PEx Highlights

Big Hero 6 Pins!

New movie pin alert! Join the movie discussion thread and collect all five Big Hero 6 pins!

read more

Follow @pinoyexchange on Twitter

Be in the know! Follow @pinoyexchange on Twitter for community, movies, sports and promo updates.

read more

PHOTOS: Aguilar, Ginebra Bully Talk N Text

Ginebra had no problems in their opening campaign after a 101-81 win over TNT. Japeth Aguilar proved to be too much for the Texters with his game-high 18pts, 18rebs and 5 blks.

read more

REVIEW: The Judge

Robert Downey Jr. takes off his iron suit and stars in this legal drama. Read our review here!

read more

Top Female Celebrities

2 more weeks and she will officially be the IT GIRL of the month. Can her fans keep it up? Jane Oineza is still PEx's Top Female Celeb!

read more

PROMO: The Book of Life

Join the promo and get a chance to win exclusive The Book of Life merchandise!

read more

Page 1 of 34 1 2 11 ... LastLast
Results 1 to 20 of 679
  1. #1

    GMA Network: KAMBAL SIRENA (Louise delos Reyes and Aljur Abrenica)

    Louise ilalaban ng GMA sa Dyesebel ng Kapamilya

    Parehong may sirena serye next year ang ABS-CBN at GMA 7. May Dyesebel ang Dos at Kambal na Sirena naman ang Siyete. May teaser na ang ABS-CBN kaya hintayin natin kung sino sa dalawang sirena serye ang unang eere.

    Pinipili pa raw ng Channel 2 ang gaganap na Dyesebel at nabanggit sina Anne Curtis at Erich Gonzales sa final two pero nabanggit din sina KC Concepcion at Bea Alonzo. Hindi pa namin alam kung sino ang magdidirehe nito, sino ang gaganap na Fredo at sino ang ibang makakasama sa cast.

    Ang Channel 7, si Louise delos Reyes ang napiling magbida sa Kambal na Sirena, naghahanap pa raw ng leading man dahil hindi puwede si Alden Ri*chards at nasa soap ito ni Marian Rivera pero si Dondon Santos daw ang direktor.

    Sa kanyang Instagram, may picture si Louise na nasa dagat at may caption na “Don’t let your fear take over your strength.” Ang dating nito sa followers ng aktres, ang tungkol sa bagong show ang tinutukoy.

  2. #2
    Boobs ni Louise, pantapat ng GMA sa ‘Dyesebel’ ng ABS!
    (JUN NARDO)

    Magagamit na ni Louise delos Reyes ang kaseksihan niya sa balitang lalabas siya bilang sirena sa bago niyang series sa GMA next year.


    Eh, seksi naman ang katawan ni Louise at malusog naman ang kanyang dibdib kaya mapagpapantasyahan din siya ng mga lalaki, huh!


    Pabor nga ang boyfriend niyang si Enzo Pineda na magpaseksi rin siya, huh! So kung kayang ipasilip ni Enzo ang bukol niya, handa rin si Louise na i-display ang katawan niya bilang panlaban sa lalabas na Dyesebel ng ABS CBN!

  3. #3
    Quote Originally Posted by kyupayb View Post
    Boobs ni Louise, pantapat ng GMA sa ‘Dyesebel’ ng ABS!
    (JUN NARDO)

    Magagamit na ni Louise delos Reyes ang kaseksihan niya sa balitang lalabas siya bilang sirena sa bago niyang series sa GMA next year.


    Eh, seksi naman ang katawan ni Louise at malusog naman ang kanyang dibdib kaya mapagpapantasyahan din siya ng mga lalaki, huh!


    Pabor nga ang boyfriend niyang si Enzo Pineda na magpaseksi rin siya, huh! So kung kayang ipasilip ni Enzo ang bukol niya, handa rin si Louise na i-display ang katawan niya bilang panlaban sa lalabas na Dyesebel ng ABS CBN!

    mukhang di nasensor ang below the belt na sinabi nitong si jun nardo tungkol kay enzo. he is so retard.

