PEx Highlights

PHOTOS: Rain or Shine Rallies Past Blackwater

The Rain or Shine Elasto Painters avoided an upset loss to the Blackwater Elite thanks to a late rally in the 4th quarter, 82-75.

read more

PHOTOS: TNT Dismantle NLEX to Get First Win

The Talk N Text Tropang Texters made quick work of the NLEX Road Warriors, getting their first win of the Phillipine Cup, 103-81.

read more

REVIEW: Fury

Brad Pitt, alongside Shia Labeouf and Logan Lerman, hates Nazis once more, save the scalps.

read more

Solo Backpackers: Get Up and Go!

Planning to escape the rigors of the metro soon? Join the Solo Backpackers thread and get insights and tips from fellow PExers about traveling alone!

read more

Big Hero 6 Pins!

New movie pin alert! Join the movie discussion thread and collect all five Big Hero 6 pins!

read more

PBA: Still 'Liga ng Bayan' after 40 Years

We list down ten compelling reasons, on why the PBA has remained relevant to Filipinos today since its inception in 1975.

read more

Page 100 of 254 FirstFirst ... 50 90 99 100 101 110 150 200 ... LastLast
Results 1,981 to 2,000 of 5070
  1. #1981
    Marian Rivera happy about Karylle's reported wedding with Yael Yuzon

    by Rose Garcia posted on December 9, 2013



    Ikinuwento ni Marian Rivera sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press ang naging karanasan niya nang dumalo siya sa 18th Asian Television Awards noong December 5 sa Singapore.

    Nominado si Marian bilang Best Actress para sa pagganap niya sa Temptation of Wife, ngunit ang nanalo ay ang Taiwanese actress na si Jade Chou para sa Falling.

    Highly Commended naman sa parehong kategorya si Lorna Tolentino para sa pagganap nito sa Pahiram Ng Sandali.

    Lahad ni Marian, “Yung sa Asian TV, nakakatuwa.

    “Isang group kami ng table—sina Kuya Mike [Enriquez]… as in isang group ng GMA. Mga sampu kaming nandoon.

    “Nakakatuwa kasi ang sarap ng experience.

    “Tapos, pinag-i-spiel nila ako.

    “Sabi ko, nakakahiya, ayoko. Nahihiya talaga ako.

    “Pero iba ang feeling!

    "Kasabay mo mga taga-China, Taiwan, tapos nag-i-speech sila ng kanya-kanyang language.

    “Yung experience ko doon, sinasabi nga ni Tatay [Tony Tuviera] at ng Triple A na, ‘Anak, bilang nominado ka, malaking bagay na ‘yan.’

    “Nakakatuwa na kahit hindi [ako] nanalo, sobrang proud sila sa akin.

    “At ayon din sa survey, ako ang pinakabatang na-nominate as Best Actress.

    “So, okay na ako dun. Masaya na ako dun.”

    CHRISTMAS WITH DONG. Ilang araw na lang ay Pasko na. May plano na ba si Marian?

    Sagot niya, “Sa Christmas, hindi pa talaga namin napag-uusapan ni Dong [Dingdong Dantes, her boyfriend].

    “Pero siyempre, the usual ‘yan—magtsi-Church kami, sa mga Dantes, tapos punta sa mga Rivera.”

    Pero kung may magiging iba raw sa Kapaskuhan nila ngayon, ito ay ang usapan nila ni Dingdong na wala munang magbibigay ng Christmas gift sa isa’t isa.

    “Sa ngayon, ang usapan namin, walang magreregalo sa isa’t isa.

    “Magpo-focus muna kami ngayon sa mga tao na [nasalanta ng bagyo]… wala munang regaluhan.

    “Noong magpunta kao sa Cebu, nagbigay ako ng relief goods… sa bundok-bundok ang pinuntahan ko.

    “Sabi ko, in fairness, nakakataba ng puso.

    “Nalulungkot sila, pero noong makita nila ako, parang ‘Marian, Marian!’

    “Ang sarap ng pakiramdam kapag pinupuntahan mo ang tao at nakikita mo ang ngiti—kahit na nasalanta sila ng bagyo.

    “Iba ang feeling kapag na-touch mo ang isang tao.

    “So, para sa akin, doon na muna ako.”

