PEx Highlights

PHOTOS: Ateneo Wins in the Clutch Again

Kiefer Ravena made another clutch shot at the dying minutes of the game, cementing an Ateneo win over the UE Red Warriors, 78-73.

read more

PROMO: If I Stay

Join the If I Stay promo and win advance screening tickets!

read more

UAAP Basketball Power Rankings: Week 6

The power rankings are back! We talk about the top dogs, the lovable losers and Kyle Neypes' recent transformation.

read more

FEATURE: The 1986 FIBA World Championship

How would the 1986 Philippine national team have fared had it gone to Spain in the 1986 FIBA World Championship?

read more

MOVIE REVIEW: Rurouni Kenshin: Kyoto Inferno

Perfectly choreographed fight scenes and compelling execution makes "Kyoto Inferno" the perfect bridge to "Legend Ends."

read more

MOVIE REVIEW: Talk Back and You're Dead

It may not the type of movie that can explain the deeper meaning of life, but it's the movie that can melt your heart.

read more

Page 1 of 3 1 2 ... LastLast
Results 1 to 20 of 44
  1. #1
    Who draws the crowd... Jameaux's Avatar
    Join Date
    Jul 2010
    Location
    Eh di sa puso mo..

    Linggo ng Wika

    Dahil buwan ng Agosto, naisip ko ang topic na to.

    Ano ang mga activities nyo nung elementary students pa lang kayo para sa Linggo ng Wika? Samin kasi sa probinsiya, nagsusuot kami ng kamisa't tsino tapos pinapadala ng mga native Filipino foods sa school. Nagpe-perform din kami ng traditional dances at kumakanta ng mga kundiman. Eto ang isa sa mga inaabangan ko nung elementary pa ako.

    Uso pa ba ang Linggo ng Wika sa mga bata ngayon?

    At saka, nagagandahan talaga ako sa salitang Tagalog. Masarap sa pandinig pag nagra-rhyme o pa-tula ang pag-construct ng sentences. Or is it just me?

  2. #2
    OO nga no, august na. may ganyan din kami dati. may mga program din kami. nung grade 7 ako nanalo pa nga ako sa dagliang talumpati.

  3. #3
    IS ka ba mayo? Bakit may grade 7 ka?

    =======

    Yes, marami kaming pakulo noong Linggo ng Wika noong ako'y nasa elementarya at high school pa.

    Nandiyan ang paggawa ng tula kung saan nanalo ako ng first prize noong Grade VI ako. Poster making contest, slogan making contest na staple na yata ng lahat ng mga school activities.

    Noong high school kami, mayroon ding paligsahan sa pagtula at pag-awit. Mayroon ding sabayang pagbigkas na gustung-gusto ko dahil dati lahat ng year levels at sections ay magkakalaban. On equal footing kaming lahat. May pagkakataon pa nga na nananalo ang first year at second year against third and fourth year.

    Gusto ko ang wikang Filipino. Masarap sa tainga. Sa ngayon, nalulungkot ako na tamad na sa wikang Filipino ang mga tao. Bakit? Kapag di nila ang kaukulang salitang Filipino na dapat gamitin, ginagamit na lang nila ang wikang ingles at babaybayin ayon sa pagkabigkas sa wikang Filipino. Nakakalungkot. Di kami sinanay na ganito noong ako'y nag-aaral pa.

  4. #4
    a.k.a. Adrian \^o^/ istarbaks's Avatar
    Join Date
    Jul 2002
    Location
    m(_ _)m
    Lngo nang Wka na now...

  5. #5
    matagal ng pinalawak ang linggo ng wika bilang buwan ng wika (buong buwan ng agosto)

  6. #6
    Quote Originally Posted by despisePappus View Post
    IS ka ba mayo? Bakit may grade 7 ka?
    SA zobel ako nag grade school, then csa nag h.s. ayan inamin ko na. dati dineny ko pa dahil wala pa akong masyadong kilala nun.

