untitled
by:rain
Ako’y anak ng dalita
Ang naritong humihiling na bigyan ng awa
Buksan mo ang langit at kusa mong pakinggan
Ang aking ligalig sa pagdaramdam
At kung hindi ka mahahabaag sa lungkot kong dinaranas
Puso’t diwang nabibihag, sa libing masasadlak
Magtanong ka kung d tunay sa kislap ng mga tala,
Magtanong ka rin sa ulap ng taglay kong dalita
Tanging larawan mo ang nagiging ilaw,
Kung ikaw ay mahihimbing sa gitna ng dilim;
..ay iyong ihulog puso mo sa akin
***********************************
BABAE SA PARKE
Sa minsang kong paglalakad sa parke
May babaeng biglang lumapit sa akin.
Tinanong ako ba’y mabuti?ako ba’y masaya?
Ako’y d agad nakasagot,wari bang natutop at naubusan.
Muli,ako’y tinanong;
Sinagot ko ng wala sa loob, oo.
Agad akong lumisan sa parke,
Iniwang mag-isa--babaeng nagtatanong.
Sa king pag-uwi,aking naisip babaing matanong.
Ano kaya ang kanyang nais?bakit ako’y ginugulo.
D ko namamalayan,ako’y naglalakad patungong parke muli.
Babaeng nagtanong,aking inabutan--kung san sya’y aking pinag-iwanan
May ngiting pasalubong,d man lang nangawit sa pag-tayo.
Sa aking paglapit,ako’y niyakap at tinanong muli
“Mabuti ka ba?masaya ka ba?”
Muli,ako’y natutop…d nakapagsalita ng ayos
D ko namalayan,luha pala’y umaagos na ng tuluyan
Bakit kaya,babaing ito, tila ako’y kilala sa loob.
Tila ba siyay piping nakamasid sa aking mga dinanas.
Babai’y nagtanong,bakit ka umiiyak?
Sagot ko’y “wala.wag nang pagtuunan pansin pa.”
Siya’y yumakap muli,nagwikang tumahan na;
“Ako’y narito,handang makinig sa iyo,” sagot ng babae.
Aking sinalaysay buhay kong kay pait.
Mga karanasang kailanma’y d kayang limutin.
Siya’y nagwikang muli,tinanong naman ay bakit.
Ako’y naguluhan.Siya’y d ko maintindihan
Bakit baga aking sinasabi ,mga yaong bagay na dati’y d ko mailabi.
Kay gaan ng aking loob dineh sa babae,
Tila may katangian siyang natatanging d ko mawari.
Ano bang mayroon?babaing ito na matanong…
Siya’y patuloy na nakamasid,hinihintay aking kasagutan.
Muli,aking natagpuan,sarili’y umiiyak d man lang nahiya.
Ako naman ang nagtanong,rine sa babaing matanong.
Tanong ko’y bakit,siya ba’y ano ko?
Sagot ng babae,sa isang malamyang tinig:
“ako’y walang masasabi,sagot mo aking iniintay pa rin”
Gulo man aking isip,sinagot na rin kanyang tanong.
Sabi ko’y akoy naiyak,pagkat aking naalala mga masamang lumipas.
Babae’y sinilayan ng munting ngiti,waring bang may nasasaisip.
Ako’y naguluhan,sya namay tinanong bakit
Sabi ng babae: “ating usapan,aking ipinagpapasalamat,
Pagkat minsan lang ako,kinausap ng ganito--na tingin sa aki’y simpleng tao.”
Ngayon,ang babae naman ang nagsalaysay
Buhay pala nya’y tulad ng akin,masalimuot at pasakit.
D ko napansin,gabi’y dumarating na
Aking inaya,babaing matanong,anya’y kumain muna.
Siya’y nagpauna,nagsabing salamat na lamang.
Masaya naming nilisan,parkeng piping saksi--
Saksi sa aming munting kwentuhan,sana’y wala nang katapusan.
Habang ako’y naglalakad pauwi ng aking bahay…
Aking naalala,ngalan ng babae aking nalimutang itanong
Patakbo akong bumalik sa parke,nagbabakasakaling babae’y nandun pa rin
Ngunit tila huli na ang lahat,kami’y pinahiram lamang ng kaunting oras.
Babaing aking dinatnan sa parke ng dal’wang beses ay wala na.
Ipinagtanong ko sa bawat tao sa parke,babaing matanong
Nagbabakasakaling siya’y nasa tabi lamang.
Kinabukasan,ako’y muling nagpunta ng parke--mabigat ang kalooban
Babae kasing matanong,aking napanaginipan,
Siya daw ay nawalang bigla,naglaho na lamang.
Amin daw usapan,d na muling naituloy.
Ako’y lumuluha na naman,iyakin nga palang tal’ga ako.
Paghahanap sa babaing matanong,ako’y sumuko.
Hanggang sa isang babae uli ang lumapit sa akin…
Tinanong parehong katanungan ng unang babaeng lumapit sa akin.
Bakit ganoon?tila inuulit mga pangyayari.ano ba ang katotohanan?
Gumising akong may luha,ang lahat pala’y panaginip lamang.
Sayang!bulong ko sa aking sarili.
Hayai na nga,ako’y babalik na lamang sa dati kong buhay--sa aking nakagisnan
Ang lumaking nagsisilbi sa iba…kailanmay d man lang nabigyan oras ang sarili.
Ang hayaang iba ang magdesisyon para sa sarili ko,
Tila wala akong karapatan ranasin mga bagay dapat sanay akin.
D ko malilimutan panaginip na yun,pagkat alam kong dahil dun…
Naranasan ko ring may makinig sa akin.
Ang may mangusap sa akin;na ang tingin sa ki’y isang tao rin.
Hindi bilang isang utusan,tagapagsilbi,o d kaya’y maging sunud-sunuran.
Oo.pagod na ako.pagod akong maging walang muwang ditto sa mundong ito.
Salamat sa panaginip.naranasan kong maging ako,kahit sa pansandaling oras lamang.
>>ang lahat ng po yan ay ako ang gumawa...kinda long nung pangalawa noh?








Reply With Quote
welcome!!!