  4. #4
    Quote Originally Posted by kyupayb View Post
    Louise ilalaban ng GMA sa Dyesebel ng Kapamilya

    Parehong may sirena serye next year ang ABS-CBN at GMA 7. May Dyesebel ang Dos at Kambal na Sirena naman ang Siyete. May teaser na ang ABS-CBN kaya hintayin natin kung sino sa dalawang sirena serye ang unang eere.

    Pinipili pa raw ng Channel 2 ang gaganap na Dyesebel at nabanggit sina Anne Curtis at Erich Gonzales sa final two pero nabanggit din sina KC Concepcion at Bea Alonzo. Hindi pa namin alam kung sino ang magdidirehe nito, sino ang gaganap na Fredo at sino ang ibang makakasama sa cast.

    Ang Channel 7, si Louise delos Reyes ang napiling magbida sa Kambal na Sirena, naghahanap pa raw ng leading man dahil hindi puwede si Alden Ri*chards at nasa soap ito ni Marian Rivera pero si Dondon Santos daw ang direktor.

    Sa kanyang Instagram, may picture si Louise na nasa dagat at may caption na “Don’t let your fear take over your strength.” Ang dating nito sa followers ng aktres, ang tungkol sa bagong show ang tinutukoy.


    kailangan ang lalabas na dyesebel ay slim and not malalaki ang mga pata. pwede si louise kaya lang di si alden ang kapareha niya parang walang kwenta kung di si alden ang ka loveteam niya dito.

  5. #5
    Congrats for your new show :> Lots of love!! @lou_delosreyes.

    GMA Network: KAMBAL NA SIRENA (Louise delos Reyes)






    Palaisipan pa talaga kung sino ang magiging bagong leading man ni Louise Delos Reyes sa bagong Fantaseryeng gagawin niya sa GMA Telebabad. Parang may nabasa akong KAMBAL SIRENA daw ang title nito pero I'm not sure. Sigurado lang na sirena ang role ni Louise dahil todo na ang ensayo niya sa paglangoy para rito. Mukhang maghihiwalay muna ang sikat na loveteam ba Louise-Alden dahil si Marian Rivera muna ang makakapareha ni Alden sa Carmela samantalang curious ang lahat sa kung sino ang bagong ka-loveteam ni Louise dito sa fantaserye na gagawin ni Louise Delos Reyes sa GMA7.

    Sino kaya ang magiging bagong leading man ni Louise Delos Reyes sa bago niyang gagawing FANTASERYE sa GMA7? Sirena pala si Louise dito. Ganda niya

  6. #6
    "Louise delos Reyes, to make a splash in 2014"



    If ABS-CBN will be doing another TV series of "Dyesebel," GMA Network will also air their version of another mermaid.

    Yes! What you have just read is right! GMA Network will be doing their own mermaid-themed series for 2014. It can be remembered that GMA Network aired “Dyesebel” in 2008 and was portrayed by Marian Rivera. It was one of the most successful Kapuso TV series until today. This Kapuso version of “Dyesebel” also aired in Cambodia, China, Indonesia, Malaysia, Myanmar, Singapore and Vietnam where the Kapuso Primetime Queen is considered a superstar.

    This still untitled mermaid-themed series will be led my Kapuso primetime sweetheart Louise delos Reyes. This will be her first TV series as lead without her partner Alden Richards.

    http://lionheartv.net/2013/12/louise...medium=twitter

  7. #7
    Pagta-topless ni Louise Delos Reyes, aprub kay Enzo Pineda!



    Dalawang teleserye tungkol sa mga sirena ang mapapanood sa 2014, ang Dyesebel ng ABS-CBN at ang still untitled TV series ng GMA-7 na pagbibidahan ni Louise delos Reyes.

    Sigurado na ang paglangoy ni Dyesebel sa 2014 dahil sa official announcement ng Kapamilya Network noong nakaraang Lunes pero sikreto pa ang katauhan ng aktres na magbibigay-buhay sa karakter na nilikha ng sikat na comic novelist na si Mars Ravelo.

