PEx Highlights

REVIEW: The Judge

Robert Downey Jr. takes off his iron suit and stars in this legal drama. Read our review here!

read more

PBA: Still 'Liga ng Bayan' after 40 Years

We list down ten compelling reasons, on why the PBA has remained relevant to Filipinos today since its inception in 1975.

read more

PROMO: Interstellar

Join the promo and get a chance to win advance screening tickets to Interstellar!

read more

PHOTOS: Alaska Wins Laugher vs Champs

Calvin Abueva (21 points, 11 rebounds) and the Alaska Aces made a statement on Wednesday, dominating the Purefoods Star Hotshots in a laugher, 93-73.

read more

Solo Backpackers: Get Up and Go!

Planning to escape the rigors of the metro soon? Join the Solo Backpackers thread and get insights and tips from fellow PExers about traveling alone!

read more

Big Hero 6 Pins!

New movie pin alert! Join the movie discussion thread and collect all five Big Hero 6 pins!

read more

Page 2 of 11 FirstFirst 1 2 3 ... LastLast
Results 21 to 40 of 214
  1. #21
    Quote Originally Posted by JeSuisBilly View Post
    Anong FBBF?
    Gusto ko nga si Lauren Young or Louise Delos Reyes or even Dani Barretto ang Bida sa SDTG eh....



    facebook boyfriend kung sa sdtg ay iiyak ka dun naman tatawa ka, kakapublish lang din nyan.

  2. #22
    Pierre Fauchelevent JeSuisBilly's Avatar
    Join Date
    Jun 2013
    Location
    Manila
    FBBF Baka Star Cinema yan. sDTG dapat GMA Films.

  3. #23
    http://kakulayscoop.blogspot.com/201...-anne-san.html

    Tuluyan na nga magbababu ang tambalang JuliElmo dahil sina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose ay itatambal na sa iba.



    Ayon sa lumabas na balita magtatambal sa kauna-unahang pagkakataon sina Kristoffer Martin at Julie Anne San Jose sa isang drama series.


    Tuloy na tuloy na ang pagsasamahan ng dalawang pinakasikat na kapuso teens sa kanilang henerasyon at ngayon pa lang ay excited na ang mga fans nila Kristoffer Martin at Julie Anne San Jose na mapanuod sila.

    Kung marami ang nagsasaya ay marami din ang nalungkot dahil ngayon pa lang ay hindi pa tanggap ng JuliElmo fans na paghiwalayin ang kanilang idolo.

    Siguradong mahahati ang grupo dahil meron susuporta sa tatahakin na panibagong pagsubok ng JuliElmo at meron din na umaasa na muli silang pagtambalin, abangan na lang natin sa mga susunod na araw ang balitang ito dito lang sa Kakulay Blog.

    For more*Kakulay*updates FOLLOW or LIKE**Kakulay Entertainment Blog* on**Facebook* and**Twitter*and ADVERTISE*with us email at ilovekakulay@mail.com

    Original Article from*Kakulay Entertainment Blog

  4. #24
    Story conference ng "Kahit saan ka man"



    Ginanap kanina sa GMA Annex building ang story conference para sa programang pagbibidahan nina Lucho Ayala, Kristoffer Martin at Julianne San Jose.

    May pamagat itong “Kahit saan ka man”, isang musical drama series na inyo nang mapapanuod sa September 23 sa GMA Telebabad.

    Papalitan ng naturang programa ang AnaKarenNina.

    Kasama rin sa cast ng Kahit saan ka man sina, Ms. Eula Valdez, Tessie Tomas, Yayo Aguila, Rita Avila at Ricky Davao.

    Ang naturang programa ay likha ni Ms. Suzeth Doctolero (creative Director), Head writer naman si RJ Nuevas at Directed by Gil Tejada.

  5. #25
    Julie-Elmo serye, malabo!
    *(ROSE GARCIA)

    Kailangan pa si*gurong dagdagan ng dasal ng mga*Julielmo fans para matupad o mangyari ang matagal na nilang nire-request na muling pagtatambal ng dalawa.

