor na nakasama ni QueenStar Vilma Santos sa mga projects: "Vilma Santos is a very beautiful person, because Vilma is beautiful inside and out. Mabuting tao na, magaling pang artist. Kaya maraming nagmamahal sa kanya."
    100% true!

  9. #89
    Quote Originally Posted by johnnebula View Post

    thanks johnebula for this one.
    important piece of information.
    ibang klase si queenvi.
    hindi siya singer pero na-penetrate niya ang philippine music world.

  10. #90
    Maraming salamat Katmon sa pagwelcome sakin. Totoong dumarami pa ang Vilmanians - from showbiz and non-showbiz people. Nawitness ko yan nung nanood kami ng mga friends and relatives ko ng Everything About Her. Sobrang dami ng silent admirers ng Greatest Actress na nagaabang ng magandang pelikula at until now, marami pa ring silent Vilmanians. May mga 40 to 50 years old plus, may mga 60s na, pero may mga kasamang anak at apo na ranging from 15 to 30 years old sa sinehan. Nakatutuwang makitang malawak ang range ng age ng nanonood sa movies ni QueenStar Vilma Santos. At dito napatunayang sya lang ang nagiisang aktres (sa lahat ng artista mula pa noong 1960s) na naging Reyna na hanggang ngayon ay nagbibida pa rin at kayang magdala ng pelikulang tumatabo sa takilya. Sya lang ang kinukuha pa rin ng mga film producers upang magbida na nasa halos 90 - 95% ng bawat screen scenes na ang gaganda ng bawat eksena; hindi pang-supporting role lang. At ang gaganda ng movie reviews, pang-Best Actress award. Salamat sa mga masisipag at loyal na Vilmanians. Sana talaga ay makarating kay QueenStar Vi ang mga messages natin dito. Para lalo syang mainspire na gumawa pa ng more movie projects.
    And to ronaldubai, happy birthday and more blessings to come. God bless ronaldubai, and God bless us all Vilmanians.

  11. #91
    #EverythingAboutHerUnequalled1

    Ngayong nagmovie marathon ulit kami, naririto ang para sa amin ay Top 10 sa pinakamagagandang pelikula ni QueenStar Vilma based sa aming opinion, sa mga movie reviews, sa ganda ng role at uniqueness ng character, at sa over-all performance ni Vilma at kabuuan ng pelikula:

    1. Pahiram ng Isang Umaga
    2. Relasyon
    3. Anak
    4. Sister Stella L
    5. Everything About Her
    6. Tagos ng Dugo
    7. Ekstra
    8. Broken Marriage
    9. Ipagpatawad Mo
    10. Burlesk Queen

    Maraming magaganda at makabuluhang pelikula si Vilma pero dito sa sampung ito kami mas tinamaan especially sa kakaibang pagganap nya at sa tapang mageksperimento o sumubok ng ibang klase ng role o karakter. Yung iba't ibang Vilma Santos ang napanood mo. Ganunpaman, nagustuhan din namin sya sa Lipad Darna Lipad, Pakawalan mo ako, Miss X, Karma, Gaano kadalas ang minsan, Adultery, Paano ba ang Mangarap, Alyas Baby Tsina, Saan nagtatago ang Pagibig, Hahamakin ang Lahat, Dolzura Cortez, Bata bata paano ka ginawa, Dekada '70, In my Life.

    Vilma Santos is truly the Greatest Actress for all Reasons!

  12. #92
    Dear fellow Vilmanians,

    Ang mga sumusunod kong posts ay mostly dedicated to honor, explain and highlight why Everything about Ms. Vilma Santos is Unequalled. It will have a title - #EverythingAboutHerUnequalled.

    Our theme is:
    Vilma Santos is the Queenstar for all Seasons and the Greatest Actress for all Reasons!

