PEx Highlights

REVIEW: The Judge

Robert Downey Jr. takes off his iron suit and stars in this legal drama. Read our review here!

read more

Follow @pinoyexchange on Twitter

Be in the know! Follow @pinoyexchange on Twitter for community, movies, sports and promo updates.

read more

PROMO: The Book of Life

Join the promo and get a chance to win exclusive The Book of Life merchandise!

read more

Big Hero 6 Pins!

New movie pin alert! Join the movie discussion thread and collect all five Big Hero 6 pins!

read more

Top Female Celebrities

2 more weeks and she will officially be the IT GIRL of the month. Can her fans keep it up? Jane Oineza is still PEx's Top Female Celeb!

read more

PHOTOS: Alaska Wins Laugher vs Champs

Calvin Abueva (21 points, 11 rebounds) and the Alaska Aces made a statement on Wednesday, dominating the Purefoods Star Hotshots in a laugher, 93-73.

read more

Page 87 of 251 FirstFirst ... 37 77 86 87 88 97 137 187 ... LastLast
Results 1,721 to 1,740 of 5010
  1. #1721
    Hide & Clap casm22's Avatar
    Join Date
    Dec 2009
    Location
    LetTheGamesBegin
    Quote Originally Posted by ll_borderline View Post
    ito mas mahaba haba

    [video=youtube;LskYmAx92cs]
    ang saya-saya!!!

    Quote Originally Posted by ll_borderline View Post
    dong at the launch of One Chair, One Child Campaign

    good job!

  2. #1722
    Quote Originally Posted by ll_borderline View Post
    Q & A with DongYan

    [video=youtube;DF6IltCiCeQ]http://www.youtube.com/watch?v=DF6IltCiCeQ&feature=youtu.be
    #kisaykisay

  3. #1723
    judyjam14
    3 hours ago
    We love Lifeline Foundation and YesPinoy collaboration!





    judyjam14
    4 hours ago
    We collaborate, co-labor woth one goal...support the children of Estancia Elementary School in Iloilo. #UpuanParaSaKinabukasan #ineedalifeline #yespinoy




    judyjam14
    4 hours ago
    Dingdong Dantes of YesPinoy, Betty Romero & Robert Mesa of Lifeline Foundation immediately at work after One Chair, One Child Campaign launch. #UpuanParaSaKinabukasan


  4. #1724
    Quote Originally Posted by casm22 View Post
    kaloka ang mga ideas na pumapasok sa isip mo!!!
    hahahaaha!! mag aapply na ku sa creative team sa gma! chos!

    Quote Originally Posted by ll_borderline View Post
    Pau!!! Nice to see you sa party!! Wahahaha
    Once a year lang tayo magkita eh!
    unga je! at least tayo nagkikita, eh panu si kat?! once every 2 years?!

  5. #1725
    yespinoy
    3 hours ago
    Thank you D.Y supporters. #upuanparasakinabukasan


  6. #1726
    ALLAN DIONES


    PINAGALITAN ni Marian Rivera si Louise de los Reyes nu’ng minsang magkita sila sa Sunday All Stars nang mag-judge sa show si Marian.


    Kuwento sa amin ni Louise sa press launch ng Kambal Sirena kamakalawa nang gabi, lumapit siya kay Marian para bumati, tapos ay ‘pinagalitan’ siya nito.


    “Kasi, sabi niya, wala raw difference ‘yung dalawang karakter ko doon sa unang teaser (ng Kambal Sirena).


    “Tapos, sabi niya sa akin, ‘Kailangan, pati tawa nila (kambal niyang karakter na sina Perlas at Alona), magkaiba.’ Binigyan niya rin ako ng tips.


    “Kasi, before, nu’ng nagkaroon siya (Marian) ng sirenaserye (Dyesebel ng GMA), ginawa niya ang lahat.



    Binigay niya lahat sa show, kaya wala siyang regrets. So, ganu’n din daw dapat ang gawin ko.


    “At saka naisip ko rin po, kung nakaya niya noon, dapat kayanin ko rin ngayon.


    “Palagi naman po siyang (Yanyan) nandiyan para sa akin. Siya na ‘yung nagsisilbing ate ko rito sa industriya na nalalapitan ko,” masayang bulalas ni Louise.


    Nagkatrabaho sila noon ni Marian sa drama series na My Beloved at mula noon ay naging ‘baby’ na raw ni Marian silang dalawa ni Alden Richards.