    Napag-usapan ang pagganap ni Louise delos Reyes bilang sirena sa upcoming teleserye ng GMA-7 dahil hiningi ng entertainment press ang opinyon ng boyfriend niya na si Enzo Pineda tungkol sa daring character na gagampanan ng kanyang girlfriend.

    Dahil tulad ng ibang sirena, walang bra at topless si Louise sa serye na gagawin niya.

    Suportado ni Enzo ang pagpapaseksi ni Louise sa bagong TV project nito. Siya pa ang nagpayo kay Louise na mag-work out para maging physically fit ito sa mermaid role.

    Hindi na itinatago nina Louise at Enzo ang kanilang relasyon mula nang magkabalikan sila. Ipinagmalaki ni Enzo na mas maayos at tahimik ang relasyon nila nga*yon ni Louise.Pacquiao, walang kasalanan sa BIR, ayon kay Enzo!

  8. #8
    Jackie Rice can also be a good mermaid. She should be launched to primetime already.

  9. #9

    Louise Delos Reyes

    Louise Delos Reyes bida sa GMA Network: KAMBAL NA SIRENA

  10. #10
    kambal na sirena, so dalawang Louise? mas ok siguro kung di identical, may isa pang lead actress imho lang naman. sino naman kaya ang LM? please huwag si AA hehe

  11. #11
    ^ Ang nababalitang leading men dito eh sina Mike Tan at Luis Alandy.

  12. #12
    Quote Originally Posted by ipopi View Post
    ^ Ang nababalitang leading men dito eh sina Mike Tan at Luis Alandy.
    Ano kaya kung si Dennis Trillo ang leading man ni Louise Delos Reyes dito sa KAMBAL SIRENA. Sino kaya ang magiging bagong leading man ni Louise Delos Reyes sa bago niyang gagawing FANTASERYE sa GMA7? Sirena pala si Louise dito. Ganda niya.Palaisipan pa talaga kung sino ang magiging bagong leading man ni Louise Delos Reyes sa bagong Fantaseryeng gagawin niya sa GMA Telebabad. Parang may nabasa akong KAMBAL SIRENA daw ang title nito pero I'm not sure. Sigurado lang na sirena ang role ni Louise dahil todo na ang ensayo niya sa paglangoy para rito. Mukhang maghihiwalay muna ang sikat na loveteam ba Louise-Alden dahil si Marian Rivera muna ang makakapareha ni Alden sa Carmela samantalang curious ang lahat sa kung sino ang bagong ka-loveteam ni Louise dito sa fantaserye na gagawin ni Louise Delos Reyes sa GMA7.

  13. #13
    Louise delos Reyes says Tom Rodriguez is her dream leading man




    Louise delos Reyes recounts a moment with Tom Rodriguez, when he casually sketched her profile during a break in Sunday All Stars: “Kasi ano siya e, hindi siya yung guwapo na, alam mo yung guwapung-guwapo? Cute siya tapos plus factor pa yung pagiging artistic niya.

    "Kasi one time dinrowing niya ako, so parang ako, ‘Huh?!’ Meron siyang notepad, nasa Sunday All Stars kami, nakaupo lang ako sa may bandang gilid niya so parang ako naka-ganun lang ako, naghihintay lang ako ng closing. Tapos, hindi ko matandaan kung si Winwyn [Marquez] ang nagsabi sa akin na, ‘Dinodrowing ka niya, huwag kang malikot.'”

    Ang dating ka-loveteam at regular na kapareha ni Louise delos Reyes na si Alden Richards ay ipapareha na kay Marian Rivera.

    Ito ay sa pinakabagong teleserye ng GMA Network, ang Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Ibabaw ng Mundo.

    Tila paghihiwalayin na ang tambalan nila ni Alden, ano ang reaksyon ni Louise dito?

    “Kasi ganun naman talaga, e.

    “Darating din ang time na maghihiwalay ang mga loveteams—like Aljur [Abrenica] and Kris [Bernal], naghiwalay rin sila for a time.

    “So para rin mag-grow kami as an artist, na hindi lang iisa yung partner namin, na siyempre since nag-start kami, kami na yung partner, e.