    May nalaman kami from a reliable source na magsisimula na raw talagang mag-taping para sa bagong teleserye si Julie Anne San Jose. Ito ang soap na sinasabing balik tambalan nila ni Elmo.


    Pero, sa nalaman namin, mukhang umpisa pa lang, hindi naman na yata sigurado na si Elmo nga ang makakatambal ni Julie Anne.

    Ang malinaw, si Kristo*ffer Martin ang makakapareha ni Julie Anne sa bago nilang soap na kung walang mababago, ang naturang soap na wala pang final title ang papalit sa magtatapos na Anna KareNina.


    Kaya namin sinabing kailangan pa siguro ng dagdag na dasal ng mga fans ng loveteam ng dala*wa ay alam namin, tala*gang gusto rin ng produksyon na makasama si Elmo sa naturang teleserye.*

    Naniniwala sila na marami talagang fans ang dalawa at hahanapin talaga ng mga ito si Elmo. And knowing how passionate Julielmo fans, for sure ‘yun.

  6. #26
    Quote Originally Posted by koreandoll View Post
    Story conference ng "Kahit saan ka man"



    Ginanap kanina sa GMA Annex building ang story conference para sa programang pagbibidahan nina Lucho Ayala, Kristoffer Martin at Julianne San Jose.

    May pamagat itong “Kahit saan ka man”, isang musical drama series na inyo nang mapapanuod sa September 23 sa GMA Telebabad.

    Papalitan ng naturang programa ang AnaKarenNina.

    Kasama rin sa cast ng Kahit saan ka man sina, Ms. Eula Valdez, Tessie Tomas, Yayo Aguila, Rita Avila at Ricky Davao.

    Ang naturang programa ay likha ni Ms. Suzeth Doctolero (creative Director), Head writer naman si RJ Nuevas at Directed by Gil Tejada.

    ahh love this andito na pala ang papa kristoffer ko dito
    'support lungs ang peg

  7. #27
    Quote Originally Posted by koreandoll View Post
    Story conference ng "Kahit saan ka man"



    Ginanap kanina sa GMA Annex building ang story conference para sa programang pagbibidahan nina Lucho Ayala, Kristoffer Martin at Julianne San Jose.

    May pamagat itong “Kahit saan ka man”, isang musical drama series na inyo nang mapapanuod sa September 23 sa GMA Telebabad.

    Papalitan ng naturang programa ang AnaKarenNina.

    Kasama rin sa cast ng Kahit saan ka man sina, Ms. Eula Valdez, Tessie Tomas, Yayo Aguila, Rita Avila at Ricky Davao.

    Ang naturang programa ay likha ni Ms. Suzeth Doctolero (creative Director), Head writer naman si RJ Nuevas at Directed by Gil Tejada.
    Wow!!! Congratz sa new show ni Julie Anne San Jose at Kristoffer Martin. I'm sure na magiging hit ito sa GMA Telebabad. Papalitan pala nito ang malapit ng matapos na ANNA KARENINA.. Magaling ding kumanta si Kristoffer Martin , napanood ko siya sa Sunday All Stars

  8. #28
    May talent ba sa pag-arte itong si Lucho Ayala?

  9. #29
    Pierre Fauchelevent JeSuisBilly's Avatar
    Join Date
    Jun 2013
    Location
    Manila
    good luck nalang kung mag hit ito. Di ako fan ni JAPS pero I mistook her for the girl in POND's commercial.

  10. #30
    Quote Originally Posted by TBEEEPatrol View Post
    May talent ba sa pag-arte itong si Lucho Ayala?
    Sya gumanap na young Michael de Mesa sa Indio. Madaling sya dun.

  11. #31
    Sybil Breezebat Exro's Avatar
    Join Date
    Aug 2011
    Location
    Black Flamingo
    So ito pala papalit sa AKN.. at musical siya hmmm, gusto ko tong bagong tandem Julie-Kris..

    >marunong bang kumanta si Lucho? and Eula is back!