    Truly yours,

    GreatestActress

  13. #93
    #EverythingAboutHerUnequalled1 -
    Why Vilma Santos is the Greatest Actress for all Reasons:

    Ngayong nagmovie marathon ulit kami, naririto ang para sa amin ay Top 10 sa pinakamagagandang pelikula ni QueenStar Vilma based sa aming opinion, sa mga movie reviews, sa ganda ng role at uniqueness ng character, at sa over-all performance ni Vilma at kabuuan ng pelikula:

    1. Pahiram ng Isang Umaga
    2. Relasyon
    3. Anak
    4. Sister Stella L
    5. Everything About Her
    6. Tagos ng Dugo
    7. Ekstra
    8. Broken Marriage
    9. Ipagpatawad Mo
    10. Burlesk Queen

    Maraming magaganda at makabuluhang pelikula si Vilma pero dito sa sampung ito kami mas tinamaan especially sa kakaibang pagganap nya at sa tapang mageksperimento o sumubok ng ibang klase ng role o karakter. Yung iba't ibang Vilma Santos ang napanood mo. Ganunpaman, nagustuhan din namin sya sa Lipad Darna Lipad, Pakawalan mo ako, Miss X, Karma, Gaano kadalas ang minsan, Adultery, Paano ba ang Mangarap, Alyas Baby Tsina, Saan nagtatago ang Pagibig, Hahamakin ang Lahat, Dolzura Cortez, Bata bata paano ka ginawa, Dekada '70, In my Life.

    Vilma Santos is truly the Greatest Actress for all Reasons!

  14. #94
    #EverythingAboutHerUnequalled2 -
    Great Movie ThemeSongs that made the Movies of QueenStar Vilma Santos More Beautiful and More Unforgettable

    Sa lahat ng mga nagReyna ng Pelikulang Pilipino, nag-iisa lang si Vilma Santos na gumawa ng history bilang isang non-singer pero nakagawa ng hits at successful single and recording album nung teenage years nya. Kasama syempre dito ang kantang "Sixteen" at ilan pang songs na identified kay Vilma na itinuturing nang classics hanggang sa ngayon at naririnig pa natin sa radyo at sa telebisyon. Imagine, Vilma Santos is not a born singer and not an established recording artist or concert performer, but she made a history in the Philippine Music Industry. It's Vilma's destiny - isang sign ng pagiging QueenStar for all Seasons and for all Reasons.

    Matapos naman ang mga teenage movies ni Vilma ay mas lalo natin syang hinangaan at sinamba dahil sa magagandang pelikula na nagakyat sa kanya bilang Queen of Dramatic Movies. Mas lalong gumanda ang mga Vilma movies dahil sa magaganda nitong movie themesongs. Heto ang ilan sa mga most loved movie themesongs ng Vilma movies. Naaalala nyo pa ba ito:

    1. Dama de Noche and My Pledge of Love (Vilma's movies with Edgar Mortiz of Vi & Bot Love Team), at marami pang Vi-Bot movies' songs

    2. Bato sa Buhangin by Yolly Samson/Cinderella (one of the best and box office films of FPJ with Vilma); another one is the song "You and I (will travel far together)" which was used in the movie Batya't Palupalo, another blockbuster film of FPJ with Vilma

    3. Dito ba? by Kuh Ledesma (themesong ng Miss X)

    4. Pagputi ng Uwak, Pagitim ng Tagak by Basil Valdez (themesong ng movie ni Vilma of the same title)

    5. Hiram by Zsa Zsa Padilla (para sa Palimos ng Pagibig); Zsa Zsa also sang the themesong of Pahiram ng isang umaga)

    6. Hindi Laro ang Ibigin ka by Anthony Castelo (para sa movie Pakawalan mo Ako nila ni Christopher de Leon and Anthony Castelo)

    7. Kung kailangan mo ako by Rey Valera (para sa first movie nila ni Edu Manzano na Romansa)

    8. Minsan sa Isang Panahon by Kuh Ledesma (para sa pelikulang Karma)

    9. Kung tayo'y magkakalayo by Rey Valera (para sa pelikulang Hiwalay)

    10. Langis at Tubig by Sharon Cuneta (one of the best themesongs)

    11. Sinasamba Kita by Rey Valera (one of the best themesongs)

    12. Gaano Kadalas ang Minsan by Basil Valdez (ang para sakin ay the Best Movie Themesong of all time; at lalong nagpaganda sa movie nila ni Dindo Fernando especially nung ginamit sa ending ng pelikula)

