PEx Highlights

FIBA FEATURE: Do We Stand a Chance?

Do we really have a shot to make it through? JPM weighs in on the the odds of Gilas Pilipinas in the FIBA World Cup.

read more

PHOTOS: UE Keep Final Four Dream Alive

Despite not fielding in Roi Sumang, the UE Red Warriors managed to get a 64-55 win over the NU Bulldogs.

read more

Follow @pinoyexchange on Twitter!

Catch our latest updates on Twitter! Follow us, @pinoyexchange

read more

PHOTOS: Daquis Bags V-League MVP Plum

Wonder who won the other awards? Check out the Shakey's V-League Awarding gallery here!

read more

UAAP Basketball Power Rankings: Week 7

With wins over UST and DLSU, the past week in UAAP can be summed up in three letters: FEU. Check out this week's power rankings here!

read more

MOVIE REVIEW: The Giver

Very promising, but tries too hard to fit in the mold of the Hunger Games/Divergent series.

read more

Page 1 of 2 1 2 LastLast
Results 1 to 20 of 23
  1. #1

    Sa pagpili ng bahay - Sunog o Magnanakaw?

    Kung pipili ka ng bahay, ano ang mas gusto mo? Walang masyadong lock, double-lock, grills o harang ang gate, pintuan, bintana?

    Napaisip ako nito nung may nangyari sa lugar namin nung huling linggo.

    Nabalitaan namin na ang kalapit bahay namin ay nanakawan. May umaaligd-aligid palang magnanakaw. Nakatiyempo at nanakawan sila sa bahay.

    Mga ilang araw ang lumipas, nagkasunog naman doon sa katapat naming bahay. Nangyari ito nang 1am. Marami nang tulog. Ako naliligo pa lang. Nakakatawa dahil akala ko (namin) na may nag-aaway lang naman sa kapitbahay kasi panay ang kalabugan at sigawan. Nang pinakinggan naming mabuti, nagkakagulo pala dahil may sunog na. Yung kalabugan dahil pala pilit na ginigising ng lalaki yung mga kasambahay nila para bumangon. To make the story short, naapula naman agad ang apoy dahil sa bayanihan at naagapan yung sunog habang maliit pa.

    Nung may nanakawan, napaisip ako na mabuti na lang at may gate, locked yung pinto namin, at may harang ang mga bintana.

    Nung nagkasunog, nanlumo ako. I ran simulations in my mind. Kapag nagkasunog, ilang minuto ang gugulin para gisingin ang kasambahay, ilang minuto para hanapin ang susi ng pinto at ng gate, ilang minuto para makalabas kaming lahat. At kung may sunog sa ibaba ng bahay namin, di kami makakalabas sa 2nd floor dahil may harang ang mga bintana namin.

    Nakakatakot.

    Kayo, ano ang mas pipiliin ninyong disenyo ng bahay? Yung anti-magnanakaw na sarado lahat? O yung may kaunting puwang para makalabas sa oras ng emergency?

    Kung may maganda kayong disenyo ng bahay, paki-share na lang. Yung abot-kaya ah.

  2. #2
    Cheap Executive Orderly djaynitor's Avatar
    Join Date
    Oct 2011
    Location
    High in the sky
    Hindi kailangang pagpilian ang sunog o magnanakaw:

    • Magkabit ng smoke detector upang maiwasan ang sunog; at,
    • Magkabit ng surveillance camera at/o burglar alarm upang maiwasan ang magnanakaw.

    --sent from my Samsung Galaxy S4

  3. #3
    tsk tska tama! pwede namang both eh!

  4. #4
    Location! location, location!..yan ang una mong pagbabasehan..kasi kung pagnanakawan ka talaga! wala kang magagawa kahit anupa ang ilagay mo sa bahay mong mga grill at rehas...isipin na lang ninyo na ninakawan ang isang bangko at bahay sanglaan at gumawa ng underground tunnel..presto! simot ang pera at mga alahas...