    KARYLLE’S WEDDING. Bigla namang may nagtanong kay Marian kung ano ang reaksiyon niya sa nababalitang pagpapakasal ni Karylle sa kasintahan nitong si Yael Yuzon, bokalista ng bandang Spongecola, sa 2014.

    “Ikakasal na ba siya? Ay, hindi ko alam!

    “E, di mabuti... masaya ako para sa kanya,” nakangiting sabi ng Kapuso actress.

    Si Karylle ang ex-girlfriend ng kasintahan ngayon ni Marian na si Dingdong Dantes.

    Sila ni Dingdong, kailan naman magpapakasal?

    Sagot ni Marian, “Huwag kayong mag-alala, sasabihin ko sa inyo.

    “Yun din ang sinasabi ni Dong na, in time.

    “Ang hirap kasing sabihin sa sarili na pareho tayong ready, pero, ‘Ano pa ba ang gusto kong gawin?’

    “Marami pa akong gustong gawin, lalo na ngayon.

    “Pero hindi ko sinasabi na nire-reject ko siya, na ayaw ko.

    “Siyempre, lahat ng babae, pangarap ikasal.

    “Pero sabi ko nga, in time.

    “Kapag nakapagdesisyon na ako, kapag buung-buo na ang desisyon ko na, ‘Oo naman, magpapakasal na ako,’ magpapaganito rin ako—ia-announce ko sa inyo.

    “Ganoon kayo [press] kahalaga. Hindi ko ililihim ‘yan.

    “Pero ngayon, wala pa naman.”


    2013 FOR MARIAN. Magtatapos na ang taong 2013. Paano ito ia-assess ni Marian base sa mga nangyari sa kanya?

    “Maraming nangyari sa 2013 ko.

    “Maraming nagbukas na pintuan, marami akong naging kaibigan din. Maraming awards… marami.

    “At sa 2014, mas marami pa pong nag-aabang. Mas marami pa po kaming gagawin.”

    Ano naman ang wish niya para sa 2014?

    “Ang wish ko, sana marami ang mag-donate ng bangka. Yun talaga!” pagtukoy ni Marian sa kanyang Kapuso Adopt-A-Bangka Project.

    Dagdag niya, “Pero siyempre, ang palagi namang hiling, maging masaya, maging maayos ang lahat—pamilya, relasyon ko, at career ko.

    “Gusto ko lang palaging masaya.”

    http://www.pep.ph/news/41527/Marian-...ith-Yael-Yuzon

  2. #1982
    aloysius_lei02
    Happy Birthday Direk @macalejandre! 😘 🎂@therealmarian #latergram #friendship #happiness




    Jammin' with @therealmarian 🎤🎼🎶 #newconcertqueen #biritera 😘 #latergram


  3. #1983
    Carmela final na!

    SHOWBIZ UPDATE Ni Nora Calderon (Pang-Masa) |


    A very simple, intimate Christmas lunch with the entertainment press ang ibinigay ni GMA Primetime Queen Marian Rivera para ianunsiyo ang kanyang proyekto sa mga ma*ngingisdang nawalan ng pang-hanapbuhay sa Northern Cebu nang manalasa roon ang bagyong Yolanda. Sa tulong ni Oliver Amoroso, assistant vice president of regional TV department ng GMA at Ms. Merle Tan, naisip nilang sa ngayon, tumatanggap pa ng relief goods ang mga tao roon pero paano kapag wala na ang relief goods? Kaya naisip nilang pangkabuhayan ang ibigay sa kanila. Hindi raw nila matanggap na nakikitang nag-aaway ang mga tao sa relief goods dahil wala silang hanapbuhay.

    Nag-survey sila sa mga pamilyang may lima hanggang sampung anak at iyon ang bibigyan nila ng bangka. Na-survey na rin nila na aabot sa P20-P30,000 ang presyo ng bawat bangka pero tatagal daw naman ito ng 10-15 years kaya puwede pang ipamana sa mga anak ng mangingisda ang bangka na motorized. Hindi pa inilalagay ni Marian sa Instagram ang paghingi niya ng donasyon, pero sa ngayon, may sampung bangka nang donasyon sa kanila. Si*gurado raw makararating ang donasyon na iyon dahil ang Kapuso Foundation ang tatanggap nito at mag-iisyu ng official receipt sa kanila.