    “So, sanay na sanay na kami na, ‘Sige nga, testingin natin na magkahiwalay tayo. Pero, challenge,” pahayag ni Louise nang makausap ito ng Philippine Entertainment Portal noong November 28, sa shooting ng horror film na Basement ng GMA Films sa Uniwide Mall sa Alabang.

    Si Louise ay may bago na ring soap opera, ang Kambal Sirena.

    Bagamat magkasama sila sa Basement, hindi kaya gagawa ang GMA ng isang proyekto na sila naman ni Enzo Pineda ang magkapareha?

    Maayos at maligaya pareho sina Louise at Enzo sa takbo ng relasyon nila ngayon.




    Matapos nilang maghiwalay pansamantala nitong kalagitnaan ng taon, nanumbalik ang maganda nilang pagsasamahan, na nauwi sa pagiging magkasintahan nilang muli.

    Sagot ni Louise sa PEP, “Hindi ko alam, e. Gusto ko rin naman, pero hindi ko lang ma-imagine yung, parang, kami pag nag-uusap kami, hindi namin ma-imagine yung sarili namin na kami yung partner.

    “Parang ano ba’ng magiging bago? Maiilang kami kasi parang nakakailang na umarte. Parang nakakaumay.”

    Sabi pa ni Louise, “So, gusto ko talaga yung someone na hindi ko pa talaga nakaka-work ever and wala akong relationship.”

    WANTS TO BE PAIRED WITH TOM. Sino kaya ang pinapangarap ni Louise na makapareha niya?

    “Kapag tinatanong nila ako kung sino ang gusto kong maging partner, isa lang naman palagi ang sinasagot ko—si Tom.”

    Bakit si Tom Rodriguez?

    “Kasi ano siya e, hindi siya yung guwapo na, alam mo yung guwapung-guwapo? Cute siya, tapos plus factor pa yung pagiging artistic niya.

    "Kasi one time dinrowing niya ako, so parang ako, ‘Huh?!’

    “Meron siyang notepad, nasa Sunday All Stars kami, nakaupo lang ako sa may bandang gilid niya so parang ako, naka-ganun lang ako, naghihintay lang ako ng closing.

    “Tapos, hindi ko matandaan kung si Winwyn [Marquez] ang nagsabi sa akin na, ‘Dinodrowing ka niya, huwag kang malikot.’

    “So, parang ako, kahit tinatawag na ako, ‘Closing na!’ ay hindi pa rin ako kumikilos sa pagkaka-upo.

    “Ano siya e, wala siyang masyadong mukha [yung drawing] kasi since mabilis lang siya, parang yung, hindi ko alam kung ano’ng tawag na painting dun. Parang papinta-pababa yung stroke niya.

    “Okay naman.”

    Hindi raw ibinigay sa kanya ni Tom ang sketch, at nahiya naman si Louise na hingin iyon.

    Hindi na rin daw niya naitanong kay Tom kung bakit siya ang naisipan nitong i-drawing.

    “Hindi ko rin nakita na tapos na tapos siya, kasi umalis na rin ako kasi closing na nga.”

    Pero ipinakita naman daw ni Tom sa kanya ang drawing nito.

    “Touched naman ako,” pag-amin ni Louise.

    Alam daw iyon ni Enzo, pero hindi raw nagselos si Enzo.
    “Hindi naman. Siya naman, sila namang mga boys, kay Ate Carla naman [may crush], Carla Abellana. So, parang sabi ko, 'Sige.'”

    Wala pang inire-reveal ang GMA na leading man ni Louise sa Kambal Sirena. Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Louise kung saka-sakaling si Tom ang mapili?

    “Papalakpak ang tenga ko!” sagot ni Louise, sabay tawa. “Hindi, parang ano lang naman yun, parang dream ko lang naman yun, 'tsaka, ewan ko.”

    PROS AND CONS OF A SHOWBIZ RELATIONSHIP. May advantage ba o disadvantage na artista ang karelasyon niya?

    “Advantage, merong possibility na palagi kayong magkita.

    “Kasi ano lang kami e, parang nasa iisang field at iisang station lang kami. So, kapag may mga guestings o kaya pag may mga special occasions like New Year countdown, magkasama kayo. Mga ganun, iyon yung advantage.

