Hanep sa tournament format, losers ang umaakyat sa standings. Congratulations to Kurapika for being the first hunter. Next match: Gon vs. Hanzo.
In theory, 8 ang magiging hunters. 8 nga kaya? Hehehehe...
![]()

PBA historian Jay P. Mercado chronicles some of the most notoriously celebrated crowd-clearing brawls in PBA history.
read more
Fast and Furious 6 is a high-octane action-packed ride that will make the most hardened action movie fans blush
read more
The ADMU Lady Eagles displayed championship cool as they ripped the NU Lady Bulldogs in 3 sets in game 1 of the finals
read more
The highest fan and issue threads will be posted weekly. Check out the gorgeous female celebrities that came out on top this week!
read more
Twelve of the best brains across Asia compete to be hired in the ultimate job interview in The Apprentice Asia
read moreHanep sa tournament format, losers ang umaakyat sa standings. Congratulations to Kurapika for being the first hunter. Next match: Gon vs. Hanzo.
In theory, 8 ang magiging hunters. 8 nga kaya? Hehehehe...
![]()
hey mga hunters! di ko napanood yung episode kagabi. asar na asar nga ako! may practice pa kasi kami sa school kagabi. i hope this is the last time na maka-miss ako ng episode. di kumpleto araw ko pag walang hunter x hunter. PA-KWENTO PLEASE!!! this is the episode hisoka and kurapica fought. thanks!
pero sure ako na magiging hunter sina Gon!!! kelangang mapanood to!!! hehehe!!!
____________________________________________________
yay!!!
Ipinaliwanag ni chairman ang format ng tournament. Isang beses mo lang kailangang manalo, tapos hunter ka na. Ang mga matatalo ay aangat upang lumaban ulit. Bawal tapusin ang kalaban dahil kapag nangyari iyon, disqualified ka na, at lahat ng mga natira ay hindi na kailangang lumaban pa dahil panalo na sila.
Tinanong ni Killua kung paano napili ang mga match-up. Sabi ni chairman na base daw ito sa pisikal na lakas, talas ng pag-iisip, at nalimutan ko yung pangatlo. Tapos, isinama din niya sa criteria ng pagpili yung mga naging sagot nila sa kanya nung interview.
Unang naglaban si Kurapika at si Hisoka. Sa unang pagsugod, nagkailagan lang sila. Nung sumunod, binato ni Hisoka si Kurapika ng isang baraha. Nasangga ito ni Kurapika gamit yung isang espada niya, pero nagkalamat at nabali ang espada niya. Isa na lang ngayon ang espada niya. Sumugod siya ulit, pero nabugbog na siya ng husto. Sa huling pagsugod niya, napuruhan niya si Hisoka ng ilang beses. Nagwala si Hisoka at sinuntok si Kurapika ng bukas ang kamao. Muntik nang tamaan sa dibdib si Kurapika. Lumapit si Hisoka at may ibinulong kay Kurapika. Tapos, ipinaalam niya na sumusuko na siya. Panalo si Kurapika. Maghaharap ngayon si Gon at si Hanzo matapos ang kalahating oras.
Nag-usap si Leorio at si Kurapika. Tinanong ni Leorio kung ano yung binulong ni Hisoka. Sabi naman ni Kurapika, may alam daw si Hisoka tungkol sa mga spiders...
***
Hanzo vs. Gon, fight!
![]()
Ang labo naman ni Hisoka...bat kaya siya sumuko sa game? pero ok lang..at least panalo si Kurapika.
Diba kaya gusto ni Hisoka na pumasa ng Hunter exam para pwede na siyang pumatay na hindi nakukulong? Baka hindi lang niya gustong pumatay pero 'kailangan' talaga. Pansin ko *** kasi na parang nawalan lang siya ng onting dugo, eh sobrang nagbago na yung face niya. Tapos nung ni-lick niya yung blood niya, ok na siya. Siguro, kailangan niya ng dugo in order to survive.
Kelan kaya lalaban si Killua? And nakita niyo ba kung anong number(sino) yung makakalaban niya? Baka di niya mapigilang pumatay. hehehe
http://home.informatik.tu-muenchen.de/fritzsch/HxH/
try nyo...cool yan!
Ang daldal ni Hanzo. Skill-wise, mismatch talaga. Problema lang ni Hanzo, kailangang sumuko si Gon. Eh mukhang di naman mangyayari iyon. Hindi niya puwedeng patayin. Hehehe, ano kaya mangyayari mamaya?
![]()
Because of the format of the "Final Exam", only one person will not be a hunter. In the manga, I know who is not going to be the hunter, but I'm not sure if they changed it in the anime version.
In the anime they added an extra test that was never featured in the manga so I don't know if _______ will actually be a hunter or not.
