PEx Highlights

Wake Me Up When You Show Me Your Teeths!

In this week's Show Me Your Teeths!, the ladies talk about the -ber months, the upcoming Bench Fashion Show and the Cosmo Bachelor Bash.

read more

Calling All Travel Bloggers!

Wanna get featured in PEx-Travel? Share with us your travel blogs and have your entries promoted around PinoyExchange!

read more

Watch 'The Legend Ends' Trailer!

Check out the trailer of the final instalment of the Rurouni Kenshin series, 'The Legend Ends.'

read more

FIBA FEATURE: Do We Stand a Chance?

Do we really have a shot to make it through? JPM weighs in on the the odds of Gilas Pilipinas in the FIBA World Cup.

read more

PHOTOS: UE Keep Final Four Dream Alive

Despite not fielding in Roi Sumang, the UE Red Warriors managed to get a 64-55 win over the NU Bulldogs.

read more

MOVIE REVIEW: The Giver

Very promising, but tries too hard to fit in the mold of the Hunger Games/Divergent series.

read more

Page 101 of 251 FirstFirst ... 51 91 100 101 102 111 151 201 ... LastLast
Results 2,001 to 2,020 of 5010
  1. #2001
    Grabe ang eye lashes, sobrang long parang d totoo (pero totoo). Para talagang Doll si MR, sobrang ganda #BabaePoAko. Dyan ata napupunta lahat ng kinakain nya e hahaha 😂😂

  2. #2002
    Quote Originally Posted by DongYanSD_CA View Post
    Nagpapahanap din ako sa Tita ko e wala din syang makita, maganda sana yun dahil about photography kasi may AP Photography class ako
    naubusan na tayo.. T____T

  3. #2003
    Quote Originally Posted by dose12 View Post
    naubusan na tayo.. T____T
    Hindi pwede yun mangyari, masisira ang pag start ko ng mag collections ng DY (hahaha talagang this year palang ako magstart) kasi halos lahat ng mag nila Digital Copy ang meron ako e.

  4. #2004
    Dingdong Dantes is trending on Yahoo! Philippines

    http://ph.yahoo.com/


  5. #2005
    Sa pakikipagpareha kay Marian, hindi siya nakaranas na batikusin ng Dong-Yan followers. -- bumabawi




    kahit siguro hindi ko ilagay ang nagsulat mahuhulaan agad

    ang laswa.. pagnanasa talaga langya alden.. umayos ka

  6. #2006
    Written by : Nel Alejandrino


    Call her maarte, said Marian Rivera, but one thing she cannot stand is wearing clothes na feeling niya ay matagal nang naitago sa cabinet o baul.

    No wonder na welcome for Marian ang pagiging endorser ng premium fragrances which is manufactured by the Personal Collection na isang direct-selling company.

    Personal Collection specializes in homecare, personal care, baby care, fragrances, apparel and health care.

    Isa sa produktong kanilang ipinagmamalaki ay ang Soft & Mmmmm fabric fragrances and softener na may tatlong variants.

    Marian said she uses all three products.

  7. #2007
    Marian mum on Heart's 'One left' post

    Written by : Nitz Miralles


    Walang time sa intriga si Marian Rivera, kaya ayaw pag-usapan ang “One Left” post ni Heart Evangelista tungkol sa sales ng glossy magazines na cover sila. Ang fans ni Marian ang nag-react at hanggang nagsasagutan ang fans nila sa Instagram.

    Mas gusto ni Marian na pag-usapan ang Carmela na ang episode last Friday ay nagdulot ng kaba sa viewers dahil nalaman na ni Carmela (Marian) na apo si Yago (Alden Richards) ni Mayor Fernando (Roi Vinzon). Sa sobrang galit ni Carmela, masasampal nito si Yago at this Monday mapapanood ang episode na ’yun.

    Proud si Marian sa Carmela sa ganda ng story, mabilis na pacing at husay ng lahat na involved sa soap. This week, malalaman na ni Amanda (Agot Isidro) na ang gusto niyang ipahamak ay ang anak niyang si Carmela.

    Masaya rin si Marian sa mga dumarating na endorsement at nauna nang na-launch ang Sof & Mmmm ng Personal Collection.

    Nag-pictorial na siya sa isa pang bagong endorsement, may pictorial sa isa pa at sa March 26, may contract signing for another new endorsement. May shampoo at coffee endorsement din siya.

