PEx Highlights

REVIEW: Beauty in a Bottle

Beauty in a Bottle is worth the look thanks to its witty and poignant script and terrific performances from its cast.

read more

PHOTOS: Aces Demolish Bolts

Alaska went on a demolition job against Meralco, defeating the Bolts by an embarrassing 41-point deficit, 105-64.

read more

PEx Halloween: Pinoy Horror Stories

Nakakita ka na ba ng aswang o multo? Nakaramdam ng masamang spirito at mga maligno? Kwento mo na dito!

read more

Inflatable robot Baymax takes the spotlight!

In Disney's Big Hero 6, a plus-sized inflatable robot named Baymax makes a difference in the life of teen prodigy Hiro Hamada.

read more

FEATURE: Expectations for Gilas 3.0

With Chot Reyes out of the picture and the Gilas program 'under review', JPM ponders on the possibilities that may happen in the new Gilas.

read more

PHOTOS: Purefoods Back to Winning Ways

Mark Barroca starred in a furious 2nd half comeback win against the GlobalPort, scoring 25 points for Purefoods.

read more

Page 205 of 249 FirstFirst ... 105 155 195 204 205 206 215 ... LastLast
Results 4,081 to 4,100 of 4971
  1. #4081
    ^
    I think Dennis or Dingdong deserve the title of GMA's Primetime King. Kahit sikat na ang MHL, marami paring hindi nakakakilala kay Tom. He needs many more projects para maging deserving sa title.

    Sorry off topic.

  2. #4082
    ano ba ang batayan ng pagiging primetime king and queen! in as much as gusto nating maging ganun sina carla at dennis/tom.......

    iyong soap na annakarenina at mundo moy akin ang top 2 soaps so iyong mga bida sa mas top rated na soap ang mas deserving noon eh!

    ganun naman lagi de ba?

    so kung number 1 soap ang mundo moy akin ang primetime king and queen ay sina alden at louise!

  3. #4083
    Quote Originally Posted by shimmer23 View Post

    Hindi ko rin alam ang basis ng pagiging Primetime King & Queen. Siguro depende sa dami ng primetime shows na nag top sa rating katulad ng mga shows dati nina marian, dingdong, dennis and richard. Kaya pwedeng sabihin natin na sila ang Primetime Kings & Queen ng GMA. hehe

    Sana talaga pumalo ng 40% plus ang rating ng MHL.

  4. #4084
    Quote Originally Posted by shimmer23 View Post
    ano ba ang batayan ng pagiging primetime king and queen! in as much as gusto nating maging ganun sina carla at dennis/tom.......

    iyong soap na annakarenina at mundo moy akin ang top 2 soaps so iyong mga bida sa mas top rated na soap ang mas deserving noon eh!

    ganun naman lagi de ba?

    so kung number 1 soap ang mundo moy akin ang primetime king and queen ay sina alden at louise!
    no offense meant sa MMA parang hindi nararamdaman ang pagiging toprater nya.maging sa mga social media.unlike MHL talaga,ramdam na ramdam mo,pinag-uusapan talaga sa lahat ng outlets,mdeia,social networking,sa school,sa mga tsismisan,even yung mga nasa kalabang networks,ito ang pinag-uusapan,

  5. #4085
    Quote Originally Posted by maybelle_d View Post

    This ramdam argument I have seen since 2004 pa ng nalampasan at nilampaso ng GMA7 ang ABS starting with Darna. Nariyan ang dating sinasabing wala man lang posts sa TV threads ng ibat-ibang palabas. Ngayon naman gamit ang social networks. You know its a BS argumnt kasi nanonood ang mga tao para sa matuwa at hindi mag-post sa kung ano anong socila media outlets. Na kung titingnan mo ang total ng gumagamit, walang wala sa milyong milyong taong nanonood ng isang palabas. Kung ano ang pinaka-mataas siyang numero uno dahil iyong ang pinapanood ng mas nakakarami.

  6. #4086

  7. #4087
    basta ako naniniwalang ang talagang pinapanood ng tao ngayon MHL at PBCWMH,kasi yan talaga ang pinag-uusapan,pati sa mga jokes at examples sa misa at mga kwentuhan at tambayan,MHL at PBCWMH ang peg.

    yung sinasabi nilang no.1, sorry talagang di ko maramdaman.