    Pinayuhan din si Louise ni Yanyan na ibigay niya ang lahat at alisin ang res*trictions.


    “Ang sabi pa po niya sa akin, huwag kong papansinin ‘yung mga nagkukumpara. Huwag akong panghihinaan ng loob. Kasi, kapag pinanghinaan ako ng loob, matatalo lang ako.”


    Alam ng Kapuso star na hindi mawawala ‘yung pagkukumpara, lalo pa at may makakatapat silang sirenaserye rin (pero mas mauuna silang umere rito nang two weeks).

  7. #1727
    Alindog ni Marian, puring-puri nina Anne at Kathryn

    Ni Rose Garcia


    Bago ang ginanap na contract signin*g bilang celebrity endorser ng SOF Mmmm ng Personal Collection ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, ginawaran muna si Marian ng tropeo dahil siya ang nanalo bilang Dealer’s Choice Award.

    Ang naging criteria ay kung sino sa tingin nila ang karapat-dapat na kuhaning artista para mag-represent ng produkto. Dapat daw ay hindi lang basta maganda kung hindi, pinakamaganda, pinaka-sexy at pinakamaba*ngo.

    Para rin namang bumagay lalo kay Marian dahil sa tagline ng kasalukuyan niyang primetime soap, ang Carmela Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw.

    Bongga nga si Marian dahil siya lang yata ang Reyna na halos ang level sa pagiging artista, pero, aminadong naglalaba talaga at siya ang personal na naglalaba ng mga undergarments niya.

    “Naniniwala kasi ako na bawat babae, kailangang marunong maglaba. Hindi ko naman sinasabing nilala*bhan ko lahat, mga undergarments ko lang.”

    Inamin naman ni Marian na nagbigay talaga siya ng mga pointers sa Kapuso actress na gaganap bilang sirena, si Louise delos Reyes nga sa Kambal Sirena.

    “Eh kasi, bilang mga bagets itong mga ito at ako ang nakatatanda sa kanila at halos lahat sila, ate nila ko. Mga pointers lang naman na mga bagay-bagay na dapat mahalin nila ang trabaho nila dahil magre-reflect ‘yan sa ginagawa nila.”

    Binigyan din ba niya ng pointers si Louise kung paano lumangoy?

    “Hindi naman siguro kung paano lumangoy kung hindi kung paano magkaroon ng kumpiyansa sa sarili. Kaya nga binigay sa kanya ang Kambal Sirena, ibig sabihin naniniwala ang network sa kanya. ‘Yun pa lang, dapat may kumpiyansa na siya.”

    Malaki nga raw ang pasasalamat ni Louise dahil sa mga sinabi niya, na-motivate ito.
    “Ha Ha Ha! Thank you at least, kino-consider niya ang mga sinasabi ko sa kanya. Ay naku, love ko ang mga batang ‘yan.”

    Sinagot din ni Marian ng pasasalamat ang mga Kapamilya stars na pumuri sa naging FHM cover niya tulad nina Anne Curtis at Kathryn Bernardo.

    Sabi ni Marian, “Si Anne kasi, kaibigan ko naman siya. Nagkikita kami sa shoot. Hindi man kami nagte-text-an o lumalabas na magkasama, alam naming magkaibigan kaming dalawa.

    “Tapos si Kathryn kasi, naging bata sa Endless Love at naging malapit din sa akin ang batang ‘yan.

    Nakakatuwa dahil naa-appreciate nila kahit hindi ako taga-kabila, dito nawawala ang wall ng mga network na hindi naman masamang pumuri o magmahal ng iba kahit hindi mo ka-network.”

  8. #1728
    Marian, tikom ang bibig sa John Lloyd at Piolo movie

    Ni Rose Garcia


    Ayaw namang magbigay pa ng komento ni Marian sa sinasabing hinahanda raw na movie niya kasama sina John Lloyd Cruz at Piolo Pascual.

    Nakangiting sabi na lang niya, “ Mahirap kasing magsabi na ah oo, gagawa ako ng movie with John Lloyd. Gagawa ako ng movie with Piolo. Hangga’t hindi pa nagsisimula ang isang project, parang mahirap magsalita. Kasi, ang daming nababago.

    “Like Coco Martin before, dapat may gagawin kaming pelikula, pero, hindi natuloy. Siguro, kapag may script na at nandiyan na at nagro-rolling na kami, ‘yun ang masasabi ko na matutuloy na talaga.”
    Kung sakali at matuloy, ma-e-excite siya?