  12. #32
    Julie Anne San Jose gets her big primetime break via Kahit Saan Ka Man

    by Ruben Marasigan posted on September 8, 2013


    Julie Anne San Jose on being given her first major role for a primetime teleserye: “First time ko kasing magpa-primetime. So talagang… masaya. Ang sarap ng feeling. At saka sobrang excited din po ako. Kasi after ng story con, alam ko na yung story. And… challenging din po yung role. Kasi, parang ang ginagawa ko lang lagi po dati di ba… light drama lang? E ito, may pagka-musical siya. At saka medyo drama talaga. And I’m really really excited kasi nga po, makakatrabaho ko yung ibang mga veteran actors. Like halimbawa si Ms. Eula Valdez. Maraming magagaling na artistang susuporta sa amin. Yung mga tutulong sa amin. Para magawa nang maayos yung characters namin, yung roles namin at yung mga eksena.”

    PHOTO: NOEL ORSAL

    asado na ang bagong primetime series ng GMA-7 na pagbibidahan ni Julie Ann San Jose. Ginanap nga ang story conference para rito last Saturday, September 7, sa new building ng Kapuso network compound.

    “Actually sobrang blessed ang pakiramdam ko. I’m thankful kasi first time na mabigyan ako ng opportunity na magbida sa pang-primetime,” masayang pahayag ni Julie Anne sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang TV crew na naroon.

    “First time ko kasing magpa-primetime. So talagang… masaya. Ang sarap ng feeling.

    “At saka sobrang excited din po ako. Kasi after ng story con, alam ko na yung story. And… challenging din po yung role.

    “Kasi, parang ang ginagawa ko lang lagi po dati di ba… light drama lang?

    “E ito, may pagka-musical siya. At saka medyo drama talaga.

    “And I’m really really excited kasi nga po, makakatrabaho ko yung ibang mga veteran actors. Like halimbawa si Ms. Eula Valdez.

    “Maraming magagaling na artistang susuporta sa amin. Yung mga tutulong sa amin. Para magawa nang maayos yung characters namin, yung roles namin at yung mga eksena.”

    Nasorpresa nga raw si Julie Anne nang abisuhan siya tungkol sa bagong project niyang ito sa GMA.

    “Supposed to be po kasi, nasa Dormitoryo ako,” pagtukoy niya sa isa pang bagong suspense series naman ng Kapuso network.

    “Pero ano po… I was told na hindi na raw ako kasali ro’n. And… siguro blessing in disguise na rin po iyon.

    “Na kahit natanggal ako sa Dormitoryo, dito naman po ako napunta sa Kahit Saan Ka Man. So ano po… sobrang blessed po ako.

    “Although sayang din yung Dormitoryo. Kasi maganda rin daw yung story no’n. Dahil thriller nga siya.”

    PAIRED WITH KRISTOFFER MARTIN. Sa mga sumailalim sa isinagawang screen test, si Kristoffer Martin ang napiling gumanap bilang kapareha niya. Hindi kaya mag-react negatively ang mga JuliElmo fans na tagasuporta ng loveteam nila dati ni Elmo Magalona?

    “Alam na naman po nila. I would like to believe na alam na rin nila na si Kristoffer ang makaka-partner ko.

    “Uhm… I think okay lang naman din po sa kanila. Kasi si Kris [tawag niya kay Kristoffer], wala naman po akong problema sa kanya. At saka okay naman po talaga kami.

    “And… ‘yon! Magaling po siyang actor. Sobrang versatile niya.

    “At saka… I’m really excited. Kasi first time ko siyang makakatrabaho sa isang soap. Kasi usually nagkikita lang kami sa Party Pilipinas before. Tapos sa Sunday All Stars ngayon.

    “So ano… I’m really excited talaga. At saka this is another opportunity na makatrabaho ko yung mga ibang artists dito sa GMA. Gano’n.

    “And siyempre parang… bago na rin ‘to, e. Bago na rin.

    “At saka ano, parang… mas gusto kong mag-explore pa. And mag-innovate pa. ‘Yon!” masaya niyang kuwento.

    Nauna siyang nakilala bilang magaling na singer. Dream project ba niyang masasabi itong bagong soap na kanyang pabibidahan kasi nga pinaghalong musical at drama ang tema?