  7. #7
    Quote Originally Posted by despisePappus View Post
    IS ka ba mayo? Bakit may grade 7 ka?

    =======

    Yes, marami kaming pakulo noong Linggo ng Wika noong ako'y nasa elementarya at high school pa.

    Nandiyan ang paggawa ng tula kung saan nanalo ako ng first prize noong Grade VI ako. Poster making contest, slogan making contest na staple na yata ng lahat ng mga school activities.

    Noong high school kami, mayroon ding paligsahan sa pagtula at pag-awit. Mayroon ding sabayang pagbigkas na gustung-gusto ko dahil dati lahat ng year levels at sections ay magkakalaban. On equal footing kaming lahat. May pagkakataon pa nga na nananalo ang first year at second year against third and fourth year.

    Gusto ko ang wikang Filipino. Masarap sa tainga. Sa ngayon, nalulungkot ako na tamad na sa wikang Filipino ang mga tao. Bakit? Kapag di nila ang kaukulang salitang Filipino na dapat gamitin, ginagamit na lang nila ang wikang ingles at babaybayin ayon sa pagkabigkas sa wikang Filipino. Nakakalungkot. Di kami sinanay na ganito noong ako'y nag-aaral pa.
    tama tama!

    naalala ko, grade 3 ata ako o grade 4 may ginawa kaming skit nun para sa linggo ng wika. yung role ko eh balikbayang di na marunong magtagalog. nagkaron ako ng 1 week of fame dahil sa acting ko dun.

    nung highschool naman, ang walang kamatayng paggawa ng play para sa noli at el fili. kuntodo costume. buti nalang maraming baro't saya at terno ang lola ko na hindi ko na kelangang bumili o magrent pa.

    nakakamiss.

  8. #8
    Naala ko, bawal magsalita ng Ingles sa araw na iyon. Piso ang multa bawat isang salita. Kaya, wala munang konyo na hihirit ng "Why is it needed to be Tagalog? Nakaka-badtrip naman oh!" Dahil kapag kinurot ko kayo sa singit, malamang "Aray" ang sasabihin niyo sa halip na "Ouch".

  9. #9
    Non-Member
    Join Date
    Sep 2002
    Location
    dapat happy :D
    Quote Originally Posted by namazucon View Post
    Naala ko, bawal magsalita ng Ingles sa araw na iyon. Piso ang multa bawat isang salita. Kaya, wala munang konyo na hihirit ng "Why is it needed to be Tagalog? Nakaka-badtrip naman oh!" Dahil kapag kinurot ko kayo sa singit, malamang "Aray" ang sasabihin niyo sa halip na "Ouch".

    hirap na hirap ako pag ganyan, kasi may mga salita talaga na iisipin mo pa ang tagalog, na super lalim, haha.

    pero nakakatawa din, isa yan sa mga nakakatuwang balikan, ang mga kalokohan sa pagsasalita ng purong tagalog.

  10. #10
    Banned by Admin
    Join Date
    Jan 2013
    Location
    MBC Korea Main
    Poll lawyer files motion written in Filipino for Buwan ng Wika
    By MARK D. MERUEÑAS,GMA News
    August 5, 2013 2:10pm

    To celebrate Buwan ng Wika this August, election lawyer Romulo Macalintal on Monday filed a poll-related motion with the Supreme Court written purely in Filipino.

    "Ang paggamit ng sariling wika ay bilang pagpupugay at pagkilala sa ating sariling wika ngayong ating ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika," Macalintal said in explaining the use of Filipino in his motion.

    Asked by GMA News Online if his motion was a first of its kind, Macalintal said: "Sa pagkakaalam ko ito lang ang una na fully written in Tagalog."

    Asked the same question, SC Public Information Office chief and spokesman Theodore Te said former SC Associate Justice Flerida Ruth Pineda-Romero, who served as a magistrate from 1991 to 1999, had once written a decision purely in Filipino.