    May mahigit isang libo ang ipagagawa nilang bangka at kung magiging successful ang project nila, dadalhin din nila ito sa ibang lugar sa Samar at Leyte. Siya raw ang personal na magdadala nito sa Northern Cebu na aabot ng ilang oras ang biyahe by land from the airport papunta roon. Magkakaroon din sila ng updates kung ano ang nangyari sa kanilang proyekto at iuulat nila ito sa mga nag-donate ng mga bangka.

    Ina-announce na rin ni Marian na Carmela na ang sinisimulan niyang drama series sa GMA 7 na makakatambal niya sina Alden Richards at Raymond Bagatsing. Siya raw ang nakaisip ng name na Carmela kaysa dating title na Cata*rina dahil bukod sa ibig sabihin nito na pinakamagandang sanggol in Spanish-Italian, mas sweet daw tawagin ang Carmela kaysa Catarina.

    Good naman na approved ito ng GMA, ni scriptwriter Suzette Doctolero, Direk Dominic Zapata, at ng production staff. This week, magsisimula na silang mag-taping dahil sa Jan. 6 na ang pilot telecast nila.

    Hindi pa masyadong idinetalye ni Marian ang story ng Carmela pero iikot ito sa pagmamahal ng anak sa ina (to be played by Agot Isidro) at matinding drama ang gagawin niya rito.

  4. #1984
    Marian, namimigay ng kabuhayan sa Yolanda survivors

    Jun Nardo


    Inihayag ni Marian Rivera sa lunch with the press ang proyekto niyang Kapuso Adopt A Banca Project bilang paraan niya ng dagdag na tulong sa biktima ng mga Yolanda victims bukod sa Ukay-Ukay Project niya kasama ang Kapuso Foundation at ang pagtulong sa Yes Pinoy Foundation ng boyfriend na si Dingdong Dantes.


    Katuwang niya sa project si Oliver Amoroso na head ng GMA Regional at Marie Tan ng GMA Cebu.

    “Nag-decide po kami. Nakakatuwa dahil maraming tumutulong sa Pinoy pagdating sa relief goods.

    Hindi tumitigil. Siguro ipagpalagay nating hanggang January sila magbibigay.


    “After the relief goods po, ano pong meron ang binibigyan nila? Wala na po, hindi ba? So nakapag-decide kami na ako rin po ang nagsabi na, ‘Bakit hindi natin bigyan ng kabuhayan?’ Alam po natin, maraming nasalanta. Maraming namatay.


    “Pero ang hindi ko lang matanggap ‘yung nagnanakawan, nagpapatayan, maraming nagugutom, walang kinikita. Hindi alam kung saan kukuha ng pagkain? Which doon po sa survey namin, ang marami pong nagrererebelde at nagnanakawan, nagpapatayan ay sa Cebu.


    “Sa Northern Cebu po at more on mangingisda. ‘Yung medyo nasa…’Yung kabuhayan medyo nasa…Ang kabuhayan nila ay pangingisda, pagtitinda!


    “Itong mangingisda na ito lang ang ikinabubuhay na nangingisda na nasira ang mga bangka, walang napag-aral na anak, so nag-decide po kami…May survey po kami na ‘yung karapat-dapat lang…na halos lima to sampung anak, meron, na ‘yon ang ikinabubuhay!


    “So nag-decide kami na ang isang pamilya, bibigyan namin ng isang bangka para ikabubuhay po nila.

    At ‘yung bangka ay tatagal naman ng 15 to 20 years. So ibig sabihin, ‘yung isang pamilya, puwede pang ipasa sa mga anak nila ‘yung mga bangka na ‘yan which for life nating matutulungan!


    “Ang bangka po ay nagkakahalaga, nagri-range ng 25-30 thousand (pesos)! De motor. Sabi namin, baka pag motor, gasoline, sayang! So nag-survey uli kami? Ano ba ang kailangan nila? Sabi nila, ‘yung nasa kabilang ibayo, nagsasagwan. Bago makarating sa bahay nila, ang tagal.


    “So pag may gasoline sila, sabihin nating isang daan (piso) lang naman. Pero mas mabilis makakarating ang mga isda. Mas mabilis nilang mabebenta. So doon na lang tayo sa mas mabilis ang buhay nila!


    “So ‘yun ang gagawin kong project. Parang donate na banka sa Kapuso nating nasalanta. So sa awa ng Diyos, hindi ko pa nasasabi, meron ng magdu-donate ng sampung bangka!” pahayag ni Marian sa sariling proyekto.