  8. #4088

    Kapamilya fan ako...pero nanonood rin ako gma shows kung worth my time and intelligent yung kwento...im not saying lahat nang teleserye nang abs ay maganda...yung buksan ang puso, kung mawawala ka lang pinaanood ko...pero di ko rin pinapalagpas ang mhl....mas pinaguusapan ang bcwmh at mhl dahil walang kontrabida sa kwento or kahit bida...all the characters have their own issues or conficts at di talaga predictable kung ano mangyayari next or no one has any idea what would happen sa ending...kaya di naman kailangan maging die hard kapamilya, kapuso, or kapatid para maappreciate mo yung isang pinagisipan at kabuluhan na kwento nang kahit anong tv network....

  9. #4089
    Re: Primetime Queens & Kings
    Actually dapat tanggalin na yang titles na yan kung pagmumulan lang ng intriga. Mas maganda na mas maraming magagaling na artista at matitinong projects ang network, mas maganda.
    Si RGutz, matagal na dapat umalis yan.

  10. #4090
    susme, watching MMA right now and can't help but wonder why this is a top rater when sobrang formulaic and OA ang pagka-melodramatic ng soap. ang OA ni louise de los reyes as marilyn kanina screaming her lungs out inside the car. sa sobrang ingay and hysterical nya lalong mababangga ang kotse na sinasakyan nya. sobrang unredeemably illogical, psychotic crazy baddie kontrabida ni darlene! yan ang formulaic kontrabida na gasgas ng sobra! and the plot is just too predictable and mahuhulaan mo na ang ending. sa pagiging top rater ba kailangan mag suffer ang quality just to please the tastes for formulaic soaps of the pinoy viewers?

    yan formulaic tastes that Pinoy soaps cater to kaya di naglelevel up ang intellectual level and over all quality of our soaps but i hope MHL will start to change the way gma7 makes soaps.

  11. #4091
    GMA Network, July 16, 2013

    Papaano magwawakas ang love story nila Lally, Vincent at Eric sa 'My Husband's Lover'?

    Ngayong nalaman na ni Lally ang lihim na relasyon nina Eric at Vincent, lalo pang naging kaabang-abang ang mga susunod na eksena sa pinag-uusapang Kapuso series na "My Husband's Lover."

    Kasunod ng pag-amin ni Vincent sa kanyang asawang si Lally na isa rin siyang gay, hindi mapigilan ng ilang tagasubaybay at maging ng cast members ng programa na pag-usapan ang magiging ending nito.

    Mayroon nga kayang magpaparaya kina Lally (Carla Abellana), Vincent (Tom Rodriguez) at Eric (Dennis Trillo)? O sa huli ay tuluyang silang magkakanya-kanya ng buhay?

    Si Lally ang magpaparaya -- Bettina Carlos

    Para kay Bettina, gumaganap bilang si Vicky na best friend ni Lally, magiging mahirap para sa mga bumubuo ng programa ang pagtatapos nito dahil kailangan nilang maging mas maingat sa mga ipapalabas at sa gagawing takbo ng istorya.

    "Naglolokohan na lang kami na siguro si General (Roi Vinzon) kaya galit sa bakla, kaya ayaw niya maging bakla anak niya kasi bakla rin siya [at] napilitan din siyang mapangasawa si Miss Kuh (Ledesma), ganyan," kwento niya.

    Ngunit kung siya raw ang gagawa ng ending ng istorya, sinabi ni Bettina na nais niyang si Lally ang magpalaya kay Vincent.

    "From Lally's point of view — let my husband go kasi if that's his orientation, if that is what his heart is dictating I'll let him be. Kasi hindi ako mabubuhay knowing na iba yung hinahanap ng puso ng asawa ko," paliwanag niya.

    Sana happy lahat -- Carla Abellana

    Hindi naman makapagdesisyon si Carla Abellana sa kaniyang bersyon sa kung papaano dapat magwakas ang My Husband's Lover. Ito'y dahil na rin sa mga institusyon na kailangang bigyang pansin tulad ng Simbahan Katoliko, at lesbians, gays, bisexuals, transgenders (LGBT) community.