    Dito sa Tate ang una nilang tinitignan ay yung mga bahay na may rehas at umiikot-ikot sila ng isang milya na radius para makita nila ang neighborhood...kasi kapag may mga rehas dito sa Tate , hindi magandang neighborhood yun dahil kaya nga may rehas dahil maraming nakawan..sa pinas iba katakot-takot na matataas na pader at mga basag na bote sa ibabaw..tignan na lang ninyo ang nangyari sa anak ni De venecia? ang ganda ng lokasyon ng bahay at tirahan?

    Nagpalagay pa ren ng rehas at grill sa bahay..? tsk!tsk!Tsk! ano ang nangyari?

  5. #5
    Yung kapitbahay naming duktor, nanakawan.

    Sarado naman daw ang lahat ng pintuan nung iniwan ng pamilya ang bahay nila.

    Anyare ?

    Dumaan yung magnanakaw sa aircon... hehehe ...aircon hehehe

    Binuhat nila yung 1hp na aircon at inalis sa casing niya. Kasya ang katawan duon sa butas ng casing. Sisiw.

    Ang dapat daw, may cage at may kandado ang aircon sa labas. Kung bago ang bahay at magpapalagay ka ng aircon, dapat din sa taas mo ilagay ito at di sa ibaba. Maganda rin ang split type kung may budget ka.




    Sa aircon.... ehehehe... ...aaahhhh...

  6. #6
    para magkaroon tayo ng peace of mind:

    ANTI MAGNANAKAW

    1. Huwag maglagay ng maraming cash sa loob ng bahay.
    2. I safety deposit bank ang mga alahas at importanteng Papeles
    3. Maglagay ng maraming grills sa loob ng bahay.
    4. Huwag magdala ng mahirap na kuning ID tulad ng SSS, Pag-ibig kung wala naman importanteng pupuntahan. Magdala lang ng photocopy ng mga nasabing iD at iyon ang ilagay sa wallet. School ID or Company ID lang ang original na dalhin. Ma hold up man o madukutan, hindi tangay ang mga original at mahirap kunin na ID.
    5. Ibukod ang lalagayan ng credit cards at mga importanteng ID's para hindi ito kasama sa wallet kung sakaling mawala ang mga ito.

    ANTI SUNOG

    4. Ipa insure ang bahay para kung masunog man, hindi tayo magsisimula sa wala.
    5. Huwag maglagay ng mahahalagang bagay tulad ng original copy ng titulo ng lupa, alahas at mga mahirap kunin na papeles tulad ng diploma, insurance policy.
    6. Mag retain lang ng photocopy ng mga importanteng documents para may reference. Kung masunog man o manakaw, photocopy lang ang mga iyon.

  7. #7
    Nothing to be thankful for? KYasurin's Avatar
    Join Date
    Nov 2013
    Location
    Check Your Pulse
    Ang pipiliin dapat eh safety mula sa dalawa.

    Kasi kung manakawan o masunugan ka, pwedeng buhay ang maging kapalit.

    payo ko for anti-sunog safety:

    1. Kung maglalagay ka ng grills sa bahay dapat may fire exit, at yung susi ng fire exit lock eh naka sabit dapat sa likod ng pintuan ng bedrooms.

    2. Dapat yung gate mo, yung daanang tao, ang lock na lang dun eh yung swivel snap na hindi na kailangan ng key para mabuksan, yun lang dapat ang design ng gate ninyo eh hindi naaabot ng kamay yung pinaglalagyan ng lock mula sa labas.

    3. Mag invest sa mga locks, (halimbawa sa fire exit locks o kaya sa main door), eh may master key, na kaya niyang buksan ang lahat, yun dapat eh palaging nasa accessible ka, kung magkasunog man.

    4. Dapat may fire extinguisher kayo.

    5. Mag install ng smoke detector alarm.

    6. Maglista ng emergency numbers, isabit sa wall ng bawat rooms, para mataranta man, alam mo kung ano ang titignan upang humingi ng tulong.

    7. Mag check palagi ng LPG, kalan, mga bukas na ilaw o appliances/kandila, bago matulog.



    anti magnanakaw safety:

    1. CCTV- may mga magnanakaw na makakapal ang face kaya nilang magnakaw kahit may CCTV ka pa, so kung wala rin lang nagbabantay sa CCTV mo, magiging crime recorder at player na lang siya.