    13. Never Ever Say Goodbye by Nonoy Zuniga (leading man nya rin dito si Nonoy Zuniga)

    14. Paano ba ang Pangarap; Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan; Muling buksan ang Puso; Saan nagtatago ang Pagibig; Imortal - all movie themesongs were sung by the Great Basil Valdez (movies with Christopher de Leon)

    15. Sangandaan by Pat Castillo (para sa Sister Stella L)

    16. Sana Maulit Muli by Gary Valenciano (para sa Ibulong Mo sa Diyos with Gary V.)

    17. Ikaw Lang by Chad Borja (para sa movie nila ni Cesar Montano and Ronnie Ricketts)

    18. Hanggang by Wency Cornejo (para sa Dekada '70)

    19. Ipagpatawad Mo na version ni Janno Gibbs (para sa Viva movie nila ni Christopher de Leon)

    20. Dahil Mahal Kita by Ogie Alcasid (para sa Dolzura Cortez story)

    Ilan lamang ito sa mga magagandang movie themesongs ng pelikulang Pilipino. Natatandaan ko pa na nabasa ko noon yung interview kay Great Composer Mr. George Canseco nang sinabi nyang inspired sya kapag gagawing themesong ng pelikula ni Vilma Santos ang kanta nya; aside daw sa may malaking chance na manalo ng Best Movie Themesong Award (na madalas nangyari), nagkakaroon ng class at malakas na recall ang kanta kapag narinig gamitin sa Vilma movies. Even most singers are honored to sing themesongs of Vilma Santos movies.

    Bato sa Buhangin, Langis at Tubig, and Gaano Kadalas ang Minsan have become Great Classics, and have been used over and over in almost all teleseryes and revival movies being sung by the present generation of singers.

    I still remember my high school and college days when every new Vilma Santos movie is synonymous to another great movie themesong.

    Vilma Santos is really the QueenStar for all Seasons and for all Reasons!

  15. #95
    Hello sa lahat!
    Salamat sa palaging pag-visit GreatestActress.
    Sarap basahin ng mga post mo.
    Salamat sa birthday greetings.

  16. #96

  17. #97
    Happy Easter ronaldubai. God bless us all Vilmanians.

  18. #98
    #EverythingAboutHerUnequalled3 -
    Mga Dream Movie Projects ko for QueenStar Vilma Santos:

    Heto ang ilan sa Wish List ko na sana magawang pelikula ni Ms. Vilma Santos after ng National Election. Sana po magkatotoo at hindi iba ang gumawa. Hope makarating kay QueenStar Vilma:

    1. A Dramedy movie with Sarah Geronimo with Vilma as a frustrated trying hard singer na tumandang kontesera pero never nanalo. Anak nya si Sarah na may totoong talent sa pagkanta pero hindi yun ang pangarap nya. Dahil sa frustration, kumakanta si Vilma bitbit si Sarah sa mga burol at libing. And Edgar Mortiz will play the role of Vilma's husband and Sarah's father na isang musikero din. (Please...sana sila ang gumawa at walang magnakaw ng idea)

    2. A RomComDrama with John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo under Director Cathy Garcia Molina

    3. A dramedy movie with Daniel Padilla, Enrique Gil, and James Reid with Vilma as their mother from different fathers. Vilma used to be an OFW where she met 3 men who became the fathers of her 3 sons.

    4. An award-winning movie starring Vilma with 3 generations of top dramatic leading men - Christopher de Leon, Aga Muhlach, and John Lloyd Cruz.

    5. A movie with Kathryn Bernardo, Liza Soberano, and Nadine Lustre as 3 sisters na lumaki sa Yaya (played by Vilma) dahil palaging nasa abroad ang parents.

    6. A movie together with Piolo Pascual and Coco Martin

    Nirerequest ko sa kapwa Vilmanians na may access at pwedeng magparating kay QueenStar Vilma at sa Star Cinema ang dream projects na ito. Only the QueenStar for all Seasons deserve these projects.
    Salamat sa inyo.

  19. #99
    happy easter po sa lahat ng mga global vilmates.

  20. #100
    welcome to the club GreatestActress.
    salamat sa palaging pagdalaw.
    sarap basahin ng mga post mo.

    dalaw ka lang palagi and keep on posting.

Page 5 of 89 First ... 4 5 6 15 55 ... Last

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •