PEx Highlights

Inflatable robot Baymax takes the spotlight!

In Disney's Big Hero 6, a plus-sized inflatable robot named Baymax makes a difference in the life of teen prodigy Hiro Hamada.

read more

Top Male Celebrities

Did Joshua Garcia keep his spot as PEx's Top Male Celeb? Find out here!

read more

PEx Halloween: Pinoy Horror Stories

Nakakita ka na ba ng aswang o multo? Nakaramdam ng masamang spirito at mga maligno? Kwento mo na dito!

read more

REVIEW: Beauty in a Bottle

Beauty in a Bottle is worth the look thanks to its witty and poignant script and terrific performances from its cast.

read more

PHOTOS: 'Captain Hook' Too Much for Ginebra

Mac Cardona impressed in a vintage 'Captain Hook' performance, putting up 25 points and 6 rebounds to lead NLEX over Ginebra, 97-81.

read more

PHOTOS: Rain or Shine Blows Out Kia

The Rain or Shine Elasto Painters defeated Kia Sorento in a blowout, 117-88.

read more

Page 30 of 125 FirstFirst ... 20 29 30 31 40 80 ... LastLast
Results 581 to 600 of 2493
  1. #581
    TAKE IT TAKE IT Ni Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) | Updated January 9, 2014

    Sarah nasolo na ang dating endorsement nila ni Anne?!

    Mama Salve, puwedeng pakitanong sa Viva Group of Companies kung bakit missing ang picture ni Anne Curtis sa isang endorsement nito?

    Mas mabuti nang manggaling ang explanation mula sa mga tao na nakakaalam sa the truth and nothing but.

    Nakita ko kasi ang billboard ng isang big endorsement nina Sarah Geronimo at Anne pero wala na ang picture nito. Ang litrato na lang ng aking favorite singer-actress ang na-sight ko.

    Ayokong maniwala sa mga sabi-sabi na solo endorser na lang si Sarah dahil sa controversy na kinasangkutan noon ni Anne.

    Mainam na tanungin muna ang mga tao na namamahala sa career ni Anne para malaman natin ang tumpak na kasagutan. (Not true raw po. Wala raw pong isyu sa mga endorsement ni Anne sabi ni Tita June Torrejon. – SVA)

  2. #582
    YSTAR Ni Baby E | Updated January 9, 2014

    Kasalan sa showbiz sunud-sunod!

    Looks like it’s truly a marrying year ang 2014 sa ilang couple nating taga-showbiz. Mapaartista man o director.

    Well, sa katatapos na presscon ng Bride for Rent, staring Kim Chiu and Xian Lim, direk Mae Czarina Cruz, the film’s director, announced that she is getting married this year with a former classmate. Her groom to be, Direk Mae announced, is diborsyado.

    Former classmate rin ang muling nagpatibok ng puso ng fellow blockbuster director ni Direk Mae, ang widow na si Direk Cathy Molina.

    Direk Cathy has been widowed from her husband na dating employee ng engineering department ng DZMM at ABS-CBN. Dalawa ang kanilang naging anak.

    Idagdag pa sa listahan si Camille Prats, whose husband, the late Anthony Linsangan, died of cancer two years ago. May isa silang anak, ang five year-old na si Nathan.

    According to Camille, tanggap na ng kanyang anak as a second dad ang fiancé na si John Yambao which is based in the U.S. and former classmate in elementary ng aktres.

    Ang problema, though willing nang pakasalan si Camille anytime soon, naniniwala si Camille at ang kanyang pamilya sa kaugaliang Pilipino na masamang magsabay na magpakasal ang magkapatid on the same year.

    Eh, ‘di ba nga may plano ang older brother ni Camille na si John Prats na pakasalan na this year ang girlfriend na si Isabel Oli?

    Tulad ni Camille, si Isabel ay Kapuso, while John’s with ABS CBN.

    March brides na sina Karylle at Miriam, handang-handa nang mag-I do

    Parehong March this year itinakda nina Karylle at Miriam Quiambao ang kanilang pakikipag-isang dibdib with their respective husbands-to-be; si Karylle sa band leader and a fellow Atenistang, si Yael Yuson, at si Miriam naman kay Ardy Roberto, CEO and founder of Salt and Pepper.

    While it’s Karylle’s first try at marriage, para kay Miriam naman it’s her second time around.

    Miriam, a former Miss Universe runner-up, was first married to an Italian.

    Naghiwalay sila after two years ng pagsasama sa Hong Kong.

    Sa May naman nakatakdang ikasal si Jericho Rosales sa kanyang Australian girlfriend na si Kim Jones. The following month, June naman ikakasal ang balo ng dating TV host na si Pete Roa, kay Atty. King Rodrigo.

    Did we hear it right na Denise Laurel ay pakakasal na rin bagama’t hindi raw siya nagmamadali? May two-year old son si Denise from a former romance.

    Dingdong Dantes and Marian Rivera naman, whose romance of five years have remained solid, revealed that they don’t have any plans yet to marry this year. Gusto muna nilang mag-focus on their respective showbiz careers. Both of them are considered primetime King and Queen of their network, GMA 7. Eh ba't mo pa isiningit yang dalawa kung hindi naman pala sila pakakasal na?

    Although they are both contract talent ng GMA 7, they are allowed to appear in films in other networks. Which explains why Dingdong played leading man to Bea Alonzo in She’s the One for Star Cinema na isang certified blockbuster. At yung isa?

  3. #583
    ISYU AT BANAT Ni Ed de Leon | Updated January 9, 2014

    Mga Tao ng dalawang network biglang sumaya

    Hindi naman siguro late Christmas party iyon o ano man, pero balitang-balita na masayang-masaya raw ang mga tao sa dalawang networks. Mukhang mayroon pa nga yatang mga mini parties na nangyayari at mukhang iisa ang kanilang usapan at dahilan ng celebration. Ayaw na naming magsabi kung ano ang dahilan, at lalong hindi naman kami magkukuwento kung sinu-sino ang mga sources namin, pero natutuwa naman kami at masayang-masaya sila ngayon.


