Originally posted by aajao
Walang pinakamahusay na paraan kundi ang bukas na komunikasyon sa inyong pamilya. Gaya nga ng binanggit ni
kartoonista, gawin mong best friend ang anak mo.
Sa parte kase ng mga anak, kapag komportable ang kalooban nya sa mga magulang, hindi na niya kailangang magdalawang-isip pa para malaman niya ang mga limitations nya kapag malayo sya sa mga magulang niya.
Siguro, isang paraan din para maging komportable ang anak sa magulang, kapag may nagawang mali ang anak at naikwento nya ito sa magulang, hindi dapat sisihin ng magulang ang anak sa pagkakamaling yun. Bagkus, yun ang pinakamagandang pagkakataon para sabihan ng magulang ang anak kung ano ang natutunan nya sa pangyayaring iyon. Kasabay nito ang pagpapayo sa anak para sa mga susunod na pagkakataon.
For a related discussion, you can share your thoughts
here.
May you and your daughter live a happy life.