PEx Highlights

PHOTOS: DLSU Notches First Win

Jason Perkins drained big baskets in the clutch to help DLSU escape NU 57-55 and notch their first win in the UAAP Season 77.

read more

Top Celebrity Loveteams!

Check out which loveteams dropped and which ones came out on top this week!

read more

15peakMyMind: Your song for PinoyExchange

If PinoyExchange will have a theme song for our 15th anniversary, what will it be and why?

read more

#NoLastHomeStand After All

Filipino basketball fans let down by PLDT All-Star Charity Event, labeled as, 'Gilas Last Home Stand' after last-minute cancellations.

read more

PHOTOS: PLDT Repulses NU

The PLDT Turbo Boosters pulled away with a tough 25-16, 25-23, 24-26, 25-19 victory over the gritty NU Lady Bulldogs.

read more

What's Wrong With the Green Archers?

After being penned the favorites of UAAP Season 77, the DLSU Green Archers are off to a slow opening in the season, now at 0-2.

read more

Page 33 of 57 FirstFirst ... 23 32 33 34 43 ... LastLast
Results 641 to 660 of 1137
  1. #641
    Quote Originally Posted by KimChuck View Post
    I think may multiple personality rin si Sir Nico. The bugbugan scene gave a lot of thoughts on his character. There's this impression na kapag nagalit or ginalit sya anytime he'll flip to the otherside.
    Parang may DID nga rin sya.

  2. #642
    I ♥ MLFTS alex08's Avatar
    Join Date
    Oct 2007
    Location
    AnimeLandia
    maganda nga yung idea na dagdagan ng iba pang katauhan si Rhodora bukod kay Roxanne

  3. #643
    I <3 4th laloka258's Avatar
    Join Date
    Dec 2010
    Location
    Sa PUSO ni FOURTH
    I dont think na may DID si Sir Nicco.

    And yes, mukhang mas maganda kung dadagdagan pa ng isang katauhan si Rhodora, yung Sybil movie nga 16 alters eh.

    Sana may patayin si Roxanne para matindi ang suspense. Malay niyo si Herras tanggalin.

  4. #644
    powkpewk member spark0508's Avatar
    Join Date
    Oct 2009
    Location
    -here lang-
    hmm for me parang walang DID si Nicco,pwede pang nagpapanggap lang na mabait pero salbahe

    anyways,



  5. #645
    powkpewk member spark0508's Avatar
    Join Date
    Oct 2009
    Location
    -here lang-
    kaexcite if may 3rd alter.. haha

  6. #646
    Congrats RhodoraX!

    Walang DID si Nico pero tingin ko may Obsessive Behaviour sya kasi parang obsession nya si Angela.

  7. #647
    sana magalaga na lang muna ng baby niya si herras..

  8. #648
    Sana, sana, sana talaga may patayin si Roxanne na isang karakter, KAHIT EXTRA LANG MUNA Para ma-feel talaga ng viewers ang takot

    Tapos sana may 3rd na karakter din si Rhodora nga

    Hindi masyadong malakas ngayon ang TLW, kaya samantalahin nila bago maghiganti yung karakter ni Angel

  9. #649
    Ilang buwan nang bulung-bulungan sa showbiz ang isang isyu tungkol kay Kapuso actor Mark Herras. Kaya naman ngayong Linggo sa Startalk ay nagpaunlak siya ng isang exclusive interview para isapubliko na ang isyung kanyang itinago.



    Mark Herras

    "Gusto ko pong patunayan sa mga tao na aayusin ko 'yung buhay ko for my baby" - Mark Herras -

    Ilang buwan nang bulung-bulungan sa showbiz ang isang isyu tungkol kay Kapuso actor Mark Herras. Kaya naman ngayong Linggo sa Startalk ay nagpaunlak siya ng isang exclusive interview para isapubliko na ang isyung kanyang itinago.

    Sa umpisa pa lamang ng interview ay itinanong na agad ng Startalk hosts na sina Ricky Lo at Butch Francisco kay Mark kung ano ang aaminin niya sa publiko. Agad namang sumagot si Mark at buong tapang niyang isiniwalat ang balitang mayroon na siyang anak.

    “First time kong sasabihin sa masa, sa buong tao, sa media, sa TV. Mayroon na po akong anak. She's a girl, three months old. Siya po ‘yung baby ko sa buong buhay ko. ‘Yun po ‘yung gusto kong sabihin sa lahat ng tao. ‘Yun po ‘yung gusto kong aminin,” pahayag ni Mark.