    Sa magdu-donate, after isang buwan ay may report silang ibibigay na may kasamang pictures bilang documentation.

  5. #1985
    Marian tuluy-tuloy ang kawanggawa

    Ni Ernie Pecho (Pang-Masa)


    Isang kakaibang project, Kapuso Adopt-A-Bangka, ang inilunsad ni Marian Rivera, kasama ang da-lawa pang taga-GMA. Magbibigay sila ng mga motorized bangka sa deserving families sa Kabisayaan upang makatulong sa kabuhayan.

    ‘‘Nakalikom na ako ng halos sampu sa ngayon at personal kong ibibigay ito sa mga pamilyang nararapat tulungan,’’ pahayag ni Marian.

    Gagawing tuluy-tuloy ang proyektong bangka dahil magagamit ito ng mga biktima sa kanilang hanapbuhay — pamamakyaw ng mga paninda, pangingisda, o pagde-deliver ng goods na ibebenta nila roon.

    Naging simple ang Christmas party for her friends in the press para makadagdag sa perang ipagpapagawa ng mga bangka. Pakiramdam namin may naiambag kami sa kapuri-puring Adopt-A-Bangka project nila Marian Rivera.

  6. #1986

  7. #1987
    Gabby, malabong maka-partner ni Marian dahil sa taas ng TF!

    Joe Barrameda


    Nakita rin namin sa Batangas si Ma*rian Rivera na fresh na fresh mula sa Asian Television Awards sa Singapore.

    Sa sobrang bait at warm ng gobernadora ng Batangas ay hindi niya mahindian ang imbitasyon nito na ma*ging isa sa mga hurado ng Voice, Songs & Rhythms, kasama ang ilang kapwa artista gaya nina Elmo Ma*galona, Tirso Cruz III, Jed Madela at Jose Mari Chan.

    Sina Maja Salvador, Roderick Paulate, Gabby Concepcion at Amy Perez ang mga hosts nu’ng gabing ‘yun.


    Hindi raw nalungkot si Marian kung hindi man niya napanalunan ang best actress trophy sa Asian Television Awards sa Singapore. Mala*king bagay na raw sa kanya na maging isa sa mga nominado mula sa iba’t ibang bansa ng Asya. At take note, siya ang youngest among them.


    Kaya sa upcoming teleser*yeng Carmela naka-focus si Marian ngayon with Alden Richards at Agot Isidro. Bukod dito ay abala rin si Marian sa paghahanap ng pondo para mabigyan ng mga bangka ang mga mangingisda na taga-Cebu na nawalan ng kabuhayan dahil sa Yolanda.


    Isa si Marian so far, ang nagpatuloy ng tradisyon na bigyan ng Christmas event ang entertainment press. Simple man ay naramdaman namin ang pagmamahal at pasasalamat ni Marian sa mga kaibigan niya sa press na through the years ay tumutulong sa kanya.


    Speaking of Carmela ay kinukuha pala nila ang serbisyo ni Gabby Concepcion, pero hindi pa sila sigurado na makukuha ito dahil sa kamahalan ng talent fee nito. Sana matuloy at maganda naman ang casting nito with Agot and Alden.

  8. #1988
    thervfriendsofficial
    RVA with Ms Marian Rivera @SarapDiva




  9. #1989
    Marlon Manaol
    I was so blessed today to share the stage with Ms. Regine Velasquez and Ms. Marian Rivera for the Christmas Episode of Sarap Diva. Thanks for the opportunity to sing a duet with The Asia's Songbird - "Bakit Ngayon Ka Lang". Thanks to our sponsors for supporting us. Salamat mga Kapuso. May God bless you all!




    jonasbermeo
    Regine & Marian Rivera with Marlon Manaol of GMA Sales singing Bakait Ngayon Ka Lang #sarapdiva #kpubbbqeatallyoucan


  10. #1990
    Marian mamimigay ng mga bangka, clueless sa kasal ni Karylle

    TAKE IT TAKE IT Ni Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon)


    Clueless si Marian Rivera sa balita na ikakasal si Karylle sa March. Siya pa ang nagtanong sa mga reporter kung ano ang meron kay Karylle nang mabanggit ang name nito sa Christmas lunch niya for the entertainment press noong Linggo.

    Nang sabihin sa kanya na ikakasal si Karylle, “I’m happy for her” ang naka-smile na sagot ni Marian.