    Samantala, happy si Marian para kay Dingdong Dantes dahil magga-graduate ang BF ng Techno Management course sa West Negros University sa Bacolod City sa March 23 at a-attend siya sa graduation nito at nagpaalam na sa GMA-7.

  8. #2008
    Quote Originally Posted by kat_md View Post
    Sa pakikipagpareha kay Marian, hindi siya nakaranas na batikusin ng Dong-Yan followers. -- bumabawi




    kahit siguro hindi ko ilagay ang nagsulat mahuhulaan agad

    ang laswa.. pagnanasa talaga langya alden.. umayos ka
    Hoy, Umayos ka alden ha, parang medyo lumalaki na ang
    ulo mo. Kung wala kalang dimples e hahaha

    As if naman may pagnanasa rin si MR sayo. First of all may DD na sya and parang kapatid lang tingin sayo ni MR. Hahaha wag na umasa #WorkIsWork

  9. #2009
    The charm & charity of Dingdong and Marian

    KAPUSO DAY By Butch Raquel (The Philippine Star)



    Since Day One, the real-life romance of Kapuso Network’s primetime royalties — Primetime King Dingdong Dantes and Queen Marian Rivera — have been subjected to so many “tests.” But their relationship proved to be too tough to be knocked down.

    Their onscreen love affair on GMA 7’s top-rating primetime series Marimar eventually veered into the path of reality, spurring suspicious observers in the showbiz industry to speculate: “Are they a couple?” Before long, the two ended such speculations and announced that they were, in fact, real-life lovers already.

    And despite critics saying theirs is a relationship that will not last, Dingdong and Marian are still very much together for years now, proving their detractors wrong. Besides, a relationship lasting for more than five years seems a lifetime already in showbiz.

    In a recent interview, Marian shared that the real secret to her long-lasting relationship with Dingdong is “God.” According to Marian, placing God in the center of their relationship makes it more sturdy and able to resist temptations.

    The two also make sure that despite their busy work schedules, they still find time for each other, and they find joy in doing things together.

    One of such activities is getting involved in charitable works. Moved by the plight of the victims of Typhoon Yolanda, especially those who depend on fishing to earn a living, Marian recently started a campaign of her own to raise funds to provide fishing families in Cebu who lost their boats to the typhoon a chance to get back on their feet and move on from the disaster.

    “Ang hirap kasing ipaliwanag e, hangga’t hindi mo nakikita ang mga taong nangangailangan ng tulong na nakikita mo lang through pictures, through interviews, hindi mo masyadong ma-fe-feel e. Makikita mo, mararamdaman mo, pero pag nandoon ka, sila mismo nagpapasalamat sa iyo at sinasabi nilang ‘Naku Marian, salamat, habambuhay hindi ka namin makakalimutan,’ parang iba ‘yun, ibang fulfillment ‘yun for me as a person, hindi bilang artista,” Marian shared.

    Through the support of her home network, GMA, Marian launched the Kapuso Adopt-A-Bangka Project with GMA Regional TV, in partnership with the Bantayan Island Association of Hotels, Resorts, Bars and Restaurants, Inc. The goal of the said campaign is to donate sturdier bangka to fishermen in areas hit by Yolanda.

    Marian said that replacing the damaged boats of these fishermen will give them and their family a chance to start life anew and sustain a living.

    “Hindi kami basta nagbigay lang ng bangka,” explained Marian, “Binibigyan namin sila ng idea, parang nag-aaral sila — ano ang dapat gawin sa pangingisda, what if walang makuhang isda ngayon ano ang pwede nating gawin, ano ang pwedeng trabaho, ano ang pwedeng substitute? Lahat may pag-aaral. Hindi ‘yung pagkabigay ng bangka, bahala ka na sa buhay mo.”

    Exactly a month after the campaign launch, it was able to fulfill its commitment to give away 100 boats as part of its first wave.
    “Nawala lahat ng pagod ko nang makita ko ‘yung 100 families na binigyan namin ng bangka. Nakakataba ng puso na nangyari ‘yung pinangarap naming mangyari,” she confessed.

    The said project also aims to help these fishermen sustain their living by checking up on them after a certain period of time. “Siguro within five months, ano ba ang nangyari sa mga taong binigyan naming — naka-survive ba sila, naka-ipon ba sila, nakatulong ba itong bangkang ito? Hindi lang siya basta project lang, kumbaga nakatali kami sa buhay nila,” explained Marian.

