PEx Highlights

PHOTOS: Rain or Shine Blows Out Kia

The Rain or Shine Elasto Painters defeated Kia Sorento in a blowout, 117-88.

read more

Inflatable robot Baymax takes the spotlight!

In Disney's Big Hero 6, a plus-sized inflatable robot named Baymax makes a difference in the life of teen prodigy Hiro Hamada.

read more

PHOTOS: 'Captain Hook' Too Much for Ginebra

Mac Cardona impressed in a vintage 'Captain Hook' performance, putting up 25 points and 6 rebounds to lead NLEX over Ginebra, 97-81.

read more

PEx Halloween: Pinoy Horror Stories

Nakakita ka na ba ng aswang o multo? Nakaramdam ng masamang spirito at mga maligno? Kwento mo na dito!

read more

Top Male Celebrities

Did Joshua Garcia keep his spot as PEx's Top Male Celeb? Find out here!

read more

REVIEW: Beauty in a Bottle

Beauty in a Bottle is worth the look thanks to its witty and poignant script and terrific performances from its cast.

read more

Page 10 of 251 FirstFirst ... 9 10 11 20 60 110 ... LastLast
Results 181 to 200 of 5003
  1. #181
    Myged! Totoo palang sinapian ni Dode si Madam Suzzete!! Hahaha!! Diko kinaya ang kidnapan angle. Sarry pero

  2. #182
    Quote Originally Posted by chiqlett View Post
    Dapat palitan na lang ang title ng APRAB.

    HIGOP na lang. Nakakaloka yang write-up na yan!


    daming nega sa casts

  3. #183
    Quote Originally Posted by jammerakwaii10 View Post
    Sunod sunod na yung BI ng Fashion Pulis kay Marian ah. May mga endorsements at commercials na kasi si Marian na e-shoshoot, plus yung teleserye na gagawin soon.
    alam na, pero hater kaya talaga ni FP si Marian

  4. #184
    may kidnappan sa MHL?

  5. #185
    May kidnapan angle ang MHL? Bakit hindi ako nag-tataka?

    Yan kasi ang resulta sa extension. And btw Ms. Suzi cannot handle an extension. Just take a look yung Amaya. The first half was epic while the second half was a trainwreck, except sa final episode.

  6. #186
    hindi ako nakanood kanina sino nakidnap

  7. #187
    Quote Originally Posted by jammerakwaii10 View Post
    May kidnapan angle ang MHL? Bakit hindi ako nag-tataka?

    Yan kasi ang resulta sa extension. And btw Ms. Suzi cannot handle an extension. Just take a look yung Amaya. The first half was epic while the second half was a trainwreck, except sa final episode.
    Hindi pa naman OA yun kidnapan sa MHL compared sa ibang drama, infer.

    Pina-"kidnap" lang si Vincent ni Armando (yun tatay niya na ex-General) at pinadala sa MILITARY CAMP dahil feeling ng tatay niya, kailangan ni Vincent yun para "magamot" yung pagkabakla niya. Hindi siya kidnap na may papatayin, or hoholdap-in.

    Kidnap pa din technically pero given the premise, papatawarin ko na, dahil within naman siya sa framework ng kayang gawin ni Armando, based sa characterization niya. Feeling ko din ito yun magiging way, para mas magkakilala at magkasundo si Eric at Lally (na hindi pa nangyayari kahit ang title ng drama ay MY HUSBAND'S LOVER na nag-iimply kay Eric at kung paano siya kokonek kay Lally beyond the infidelity part).

    Feeling ko, ONCE malaman nila Elaine, Lally and Eric kung nasaan si Vincent, maipapa-release agad yang si Vincent in a safe and non-OA way, unlike sa iba na may barilan at mamamatay.

  8. #188
    Banned by Admin
    Join Date
    Jan 2013
    Location
    MBC Korea Main
    Sheena Halili refuses to comment on rumored relationship of Rocco Nacino and Lovi Poe
    By ROSE GARCIA, PEP.ph
    September 2, 2013 2:35pm


    Nilinaw ni Sheena Halili kung bakit nine weeks lang ang itatagal sa ere ng early primetime series niyang “Binoy Henyo.”

    “Nine weeks lang talaga siya. 'Yun ang sinabi sa akin. Parang mabilisan lang din ang concept nito.