    “Uhm… actually kung dream project talaga, siguro masasabi kong isa nga ito. Pero ang pinakagusto ko talaga, action!” natawang pag-amin ni Julie Anne.

    “Action kasi… para maiba lang. Ibang side ko naman.”

    NEW FAN CLUB. Hindi pa man sila nagsisimulang mag-taping ni Kristoffer para sa bagong primetime series na magkatambal sila, may nabubuo nang grupo ng fans nila.

    Pagpapatuloy pa ni Julie Anne, “Meron na. Nabasa ko sa Twitter, meron nang KrisLie [bansag sa tandem nila ni Kristoffer].

    “Dati, nasanay sila sa JuliElmo. At saka sa KrisJoyce [tawag naman sa dating Krisstofer Martin-Joyce Ching tandem].

    “A… bago itong KrisLie. Bago.”

    Wala naman daw siyang nakikitang problema kay Joyce Ching na girlfriend ni Kristoffer sa totoong buhay.

    “Okay naman talaga kami ni Joyce. Malabong magkaroon ng intriga sa aming dalawa.

    “At saka I’m here to work. And wala naman po akong balak na manira ng buhay ng ibang tao o relationship ng sinuman!” natawang diin pa ni Julie Anne.

    “Wala naman akong balak na gano’n. Basta ano po… I’m being professional and ano lang talaga… work,” pagtatapos ni Julie Anne.

  13. #33
    Kristoffer Martin thankful for being cast in new GMA-7 primetime soap, Kahit Saan Ka Man; grateful for KrisLie fan club's support

    by Ruben Marasigan posted on September 8, 2013


    Kristoffer Martin on KrisLie, the newly-formed fan club of his loveteam with Julie Anne San Jose: “Oo nga! Nagulat ako, e. Nagulat ako, ha! Meron nang KrisLie fans! Do'n sa Twitter, ha! Nung tiningnan ko, ilang oras pa lang within the day, meron na kaagad mahigit 600 followers. So nagulat ako. At the same time, natuwa ako. Kasi… kahit papa'no may mga sumusuporta na sa una pa lang.”

    PHOTO: NOEL ORSAL


    Matapos mag-story conference para sa bagong primetime series ng GMA-7 na Kahit Saan Ka Man, excited na ang leading man ni Julie Anne San Jose dito na si Kristoffer Martin para sa pagsisimula ng taping nila. Hindi nga raw niya akalaing siya pala ang bagong makaka-loveteam ng singer-actress.

    “Natutuwa ako kasi sunud-sunod ang project para sa akin, e,” masiglang bungad ni Kristoffer nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars (SAS) kaninang hapon, Linggo, September 8.

    “From Luna Blanca, tapos Pahiram Ng Sandali, and then Kakambal Ni Eliana, at ngayon nga ay itong Kahit Saan Ka Man.

    “Sobrang nararamdaman ko yung blessing ni Lord sa akin every day, every night… lagi.

    “So, sobrang nagpapasalamat talaga ako sa Kanya.

    “Nung katatapos pa lang ng Kakambal Ni Eliana, wala pa akong alam. Hindi ko pa alam kung ano ang kasunod na soap na gagawin ko.

    “Tapos parang may sinabi nung handler ko na… 'attend ka sa screen test na ‘to.'

    “So, um-attend ako ng screen test. Tapos two days after, sinabi… nakuha ko na yung role.

    “Hindi agad ako naniwala. Akala ko niloloko lang ako ng handler ko. E… confirmed nga pala talaga.

    “Hanggang ngayon, hindi pa rin nagsi-sink in sa akin yung project, e. Hanggang nag-story conference na nga kami nitong Saturday [September 7].

    “And… ang ganda ng story. Sobrang kakaiba. At bago rin sa akin. Bilang ako na bagong artista na gumawa ng ganitong klaseng soap.

    “Kasi musical, e. So… kakanta-kanta. Iba-ibang tira na naman ng arte. Excited ako para sa project na ito.”

    DRAMA MUSICAL. Unang beses pa lang siya masasabak sa isang serye na drama nga pero may halong musical. Masusubok ngayon ang talent din niya sa pagkanta. Paano siya naghahanda para rito?