  4. #584
    STARTALK Ni Lolit Solis (Pang-Masa) | Updated January 9, 2014

    Kim nagkamali ng sagot!

    Papunta ako kahapon sa Greenhills nang mapakinggan ko sa radio program ni Ms. F. ang kuwento nito tungkol sa nangyari sa presscon ng Bride for Rent noong Martes ng gabi.

    Starring sa isyu sina Kim Chiu at Aster Amoyo na na-hurt sa sagot ni Kim na “We don’t owe you any of our personal lives.”

    Kung ako man ang nasa lugar ni Mama Aster, mapapahiya at masasaktan ako sa sagot ni Kim, lalo na kung maayos ang pagkakatanong niya.

    Puwede rin na walang intensyon si Kim na maka-offend pero nagkamali siya sa pagsagot. Ang sabi nga ng isang baklita, “It’s not about what you say but how you say it!”

    Idinenay ni Mama Aster na nag-walk out siya at believable ang kanyang denial dahil hindi ang tipo niya ang gagawa ng ganoon.

    Sa gitna ng sari-saring opinyon, isang bagay ang sigurado, nagkaroon ng public awareness sa pelikula ni Kim na pinag-uusapan dahil sa nangyari sa kanila ni Mama Aster sa presscon.

    Mag-expect tayo na maaayos din ang problema dahil sa showbiz, walang permanenteng kaaway o kaibigan.
    Home sweetie tinalo ang kalaban

    Happy ang cast ng Home Sweetie Home dahil mataas ang rating ng pilot episode ng kanilang sitcom.

    Kasali sa cast ng Home Sweetie Home ang aking alaga na si Sandy Andolong na enjoy na enjoy sa kanyang bagong show sa ABS-CBN.

    Maagap ang ABS-CBN sa paglalabas ng balita na tinalo ng Home Sweetie Home sa ratings ang Pepito Manaloto ng GMA 7.

  5. #585


    THURSDAY, JANUARY 09, 2014
    Marian, panlaban pa rin ng GMA sa ABS ngayong 2014!
    Ni JUN NARDO

    Panibagong hamon ang haharapin ng GMA Network ngayong 2014 lalo na at nagmarka ang groundbreaking program nila na My Husband’s Lover last year. Wala man sa line up ng first quarter shows ang bida sa MHL na sina Dennis Trillo, Tom Rodriguez at Carla Abellana, siniguro ni Lilybeth Roasonable, Senior Vice President for Programming ng network na mabibigyan sila ng sari-sarili nilang shows bilang tugon sa hiling ng manonood.


    “Gusto man naming pagbigyan ang requests na magkaroon ng Book 2 ang My Husband’s Lover, pinag-iisipan pa rin namin ‘yon. Ayaw naman kasi naming ipilit kahit malaking karangalan ‘yung naibigay sa network ng show pati na sa amin na nasa likod ng program,”
    pahayag ni Ma’am Lilybeth sa pagharap nila sa entertainment writers.


    Ngayong buwan na ito, sabay-sabay ang mga programang mapapanood. Nangunguna riyan ang Carmela nina Marian Rivera at Alden Richards, na panlaban pa rin nila sa mga shows ng ABS-CBN; ang Rhodora X nina Jennlyn Mercado, Mark Herras, Yasmien Kurdi at Mark Anthony Fernandez.


    Nariyan din ang The Borrowed Wife nina Camille Prats, TJ Trinidad at Rafael Rosell sa afternoon prime. Ang Paraiso Ko’y Ikaw nina Kristoffer Martin at Kim Rodriguez na feeling ng marami ay ala-Blue Lagoon ang konsepto.


    Sa February ay lalabas naman ang Innamorata nina Max Collins at Luis Alandy at susunod dito ang fantasy-drama na Kambal Sirena ni Louise delos Reyes kasama si Aljur Abrenica.


    “Gusto rin naman naming maghandog ng bagong mukha. Louise naman has been tested sa Mundo Mo’y Akin. It’s about time na i-launch na,” rason ni Cheryl Ching, AVP-Drama sa launching ni Louise.


    “Kasama rin sa thrusts ng network this year is to develop more new artists. ‘Yung Kambal Sirena kasi, kailangan talaga siya in an acting piece. Kasi kambal sila. Si Louise, nakitaan namin since the first time niya na lumabas sa Pilyang Kerubim. Hindi pa siya GMA noon na talagang acting talent. Natapat sa kanya si Maricel Soriano na kaeksena niya.


    “So we started giving her more challenging roles and she delivered. So it’s just right that we give her the project,” dugtong naman ni Tita Lilybeth.


    Wala namang gayahan sa ibang network na may show rin tungkol sa sirena, huh!


    “’Yung sirena naman, time and again ‘yan. Well, hindi naman natin malalaman kung sino ang mauuna o sino ang mahuhuli. Lahat naman puwedeng gumawa ng sirena,” sagot uli ng GMA boss.


    GMA executives, walang alam sa ‘bentahan’ ng GMA kay MVP!


    Wala sa presscon si Atty. Felipe Gozon na presidente ng GMA. Siyempre umugong muli ang balita last December at si Kris Aquino ay lilipat sa Kapuso. Ano ang puwede nilang masabi tungkol doon?


    “’Yung kay Kris…So she came out with a statement. So that’s settles it. She was the one who said na she was not talking to anyone in GMA which is true.


    “So kahit kami, nagulat doon! Saan ‘yon nanggaling? Tapos, ‘yung talks again na merong bilihan, to be honest, hindi ito showbiz, wala kaming kaalam-alam! Pero naririnig namin ‘yan.