    "Sana happy lahat but that's too perfect," aniya. "Although before naman sa story conference pa lang ng My Husband's Lover, napag-usapan kung ano yung magiging ending... It will change definitely depende sa response ng mga tao."

    Dagdag pa niya, "Siyempre, gusto natin perfect ending, lahat masaya pero hindi posible. Not everybody will be pleased kasi basically if Vincent and Lally end up together, ang mga gays parang mahu-hurt sila, magiging bitter sila because at the end of the gay pa rin talaga si Vincent."

    "If we end up with Vincent and Eric, magagalit naman sa 'tin ang simbahang Katoliko. Kasi may marriage. Sa totoo lang, it's a big question mark kung paano matatapos ang My Husband's Lover pero sana lang majority will be happy," pagtatapos nito.

    Magkaroon ng acceptance -- Tom Rodriguez

    Bagama't ayaw pangunahan ni Tom Rodriguez ang magiging ending ng My Husband's Lover, nais daw niyang makita na magkaroon ng "acceptance" sa tatlong pangunahing karakter ng programa.

    "A version where there will be some sort of acceptance although it will be hard for Lally's part kasi she spent years being lied to na atleast for Vincent — to be able to accept himself kasi although he is a family man, kaya pa rin naman niyang panindigan ang family niya," paliwanag ni Tom.

    "At the same time wala siyang niloloko, inaapakang ibang tao kasi 'yon yung ginagawa niya ngayon, eh," dagdag ni Tom.

    Different partners -- Pancho Magno

    Kung si Pancho Magno naman ang magbibigay ng kalayaan na wakasan ang My Husband's Lover, nais niyang magkaroon ng kanya-kanyang bagong iibigin sina Lally, Vincent at Eric.

    "Para sa akin, may kanya-kanya silang buhay, lahat sila. Magiging friends sila pero iba 'yong partners nila in life," pahayag nito.

    Papasok si Pancho sa naturang serye bilang si Paul, ang lalaking tutulong kay Lally na may matagal nang pagtingin sa kanya.

    Mga Kapuso 'lovers'

    Bukod sa mga bidang artista ng My Husband's Lover, may kanya-kanya ring pananaw ang mga tagasubaybay ng programa kung papaano dapat magwakas ang serye.

    Sina Lally at Vincent pa rin -- James, 24, Radio Host

    Dapat ipakita pa rin sa My Husband's Lover na ang lalaki ay para talaga sa mga babae. Dahil nagkabukingan na, papipiliin ni Lally si Vincent kung siya or si Eric. Pipiliin ni Vincent si Lally at ang pamilya nito.

    Mamamatay si Vincent -- Prinz, 21, Registered Nurse

    Dumating ang panahon kung saan nagkaalaman na. Humingi ng kapatawaran si Vincent sa kanyang pamilya dahil sa lahat ng nagawa niya pati na rin si Eric. Nagpasya si Lally na maghiwalay muna sila ni Vincent.

    Lumipad si Vincent patungong ibang bansa for few months ngunit bago ito lumisan may iniwan itong sulat kay Eric na nagsasabing kailangan nilang mangako sa isa't isa at sa pagbalik ni Vincent, nadisgrasya ang sinasakyan nitong eroplano at namatay.

    Ibinigay ni Eric ang sulat ni Vincent kay Lally, na ang nakasaad sa sulat na kung sakaling may mangyaring masama sa kanya ay gusto nitong tumayo si Eric bilang ama nina Diego at Hannah at bilang asawa ni Lally.

    Nilibing nila si Vincent at nagkatuluyan sina Eric at Lally. Sa nagdaang panahon, natutunan nilang mahalin ang isa't isa at namuhay ng masaya bilang isang pamilya.

    Maghihiwalay sina Lally at Vincent -- Meigh, 28, Mother of two

    Dahil talagang totoong nabubuhay ang mga third sex o lesbians, gays, bisexuals, transgenders (LGBT) sa mundo, gusto kong maghiwalay sila nang tuluyan dahil hindi kayang panindigan ni Vincent na maging tunay na asawa o husband kay Lally.

    Palalayain ni Eric si Vincent -- Stine, 25, single mom

    Matapos ipaglaban ni Lally at Eric ang pagmamahal nila kay Vincent, darating si Vincent sa puntong makukonsenya na siya sa lahat ng sakit na naibigay niya sa kanyang pamilya, magulang, at sa mga taong kasangkot.