    “Oo naman, kahit sinong makatrabaho ko na bago eh, excited ako.”

    May plano pa rin naman daw mag-produce si Marian ng pelikula pagkatapos nga niyang gawin ang Kung Fu Divas. Pero sila ni Dingdong, kailan ulit sila magkakasama?

    “May Carmela ako ngayon at si Dingdong naman, may gagawin siyang soap kasama si Ms. Maricel Soriano. Tingnan natin, kung hindi man sa soap, baka sa pelikula.”

  9. #1729
    Dingdong Dantes set for a busy 2014

    DINGDONG Dantes is gearing up for a busy year ahead as he will banner upcoming primetime series “Ang Dalawang Mrs. Real” and two possible big screen projects.

    The Kapuso Primetime King said he is looking forward to the new series for it would be his first time to work opposite Diamond Star Maricel Soriano.

    He added that when the network presented him the story late last year, before “Genesis” ended, he immediately said yes to the offer.

    Dingdong said he likes the series’ modern love story as it’s very different from what he’s done before.

    “First time kong maging interesado and ma-excite ng ganitong magnitude sa concept ng isang proyekto. It will capture a different demographic. Although napakilala kami (Soriano) dati, na-starstruck parin ako sa kanya,” the actor said.

    Directed by Andoy Ranay and with the inclusion of Lovi Poe in the cast, “Ang Dalawang Mrs. Real” is slated to be released in1 May.

    Aside from the drama series, Dingdong disclosed that there is also an offer for him to do another Star Cinema movie. Rumor has it that he will be paired with “It’s Showtime” host Anne Curtis.

    Dingdong added that he is also open in doing the second installment of “Tiktik: The Aswang Chronicles.”

    In the sideline, the actor will still be active in the campaigns and activities of his Yes Pinoy Foundation.

    Over the weekend, the actor distributed educational material to school children in Baguio.

    The Kapuso Primetime King was accompanied by real life sweetheart, actress Marian Rivera, when he visited Loakan Elementary School. They handed out school bags and other supplies to 300 grade school students.

    Dingdong said he aims to help more kids in different areas of the Philippines through Yes Pinoy Foundation and in cooperation with GMA Regional TV.

    “I appreciate the efforts of GMA Regional that they do everything they can to reach out to our viewers. Everytime we go to a place, we try to tap one school that is very much in need of supplies. We plan to do it hanggang may supply.” (MNS)

  10. #1730
    MARIAN: I WASH MY OWN PANTIES

    Written by : Mario Bautista

    MARIAN Rivera was visibly surprised when Executive VP Yolly Yabut of Personal Collection Direct Selling Inc. handed her a beautiful heart-shaped trophy called the Dealers’ Choice Award. She got it for winning in their survey as to who should be the perfect brand ambassador for their fabric conditioners called Sof & MMMMM Premium Fragrances. “Hindi ko akalaing may ganito palang award waiting for me,” she said at the product launch in Luxent Hotel.

    A video showed that almost all the dealers voted for her. “Ang layo ng lamang niya doon sa susunod,” says ad executive Don Remo (the father of “Binoy Henyo,” David Remo) who handled the launch. Don told us who comes after Marian, but of course, we’re not at liberty to divulge who she is here.

    Personal Collection’s assistant VP Anne Roxas said Marian is the ideal endorser for Sof as she’s so fresh, clean and fragrant like their product. “As one of our top stars, she has the perfect combination to personify our product’s Premium Fragrance,” adds Anne.

    But does Marian do the laundry herself? “Yes. Wala akong kasambahay. May naglalaba for me, pero siyempre, 'yung personal undergarments ko, ako mismo ang naglalaba and I use Personal Collection products dahil effective talaga.”

    Aside from Sof, they also have Blue Wave, PowerMax and Tuff Powder Detergent and Disinfectant Spray, Wild Fire and ForMen Body Spray, Sophia For Women, White Dove Baby Products, Glutalight, HBS Immuno C, LiverProtect, Revitalife Coffee Mix, Alert Toothpaste and various apparel for men and women. Personal Collection has been in business for ten years but it’s only now that they got an endorser and Marian is it.