    In a separate statement, this time written in English, Macalintal said by filing a motion written fully in Filipino, “I hope that I could be an instrument to promote and encourage the use of our own language as a medium of communication not only in the various courts in our country but in all government institutions and agencies."

    He also noted that President Benigno Aquino III's speeches are mostly in Filipino.

    "If I can do it before the court and if President Aquino, himself, always addresses the public in Filipino, then there is no reason why the use of our Filipino language cannot be fully propagated," Macalintal said.

    Buwan ng Wika runs from August 1 to August 30 under the theme "Wika Natin ay Daang Matuwid."

    In his five-page motion, Macalintal asked the high court to resolve a May 2012 petition seeking to nullify a Commission on Elections ruling disqualifying Von Rommel Yalong as barangay chairman of N. Amoranto village in Quezon City.

    Yalong had a five-vote lead over his closest rival in the 2010 local polls, but he eventually lost his lead after the Comelec invalidated 50 ballots.

    Macalintal insisted the case should already be decided upon so it would not be rendered "moot and academic" once new barangay elections take place on October 28.

    "Kung hindi kaagad malulutas ang kasong ito ay baka lipasan na lamang ito ng panahon at mawalang saysay ang mahahalagang isyo (issues) o kadahilanan kung bakit isinampa namin ang petisyong ito," the motion read.

    Lawyers and judges do not commonly use Filipino inside the court room because legal terms are in English or Latin. Law schools also do not offer subjects that discuss legal terms in Filipino.

    In 2009, then-Chief Justice Reynato Puno ordered the use of Filipino in selected courts, like in Bulacan, based on a proposal of retired Court of Appeals Justice Jose de la Rama, the head of the SC committee on linguistics commission at the time.

    In his proposal, De la Pena said prosecutors and judges may converse in Filipino when they examine or cross-examine witnesses. — KBK, GMA News

    http://www.gmanetwork.com/news/story...-buwan-ng-wika

  11. #11
    "Kung hindi kaagad malulutas ang kasong ito ay baka lipasan na lamang ito ng panahon at mawalang saysay ang mahahalagang isyo (issues) o kadahilanan kung bakit isinampa namin ang petisyong ito," the motion read.

    paksa o usapin

    Mahabaging diyos. Isyo! Isyo?

    Malimit mo ring marinig ang mga tagapagbalita sa telebisyon na gumamit ng katagang "kaganapan" sa halip na "pangyayari".

  12. #12
    Non-Member
    Join Date
    Sep 2002
    Location
    dapat happy :D
    Quote Originally Posted by marcus_hunt View Post
    "Kung hindi kaagad malulutas ang kasong ito ay baka lipasan na lamang ito ng panahon at mawalang saysay ang mahahalagang isyo (issues) o kadahilanan kung bakit isinampa namin ang petisyong ito," the motion read.

    paksa o usapin

    Mahabaging diyos. Isyo! Isyo?

    Malimit mo ring marinig ang mga tagapagbalita sa telebisyon na gumamit ng katagang "kaganapan" sa halip na "pangyayari".
    naaliw ako , wrong thread ka Marcus hahahaha

  13. #13
    Ipagpaumanhin mo, marikit na binibini. Ngunit naniniwala akong ako ay nasa tamang sinulid.

    Napuna ko lamang na mas angkop na gamitin ang salitang paksa o usapin sa halip na isyo. Nagmamalaki na rin lang sa paggamit ng sariling wika ang abogadong pinag-uusapan.

  14. #14
    Non-Member
    Join Date
    Sep 2002
    Location
    dapat happy :D
    ako pala ang lost hahaha, sorry Marcus ha, akala ko kasi post mo dapat yan sa pet peeves sa news sa Tv thread

  15. #15
    Naghahanap ako ng materials paano maturuan ng Tagalog ang anak kong Bisaya. Baka bumagsak kami eh may Filipino, Mother Tongue at Araling Panlipunan pa naman. Grade 2 pa naman at ang Mother Tongue niya last year ay Cebuano.