    “Yung disadvantage naman, ang disadvantage namin before, yung alam mo yung selos-bata? Pero na-overcome na namin yun eventually.

    "Ngayon, ang disadvantage, since magkaiba yung ginagawa namin, hindi kami masyadong nagkikita. Oras talaga yung kalaban.

    “Actually, kahit anong profession na parehas kayong may trabaho, oras talaga yung disadvantage.”

    Three years na ang relasyon nila ni Enzo, kasama na roon ang five months na cool-off sila.

    ENZO AS “PROTECTOR.” At dahil Basement ang pamagat ng pelikula nila, tinanong ng PEP si Louise: Halimbawang stranded siya sa isang basement na may monster o aswang, sino ang gusto niyang makasama at bakit?

    “Sino ba? Nag-isip talaga,” sabay tawa ni Louise. “Siyempre, si Enzo, si Enzo.

    “Kasi ano siya, meron akong matinong sagot dun, hindi dahil siya ang aking lovey-dabs. Kasi nagta-taekwondo siya, marami siyang alam na martial arts.
    "So, feeling ko naman, mapu-protektahan niya ako. 'Tsaka matangkad siya, kaya niyang abutin yung aswang,” at muling natawa si Louise.
    http://www.pep.ph/news/41495/louise-...-man/1/4#focus

  14. #14
    okay si Tom na LM ni Louise kaya lang baka so so lang ang role nya baka boyfriend lang ang dating

  15. #15
    Ok lang na si Tom ang leading man nya kung may twist ang character huwag yung basta savior lang ang peg o pampakilig

  16. #16
    Pierre Fauchelevent JeSuisBilly's Avatar
    Join Date
    Jun 2013
    Location
    Manila
    ano to? Mia Gracia meets Marinara and Dyesebel (isa sa kambal ay sirena pero sa Marinara triplets naman na ang isa sa tatlo ay sirena)?????

  17. #17
    Mas OK kung si TOM RODRIGUEZ ang Leading Man ni Louise de los Reyes.

  18. #18
    Pang-Masa, Dec. 9, 2013

    Joey Marquez single na naman
    ni Lolit Solis

    [snip]

    Napapanood si Winwyn sa Dormitoryo, ang Sunday afternoon suspense-thriller ng GMA 7. Malapit nang matapos ang Dormitoryo pero hindi mababakante si Winwyn dahil kasama siya sa cast ng Kambal na Sirena, ang primetime teleserye na pagbibidahan ni Louise delos Reyes.

    Working title pa lang ang Kambal na Sirena dahil puwede pang mapalitan ang pamagat nito. Si Winwyn ang gaganap na kontrabida sa bagong telefantasya ng Kapuso Network.

  19. #19
    Ok din sa akin kung si Tom Rodriguez ang magiging leading man ni Louise Delos Reyes.

  20. #20
    sana si mike tan na lang.. magpayummy siya ng fully

    tapos isama si jackie rice...

Page 1 of 34 1 2 11 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

PBA:

GlobalPort bows to NLEX after fourth quarter collapse, 101-96

GlobalPort bows to NLEX after fourth quarter collapse, 101-96

read more
SHOWBIZ:

What do you make of John Lloyd Cruz' performance in The Trial?

What do you make of John Lloyd Cruz' performance in The Trial?

read more
TRAVEL:

No bidets, rude staff and poor internet. What are your other hotel pet peeves?

No bidets, rude staff and poor internet. What are your other hotel pet peeves?

read more
CHIT CHAT:

Unzip your man purse and share what's inside your kikoy kit!

Unzip your man purse and share what's inside your kikoy kit!

read more
SPORTS:

2014 Philippine Superliga Grand Prix opens

2014 Philippine Superliga Grand Prix opens

read more
NMFtv:

NBA 2K15 Exhibition Gameplay - Washington Wizards VS Los Angeles Clippers on PS4

NBA 2K15 Exhibition Gameplay - Washington Wizards VS Los Angeles Clippers on PS4

read more