    Dingdong, for his part, has been very active in his own advocacies. In 2009, Dingdong formed his own foundation, Yes! Pinoy Foundation, which has helped thousands of students in public schools and more recently, families in areas affected by recent calamities including Yolanda. The foundation has been involved in various social development programs advocating for education, youth development and disaster response, among others.

    Just last week, Dingdong and Marian graced the Panagbenga Flower Festival in Baguio City along with other Kapuso stars and entertained their fans via a series of shows in the country’s summer capital.
    Before meeting with their fans, Dingdong and Marian dropped by Loakan Elementary School in the city to donate school supplies.

    “I appreciate the effort of GMA Regional TV. They’re really exerting everything that they can to reach the viewers. So maganda rin na naisip namin that everytime we go to a place, we will tap one of the schools that are very much in need of school supplies,” said Dingdong.

    Prior to Baguio, the actor visited Iloilo during the Dinagyang Festival where he also distributed school supplies in a local elementary school.
    Dingdong also spearheads the rebuilding of classrooms in Estancia, Iloilo, where an entire school was wiped out by Yolanda.

    “We were able to collect enough funds para sa isang two-storey building. Apparently, doon puro mga single floor lahat e kaya madaling mawasak so talagang we plan to make it disaster-resilient,” he explained.

    Dingdong hopes to complete the project before the beginning of the next school year in June.

    The couple has chosen the higher road and paying it forward seems to be suiting them both well. Indeed, Dingdong and Marian’s way of spreading love, especially to the less fortunate, only proves that when love is given away, it comes right back.

  10. #2010
    Marian hahayaan na lang mamatay sa inggit ang mga kalaban

    THAT’S ENTERTAINMENT Ni Master Showman Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon)


    Aba, mukhang umaayon ang panahon kay Marian Rivera. Nanalo na naman ito bilang best actress sa 5th Northwest Samar State University Students Choice Awards para sa Temptation of Wife. Ibig sabihin lang, umabot na sa nasabing lugar ang popularidad ng Kapuso actress na mukhang talagang nagbago na dahil hindi na pumapatol sa intriga tulad ng panunukso raw sa kanya ng isa niyang kapwa Kapuso.

    Kapag pinatulan niya ito ay isang malaking away ang maasahan ng lahat pero parang mas gusto ni Marian to rest on her laurels at hayaan na lang mamatay sa inggit ang kanyang mga kalaban (my words, not hers)?

    Mga estudyante nagiging kritiko na sa awards

    Dumarami na rin ang mga grupong nagbibigay ng awards sa maraming sektor sa showbiz tulad ng pelikula, TV, at maging music.

    Kaya tinatawagan ko ng pansin ang mga kila*lang grupo na nauna na sa ganitong trabaho na ga*lingan pa ang kanilang paghuhusga at pagpili kundi baka masapawan pa sila ng mga estudayante na nagkaro’n na ng kamalayan sa ganitong trabaho.

  11. #2011
    Dingdong pagaling nang pagaling

    THAT’S ENTERTAINMENT Ni Master Showman Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon)


    Congrats kay Dingdong Dantes! Kahit gaano siya kaabala ay talagang nakapagtapos siya ng kolehiyo. Pambihira ito sa showbiz at iilan lamang silang mga artista ang nakapagtapos ng pag-aaral.

    Ang napakaganda kay Dingdong ay ang pangyayaring gumaling na rin itong artista. Puring-puri nga ni Veronica Samio ang naging performance niya sa Dance of the Steel Bars, ganun din ang mahusay na pagkakadirek ng movie at ng ko*medyanteng si Joey Paras.

    Wish niya na makagawa pa ng ganun kagandang pelikula ang mga taga-GMA.

  12. #2012
    ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon)

    Puring-puri ni Marian Rivera si Alden Richards dahil hindi kagaya sa ibang mga nakatrabaho na sobrang feeling close agad kahit bago pa lang nakakasama. Ang leading man sa Carmela, marespeto pati sa boyfriend niyang si Dingdong Dantes.

    Nakita ni Marian kung paano pinakisamahan at binigyan ng respeto ni Alden si Dingdong nang magkasama-sama sila sa Baguio kamakailan. Kaya hindi pa man tapos ang Carmela, gusto ni Marian na muling makasama si Alden sa susunod niyang show sa GMA 7.