BTW, read the manga, it's more gruesome & emotional. Stuff that they just couldn't show on the anime unless it becomes a +18 rating! Plus there's small Yaoi content there.
yehehey! hunter na si gon!!!
sabi na nga ba...di magiging hunter si killua...kapatid pala niya yung guy with studs.
grabe, paganda na ng paganda ang hxh. mas exciting siya at di siya ganoon ka-dragging (at this point). pero bitin pa rin ang mga episodes! parang pinuputol ata ng gma!!
yup, bitin alright.
Up to 62 episodes lang pala ang hxh. Episode 29 pa lang ang pinalabas ngayon, feb 14.
Ay, oo nga pala, Happy Valentines Day!!! Obvious walang date kaya nanonood lang ng tv!
more pics...
![]()
![]()
all from http://www.nippon-animation.co.jp/hunter.htm
grabe! sayang naman kung hindi magiging hunter si kilua. hindi na ako makapaghintay sa mangyayari sa episode bukas!
![]()
Akala ko talaga babae yung kasama ni Hisoka. Lalaki pala si Gitaraku. Congratulations to Gon for becoming a hunter, even at the expense of his arm and hand. Congratulations also to Hisoka (kahit bad a$$ ka you deserve the slot), Buckle (Bokel? hindi man lang nilabanan ni Killua), and Hanzo (pinanis niya si Buckle). Adding Kurapika, that's 5 hunters.
In theory, tatlo na lang ang laban. Podoro vs. Leorio, Gitaraku vs. Killua, and the losers of the two matches.
Good luck na lang kay Leorio sa laban niya kay Podoro. Sana manalo siya. As for Killua and Gitaraku...
![]()
Kutob plang ni Gon eh mukhang 'di na nga makakapasa si Killua. Sayang nga kung totoo yun, magaling pa naman sya. Malas na lang siya at sinundo sya ni Kuya Irumi nya. Pero kahit ano pa, siguradong nakakaaliw ang laban nila. Zoldick versus Zoldick...
Nanalo kaya si Leorio sa laban niya...?
http://galileo.spaceports.com/~hunte...hronology.html
visit this: this is the best hunter x hunter site so far. wala ito sa anipike.
KILLUA RULES!![]()
Hay naku, si Reorio, naging hunter nang walang kahirap-hirap!! Sabi ko na nga ba eh, makakalusot na naman siya with the help of a friend (and that is Killua!) Lahat ata sila taking turns!
Pero sayang naman si Killua. He deserves to be a hunter pa rin. Sayang!
kawawa naman si killua! he deserved to pass!
i felt sorry for the old guy who got killed nga eh.
i was pissed of by the other kid who passed - the one with the bow and arrow. he never deserve to be a hunter!
i can't wait until monday!
Hehehe, sabi na nga ba pito lang ang magiging hunters eh. Congratulations to the successful examinees (in the order in which they passed):
Kurapika
Gon
Hisoka
Hanzo
Gitaraku (or Irumi, his real name)
Bokel (spelling?)
Leorio
Condolence to the fatality:
Podoro
My heart cries out to you:
Killua
Gandang laban sana yung kina Podoro at Leorio. Kung tama yung analysis ni chairman (at malamang tama siya), merong maliit na advantage si Leorio dahil sa mga sugat ni Podoro. Lumalabas, sina Gitaraku at Leorio ang nanalo ng walang kahirap-hirap. Si Gitaraku tinitigan lang si Killua, panalo na. Si Leorio naman pumoporma pa lang nanalo na. Nanghihinayang ako sa laban nina Hanzo at Bokel. Submission lang. Dapat binali din ni Hanzo yung braso nung hayop na iyon.
![]()
Nakakaawa talaga si Killua, sinindak na nga ng kuya (sa totoo lang, kay Irumi lang siya takot sa dalawa nyang kuya), ginamitan pa ng mind-control para ma-disqualify... malamang pinauwi na ni Irumi yun si Killua.
Kaya naman pala looking back, nung inaagaw nila Gon at Killua yung bola kay Chairman, nung umalis si Killua at tumingin sa bintana, kinausap sya nung reflection nya, pero iba yung mata... yung nagasabi pa ng "Owws, talaga?" nung sinabi nyang ayaw nyang saktan si Gon...
For me the most suspenseful scene of Hunter X Hunter was in the manga after the hunter exam when Gon & friends went looking for Killua & find him back where he lived before. That was so exciting for me, I can't wait to see the anime version of it!
^_^x
It would have preferable to read the manga than watch the anime. I have the whole set (62 eps) and watched the last eps. MABIBITIN KAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!
Asar!!!!!!!!!!!!!!
Good thing (SPOILERS AHEAD, PLEASE DON'T READ IF YOU DON'T WANT TO KNOW THE LAST PART) nag-shift ang story to Kurapika since it would become really/totally violent later on while the other two young'ins are totally clueless on what's happening with their partner.![]()
If you want, you could get the manga of the latest release (volume ten or 11) sa FEATA sa greenbelt or sa Comic Central Headquarters sa harap ng Ateneo. They sell original stuff and they know what they are selling![]()