    “Sa banyo, kumakanta ako. Habang naliligo!” natawang biro ni Kristoffer.

    “Uhm… hindi ko alam kung magbibigay sila ng parang workshop. Pero… kaya naman siguro ng boses ko!

    “May tiwala naman ako sa boses ko kahit papano. Kahit hindi siya gano'ng kaganda. Okay lang.

    “Pero… hindi ko pa kasi alam ang genre ng musical dito, e. Hindi ko alam kung pure musical ba o… iba-iba.

    “Feeling ko naman, iba-iba ng tipo, e. So… 'yon. Tingnan natin.”

    NEW LOVETEAM WITH JULIE ANNE. Hindi pa man sila nagsisimula na mag-taping ni Julie Anne para sa bagong soap na una nga nilang pagtatambalan, napag-uusapan na ang kanilang pagiging magka-loveteam sa Twitter.

    “May nabasa nga ako na… 'umaasa kami na JuliElmo [tawag sa naunang loveteam nina Julie Anne at Elmo Magalona].'

    “Na… 'iiiyak ko na lang ‘to dahil hindi pala JulieElmo.' Gano’n.

    “Trabaho lang naman. Siguro hindi naman ito ibibigay sa amin kung hindi dapat.

    “At saka hindi rin naman siguro talaga paghihiwalayain yung JuliElmo na loveteam.

    “Hindi naman kasi laging nakadikit doon sa loveteam, e.

    “Malay mo, sina Julie Anne at si Elmo, may mga sarili nang path ng career nila. At iyon siguro ang ipina-prioritize ng network.

    “So… sana maintindihan naman ng mga followers ng JuliElmo. At sana suportahan nila yung soap. Hindi nila ba-bash-an!” medyo natawa ulit na sabi pa ni Kristoffer.

    “But so far, wala pa naman akong bashers dahil sa pagtatambal namin ni Julie Anne. Ewan ko lang sa mga susunod na araw!” tawa na naman niya.

    “Nung nalaman ng fans na kami ni Julie Anne, may mga nababasa ako sa Twitter na… mas maganda pa raw sana kung JuliElmo.

    “Pero wala pa naman yung… 'hindi ka bagay kay Julie Anne, Kristoffer!'

    “Wala pa naman. Check ko ulit sa Twitter! Ha-ha-ha!”

    “KRISLIE.” Pero meron din naman daw fans na agad-agad ay aprub ang tambalan nila ni Julie Anne at willing na sumuporta sa kanila. May tawag na nga sa tandem nila: KrisLie.

    “Oo nga! Nagulat ako, e. Nagulat ako, ha!

    “Meron nang KrisLie fans! Do'n sa Twitter, ha! Nung tiningnan ko, ilang oras pa lang within the day, meron na kaagad mahigit 600 followers.

    “So nagulat ako. At the same time, natuwa ako. Kasi… kahit papaano may mga sumusuporta na sa una pa lang,” pasasalamat niya.

    Balitang kasama sa mga ini-screen test din para sa magiging kapareha ni Julie Anne ang dati ngang ka-loveteam nito na si Elmo Magalona.

    “Ang alam ko lang kasi na nag-screen test din, si Lucho Ayala. Siya ‘yong lumabas na rin sa Endless Love at saka sa Indio. Siya bale ang magiging ka-love triangle namin ni Julie Anne,” sabi niya.

    Hindi niya alam na nag-screen test din si Elmo?

    “Alam ko ‘yon. Natuwa nga ako kasi… gusto ko ring makasama si Elmo sa trabaho.

    “Tinawagan ko pa nga siya [Elmo] na… 'Pare, mukhang magkakasama tayo, a!'

    “Sabi naman niya… 'oo nga, e.'”

    Bakit hindi napasama sa cast si Elmo?

    “Hindi ko kasi alam ang reason, e. Dapat nga, sa pagkakaalam ko, ako yung character ni John, yung napunta kay Lucho Ayala.

    “Nagulat na nga lang ako na sa akin napunta yung role as Leandro,” na inaasahan naman daw niyang para kay Elmo.