    Meantime, Marian is beaming as her primetime soap “Carmela” continues to get great feedback from its loyal viewers. “Mas marami silang dapat abangan na exciting happenings this week,” she says. “Magkikita na kami ni Alden Richards as Yago sa municipio where I work for his Lolo Fernando, si Roi Vinzon, na siyang town mayor. Nagtaka siya nang magsinungaling sa kanya ang lolo niya about me and I tell him the truth na gusto kong maghiganti kay Fernando dahil sa pang-aaping ginawa nito sa amin ng nanay ko, si Agot Isidro as Amanda, noong araw. Pero hindi ko pa alam na si Alden, apo pala ni Roi. Nalaman naman ni Laurice Guillen as Fides na may kursunada sa akin ang asawa niyang si Roi kaya binalaan ito. Naging malupit naman si Laurice kay Krystal Reyes as Janine nang malamang tunay na anak pala ito ni Roi.”

  11. #1731
    Dingdong Dantes graduates



    Role model

    If there is one actor who is not only admired because of his talents and looks, but also because of his positive influence on young people, that would be Dingdong Dantes. Despite his busy schedule, Dantes managed to successfully graduate from college, obtaining his Technology Management degree from West Negros University in Bacolod, a province south of Manila. Elated over another milestone in his life, Dantes sees completing his degree as one of his more significant achievements. Looking towards the future, he says whatever he has learned will help him carve a career out of show business if and when the time comes for him to retire.


    http://gulfnews.com/arts-entertainme...rief-1.1297720

  12. #1732
    pusang inahin wa acting pa ang pinareha kay dd



  13. #1733
    pusang gala.. sana ginawa na lang syang aswang..



  14. #1734
    Dealers ng direct selling pinarangalan si Marian

    RATED A Ni Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon)


    Si Marian Rivera ang kauna-unahang celebrity endorser ng Personal Collection, isang direct selling company na distributor ng maraming produkto from home care, fragrances, health care, apparel, at personal care.

    Ginanap ang contract signing cum presscon sa pagitan ng Personal Collection at Marian last Tuesday, March 4 sa Luxent Hotel Ballroom na dinaluhan ng mga executives ng kumpanya. Tuwang-tuwa si Marian nang kanyang malaman na ang pagkakapili sa kanya bilang celebrity endorser ay idinaan pa sa survey sa iba’t ibang dealers ng kumpanya nationwide at siya ang pina*boran. Dahil dito, binigyan si Marian ng Dealer’s Choice Award.

    Ayon kay Marian, naniniwala at gumagamit siya sa mga produkto ng Personal Collection kaya niya tinanggap ang alok na maging product endorser.

    Ramdam din ni Marian ang importansiya na ibi*ni*bigay sa kanya ng kumpanya kaya ganundin ang kanyang suporta sa mga produkto na kanyang iniendorso na ang pinakabago ay ang concentra*ted fabric conditioner na Sof & MMMMM Premium Fragrances na may tatlong kulay – orange, yellow green, at violet.

    Still on Marian, ongoing pa rin ang kanyang serye sa GMA, ang Carmela with Alden Richards at tuloy pa rin ang kanyang pangangalap ng tulong para makapagbigay ng bangka sa mga mangingisda na sinalanta ng bagyong Yolanda sa Eastern Visayas.

  15. #1735
    dongdantes
    3 minutes ago
    Siya ay si Beni, at ang tinda niya ay Falafel. Mainam. @jaywam28 @pabonski @kimmynish http://instagram.com/p/lKtYZ8ALas/


  16. #1736
    Proyekto ni Marian ginaya na

    MASA...RAP Ni Ernie Pecho (Pang-Masa)


    Everytime we see Marian Rivera in person, lagi siyang nagniningning. Doon nga sa media launch ng Sof & Mmmmm concentrated fabric conditioners, nasabi niyang ‘‘Kapag tunay kang maligaya, marami kang magagawang magagandang bagay sa iyong trabaho at sa kapwa tao.’’

    Ang aktres always truly happy. Meron silang sapat na panahon ni Dingdong Dantes na magpasyal sa mga hideaway upang magkaroon ng quality time for each other.

    Ang pamimigay ng motorized banca ni Marian sa mga biktima ng bagyong Yolanda, sinundan na ng mga kapwa artista at maging foreign celebrities. Pati nga ang ibang network namimigay na rin ng mga banca sa mga nasalantang pamilya.

  17. #1737
    Marian ayaw pumatol sa mga nega

    SHOWBIZ UPDATE Ni Nora Calderon (Pang-Masa)


    Masayang-masaya si Marian Rivera at nagpasalamat sa pagkapili sa kanya ng may 100 branch managers ng Personal Collection nationwide para maging first celebrity brand endorser nila ng Sof&mmmmm.