    “Pero walang inkling. One of these days, you can ask FLG (Felipe L. Gozon). He always gives direct answers!” saad ni Tita Lilybeth.


    Pagdating naman sa gag show na Bubble Gang, sinabi ni Marivin Arayata, VP for Entertainment na hindi nagkaroon ng epekto ang pagkawala ni Ogie Alcasid sa show.


    “Wala naman. Ang nagdadala noon Michael V and Ogie Alcasid. Ngayon pagdating sa ratings, wala namang effect. We’re thankful naman kay Ogie na in 19 years, nakatulong naman siya sa show.

    Ganoon pa rin.


    “Nag-effort din ang creative, ang production, na kahit wala si Ogie, nandoon pa rin ang show at na-maintain ang ratings!” pahayag ni Tita Avin.


    Magkakaroon naman ng bagong segments sa Sunday All Stars pero present pa rin ang labanan ng apat na teams. Nakuha rin ng GMA ang franchise ng foreign show na Don’t Lose The Money pero wala pang host dito.

  6. #586


    THURSDAY, JANUARY 09, 2014
    Ai Ai, bet na bet tikman ng sikat na basketbolista!

    May nagtsika sa akin na isang sikat na basketbolista ang tila atat na atat na makilala o matikman si Ai Ai delas Alas. Sabi, mula raw nu’ng malaman ng basketbolista na ‘yon na hiwalay na si Ai Ai kay Jed Salang, bigla itong nagkaron ng interest sa Comedy Queen.


    May isang malapit na tao kay Ai Ai ang maya’t maya raw ay kinukulit ng naturang basketbolista, na ipakilala sa kanya si Ai Ai. At nakarating naman daw kay Ai Ai ang kuwentong ‘yon. Pero sa ngayon kasi, tila sarado pa ang puso ni Ai Ai sa kalandian.



    Gusto raw muna niyang pagpahingahin ang kanyang puso sa ngayon.


    ‘Sugat’ ni Cristine sa Facebook, pinagpiyestahan ng fans!

    Si Cristine Reyes ang maituturong na isa sa pinakamaraming followers o likers sa Facebook. Katunayan, sa Fanpage niya sa FB, mahigit 5 milyon na ang nag-like at patuloy pa rin itong dumarami.


    Kunsabagay, sobrang aktibo rin ni Cristine sa kanyang FB account. Marami ngang kaganapan at makikita ka, na siya mismo ang nag-a-upload. Aliw rin minsan ang kanyang mga pinu-posts, at kung minsan, may mga patutsada rin.


    Eh, ‘yun naman ang type na type ng mga fans, na may nababasa silang updates o mga bagong kuwento sa buhay ng idolo nilang artista.



    Sa isang pinost ni Cristine, nag-panic ang kanyang mga fans. Halos umabot sa 15,000 ang nag-like sa picture na nilagay niya, na kung saan ay sugat-sugat ang kanyang balat na bandang siko o itaas ng kamay.


    Nag-panic ang mga fans, dahil feeling nila, naaksidente ang idolo nila. Pero, ang katotohanan, eksena ‘yon sa pelikulang Trophy Wife na sinu-shooting niya ngayon.

  7. #587

    Published : Thursday, January 09, 2014
    Written by : Nitz Miralles

    Hndi naitanong kay Kim Chiu ang tungkol sa Dyesebel dahil ipinagbawal sa presscon ng latest movie nila ni Xian Lim na Bride for Rent.

    Pero ang latest, hindi na si Kim ang gaganap na Dyesebel. Ang aktres daw mismo ang nag-request sa ABS-CBN na ’wag sa kanya ibigay ang project. Kaya naghahanap ng bagong Dyesebel ang network.

  8. #588


    Nash Aguas and Alexa Ilacad (N-Lex), New Love Tandem to Beat
    Posted on January 8, 2014

    Kapamilya tween love team Nash Aguas and Alexa Ilacad quickly captured the hearts of TV viewers and netizens as the pilot episode of their month-long “Wansapanataym” special titled ‘Enchanted House’ ruled the weekend TV ratings.



    Based on the data from Kantar Media last Saturday (January 4), Nash and Alexa’s “Wansapanataym” scored 27.2% national TV ratings, compared to the 12.5% of its rival program in GMA “Vampire Ang Daddy Ko.”

    Nash and Alexa’s love team (N-Lex) also won the hearts of netizens who made the hashtags #NLexWansaEnchantedHouse and #NashAguasWansaEnchantedHouse nationwide trending topics on the microblogging site Twitter.

    Meanwhile, fans and TV viewers will surely be more hooked in the continuation of “Wansapanataym Presents Enchanted House” this Saturday (January 11) now that Philip (Nash) and Alice (Alexa) are getting closer to each other.

    What will they do when they find out that it was Philip’s mother who put a curse on Alice’s parents? Also featured in ‘Enchanted House’ are Ara Mina, Dominic Ochoa, Nikki Valdez, Candy Pangilinan, Jaime Fabregas, Celine Lim, Brace Arquiza, Marikit Morales, and Aldred Gatchalian. It is written by Reggie Amigo and directed by Erick Salud.

    Don’t miss the continuation of Nash and Alexa’s enchanting fairy tale in the newest month-long special of the 2013 Anak TV Seal Awardee “Wansapanataym” this Saturday, 6:45 pm, after “Bet On Your Baby” in ABS-CBN.

  9. #589
    Angel-Maja slapping scene generates meme
    by Miguel Dumaual, ABS-CBNnews.com
    Updated as of 01/08/2014

    A scene from the upcoming drama series starring Angel Locsin and Maja Salvador is making the rounds online -- in the form of a meme.

    The scene, which is part of the recently released first trailer for "The Legal Wife," shows a heated exchange between Nicole (Salvador) and Monica (Locsin) over the latter's husband, Adrian (Jericho Rosales).