    Si Karylle ang ex-girlfriend ni Dingdong at ikakasal na sila ng kanyang boyfriend na si Yael Yuzon.

    Wala pa sa plano ni Marian ang lumagay sa tahimik. Hindi naman sila nagmamadali ni Dingdong na sumagot naman ng “That’s good, that’s good” nang malaman niya na ikakasal na ang kanyang ex-girlfriend.

    Kinaiinggitan ang sexy body ni Marian na 90 pounds lang yata ang timbang pero malakas at magana kung kumain.

    Kami ni Marian ang magka-table sa Christmas lunch kaya na-witness ko ang pagiging ganado niya sa pagkain. Sadya yata na mabilis ang kanyang metabolism kaya hindi siya tumataba. Hindi na kailangan ni Marian na magpunta nang madalas sa gym dahil natural ang kanyang kaseksihan.

    Hindi naman nagkaroon ng chance si Marian na makarampa sa Singapore noong Dec. 5 nang dumalo siya sa Asian TV Awards.

    Dumating si Marian sa mismong araw ng awards night at kinabukasan ay bumalik na siya sa Pilipinas.

    Hindi na siya nakapag-shopping o sightseeing dahil wala pang 24 oras ang ipinamalagi niya sa Singapore.

    Walang narinig na reklamo mula kay Marian dahil nag-enjoy siya sa kanyang short trip. Malaking bagay sa kanya ang best actress nomination niya sa award-giving body na prestigious.

    At habang kumakain kami, ikinuwento ni Marian ang kanyang project, ang Kapuso Adopt-A-Banka.

    Tutulungan ni Marian ang mga nasalanta ng typhoon Yolanda sa Northern Cebu. Nakatutok daw ang atensiyon ng lahat sa Samar at Leyte pero matindi rin umano ang naranasan ng mga nakatira sa Northern Cebu na nawalan din ng source of income dahil nawasak ang kanilang mga bangka.

    Magiging maingat si Marian at ang kanyang kasama sa pamimigay ng mga bangka. May background check para sa mga makakatanggap dahil after several months, bibisitahin uli sila para matingnan kung nagamit nila sa maayos na paraan ang mga donasyon sa kanila.

    Personal na ibibigay ni Marian ang mga bangka. Pupunta siya sa Northern Cebu, kasama ang mga opisyal ng Kapuso Foundation na katulong niya sa Kapuso Adopt-A-Banka project.

  11. #1991
    Sexiest Woman Alive

    CONVERSATIONS By Ricky Lo (The Philippine Star) Updated December 8, 2013



    In a field crowded with beautiful faces and beautiful bodies, it can be a Herculean task not only to stay fit and fabulous but also, more so, to shine.

    Marian Rivera has managed to do that through the years. A few months ago, she was named Sexiest Woman by FHM magazine’s annual selection, No. 1 among one hundred, her second time to clinch the honor.

    So who says that lightning doesn’t strike twice?

    Back in 2009, Marian topped a shortlist of possible Calendar Girls of Ginebra San Miguel (GSM). She has just bagged the same honor for Year 2014, to be released in time for the 180th anniversary of the brand.

    As you can see in the pictures on this page, Marian has it all, with the word SEX oozing from every inch of her body. The pictorial was shot on location in Batangas, Boracay and Palawan by ace photographer Marc Nicdao, with stylist Liz Uy making Marian even more beautiful than she already is.

    “I feel honored and blessed to be a GSM Calendar Girl again,” said Marian. “This time, I am more confident in the pictorial. I’m also proud that all the layouts were tastefully done.”

    No objection at all from her boyfriend, Dingdong Dantes, who must be even more proud to have The Sexiest all his own.

    “I showed Dong my pictures before the final copies were chosen,” assured Marian.

    GSM vice president and marketing manager Nelson Elises said, “Marian is a big star and we want to celebrate our 180th anniversary in a big way…with a band. She exudes sensuality and the confidence of the ideal GSM Calendar Girl. We are so happy to have her onboard.”

    A Leo (Aug. 12, 1984), Marian stands 5’4”; weighs 95 lbs.; and wears XS underwear, 34B bra, small-size shirt and size-7 shoes.

    How did she get her kind of body and how does she maintain it?

    Easy does it…if you are Marian Rivera!

    How does it feel to be the GSM Calendar Girl for the second time?