    2. Ugaliin na mag check ng mga pinto, gate, at bintana bago matulog.

    3. Mag alaga ng guard dogs para i alerto ka kung may nakapasok sa bakuran ninyo.

    4. Turuan ang mga kasambahay, na huwag magpapapasok o magbubukas ng pinto kung hindi kilala ang nasa kabilang side. Pwede kayong mag install ng Doorbell na may camera para dito.

    5. Maging alerto palagi kung may nagmamasid sa bahay ninyo, be attentive sa nakapaligid sa inyo.

  8. #8
    Share ko lang yung sa akin.

    Sa magnanakaw:
    Yung bahay na binili ko, pinag isipan ko talaga yun. It is in a gated subdivision na may guwardiya na 24 hours na nagbabantay at nagroronda.

    Bawal pumasok ang hindi residente, meaning bawal ang mga vendors o magbobote lol. Hindi din allowed ang basta basta pumpasok na sasakyan, kelangan may sticker. Yung mga delivery trucks, kelangan ng special permit sa developer bago makapasok. Pag may bisita, tinatawagan or susunduin sa gate.

    Mixed yung market ng subdivision. May house na tig 8M, 6M, 5M, 2,5M price. I bought the cheapest one but I still considered expensive considering its size. Ang rason ko, incase na may makalusot na magnanakaw, I'm sure mas target nila yung mga residente na malalaki ang bahay for obvious reason na mayayaman sila at mas marami silang mananakaw. May mga houses na same cut size pero mas mura pero ang ayaw ko sa mga community na concentrated sa mga mid to low class market, madalas nandun mismo ang mga magnanakaw.

    I am planning to put CCTV camera sa loob at labas ng bahay.

    I am using a split type air-con para iwas butas sa magnanakaw.

    All my main doors are equipped with triple lock system.

    Sa sunog naman:

    I use inductive stove, though meron akong LPG stove for emergency purpose lang.

    May fire extinguisher din ako sa bahay.

    May grills ako sa glass windows at saisang glass door pero meron din akong exit door for emergency na walang grills.

    My balcony is wide open for fire exit din, i just need to provide a foldable stairs.

    Pwedeng both talaga, but you have to pay the price. Mahirap din pagsisihan sa huli.

  9. #9
    Your Personal Jesus F-A Soldier's Avatar
    Join Date
    Apr 2005
    Location
    Schleep Mode
    ^I'm assuming merong smoke detectors right?

    Parang skip ata,

    Right?

  10. #10
    Basta , chambahan na LANg ang mabuhay sa Mundo ngayon.. Ang mahalaga , buhay pa araw araw .

  11. #11
    KulasisiNiHit-Ler NeoDyn's Avatar
    Join Date
    Apr 2009
    Location
    Monaco-di-Baviera
    Si nanay sigurista din,kahit may rehas bahay nya,may organic alarm pa like her 5 dogs,3 pusa at 4 na gansa.
    Kapag may ibang tao sa tapat ng gate,tahulan agad ang mga aso at ang gansa sobra ingay,kaya kahit yung mga pamangkin kong nasa likod ng bahay ni nanay nakatira,alam na kaagad.

    Sa gabi,hindi natutulog ang mga pusa at kapag may tao,yung pusa nagtatakbuhan at magigising mga aso at ganun din mga gansa.

    Maraming cactus na tanim si nanay na nasa paso at nakatabi mismo sa loob na pader na bakod at kung may umakyat man sa bakod ang babagsakan ay cactus,sakit kaya nun..

    Yung mga aso nya ay di pinapakain ng pagkaing tira para kung hagisan man ng pain,iisnabin for sure,hindi nila kilala yung foodies.

    Pero may mga signal alarm lights akong pinakabit,para sa gabi na kapag 200 meters pa lang ang layo ng tao sa bahay ni nanay,bumubukas automatic ang ilaw na sobra liwanag...may mga fire alarm din sa loob ng bahay.