    “Tinanong ako kung gusto kong maging nanay, so okay lang,” sabi ni Sheena nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng “Binoy Henyo” noong Sabado, August 31.

    So, hindi totoo 'yung balitang dahil magtatapos na ang kontrata ng child actor na si David Remo kaya hindi na maaaring i-extend ang kanilang programa?

    “Ay, hindi ko alam 'yun,” sabi ni Sheena.

    “Hindi naman siguro dahil dun, pero nine weeks lang talaga sa akin ‘tong in-offer.

    “Nine weeks... ‘Okay lang ba sa ‘yo na maging nanay for nine weeks?’

    “Okay lang naman sa akin. Pero siyempre, noong ibinalita sa akin 'yun, nagho-hope pa rin kami na mag-e-extend.”

    Bukod dito, may nakahanda na rin daw bagong show na papalit sa “Binoy Henyo” kaya mahihirapan na silang mag-extend pa.

    Positive feedback

    Pero masaya raw si Sheena sa magandang feedback at mataas na rating ng kanilang programa.

    “'Yun nga, kahit magaganda ang feedback at kahit sa taas [management] din, sinasabi nila sa akin, wala naman daw negative feedback.

    “Gusto raw nila ang story and 'yung mga nanonood din.

    “Wala pa naman… so far, wala pa naman talaga kaming… dun pa lang, happy na ako.

    “At least, 'yung slot na iiwan namin, okay ang rating, okay ang story, okay rin lahat ng artista sa cast namin.”

    Nalaman din namin mula kay Sheena na magtatapos na ang kontrata niya sa GMA-7 sa February 2014.

    May bago na ba siyang gagawing proyekto pagkatapos ng “Binoy Henyo”?

    Ayon kay Sheena, “May plans naman silang sinasabi sa akin, pero hindi ko pa alam kung ano ang next show ko. Let’s see kung ano ang nandiyan.

    “Hindi naman siguro ako pababayaan ni God. Nandiyan naman Siya.”

    Dapat ba ay bida pa rin ang role niya?

    “Ako naman kasi, ang hirap kasing i-maintain.

    “Masarap maging lead kasi palagi kang present sa taping. Palagi kang babad sa TV. Mas madali kang makilala and 'yung promotions, palagi kang kasama.

    “Ako naman, okay lang sa akin kahit anong maging role ko, basta importante sa story at maganda ang character.”

    Unwed mother

    Bilang ang karakter na ginagampanan ni Sheena sa “Binoy Henyo” ay isang unwed mother, hangga’t maaari ay ayaw raw niyang mangyari iyon sa kanya sa totoong buhay.

    Saad niya, “Siyempre ako, pinagpi-pray ko kay God na gusto kong ikasal muna ako.

    “Pangarap ko 'yung mag-[wedding] gown ako. Tapos 'yung tatay ko, hinahatid ako.

    “Pero siyempre, malaki ang respeto ko sa mga ganyang nanay [unwed mothers].

    “Kung mangyari man 'yun sa akin, kailangan kong panindigan. Hindi naman ako 'yung sarili ko lang ang iisipin ko.

    “At saka, ginawa ko 'yun, kailangan kong panindigan.

    “Kawawa naman 'yung bata. Kailangan maging responsible.”

    The right guy

    Pagdating sa usaping love life, aminado si Sheena na may mga nagpaparamdam sa kanya ngayon.

    Sabi niya, “May mga nagpapakilig naman sa akin. Pero siyempre, gina-guard ko muna 'yung heart ko. Ayoko munang ma-involve sa love life.

    “Kasi ako, for me, ang pakikipagrelasyon, hindi naman basta-basta.

    “Hindi naman kahit kanino, makikipagrelasyon ako basta lang maging masaya. Kaya ko namang maging happy.

    "At kapag nagkaroon ako ng karelasyon, totoo 'yun.

    “Pero pinagpi-pray ko kay God na sana, kapag na-meet ko ang guy na 'yun, right time, right guy, di ba?”

    Naniniwala siyang may wrong guy at the wrong time?

    Sagot ni Sheena, “Meron naman. Kaya nga hindi nag-work kasi wrong guy, wrong time.”

    Sa susunod na relasyon niya, mas gusto ba ni Sheena na sa umpisa pa lang ay kaya na siyang ipagmalaki?

    “Well, 'yung ano naman sa past ko, hindi naman sila 'yung nagtago.