    “I am very much flattered. It is prestigious to be Ginebra San Miguel’s Calendar Girl. But to be part of it for the second time, I am doubly flattered. I am a proud kalahi.”

    How did you prepare for the shoot?

    “I got so excited preparing for the GSM that I did rigorous exercise and went on a proper diet. I am a perfectionist and I want the outcome of the shoot to be flawless.”




    Any beauty regimen of your own?

    I moisturize and drink lots of liquid. I just make sure that my face is free of makeup before I hit the bed — thorough cleaning of face and I moisturize. I am also big on lip balm. My water intake is a lot: Three 1.5 liters spread out within the day.”

    What kind of diet do you have?

    “I don’t usually go on a diet. Hahahaha! I love rice. I love vegetables. I eat almost anything — in moderation! I am not pihikan.”

    Anything?


    “Yes! I am adventurous when it comes to food. There is nothing wrong in trying anything once, right? The weirdest I had was crocodile in Cambodia. Hmmm, not good. It was awful.” (Squirms as she tries to recall the taste)

    Any snacks between meals?

    “I have a weakness for chocolates. As soon as I wake up, I eat chocolates. I have a bedside stash. And then, I try to be healthy once in a while”…(Laughs)…”So I eat fruits.”

    What vitamins do you take?

    “Just vitamin C.”

    What workout do you do?

    “I used to do a combat sport, Muay Thai. And then I got hooked on Zumba. Recently, running. I’ve been joining marathons whenever my schedule permits.”

    What part of your body needs improvement?

    “I am already satisfied with my body. I am just maintaining what was given to me with the right food and workout.”

    What part of your body is your favorite?

    “My back…you know that smooth curve from my lower back. I think that’s very sexy.”

    What part of a man’s body do you notice first?

    “Shoulders!” (Squeals!) “A man with broad shoulders gives off that matipuno impression.”

    What else in a man turns you on?

    “Sense of humor. I should be able to laugh with him. Confident. He should have that cool, calm and collected air. I don’t mind at all if the guy is mayabang.”

    And what’s in a man that turns you off?

    “Major turnoff would be if he’s not hygienic. He has to be clean and should smell really good. Clean hands and clean nails are a must.”

    How’s your love life?

    (Smiles) “Our relationship gets better and happier as we go along.”

    Do you have a nightlife?

    “I’m a homebody. It’s rare that I go out. And when I do go out, it’s with friends. I am happy with just being home.”

    How much sleep do you get per night?

    “With the type of work I have, I am lucky to have two to three hours of sleep.”

    Favorite sleepwear?

    “I like being comfortable. On hot days, it’s a toss between nighties, shorts and tank tops. Now that it’s the cold part of the year, I sleep in my pajamas.”

    Do you snore?


    “No.”

    Do you talk in your sleep?

    “No.”

    Do you sleepwalk?

    “No.”

    How many pillows do you sleep with?

    “Three. One on each side. And I sleep in fetal position. I am a pillow hugger. Hahahaha!”

    Last thing that you do before you go to sleep?

    “I always end my day with a simple thank-you prayer.”

    First thing that you do as soon as you wake up?

    “I reach for my cellphone and check Instagram. I am recently crazy about it.”

    How do you unwind, cope with stress?

    “During downtime, I paint with oil. I also love to cook. My favorite dishes to prepare are Filipino and Spanish. I also watch cartoons. They are my stress-relievers.”

    Favorite city/places?

    “I have a lot. Can I just name the Top 5? Hahahaha! It’s so hard to have a favorite, eh. Madrid, Paris, Bali, Amanpulo, Bali and Tokyo (because of the food!).”

    Favorite hideaway?

    “My home is my sanctuary.”

    How long does it take you to fix yourself?

    “Very long, about two hours and then travel time. I don’t want to be rushed.”

    Are you vain like most good-looking women?

    “Yes. Hahahaha! I appreciate beauty and neatness, not only for myself but for the things around me as well. I see beauty in order…so if I am not put together, then I do not feel confident. My vanity and orderliness give me my confidence.”

    Name three men that you think have nice bodies.

    “Three?! Pwede ba one na lang? Si Dingdong.” (Breaks into a sweet smile). “Okay, make it two — Channing Tatum!”

    And three women that you think have nice bodies.

    “Just one, Beyoncé.”

    Using only body language, how would you make a guy know that you admire him?