    Mas pipiliin niyang masaktan para sa mga anak nila ni Lally — hindi na malalabanan ni Vincent ang pagmamahal nito sa kapwa lalaki ngunit hindi ito sasama kay Eric bilang respeto sa pamilya. Pipiliin nitong mapag-isa at manatiling maging ama sa mga anak nila ni Lally.

    Matututunan naman ni Eric na palayain si Vincent at pipiliin na lang nitong magmahal ng iba, isang taong single at walang masisirang pamilya.

    Mananatili namang mabuting ina si Lally sa mga anak nila ni Vincent and matatanggap na rin nitong iba si Vincent sa nakilala niya at dapat niya itong palayain.

    Mas maganda rin na hindi na magkakaroon ng boyfriend si Lally dahil responsableng tao na siya by nature. Kaya naman, masaya na siya kasama ang mga anak niya.

    Vincent-Eric, Lally with new lover -- Ramir, hairstylist

    Mas gusto ko sina Eric at Vincent ang magkatuluyan kasi soulmate sila kahit nung simula pa lang (istorya). Si Lally, bigyan na lang ng ibang lover, yung tunay na lalaki na gusto niya. -- Mac Macapendeg

  12. #4092
    Quote Originally Posted by iamcharmed View Post
    Re: Punchie.. Hindi ba late yan balita na yan? Parang sa episode kahapon, hindi magkakilala si Punchie at Carla, paano magiging long time crush niya?
    Hi ka punchie!!

    Pa punch!

  13. #4093
    We shouldm't really be bashing other GMA shows. Parang tagteam lang yan, nahihila ang isa't isa sa success. Maganda rin naman ang MMA, especially si Lola Charito. Everyone can act.
    Wag lang masyadong maging overconfident and bragggy sa MHL. We shd just be happy that MHL is really a surprise hit. Evidence that it is a hit , yong caregivers ng friend ko sa California, pinaguusapan ito. For many years, TFC lang ang request nila sa facilities. Now they get to watch MHL, siguro online.

  14. #4094
    GMA Network, July 16, 2013

    Tom Rodriguez, ayaw maging kampante sa sarili

    Malayo na ang narating ni Tom Rodriguez sa patuloy na pamamayagpag ng My Husband’s Lover. Naging laman siya ng social media sites at naging controversial sa bawat episode ng mapangahas na GMA primetime series.

    Inusisa ng GMANetwork.com kung ano’ng eksena ang naging paborito ni Tom at nagkaroon ng malaking impact sa kanya. “Lahat naman siguro. Hindi naman ako nagiging biased sa mga eksenang ginagawa namin kasi napakaganda ng kuwento. Kaya bawat eksena, may sense. Alam mo na parang hindi siya patapon na eksena. So lahat, na-e-enjoy ko.”

    Ramdam na ramdam ang bawat emosyon na nakikita kay Tom on-screen. Inamin nyang nakatulong ang pagiging close niya sa kanyang co-stars. “Sobrang gaan, kasi lahat sila sobrang mababait at maalaga. At saka, alam mo iyong ang dali nilang pakisamahan kaya sobrang suwerte ko,“ dagdag pa niya.

    Usap-usapan na ang mga susunod na mangyayari sa My Husband’s Lover. Sa sobrang avid viewers ng iba, mismong sila na ang gumawa ng sarili nilang version sa mga susunod na mangyayari.

    Nang tanungin namin si Tom kung ano ang dapat aabangan sa My Husband’s Lover. “Marami, maraming aabangan. Kasi kung nanunuod kayo, pa-intense nang pa-intense iyong mga eksena. Maraming kailangan at dapat abangan.”

    Matindi din ang pressure sa cast ng My Husband’s Lover para maging kapana-panabik ang bawat eksena. Nakakaramdam din ba siya ng pressure?

    “Sa totoo lang lagi. It’s constant. Thankful naman ako duon sa pressure na iyon. Kasi ibig sabihin, it keeps you honest and grounded.”

    “At the same time, hindi complacent. Ayoko maging kampante sa sarili ko. Iyong pressure na iyon, nagreremind lang siya na kailangan pag-igihan ko iyong trabaho ko," ang paliwanag ng aktor.