    Nakarating ito kay Alden, na tuwang-tuwa na na-appreciate siya ni Marian. Kaya nangakong mas pagbubutihin pa ang trabaho niya at pakikitungo sa lahat ng tao. Para hindi mapag-iwanan sa husay ng mga kasama sa Carmela, binabasa niya nang husto ang kanyang script.

  13. #2013
    SHOWBIZ UPDATE Ni Nora Calderon (Pang-Masa)

    Puring-puri ni Marian Rivera ang bago niyang leading man sa Carmela, si Alden Richards dahil napaka-dedicated daw nito sa trabaho. Kaya kapag nagkakausap daw sila ni Alden during taping breaks na nagkakakuwentuhan sila ng buhay-buhay, nakita niya kung gaano ito kabait na tao, mapagmahal na anak, at may respeto sa kanya at sa boyfriend na si Dingdong Dantes. Napapansin daw niya kung minsan sa mga nagbibida na nakasama niya, na may yabang na sila, at parang ipinamumukha na “Heto, bida na ko,” at hindi na marunong rumespeto sa mga kasama nila sa show. Kaya hindi raw siya nagkamali na pinili niya si Alden na makatambal niya dahil nakita niyang kung gaano ito kaseryoso sa kanyang ginagawa.

    Muling nagpasalamat si Marian sa fans and friends niya na nagtatanggol sa pangba-bash sa kanya sa Twitter at Instagram. Lahat daw iyon ay ipinasasa-Diyos na lamang niya dahil masaya siya na maraming nagmamahal sa kanya, naroon lagi ang kanyang lola at mama na laging nakasuporta sa kanya. Kahit nga ang papa niya at mga kapatid na nasa Madrid, Spain tumutulong sa pagpo-promote ng Carmela sa pama*magitan ng fan signs sa Instagram na panoorin ang kanilang soap sa GMA 7.

    “Basta puno ka ng pagmamahal sa tabi mo, hindi ka magkakamali at hindi ka malulungkot. Salamat sa Diyos sa patuloy na pagdating ng mga blessing,” sabi pa ni Marian.

    Hindi man pinangalanan, big month ni Marian ang March dahil bukod sa mga magazine cover na lalabas lahat ngayon, marami siyang isu-shoot na TVC ng mga bago niyang endorsement at next month ay may malaking endorsement siyang ilo-launch.

  14. #2014
    Nasaan ang respeto mo kung may pagnanasa ka? Hindi yata tugma ang articles nila part pa din ba ng promo ng carmela? Sana magnumber 1 na dahil tapos na naman ang G2B Naku, Marian ingat ka baka mamaya hinuhubaran ka na sa paningin ng leading man mo na akala mo may respeto sayo at kay Dingdong

    Quote Originally Posted by kat_md View Post
    Sa pakikipagpareha kay Marian, hindi siya nakaranas na batikusin ng Dong-Yan followers. -- bumabawi




    kahit siguro hindi ko ilagay ang nagsulat mahuhulaan agad

    ang laswa.. pagnanasa talaga langya alden.. umayos ka
    Quote Originally Posted by kat_md View Post
    SHOWBIZ UPDATE Ni Nora Calderon (Pang-Masa)

    Puring-puri ni Marian Rivera ang bago niyang leading man sa Carmela, si Alden Richards dahil napaka-dedicated daw nito sa trabaho. Kaya kapag nagkakausap daw sila ni Alden during taping breaks na nagkakakuwentuhan sila ng buhay-buhay, nakita niya kung gaano ito kabait na tao, mapagmahal na anak, at may respeto sa kanya at sa boyfriend na si Dingdong Dantes. Napapansin daw niya kung minsan sa mga nagbibida na nakasama niya, na may yabang na sila, at parang ipinamumukha na “Heto, bida na ko,” at hindi na marunong rumespeto sa mga kasama nila sa show. Kaya hindi raw siya nagkamali na pinili niya si Alden na makatambal niya dahil nakita niyang kung gaano ito kaseryoso sa kanyang ginagawa.

    Muling nagpasalamat si Marian sa fans and friends niya na nagtatanggol sa pangba-bash sa kanya sa Twitter at Instagram. Lahat daw iyon ay ipinasasa-Diyos na lamang niya dahil masaya siya na maraming nagmamahal sa kanya, naroon lagi ang kanyang lola at mama na laging nakasuporta sa kanya. Kahit nga ang papa niya at mga kapatid na nasa Madrid, Spain tumutulong sa pagpo-promote ng Carmela sa pama*magitan ng fan signs sa Instagram na panoorin ang kanilang soap sa GMA 7.