    A fuming Monica slaps Nicole, who claims Adrian to be her partner.

    Over the week since the trailer debuted on January 1, several takes on the memorable scene surfaced online, with netizens putting in mock subtitles on screenshots of the exchange to comedic effect.

    The mock arguments range from topics like the first day of school, the local boy band Chicser, dandruff (in reference to Locsin's product endorsement), to the actresses' real-life relationships.

    Directed by Rory Quintos and Dado Lumibao, "The Legal Wife" also stars JC de Vera, Mark Gil, Rio Locsin, and Christopher de Leon. The series will join ABS-CBN's Primetime Bida line-up in late January.























  10. #590
    ^^^^^

    Eggzoited for 2014.

  11. #591


    SEEN SCENE | Updated January 10, 2014

    SEEN: Sana Bukas pa ang Kahapon ang pamagat ng bagong teleseryse ni Bea Alonzo sa ABS-CBN.

    SCENE: Isang siyokoy o merman ang role ni Sam Milby sa Dyesebel na pagbibidahan ng kanyang ex-girlfriend na si Anne Curtis. Bawal mag-English si Sam.

    SEEN: Nanlaki ang mga mata at nagulat si Anne Curtis nang tanungin ito kahapon sa presscon ng Dyesebel kung kaya ba niyang sampalin ang mga kapareha na sina Sam Milby at Gerald Anderson.

    Hindi sinagot ni Anne ang tanong sa kanya.

    SEEN: Ang cameo appearance ni Miss Universe 2013 3rd runner-up Ariella Arida at ng ilang Miss Universe candidates sa music video ng In Another Life ng Russian singer na si Emin.

    SEEN: Ang report ng Box Office Mojo International sa mga pelikula na ipinalabas sa mga sinehan sa Pilipinas mula Dec. 18 hanggang Dec. 22, 2013.

  12. #592
    PIK PAK BOOM Ni Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) | Updated January 10, 2014

    Ngayong araw pa raw ilalabas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ang box-office results ng nakaraang Metro Manila Film Festival.

    Kinukulit na ng media ang MMDA tungkol sa box-office results pero wala silang maibigay dahil tanging si Chairman Tolentino lang daw ang puwedeng maglabas nun.

    Kaya lang, abala naman si Chairman Tolentino sa Black Nazarene procession sa Quiapo, Manila kahapon kaya hindi niya ito nailabas agad.

    Pero umabot na nga raw ng isang bilyong piso at top grosser ang My Little Bossings na halos kalahating bilyong piso raw ang kinita nito.


    * * *

    Palagay ko ngayong araw ay nakabalik na si Kris Aquino galing London, England kasama ang dalawa niyang anak na sina Joshua at Bimby.

    Nababasa namin sa Instagram nito na na-update kung nasaan na siya at binanggit pa niyang magti-tape raw sila sa Dubai ng isa sa mga episode ng kanyang Kris TV.

    Kaya lang may impression na si Kris na kagaya rin ng ibang artistang nagri-renew ng kontrata sa kanyang TV network, ginagawang “leverage” ang kuning-kuning na offer ng ibang istasyon para makapagtaas ng presyo sa bagong kontrata.

    Binanggit naman ni Kris na wala siyang pag-uusap sa GMA 7 at nagkaroon lang ng meeting kay Manny Pangilinan ng TV5.

    Pero sinasabi naman ng mga taga-TV5 na wala naman daw ganung offer kay Kris.

  13. #593
    SHOW-MY Ni Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) | Updated January 10, 2014

    Final choice Anne na-shock sa Dyesebel



    Si Anne Curtis ang napisil na Dyesebel pagkatapos nang matagal-tagal na usapan. Kahapon ay pormal na siyang ipinakilala sa entertainment press.

    Naunang napabalita na si Kim Chiu ang lalangoy sa bagong version ng klasik na kuwento ni Mars Ravelo na nauna nang ginampanan nina Vilma Santos, Charlene Gonzales, Alice Dixson, Marian Rivera, at marami pang iba.

    Marami ring naunang balita na si KC Concepcion ang gaganap na mermaid pero ang kapwa pala niya Viva artist ang napili.

    Galing si Anne sa kontrobersiya sa kanila ni John Lloyd Cruz last year dahil sa encounter nila ng aktor sa isang bar na umabot sa sampalan. Pero mabilis na nag-sorry si Anne at inamin ang nangyari. Kaya naman madali siyang napatawad ng fans. Wala rin naman daw naging epekto sa mga endorsement ng singer/actress/TV host at base sa research and survey siya (Anne) ang nag-top sa pinagpiliang mga artista na gaganap sa pinakasikat na sirena sa buong Pilipinas.

    Kaya naman mangiyak-ngiyak si Anne kahapon sa presscon na ipinatawag ng grupo ng Dreamscape na pinamumunuan ni Mr. Deo Endrinal.

    The other day lang nalaman ni Anne na siya ang gaganap na Dyesebel. Galing siya sa bakasyon sa Canada.

    Makakasama ni Anne sina Gerald Anderson (Fredo) and Sam Milby (siyokoy ang character). Hindi pa nila nire-reveal ang iba pang makakasama sa bagong edisyon ng Dyesebel. Kahapon pa lang sila nag-story conference at aayusin ang magiging buntot ni Anne. Wala pa ring final kung sino ang magiging director.

    “Siguro sa lahat ng mga taong naniwala na kaya kong mag-Dyesebel, maraming, maraming salamat. Everything has something to say. You cannot please everybody. This is another dream come true,” sabi ni Anne kahapon na maluha-luha.

    “So, gagawin ko naman ang lahat. Aral ng tamang swimming. Paseksi lalo. Lahat gagawin ko para maging isa sa mga level ng Dyesebel!” sabi ni Anne.