    “So, hindi ko talaga alam yung reason o kung ano ang nangyari. At ayoko nang alamin.

    “Kasi ayoko naman ding makialam kung… ano ba ang dapat na desisyon nila,” patungkol niya sa mga taong nasa likod ng production ng soap.

    “Ako… trabaho lang nang trabaho.

    “At natutuwa ako na may fans na sumusuporta agad sa pagtatambal namin ni Julie Anne. Alam din naman siguro nila na magkaibigan naman kaming dalawa.

    “Kaya siguro yung mga fans ni Julie Anne, gustong sumuporta na rin. Kesa i-bash nila, ayawan, o siraan yung gagawin nga naming soap… susuportahan na lang nila,” dagdag pa ni Kristoffer.

    GOOD BREAKS. Tuluy-tuloy na nga yata ang pagbibigay ng magagandang break sa kanya ng GMA. Hindi kaya magkaroon ng professional jealousy ang ibang Kapuso youngstars sa kanya?

    “E… dumaan din naman ako sa stage ng paghihintay ng tamang panahon na ako naman ang mabigyan ng ganitong break.

    “At saka sa industriyang ito, pagtatrabahuhan mo talaga, e. Okay yung boom kaagad...

    “Pero maganda rin naman kung step by step din. Gaya nga ng nangyayari sa akin… dahan-dahan. At okay ako sa ganito,” pagtatapos ni Kristoffer.




    > ano kaya nangyari bat ni nakasama si elmo dito?

  14. #34
    Elmo ‘nasipa’ ni Kristoffer

    PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:


    Kumpirmadong si Kristoffer Martin ang leading man ni Julie Anne San Jose sa bagong primetime soap ng GMA Network na Kahit Saan Ka Man na dating Looking Through the Eyes of Love ang unang na-consider na title.

    Nag-storycon na para sa soap at baka this week na sisimulan ni Direk Gil Tejada ang taping dahil ito ang ipapalit sa Anna Karenina na malapit nang magtapos.

    Si Elmo Magalona ang original leading man ni Julie Anne at mukhang nakapasa ang binata sa audition. Pero hindi namin alam kung bakit pinalitan siya ni Kristoffer na tuwang-tuwa dahil after Kakambal ni Eliana, may bago siyang project.

  15. #35
    Suzette DOctoloero ang scriptwriter? IMBA

  16. #36
    Wow! Ms. Eula Valdez is back! Wala kasing nangyare sa kanya sa TV5 eh!

  17. #37
    Papalitan nito ang AnnaKareNina? E diba huling dalawang linggo na lang yun? E story conference pa lang itong Kahit Saan Ka Man. Ibig sabihin mamadaliin to? Tsktsk! Baka pumangit ha! Goodluck GMA.

  18. #38
    Quote Originally Posted by TBEEEPatrol View Post
    May talent ba sa pag-arte itong si Lucho Ayala?
    yes magaling si Lucho

  19. #39
    Yay Kristoffer!

  20. #40
    sana sa afternoon prime na lang muna ito.. tapos yung kay heart ang sa telebabad

Page 2 of 11 FirstFirst 1 2 3 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

NMFtv:

Mo Twister welcomes back Guji Lorenzana, as he shares his exploits on Tinder among other things

Mo Twister welcomes back Guji Lorenzana, as he shares his exploits on Tinder among other things

read more
SPORTS:

Army still undefeated after a thrilling five-set triumph over Cagayan, 25-22, 26-24, 26-28, 23-25, 15-13

Army still undefeated after a thrilling five-set triumph over Cagayan, 25-22, 26-24, 26-28, 23-25, 15-13

read more
TRAVEL:

Palawan named best island in the world

Palawan named best island in the world

read more
CHIT CHAT:

Got any questions about the PBA? Ask Iron Coach!

Got any questions about the PBA? Ask Iron Coach!

read more
PBA:

Meralco opens PBA campaign with 2OT win against Barako Bull, 112-108

Meralco opens PBA campaign with 2OT win against Barako Bull, 112-108

read more
TV:

apl.de.ap returns to The Voice PH Season 2!

apl.de.ap returns to The Voice PH Season 2!

read more