    “Ako naman 'yung nagsabi na ayoko ng pinu-flaunt. Kasi, mas gusto ko ang totoo kesa sa showbiz.

    “Kung mag-love team tayo, sige, i-flaunt mo.

    “Pero sa totoong buhay naman, kahit anong itago natin, makikita naman nila 'yun. Hindi naman kailangang ipakita kung ano ang ginagawa.

    “Basta ako, ang importante, 'yung totoo.”

    Discoveries in life

    Pagkatapos ng pagkakaugnay niya kina Rainier Castillo at Rocco Nacino, ano ang mga nadiskubre ni Sheena?

    Sabi niya, “Noon naman, ang pinagpi-pray ko talaga kay God, non-showbiz. Pero madalas, napupunta nga ako sa showbiz.”

    Taga-showbiz o non-showbiz ba ang nagpaparamdam sa kanya ngayon?

    “May non-showbiz. 'Yung showbiz, hindi ko na inaano,” sagot ni Sheena.

    Nang subukan naming tanungin kay Sheena tungkol kina Rocco at Lovi Poe ay tumanggi nang sumagot ang “Binoy Henyo” star.

    “Ayokong mag-comment. Huwag na 'yun, huwag na 'yun.

    “Basta ang importante… well, itanong n’yo siya sa akin kung part pa rin siya [Rocco] ng buhay ko.

    “Pero ngayon, wala na akong karapatang mag-comment pa about them.”

    Hindi na parte ng buhay niya si Rocco?

    “Huwag nang ganun. Part ng show business!” natatawang biro niya.

    Ayon pa kay Sheena, hindi siya 'yung basta-basta pumapasok sa isang relasyon.

    “Ako, tama lang ang ginagawa ko na masyado akong guarded. Hindi buhos ang pagmamahal ko.

    “Basta gina-guard ko ang sarili ko. Ako muna.

    “So, hangga’t hindi ko pa nakikita na siyang-siya na, maganda na gina-guard mo muna ang sarili mo.

    “And marami pa namang oras na i-prove mo 'yung pagmamahal. Maraming ways.

    “Pero, tama lang ang ginagawa ko na, 'yun nga, kailangan kasama ang family. Bago ikaw, kailangan, okay rin sa family.

    “Kailangan mahal din nila ang pamilya ko. Sila naman ang makikisama sa pamilya ko.”

    Moving on

    Between Rainier and Rocco, kanino siya mas nahirapang mag-move on?

    Sabi ni Sheena, “Naku, walang comparison. Hindi ko na alam, e. Malaki ang gap.

    “Basta ako, sobrang thankful ako kasi parang plinant ng family ko, parents ko si God sa heart ko.

    “Kaya siguro kapag dumarating ako sa ganun, mabilis akong nagiging okay. Matapang ako.

    “Alam ko na kapag will naman ni God, wala akong magagawa.”

    Pero nagkausap na ba sila ulit ni Rocco?

    “Oo, nakipag-usap na ako. Tinanong niya ako kung puwede raw ba akong makipag-usap sa kanya.

    “Pero hindi ko na ikikuwento kung ano ang napag-usapan namin. Gusto kong ibigay sa kanya 'yun—kung gusto niyang ikuwento.

    “Sinabi ko naman sa kanya, wala na siyang dapat… well, ako rin naman, may kasalanan din naman ako.

    “Kung ako, humihingi ng tawad kay God, pinapatawad Niya naman ako, bakit naman ako, hindi?”

    May closure na sila ni Rocco?

    “Noong umpisa pa naman. Hindi na nga kayo nag-uusap, hindi mo pa ba naiintindihan 'yun? Naiintindihan ko na.”

    Sila ni Lovi, nagkita na?

    “Hindi pa,” sambit niya.

    Babatiin ba niya ito kung makasalubong niya?

    “Oo, siyempre, babae rin 'yun. Babae rin ako.

    “Kung ako rin ang nasa lugar niya, ayokong i-judge. Ayoko talaga,” sagot ni Sheena. —Pep.ph

    http://www.gmanetwork.com/news/story...o-and-lovi-poe

  9. #189
    Quote Originally Posted by laloka258 View Post
    Myged! Totoo palang sinapian ni Dode si Madam Suzzete!! Hahaha!! Diko kinaya ang kidnapan angle. Sarry pero

    bff lokaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa
    ang dakilang kontrabida sa launching film ko

  10. #190
    esther

    madam chiq

    ylle

    jammer

  11. #191
    Quote Originally Posted by chiqlett View Post
    Hindi pa naman OA yun kidnapan sa MHL compared sa ibang drama, infer.