    Actually, gulat na gulat si Anne sa bumulagang balita sa kanya pagdating ng bansa.

    “Nagulat po ako! Agad-agad ang presscon! Agad-agad ang announcement and it’s overwhelming na pagkabalik po… 2013 was a tough year, ’di ba? Really tough!

    “Then to comeback this year, I know that na merong something na maganda na mangyayari.”

  14. #594
    STARTALK Ni Lolit Solis (Pang-Masa) | Updated January 10, 2014

    Fans nina Kim, Julia, at KC tameme sa pagpili kay Anne!

    Si Anne Curtis ang gaganap na Dyesebel, hindi si Kim Chiu, Julia Montes, o KC Concepcion. Kahapon ang official announcement ng ABS-CBN tungkol sa aktres na napili nila na gumanap bilang Dyesebel.

    Siyempre, hurt ang fans nina Kim, Julia, at KC na umasa na isa sa mga nasabing aktres ang gaganap na Dyesebel pero wala na silang magagawa dahil si Anne ang top choice, kahit nasangkot siya sa malaking eskandalo noong 2013. Pambata ang kuwento ng Dyesebel at ito ang klase ng project na kailangang-kailangan ni Anne. Makakatulong ang Dyesebel para ma-erase na ang mga negative news tungkol sa kanya.

    Gerald excited maging love interest ni Anne

    Sina Sam Milby at Gerald Anderson ang leading men ni Anne sa Dyesebel. Excited si Gerald dahil siya ang gaganap na Fredo, ang love interest ni Dyesebel.

    Pinanood ni Anne ang lahat ng Dyesebel movies nina Vilma Santos at Alice Dixson. Pati ang Dyesebel na teleserye ni Marian Rivera, pinanood ni Anne bilang paghahanda sa papel na gagampanan niya.

    Available sa mga video shop ang Dyesebel na teleserye ni Marian sa GMA 7. Napapanood naman sa YouTube ang Dyesebel films nina Mama Vi at Alice.

    Sen. Bong umaliwalas ang mukha sa kaka-Bible study Spell DAMAGE CONTROL ALA BILL CLINTON.

    Excited ang entertainment press na makausap si Sen. Bong Revilla, Jr. na na-miss nang husto dahil hindi siya gumawa ng pelikula para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2013.

    Looking forward ang entertainment press sa mga filmfest movie ni Bong dahil ito ang nagpapatawag ng pinakamaraming presscon. Blessing in disguise ang hindi pagsali ni Bong sa MMFF dahil nakapagpahinga siya. Nagugulat ang mga nakakakita kay Bong dahil relaxed na relaxed ang hitsura niya, hitsurang may mga pagsubok siya na pinagdaraanan.

    Totoo ang mga balita na regular na dumadalo si Bong sa mga Bible study. Lalong umaliwalas ang kanyang mukha mula nang pag-aralan niya ang mga salita ni God.

    Reality show ng mga Gutierrez kakagatin sa int’l scene

    May idea na ako sa international channel na maglalabas sa It Takes Gutz to be a Gutierrez, ang reality show ng Gutierrez family. ‘Yun nga lang, hindi ko puwedeng i-reveal ang name ng international channel dahil confidential pa ito.

    Isang bagay ang sigurado, in good hands ang It Takes Gutz to be a Gutierrez at sigurado na magugustuhan ito sa international scene. Hindi magiging problema ang madalas na pagsasalita ng Tagalog ni Annabelle Rama dahil may English subtitle ang kanyang mga dialogue para maintindihan siya ng international audience.

    Tonton tinabla ang ibang offer

    Lagare kahapon si Tonton Gutierrez dahil dumalo siya sa story conference ng Sana Bukas Pa ang Kahapon at pagkatapos ng storycon ay nagkaroon ng presscon ang buong cast.

    Excited si Tonton sa bagong project niya sa ABS-CBN dahil mahuhusay na artista ang kasama niya, sina Susan Roces, Anita Linda, Dina Bonnevie, Iza Calzado, Albert Martinez, Paulo Avelino, at Bea Alonzo.

    Walang masyadong maikuwento si Tonton tungkol sa karakter niya sa Sana Bukas Pa ang Kahapon dahil may mga pagbabago pa na mangyayari sa kuwento ng bagong teleserye ng Kapamilya Network. May ibang offer na teleserye para kay Tonton pero pinili niya ang Sana Bukas Pa ang Kahapon.

  15. #595
    SOME LIKE IT HOT Ni Vinia Vivar (Pang-Masa) | Updated January 10, 2014

    Hindi pa nakaka-move on sa ‘pang-aagaw’ kay Gerald: Kim takot nang makipagkaibigan, na-trauma sa ginawa ni Maja!


    Inamin ni Kim Chiu sa presscon ng Bride for Rent na natatakot na raw siyang makipagkaibigan ngayon. Siyempre, hindi man niya sabihin kung bakit, alam naman ng lahat ang kinahantungan ng friendship niya kay Maja Salvador.

    “Ako, kasi, after nung nangyari, parang naging mailap na ako na mag-effort na makipagkaibigan. Parang masaya na ako na nagtatrabaho ako and nandiyan ’yung mga kapatid ko, pamilya ko, mga pamangkin ko. Parang masaya na ako na work lang and family.

    “Ayoko na mag-cross ng board na makipagkaibigan. Medyo natatakot po kasi ako. Tapos nun, si Xian (Lim), siya ’yung nag-effort na makipagkaibigan, (pati) sa family ko.

    “Kung saan nando’n ’yung comfort zone ko, siya ’yung lumalapit dun,” sabi ni Kim.

    At ito raw ang dahilan kung bakit special ang ka-love team sa kanya and even admitted na sa ngayon ay si Xian lang daw ang kaibigan niya sa showbiz.