    Inamin niyang kung nagkaroon man ng time na medyo nawalan siya ng ilang endorsements noon, ngayon, muli itong bumabalik. Kaya after ng grand launch sa kanya sa Luxent Hotel, sinagot niya lahat ng mga tanong, kasama nga ang mga bago niyang endorsements sa pagpasok pa lamang ng 2014.

    “Ganoon naman po talaga, may mga times na meron, may times na wala. Kaya palagi ko pong tinatandaan ang payo sa akin ng mama at lola ko na may pagkakataon na very hot ka, may pagkakataon na nasa gitna ka, may pagkakataon ding may nawawala, kaya dapat i-reinvent mo ang sarili, at lagi kang maging thankful. Kaya sa mga nangyari sa buhay ko, nagpapasalamat ako na naranasan ko lahat iyon, at ngayon nararanasan ko na namang muli.”

    Biniro si Marian na since ang ini-endorse niya ay concentrated fabric conditioners na nagpapalambot at nagpapabango sa mga damit, anong bahagi ng katawan ng boyfriend na si Dingdong Dantes ang malambot at mabango? Napahalakhak pa si Marian bago niya sinabing malambot ang lips at mabango ang kili-kili ng boyfriend.

    “Lagi kasi kaming nagbibiruan at nag-aamuyan ng kili-kili, parang lambi*ngan na namin. Kaya siguro lahat ng scent na ini-endorse ko na Eternity, Endless, at Forever, ibibigay ko sa kanya. Personal din na ako ang naglalaba ng undergarments ko at gamit ko ito. Kaya kahit sa maghapong taping ko ng soap kong Carmela, under the sun, mabango pa rin ako from head to toe.”

    Natanong din si Marian tungkol sa mga negative write-ups sa kanya.

    Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
    “Masaya po ako at positibong bagay na lamang ang pinapansin ko, hindi ang mga negative issues kasi magkakakulubot ka lamang kung iyong negative issues ang papansinin mo. Marami namang choices ang tao, ako, mas gusto kong laging maging masaya at magbigay ng saya sa ibang tao.”

    Sa Saturday, March 8, magkakaroon ng sabay-sabay na launch in their branches nationwide ang Sof&mmmmm.

  18. #1738
    Marian panay ang pasasalamat

    FREE LANCER Ni Emy Abuan Bautista (Pang-Masa)


    Nagpapasalamat si Marian Rivera sa pagkakapili sa kanyang Personal Collection bilang endorser.

    ‘‘Nakakataba naman ng puso na ako pa ang napili. Naniniwala ako at gagamit ng mga produkto nila laluna kung naglalaba ako sa aking mga underwear,’’ sabi nito tungkol sa fabric conditioner ng Personal Collection.

    Naniniwala ang mga taong bumubuo ng Premium Fragrances na si Marian ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa at inaming hindi nila ito kinopya sa bansag ng soap operang Carmela sa aktres.

    Binigyan din ng tropeo si Marian pagpapatunay na siya ang napili ng mga Personal Collection dealers.

  19. #1739
    dumale na naman si bagoong! papampam ang hitad na ito!!!






  20. #1740
    ^ re: image - lolz. dapat di na sya nag artista kung wakoker sya sa tingin ng iba.

Page 87 of 251 FirstFirst ... 37 77 86 87 88 97 137 187 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

TRAVEL:

Palawan named best island in the world

Palawan named best island in the world

read more
CHIT CHAT:

Got any questions about the PBA? Ask Iron Coach!

Got any questions about the PBA? Ask Iron Coach!

read more
PBA:

Meralco opens PBA campaign with 2OT win against Barako Bull, 112-108

Meralco opens PBA campaign with 2OT win against Barako Bull, 112-108

read more
SPORTS:

Cignal spoils Mane 'N Tail's Superliga debut by way of four-set victory 25-15, 22-25, 25-19, 26-24

Cignal spoils Mane 'N Tail's Superliga debut by way of four-set victory 25-15, 22-25, 25-19, 26-24

read more
TV:

apl.de.ap returns to The Voice PH Season 2!

apl.de.ap returns to The Voice PH Season 2!

read more
NMFtv:

NBA 2K15 Exhibition Gameplay - Washington Wizards VS Los Angeles Clippers on PS4

NBA 2K15 Exhibition Gameplay - Washington Wizards VS Los Angeles Clippers on PS4

read more