    Kahit 24 hours ang guard,ingat pa rin..dahil simula ng magkaroon ng friendly stickers yung mga sasakyang gustong magshort cut tru subd.main street,nawalan na ng security feelings ang mga homeowners.

  12. #12
    Quote Originally Posted by F-A Soldier View Post
    ^I'm assuming merong smoke detectors right?

    Parang skip ata,

    Right?
    Wala, maliit lang yung house, amoy agad pag may smoke!

    Speaking, may mga magnanakaw na hi-tech na ngayon, they use certain chemical/gas na pag ni-spray nila, pwedeng makatulog o ikamatay ng house owner. And meron ding detector for this kind of gas.

  13. #13
    Your Personal Jesus F-A Soldier's Avatar
    Join Date
    Apr 2005
    Location
    Schleep Mode
    You'd be surprised. A lot of many fire fatalities are from small houses. The last 'almost' fatality I've dealt with, came from a small 3 bedroom house, adults were not drunk, but the family almost burned (they were unconscious from inhalation, and the person that called 911 was 6 year old boy).

    There's a lot of houses here that burned up fast. Sometimes you'll be too asleep to smell it (or too late). They're cheap too (around 6-20 dollars? 9v batts are what 10 for a 4 pack, which should last you more than 5+ years LOL).

    Smoke detectors should be standard anywhere,

    IMHO

  14. #14
    Nothing to be thankful for? KYasurin's Avatar
    Join Date
    Nov 2013
    Location
    Check Your Pulse
    kung malaki ang bahay, kada sulok ba ang lagay ng smoke detector?

  15. #15
    Cheap Executive Orderly djaynitor's Avatar
    Join Date
    Oct 2011
    Location
    High in the sky
    Huwag umasa sa amoy ng usok! Ang taong tulog hindi mamamalayan ang usok! Magkabit ng SMOKE DETECTORS na MAG-IINGAY KAPAG MAY USOK! Dito sa barrio namin MANDATORY na MAY SMOKE DETECTOR ALARM ang lahat ng mga bahay na tinatayo!

    COMMON SENSE LANG PO 'PAG MAY TIME....

    --sent from my Samsung Galaxy S4

  16. #16
    May point ka tatang!

    Sige smoke detector...bilhin na yan!!

  17. #17
    Your Personal Jesus F-A Soldier's Avatar
    Join Date
    Apr 2005
    Location
    Schleep Mode
    Quote Originally Posted by KYasurin View Post
    kung malaki ang bahay, kada sulok ba ang lagay ng smoke detector?
    Not a pro, just read it on Wikipedia, quoting US standards: one per floor, and one in each hallway and corridor, one in each bedroom.

    I'm assuming that's just for US residential size standard,

    Not a Fire Marshall

  18. #18
    Nothing to be thankful for? KYasurin's Avatar
    Join Date
    Nov 2013
    Location
    Check Your Pulse
    @F-A Soldier, thank you brad.

  19. #19
    may suggestion ako na automatic fire extinguisher. automatic syang nagdidischarge if the temp. reaches 57degree. safe on sensitive electronic appliances pa. so parang alternative sa smoke alarm kung ayaw nyo ng maingay.

  20. #20
    i choose robbery.

    makukuha lang naman are small items that are easily replaceable.

Page 1 of 2 1 2 LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

SHOWBIZ:

Veteran actor Mark Gil passes away at 52

Veteran actor Mark Gil passes away at 52

read more
MUSIC:

Eraserheads to release two new songs

Eraserheads to release two new songs

read more
SPORTS:

Philippine Army crowned V-League Open Conference champions

Philippine Army crowned V-League Open Conference champions

read more
UAAP:

Red Warriors keep Final Four dream alive with 64-55 win over Bulldogs

Red Warriors keep Final Four dream alive with 64-55 win over Bulldogs

read more
GILAS:

Gilas falls to 0-2 after 82-70 loss to Greece

Gilas falls to 0-2 after 82-70 loss to Greece

read more
CHIT CHAT:

Anong masasabi mo sa Anti-Selfie Bill?

Anong masasabi mo sa Anti-Selfie Bill?

read more