    “Minsan, darating na lang siya sa bahay namin, maghahatid lang siya ng meryenda, ng pagkain, ganyan sa bahay namin, na sakto, nandun ’yung ate ko.

    “Minsan, tine-text niya ’yung mga kuya ko ng mga joke-joke, ‘knock-knock.’ Sweet naman sila. ’Tapos ’yung tatay ko, tineks niya rin, ganyan.

    “So, nagri-reach out siya. So, ako, medyo mailap ako. Hindi na ako masyadong ‘Uy, alis tayo, labas tayo.’ Hindi. So ’yun,” pag-e-elaborate ni Kim.

    Natanong din si Kim kung husband material ba si Xian para sa kanya and vice versa at parehong oo ang sagot nila.

    “Mabait naman siya, gentleman, maalaga and marespeto,” sabi ni Kim.

    When asked kung ano ba ang ayaw niya sa isang lalaki, ang mabilis na sagot ng young actress ay babaero.

    “Lahat naman po tayo, ’di ba, Direk? Dapat isa lang. Siyempre lalo na ’pag nag-asawa na kayo, ’wag naman. ’Yung babaero, hindi nakakaintindi, walang respeto, ganun.”

    Si Xian naman, ang ayaw daw niya sa babae ay sobrang liberated at mas maganda pa rin daw na may itinitira pa rin para sa sarili nila.

    Dennis iniwan ni Julia nung holidays

    Kasama rin si Dennis Padilla sa Bride for Rent na as we all know ay ama ni Julia Barretto, one of ABS-CBN’s promising young stars sa taong ito. Natanong ang komedyante kung ano ba ang papel niya bilang ama sa buhay ng teen star.

    “Well, kapag magkasama kami, sinasabi ko sa kanya na pagbutihin niya itong hanapbuhay na ito dahil isa ito sa pinakamagandang hanapbuhay at lagi mong mamahalin ang fans mo, kailangang matiyaga ka, ’pag nagpa-picture sila, magpa-picture ka, ’pag gusto nilang magpa-autograph, mag-autograph ka. Kailangang matiyaga ka sa kanila kasi ’yan din ang mga taong tutulong sa career mo. Happy naman ako dahil may bago na siyang teleserye,” say ni Dennis.

    Hindi raw sila nagkita nitong Christmas and New Year dahil nagpunta raw ng Amerika ang mga anak at sana raw ay magkita sila soon at magpapalibre siya ng dinner.

    “Dahil malakas na siya kumita,” biro ni Dennis.

    Showing na sa Jan. 15 ang Bride for Rent at ginagampanan naman ni Dennis sa movie ang role na biyudong ama ni Kim.

  16. #596


    FRIDAY, JANUARY 10, 2014



    Hindi man namin napanood ay pulos positive comments ang natanggap namin sa gay role ni Arjo Atayde sa katatapos na MMK.

    Si Arjo na anak nina Sylvia Sanchez at Art Atayde ay machung- macho kaya malaking rebelasyon ang ipinamalas niya sa MMK. Proud mother si Ibyang na hindi idine-deny ang pagiging stage mother sa anak.

    Kung abala man siya bilang aktres ay hindi siya pabaya sa pagiging ina sa mga anak lalo na kay Arjo na ang tinahak ay ang ginagawa niya ngayon.

    Wish namin ang tagumpay ni Arjo sa showbiz.

  17. #597


    FRIDAY, JANUARY 10, 2014
    Angeline, nagpaseksi

    Mas maalindog si Angeline Quinto sa cover ng latest na album niya sa Star Records na Higher Love (P250 ang halaga).

    “Kakaibang Angeline po ang nasa album na ito. Bukod sa medyo sexy po ang cover, mas excited po akong i-share ang bago sa akin bilang singer sa lahat, lalo na sa mga taong sumusuporta sa akin mula nang nagsimula ako,” pahayag nni Angeline.



    Tampok sa album ang komposisyon niyang Sana2x (Sana Sana).

    “May kakaibang feel po itong Sana2x.

    Napakasaya lang! Sakto pong pang-New Year, pang-bago at mas masayang buhay nating lahat,” sey pa ni Angeline.

  18. #598

    FRIDAY, JANUARY 10, 2014
    Anne, payag makatrabaho si John Lloyd



    NAPAPATILI sa sobrang kilig at saya si Anne Curtis nang humarap siya kahapon sa media para sa announcement presscon na siya ang napiling maging bida sa Dyesebel ng ABS-CBN.


    “It’s another dream come true po. Sobra lang akong speechless. Kasi, napakalaking project nito at para mahilera sa mga naging Dyesebel...


    “I’m sure at one point, lahat kayo nag-interview sa akin at nu’ng tinanong n’yo sa akin kung ano ba ang dream role ko, sinabi ko noon na Dyesebel.


    “So, eto na! 2014, great way to start the year na makakuha po ng isang dream to come true,” masayang bulalas ni Anne.


    Siya ba ang magiging pinakaseksing Dyesebel?


    “Ay! Actually, pinanood ko po lahat (ng naging Dyesebel) -- sina Ms. Vilma (Santos), Ms. Charlene (Gonzalez), Ms. Alice (Dixson), si Marian (Rivera)... lahat sila, sexy!


    “So, mapasama lang doon, it’s an honor. It’s truly an honor. So, gagawin ko naman ang lahat. Mag-aral ng tamang fin swimming, magpa-sexy lalo, lahat gagawin ko para maging isa sa mga level ng Dyesebel.”


    Kababalik lang ng bansa ni Anne mula sa bakasyon niya sa Canada, kaya kamakalawa lang niya nalaman ang magandang balita nang sabihin ito sa kanya ng mga bossing ng ABS-CBN.


    Nagulat siya na siya ang napiling gumanap na Dyesebel, tapos ay agad-agad ang announcement presscon kaya overwhelming ang lahat sa kanya.