    “Basta puno ka ng pagmamahal sa tabi mo, hindi ka magkakamali at hindi ka malulungkot. Salamat sa Diyos sa patuloy na pagdating ng mga blessing,” sabi pa ni Marian.

    Hindi man pinangalanan, big month ni Marian ang March dahil bukod sa mga magazine cover na lalabas lahat ngayon, marami siyang isu-shoot na TVC ng mga bago niyang endorsement at next month ay may malaking endorsement siyang ilo-launch.

  15. #2015
    Totoo po ba ni si Isabelle Daza ang magiging leading lady ni Dingdong sa TIKTIK2? Ano ba yan kung totoo wala na bang iba mapili? Wala naman appeal sa tao itong si Daza at wala din acting!

  16. #2016

  17. #2017

  18. #2018
    Si vice ganda nanalo actor of the year sa pmpc para sa movie na girl boy... *rolleyes*

    Puro abs winners...

  19. #2019
    Quote Originally Posted by kat_md View Post
    Marian mum on Heart's 'One left' post

    Written by : Nitz Miralles


    Walang time sa intriga si Marian Rivera, kaya ayaw pag-usapan ang “One Left” post ni Heart Evangelista tungkol sa sales ng glossy magazines na cover sila. Ang fans ni Marian ang nag-react at hanggang nagsasagutan ang fans nila sa Instagram.

    Mas gusto ni Marian na pag-usapan ang Carmela na ang episode last Friday ay nagdulot ng kaba sa viewers dahil nalaman na ni Carmela (Marian) na apo si Yago (Alden Richards) ni Mayor Fernando (Roi Vinzon). Sa sobrang galit ni Carmela, masasampal nito si Yago at this Monday mapapanood ang episode na ’yun.

    Proud si Marian sa Carmela sa ganda ng story, mabilis na pacing at husay ng lahat na involved sa soap. This week, malalaman na ni Amanda (Agot Isidro) na ang gusto niyang ipahamak ay ang anak niyang si Carmela.

    Masaya rin si Marian sa mga dumarating na endorsement at nauna nang na-launch ang Sof & Mmmm ng Personal Collection.

    Nag-pictorial na siya sa isa pang bagong endorsement, may pictorial sa isa pa at sa March 26, may contract signing for another new endorsement. May shampoo at coffee endorsement din siya.

    Samantala, happy si Marian para kay Dingdong Dantes dahil magga-graduate ang BF ng Techno Management course sa West Negros University sa Bacolod City sa March 23 at a-attend siya sa graduation nito at nagpaalam na sa GMA-7.
    nakaka-excite naman na ang daming aabangan kay marian, especially pagdating sa endorsements niya!! more more more!! sana magkaroon sila ni DD ng endorsement na may kinalaman sa food tutal mahilig silang parehong kumain

  20. #2020
    Quote Originally Posted by kat_md View Post
    Sa pakikipagpareha kay Marian, hindi siya nakaranas na batikusin ng Dong-Yan followers. -- bumabawi




    kahit siguro hindi ko ilagay ang nagsulat mahuhulaan agad

    ang laswa.. pagnanasa talaga langya alden.. umayos ka
    uh huh...

Page 101 of 251 FirstFirst ... 51 91 100 101 102 111 151 201 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

GILAS:

Gallant Gilas Pilipinas drops to 0-3 after 85-81 defeat vs Argentina

Gallant Gilas Pilipinas drops to 0-3 after 85-81 defeat vs Argentina

read more
SHOWBIZ:

Veteran actor Mark Gil passes away at 52

Veteran actor Mark Gil passes away at 52

read more
MUSIC:

Eraserheads to release two new songs

Eraserheads to release two new songs

read more
SPORTS:

Philippine Army crowned V-League Open Conference champions

Philippine Army crowned V-League Open Conference champions

read more
UAAP:

Red Warriors keep Final Four dream alive with 64-55 win over Bulldogs

Red Warriors keep Final Four dream alive with 64-55 win over Bulldogs

read more
CHIT CHAT:

Anong masasabi mo sa Anti-Selfie Bill?

Anong masasabi mo sa Anti-Selfie Bill?

read more