  16. #16
    Quote Originally Posted by Jameaux View Post
    Dahil buwan ng Agosto, naisip ko ang topic na to.

    Ano ang mga activities nyo nung elementary students pa lang kayo para sa Linggo ng Wika?
    Uso pa ba ang Linggo ng Wika sa mga bata ngayon?
    Elementary days -- malimit ang slogan making contest and essay writing contest. Then meron mass demo na cultural dance. Talagang nakabilad sa init ng araw para lang mag practice

    High School and College days -- busy sa pag organize ng program. Pero andun pa rin yung essay writing then sabayang pagbigkas and talumpati contests. Syempre di pa rin mawawala ang cultural dance performances.

  17. #17
    Who draws the crowd... Jameaux's Avatar
    Join Date
    Jul 2010
    Location
    Eh di sa puso mo..
    Quote Originally Posted by lovezoe View Post

    Thanks for reminding me. Naalala ko tuloy lagi pala ako sumasali sa poster-making contests dati. Pero lagi din akong talo kasi nanghihiram lang ako ng pangkulay sa kalaban ko kasi ang labnaw ng effect ng Crayola na gamit ko eh yung mga kalaban ko gumagamit na ng Oil Pastels. So ang ending hindi ako nakakatapos sa time limit kasi minsan hihintayin ko pa na matapos gamitin ng kalaban ang Oil Pastels niya.

  18. #18

    May talent ka rin pala sa pag drawing
    Since wala akong talent dyan, sa slogan making contest lang ako sumasali. Ginagandahan ko pa yung pag print pero di rin ako nanalo ever...

  19. #19
    Quote Originally Posted by istarbaks View Post
    Lngo nang Wka na now...
    rofl on this. nangaasar ka istar ha. pero natawa ko.

    onT:

    ok lang, hello, Rosetta Stone nga may Tagalog-Filipino, one of the most in demand daw. hindi sa pinuput down ko ang wika natin, pero inisip ko nung una, sino mag aaral ng Tagalog?

    I mean we use English naman. Point is, other races nga are trying to learn our language. so yes for me, we should still honor the Linggo ng Wika, saka puro programs kaya yan, break sa regular school chores.

  20. #20
    Who draws the crowd... Jameaux's Avatar
    Join Date
    Jul 2010
    Location
    Eh di sa puso mo..
    Quote Originally Posted by lovezoe View Post
    May talent ka rin pala sa pag drawing
    Since wala akong talent dyan, sa slogan making contest lang ako sumasali. Ginagandahan ko pa yung pag print pero di rin ako nanalo ever...
    Uu magaling ako mag-drawing!

    Minsan poster and slogan din ang meron. May times na natatalo ng mediocre illustration ang magandang poster kapag maganda ang slogan niya. Yung natutunan kong trick sa slogan eh dapat nag-ra-rhyme. "Wikang pambansa, ang gamit kong salita".

Page 1 of 3 1 2 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

CHIT CHAT:

May gusto ka bang sabihin kay EX na hindi mo masabi sa personal?

May gusto ka bang sabihin kay EX na hindi mo masabi sa personal?

read more
GILAS:

Paul Lee, Jayson Castro listed as 'day-to-day' with minor injuries

Paul Lee, Jayson Castro listed as 'day-to-day' with minor injuries

read more
SPORTS:

Army, Cagayan move closer to V-League finals with wins over Air Force and PLDT

Army, Cagayan move closer to V-League finals with wins over Air Force and PLDT

read more
UAAP:

Chris Newsome, Kiefer Ravena lift Ateneo over UE, 78-73

Chris Newsome, Kiefer Ravena lift Ateneo over UE, 78-73

read more
SHOWBIZ:

Atom Araullo open to showbiz-related projects

Atom Araullo open to showbiz-related projects

read more
PBB:

Korina Sanchez to enter the Big Brother house as a guest

Korina Sanchez to enter the Big Brother house as a guest

read more