    “I mean, 2013 was a tough year, ‘di ba? It ended really tough. So, to come back this year where I know that merong something na magandang mangyayari...” nanginig ang boses ni Anne at bigla siyang napaluha.




    ***


    Ipinaliwanag ni Biboy Arboleda ng Dreamscape Entertainment ang naging proseso ng pagkakapili kay Anne para maging Dyesebel.


    Ani Biboy, nagkaroon sila ng marketing research survey kung sino ang aktres na pinaka-deserving gumanap na Dyesebel.


    Sa resulta ng kanilang multi-platform survey ay hands down na si Anne ang top choice.


    Pagkatapos ng hindi kagandahang nangyari kay Anne bago natapos ang kanyang 2013, kung saan may mga ibang tao na nagduda sa kanya at maaaring nag-iba ang tingin sa kanya, anong pakiramdam niya ngayon na siya pa rin ang nanguna sa nasabing survey?


    Ano ang nararamdaman niya sa puso niya at anong gusto niyang sabihin sa mga tao?


    “Siguro, sa lahat ng mga taong naniwala na kaya kong i-portray si Dyesebel, maraming-maraming salamat for keeping that kind of faith in me, na hindi nakalimutan na dahil lang sa isang hindi magandang bagay na nangyari... so, thank you,” naiiyak na sagot ni Anne sa tanong namin.


    “First time ko kasing humarap sa ganito karaming press after everything. So, ‘yun.


    “Maraming-maraming salamat for having that kind of faith in me and sa mga hindi naman, God bless you na lang po. Ha! Ha! Ha!


    “You know, I mean, everyone will always have something to say. You can’t please everybody and I’m just so happy that this year, I had another dream come true and it’s an all-time classic. Dyesebel is part of Philippine history and I’m so happy that I’ll be one of them. Thank you,” positibong pakli ni Anne.


    ***


    Balik-tambalan ang dating magkasintahang Anne Curtis at Sam Milby sa fantaseryeng Dyesebel.


    Si Sam ay gaganap bilang syokoy na si Liro. Ang isa pang kapareha ni Anne ay si Gerald Anderson bilang human love interest niya na si Fredo.


    “Sobrang excited ako,” sey ni Anne.


    “Kami ni Sam, meron na talaga kaming folowing na alam kong matutuwa sila. Kasi finally, magbabalik-tambalan kami.


    “With Gerald naman, it’s the first time. So, excited din akong makita kung anong puwede naming ibigay. Sa tingin ko, it will be a fun experience habang nagsu-shoot kami.”


    Sa kabilang istasyon ay meron ding ‘sirenaserye’ (Kambal Sirena). Anong feeling niya na posibleng magkaroon ng tapatan ng sirena versus sirena?


    “It’s okay. I mean, lahat naman, may right na gumawa ng kahit na ano. Ako nga, gumawa ako ng Dyosa noon (na ang isa sa tatlong karakter niya ay sirena).


    “Dati, may Marina naman. Kanya-kanyang kuwento ‘yan. But all-time classic is Dyesebel!”


    ***


    Sa group interview ay kinumpirma namin kay Anne kung totoong gagawa sila ng movie ni John Lloyd Cruz (na nakaenkuwentro niya sa Prive bar).


    “Ah, hindi ko pa po alam. Baka ma-shock na lang din ako this year din. ‘Di ba? You’ll never know.”


    So, open siyang makatrabaho si Lloydie?


    “Oo naman. Okey naman kami, eh. Kaya tingnan natin kung what else 2014 has to bring.


    “But so far, the best news is I’m going to be Dyesebel!” nakangiting sambit ni Anne.
    Last edited by PaPi2010; Jan 10, 2014 at 04:20 AM.

  19. #599


    FRIDAY, JANUARY 10, 2014
    Bea at Iza, magtutuos



    HAVEY: Tuloy na bukas ang storycon ng bagong show ni Ogie Alcasid na Confessions Of A Torpe.


    Habang ang dalawang higanteng istasyon ay naka-focus sa pagdadrama, ang TV5 ay kokorner sa comedy market gaya ng Madam Chairman.


    Kasama ni Ogie sa tawaserye sina Alice Dixson, Jay Manalo, Mark Neumann at Pilita Corrales.


    Magsisimula na ang taping nito ngayon January at maganda itong pasakalye sa Valentine concert series ni Ogie na Samahang Walang Ka-Valentine sa Music Museum on February 13, 14 & 15.


    Itong Confessions Of A Torpe ay magandang kapalit muna sa dapat na teleserye ni Ogie na The Gift na nakabinbin pa rin.


    Ano naman kaya ang magiging kapalit ng kanyang The Mega & The Songwriter na basta nawala sa ere nang walang ka-abug-abog?


    ***


    WALEY: Habang sinusulat namin ito ay nakatakda pa lang na ilatag ang plano sa bagong soap na kabibilangan sana ni Iza Calzado dahil waley na raw muna ang nai-press presentation na You Are My Home with Richard Gomez and Dawn Zulueta.


    Kasama sa bagong soap ng ABS-CBN sina Bea Alonzo, Susan Roces, Paulo Avelino, Ronaldo Valdez, Dina Bonnevie, Albert Martinez at Tonton Gutierrez.


    “Na-excite ako na makatrabaho si Bea,” sabi ni Iza na lubos ang paghanga kay Bea na sabi niya ay magaling, mabait at maganda.
    “Salamat sa Dreamscape sa pagbibigay sa akin agad-agad ng kapalit na project.


    “Sana, edgy ang character na mamahalin, multi-dimensional ang role na talagang challenging ang matoka sa akin.


    “Nami-miss ko na ang paggawa ng telenovela,” ani Iza na ang huling teleserye ay Kahit Puso’y Masugatan.



    Tinatapos na ni Iza ang mga eksena niya sa Unlove You na pelikula nila nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga na due for Valentine release.