    Sa pagtatapos ng interview, nagiwan siya ng pangako sa lahat ng supporters ng My Husband's Lover,
    "Gagawin ko lagi iyong best ko para sa mga manunuod.”

    Huwag palampasin ang lalo pang umiinit na mga eksena ng My Husband’s Lover gabi-gabi pagkatapos ng Mundo Mo’y Akin.-- Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada

  15. #4095
    Quote Originally Posted by charneysangel View Post
    We shouldm't really be bashing other GMA shows. Parang tagteam lang yan, nahihila ang isa't isa sa success. Maganda rin naman ang MMA, especially si Lola Charito. Everyone can act.
    Wag lang masyadong maging overconfident and bragggy sa MHL. We shd just be happy that MHL is really a surprise hit. Evidence that it is a hit , yong caregivers ng friend ko sa California, pinaguusapan ito. For many years, TFC lang ang request nila sa facilities. Now they get to watch MHL, siguro online.
    if someone gives an opinion for or against anything that's not necessarily bragging. porket di mo nagustuhan this or that ay bashing kaagad? it's just an expression of an opinion. just saying what i perceive to be true. kanya kanyang tastes lang naman yan. if one thinks this soap is better than the other is an opinion we can all be free to make.

    it's just that i think there should be improvement in the way they make soaps. i do not think we could just accept everything they give the viewers, and we can just swallow whatever they give us or just keep quiet.

    anyway, maybe i should not talk about other soaps here. yun na lang para peace na lang. sa ibang venue na lang ako magbibigay ng opinions ko. ;p

  16. #4096
    SEE.....

    LAB DIN PALA NI MAMA KUH SI LALLY....

    For the first time, kumampi si Mama Elaine sa manugang niya....

    This is getting so interesting.... Yet again....

    The world against Vincent!!!

  17. Jul 16, 2013, 09:54 PM

  18. #4097
    least interesting episode so far itech.

  19. Jul 16, 2013, 10:09 PM

  20. #4098
    My 3rd time to post! Im an avid fan since day 1, eto lang yata ang show na inabangan ko na local series, well the fact na i can relate to the story, i really wanna give mysupport to the show! Sana maging maayos ang ending nito! More power!

  21. #4099
    Hmmm....

    Ano naman kaya ang ipinapahiwatig nito

    Sino si BEKBEK?

  22. #4100
    Quote Originally Posted by utaktalangka View Post
    SEE.....

    LAB DIN PALA NI MAMA KUH SI LALLY....

    For the first time, kumampi si Mama Elaine sa manugang niya....

    This is getting so interesting.... Yet again....

    The world against Vincent!!!
    she's being consistent as an over protective mom. she also wants to maintain the status quo. akala ni mommy elaine ang 3rd party ay isang babae. hindi pa niya alam na bakla ang anak niya kaya ganyan pa siya mag-isip. paano na kaya kapag nalaman na niya na bakla si vincent?

Page 205 of 249 FirstFirst ... 105 155 195 204 205 206 215 ... LastLast

Tags for this Thread

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

PBA:

Purefoods capture first win of the season in fierce 2nd half rally vs GlobalPort, 81-75.

Purefoods capture first win of the season in fierce 2nd half rally vs GlobalPort, 81-75.

read more
NBA:

New York Knicks play the spoiler in LeBron James' Cleveland homecoming in 95-90 win.

New York Knicks play the spoiler in LeBron James' Cleveland homecoming in 95-90 win.

read more
SHOWBIZ:

Annabelle Rama, 'surrender na' sa lovelife ni Ruffa

Annabelle Rama, 'surrender na' sa lovelife ni Ruffa

read more
MOVIES:

Heeeere's Johnny! What's the scariest horror movie for you? Share it here.

Heeeere's Johnny! What's the scariest horror movie for you? Share it here.

read more
CHIT CHAT:

Dito na me, where na you: Anong gusto mong nakasulat sa sarili mong epitaph?

Dito na me, where na you: Anong gusto mong nakasulat sa sarili mong epitaph?

read more
NMFtv:

Showbizbro is joined by JM of The Call Center Show & Tagalog-Speaking Aussie, Chris Urbano.

Showbizbro is joined by JM of The Call Center Show & Tagalog-Speaking Aussie, Chris Urbano.

read more