    “I am quite the opposite. I tend to get shy so I end up ignoring the guy when I am attracted to him. And then they misinterpret it as being suplada.”

    http://www.philstar.com/entertainmen...st-woman-alive

  12. #1992

  13. #1993


    therealmarian
    6 hours ago
    Let's do this one more time, my San Miguel family!  http://instagram.com/p/hs5-DgRCGe/





    krisaquino214
    Gorgeous @therealmarian! Bravo!!!

  14. #1994
    Christmas Kapuso portraits

    December 09 2013

    This year’s Christmas Kapuso portraits are out! Wouldn’t you like these stars with your Christmas presents?



    Primetime Queen Marian Rivera


    See More: http://www.gmanetwork.com/entertainm...puso-portraits

  15. #1995
    Quote Originally Posted by snoopy47 View Post
    Marian for Ginebra!


    therealmarian
    6 hours ago
     Maraming salamat sa muli ninyong pag titiwala sa akin proud ako na maging "kalahi nyo muli"  #Ginebra #Blessed  http://instagram.com/p/hsB7T7xCHy/

    http://distilleryimage2.ak.instagram...431f43d4_8.jpg
    Ganda naman ni marian sa pic na to
    Hair, damit perfect

    Good morning nettes

  16. #1996
    Ano daw?
    January 6 na carmela tapos ni teaser wala pa
    Yan na nga ba sinasabi ko
    Ang gma walang kaplanning planning
    Ni hindi pa yata sila nagta taping
    Cramming na naman as always

  17. #1997
    Quote Originally Posted by Dulcineah View Post
    Ano daw?
    January 6 na carmela tapos ni teaser wala pa
    Yan na nga ba sinasabi ko
    Ang gma walang kaplanning planning
    Ni hindi pa yata sila nagta taping
    Cramming na naman as always

    Yun na nga Dulci eh


    Bagsak na bagsak kasi ang Primetime ng GMA ngayon kaya yan. Minamadali na naman nila isalang si Marian.


    Ang akala ko naman mga 3rd week na ng January ang pilot episode nito kasi nga magsisimula pa lang ang taping nila this week. Hay naku GMA

  18. #1998
    Fantastic, Hot and Mind-Blowing: A Sexy Christmas Show



    The holidays just got brighter as 20 of the sexiest celebrities make the runway sizzle.

    Featuring Marian Rivera, Ellen Adarna, Michelle Madrigal, Rufa Mae Quinto, Roxee B, Ornussa Cadness & more!

    December 10, 2013
    8 PM
    Newport Performing Arts Theater

    By invitation only.

    Show Schedules:
    Tuesday, December 10, 2013 - 20:00

    Venue:
    Newport Performing Arts Theater

  19. #1999
    therealmarian
    6 hours ago
    Have a wonderful day. #SpreadGoodVibes #Smile  http://instagram.com/p/huoqYCxCDU/



    --

    Galing!

  20. #2000
    Coming soon to a magazine store near you! DPP Magazine Issue 52: Conceptual Photography with none other than Marian Rivera on the front cover!

    Make-up / Hair: Ara Fernando
    Styling: Hannah Kim
    Costume Production: Badj Galias-Genato
    Props Production: Guy Singzon
    Production Design: Raffy Tesoro
    Art Directors: Joe Dy / Javey Villones / Bob Cruz
    Digital Imaging: Mooo Digital Production
    Model: Marian Rivera


Page 100 of 254 FirstFirst ... 50 90 99 100 101 110 150 200 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Advertisement

Hot Topics

SHOWBIZ:

Vice Ganda to undergo operation to remove polyps from his throat

Vice Ganda to undergo operation to remove polyps from his throat

read more
SPORTS:

El Clasico: Real Madrid brilliant in 3-1 victory over Barcelona

El Clasico: Real Madrid brilliant in 3-1 victory over Barcelona

read more
PBA:

Ginebra thrashes Kia in Lucena City, 87-55

Ginebra thrashes Kia in Lucena City, 87-55

read more
NMFtv:

Mo Twister welcomes back Guji Lorenzana, as he shares his exploits on Tinder among other things

Mo Twister welcomes back Guji Lorenzana, as he shares his exploits on Tinder among other things

read more
TV:

Join the 'I Do' discussion thread!

Join the 'I Do' discussion thread!

read more
CHIT CHAT:

Got any questions about the PBA? Ask Iron Coach!

Got any questions about the PBA? Ask Iron Coach!

read more