    Kahapon din, inaaayos ng grupo ng Biggest Loser ang isang espesyal na episode ng Maalaala Mo Kaya para kay Iza na may kinalaman sa kanyang pagpapapayat.


    Nakatakdang ipalabas na ang bagong edisyon ng Biggest Loser bago matapos ang Enero.

  20. #600

    FRIDAY, JANUARY 10, 2014
    Aster, walang galit kay Kim



    NABASA ni Karen Davila sa Abante TONITE ‘yung isinulat ko tungkol sa My Puhunan show niya sa ABS-CBN, pati ‘yung nabanggit ko na hindi siya nambabati kapag nakikita niya ako sa Starbucks Imperial Palace.


    Noong isang araw, habang nagbe-breakfast ako sa nasabing coffee shop, nandoon din si Karen.


    Nang marinig niyang tawagin ng kasama niyang si Melo Esguerra ang pangalan ko, lumingon sa akin si Karen at nilapitan niya ako at binati.


    Sinabi ni Karen na nabasa niya ang naisulat ko at nag-thank you sa papuri ko tungkol sa My Puhunan.


    Natawa siya dahil sa isinulat ko na hindi niya ako binabati.


    Anyway, sweet pala si Karen at sinabihan pa ako na since gusto ko ang show niya, sana raw ay matulungan ko siyang mainterbyu ang ibang artistang pini-PR ko tungkol sa kanilang mga negosyo at nang mai-feature niya ‘yon sa My Puhunan.


    Tinanong din ako ni Karen tungkol sa 71 Gramercy, ang bagong bar/restaurant na pag-aari ng grupo ni Raymond Gutierrez dahil nakita niya ang pictures na kuha roon noong New Year’s eve soft opening party at gandang-ganda siya sa lugar.


    Mukhang type i-feature ni Karen sa My Puhunan ang 71 Gramercy.


    ***


    Nasa Starbucks Imperial Palace naman ako kahapon nang hapon at nakita ko roon si Mother Lily Monteverde na nakikipag-meeting sa line producer na si Lea Calmerin.


    Mukhang inspired si Mother Lily na gumawa nang gumawa ng pelikula after na mag-top 3 sa Metro Manila Film Festival 2013 ang Pagpag na co-produced niya sa Star Cinema.


    Sabi ni Mother Lily, more than P180M na ang kinita sa takilya ng horror movie nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


    ***


    Yes, para tigilan na ako ng mga nangungulit… si Dennis Trillo nga ang blind item ko kahapon na aktor na posibleng lumipat ng TV network once na mag-expire na sa Enero 16 ang exclusive contract niya sa GMA 7!


    Kahit hindi sinasagot ng manager ni Dennis na si Popoy Caritativo ang mga tawag ko at halatang umiiwas siya dahil alam niyang ang tungkol sa napipintong paglipat, este, pagbabalik sa ABS-CBN ng alaga niya ang uusisain ko, gusto ko pa ring paniwalaan ang source ko na may preliminary talks na sa pagitan ng manager at ng ilang executive ng Dos sa pagbabalik sa kanila ni Dennis.


    ***


    Ayon sa entertainment columnist na si Aster Amo*yo na naging “biktima” ni Kim Chui sa sagot ng aktres na “I don’t owe you an explanation,” hindi totoong nag-walkout siya sa presscon ng Bride for Rent ng Star Cinema dahil feeling niya ay nabastos siya ng ka-loveteam ni Xian Lim.


    Nang makatsikahan ko kahapon si Tita Aster, ina*min niyang sumama ang loob niya dahil very offending ang tinuran na ‘yon ni Kim, pero hindi siya ‘yung tipong magwo-walkout.


    Paalis na siya bago pa man siya pagtanungin ni Manay Ethel Ramos na moderator ng Bride for Rent presscon.


    “Sumama ang loob ko, pero wala akong galit kay Kim. Nakakasama ng loob ang sagot niya at kung nagalit ako, puwede ko siyang barahin dahil hawak ko pa ang microphone, pero hindi ko na lang pina*tulan ang sinabi niya kahit na very offending,” paliwanag ng entertainment columnist.



    Sabi pa ni Aster, wala sa image niya ang magpa-controversial, kaya hindi na siya nakipagsagutan pa kay Kim.
    Sa Enero 15 ang sho*wing ng first movie ng Star Cinema para sa taong ito.


    ***


    Ikakatuwa ni KC Concepcion ang positive feedback na hindi man siya nanalo bilang best actress sa MMFF 2013, marami ang humuhulang hahakot siya ng best actress awards sa iba’t ibang award giving bodies ngayong 2014 para sa Boy Golden.
    Last edited by PaPi2010; Jan 10, 2014 at 04:22 AM.

Page 30 of 125 FirstFirst ... 20 29 30 31 40 80 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

MOVIES:

Heeeere's Johnny! What's the scariest horror movie for you? Share it here.

Heeeere's Johnny! What's the scariest horror movie for you? Share it here.

read more
CHIT CHAT:

Dito na me, where na you: Anong gusto mong nakasulat sa sarili mong epitaph?

Dito na me, where na you: Anong gusto mong nakasulat sa sarili mong epitaph?

read more
SPORTS:

San Francisco Giants win World Series over Kansas City Royals in classic 7-game series

San Francisco Giants win World Series over Kansas City Royals in classic 7-game series

read more
PBA:

'Captain Hook' Cardona puts on classic performance for NLEX in 97-81 blowout against Ginebra

'Captain Hook' Cardona puts on classic performance for NLEX in 97-81 blowout against Ginebra

read more
NMFtv:

Showbizbro is joined by JM of The Call Center Show & Tagalog-Speaking Aussie, Chris Urbano.

Showbizbro is joined by JM of The Call Center Show & Tagalog-Speaking Aussie, Chris Urbano.

read more