    Pina-"kidnap" lang si Vincent ni Armando (yun tatay niya na ex-General) at pinadala sa MILITARY CAMP dahil feeling ng tatay niya, kailangan ni Vincent yun para "magamot" yung pagkabakla niya. Hindi siya kidnap na may papatayin, or hoholdap-in.

    Kidnap pa din technically pero given the premise, papatawarin ko na, dahil within naman siya sa framework ng kayang gawin ni Armando, based sa characterization niya. Feeling ko din ito yun magiging way, para mas magkakilala at magkasundo si Eric at Lally (na hindi pa nangyayari kahit ang title ng drama ay MY HUSBAND'S LOVER na nag-iimply kay Eric at kung paano siya kokonek kay Lally beyond the infidelity part).

    Feeling ko, ONCE malaman nila Elaine, Lally and Eric kung nasaan si Vincent, maipapa-release agad yang si Vincent in a safe and non-OA way, unlike sa iba na may barilan at mamamatay.
    I would use the word ABDUCTION na lang instead of KIDNAPPING para hindi ako maumay

  12. #192
    dahil sa extension kaya minsan kung anu-ano ang nangyayari sa kwento ng mga drama series eh...

  13. #193
    Quote Originally Posted by kereimaO View Post
    esther

    madam chiq

    ylle

    jammer
    hello ex-wife kerei
    nasa afternoon slot ka nilagay yung KEREI DIARIES, call (center) girl chronicles

  14. #194
    Quote Originally Posted by saltynutz01 View Post
    hello ex-wife kerei
    nasa afternoon slot ka nilagay yung KEREI DIARIES, call (center) girl chronicles

    heh ex wife ka dyan manager lang kita alam mo bang may offer si yestieboy na launching film ko? kausapin mo sya aura mizmo!

  15. #195
    Quote Originally Posted by <Eduard> View Post
    dahil sa extension kaya minsan kung anu-ano ang nangyayari sa kwento ng mga drama series eh...

    eduardo ang tagal na nating di nagkaabutan dito miss na kita alam mo ba yan
    charrise pempe

  16. #196
    labas muna ako at makabili ng food kumakalam ang tiyan ko!

  17. #197
    Member nessy_k@t's Avatar
    Join Date
    Jun 2004
    Location
    lungga ni Katrina!
    paapak Sa balur...






  18. #198
    Quote Originally Posted by jammerakwaii10 View Post
    Sunod sunod na yung BI ng Fashion Pulis kay Marian ah. May mga endorsements at commercials na kasi si Marian na e-shoshoot, plus yung teleserye na gagawin soon.
    Kailangan kumayod ng FP dahil hindi naman bumababa ang presyo ng bilihin.

  19. #199
    Banned by Admin
    Join Date
    Aug 2013
    Location
    I am everywhere
    wow! now there is a Wally Bayola-EB Babes Yosh sex video circulating on the Internet!

  20. #200
    last 2 weeks ng my little juan i think galema ang papalit dun.

    ano ipapalit sa BINOY HENYO?

Page 10 of 251 FirstFirst ... 9 10 11 20 60 110 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

MOVIES:

Heeeere's Johnny! What's the scariest horror movie for you? Share it here.

Heeeere's Johnny! What's the scariest horror movie for you? Share it here.

read more
CHIT CHAT:

Dito na me, where na you: Anong gusto mong nakasulat sa sarili mong epitaph?

Dito na me, where na you: Anong gusto mong nakasulat sa sarili mong epitaph?

read more
SPORTS:

San Francisco Giants win World Series over Kansas City Royals in classic 7-game series

San Francisco Giants win World Series over Kansas City Royals in classic 7-game series

read more
PBA:

'Captain Hook' Cardona puts on classic performance for NLEX in 97-81 blowout against Ginebra

'Captain Hook' Cardona puts on classic performance for NLEX in 97-81 blowout against Ginebra

read more
NMFtv:

Showbizbro is joined by JM of The Call Center Show & Tagalog-Speaking Aussie, Chris Urbano.

Showbizbro is joined by JM of The Call Center Show & Tagalog-Speaking Aussie, Chris Urbano.

read more