    Ayon kay Mark, Ada raw ang ipinangalan niya sa anak. Ang ibig sabihin daw nito ay first baby girl. Hindi celebrity ang ina ni Ada at kinumpirma ni Mark na ito ay mas matanda sa kanya ng limang taon. Si Mark ay 27 years old.

    Sa ngayon ay hindi magkasama si Mark at ang ina ni Ada. Kaya naman itinanong ni Ricky kung may balak ba silang magsama dahil may anak na sila. “Actually po sa ngayon, ang napag-usapan po namin [ay] kailangan naming magtulungan para sa baby, para masuportahan ‘yung bata para mapalaki nang maayos. Lahat ng pinag-uusapan namin is tungkol sa baby. Tsaka na ‘yung sa amin, kung ano ‘yung mangyayari sa amin someday or kung anuman,” anang aktor.

    Sunod na nilinaw ni Butch kay Mark kung totoo bang magkarelasyon pa sila ng ex-girlfriend niyang si Ynna Asistio noong nangyari ang pagbubuntis ng ina ni Ada. Inamin naman ito ni Mark at sinabi niyang humingi na siya ng tawad sa dating nobya at sa pamilya nito. Pero nilinaw ni Mark na hindi raw ito ang dahilan ng kanilang paghihiwalay ni Ynna.

    “Alam ko ang nagawa kong mali. Alam kong malaking kasalanan ‘yung nagawa ko. Pero nariyan na ‘yung baby eh. Hindi ko naman puwedeng sabihin na kalimutan ko ‘yung baby at piliin ko sila di ba. Dugo ko po ‘yung bata. Anak ko po ‘yun. Ako po ‘yung daddy,’ dagdag niya.

    Paliwanag ni Mark, natagalan daw ang pag-amin niyang mayroon na siyang anak dahil inisip niya ang posibleng mangyari sa kanyang career. Ang nagtulak daw sa kanya ay mismong anak niya dahil mahal na mahal niya raw ito at isa siyang proud father.

    "Siyempre artista po ako. Unang-una 'pag nalaman ng tao na pag mayroon kang anak di ba syempre maaapektuhan 'yung trabaho mo, 'yung buhay mo, 'yung career mo. Pero by this time kasi, kaya ako
    naging matapang kasi sawang-sawa na akong magdeny eh. I'm very proud of Ada dahil siya po ang aking first baby girl. Kaya po ako umaamin ngayon sa harap ng maraming tao, sa studio, sa TV, sa media para po matigil na 'yung kakatanong nila sa akin tungkol sa baby," aniya.

    “Nag-promise po ako sa mommy niya na kahit ano pong mangyari [ay] narito lang ako for Ada. Susuportahan ko siya sa lahat--money, love, ‘pag may sakit ang bata. Lahat ng kailangan ng batang iyon [ay] gagawin ko. Kaya ‘yung buhay ko ngayon, mas kilala niyo ako na medyo bad boy, playboy, sobrang mag-iiba po iyon ngayon,” saad ni Mark.

    Dagdag pa niya, “Gusto ko pong patunayan sa mga tao at sa lahat ng gusto pang maniwala sa akin na magpapakabait po ako at aayusin ko ‘yung buhay ko for my baby dahil iba na po ‘yung usapan ngayon eh. Hindi na po ito basta laro-laro sa trabaho. Hindi na ito basta career. It's all about a baby, a kid na sobrang mahal ko.”

    Hiningi rin ni Mark ang pang-uunawa ng mga taong nakapaligid sa kanya lalo na ang kanyang fans na walang sawang sumusuporta sa kanya. “Sana po [ay] nariyan pa rin po kayo para suportahan ako. Sana ‘wag kayong magalit sa akin. Narito po ako ngayon sa harap ninyo at nagsasalita, umaamin. Sinasabi ko po lahat ng totoo na I'll be a good father to my baby, to my Ada, to be a responsible father to my baby,” pakiusap ni Mark sa kanyang fans.

    Bago matapos ang interview ay inamin ni Mark na naging pasaway talaga siya kaya’t naging magulo ang takbo ng buhay niya. Dagdag niya, “Marami akong naging kasalanan pero ito lang ang masasabi ko, hindi ko kasalanan si Ada.”

    Ano ba ang message ni Mark para sa anak?
    "Ada Im so sorry kung natagalan kitang aminin sa lahat ng tao. Pero I promise you and to your mom na I'll be there always to support you sa lahat ng bagay hanggang sa paglaki mo, hanggang sa mag-aral ka na. Nako Ada mahihirapan kang magkaroon ng boyfriend dahil ako ang tatay mo. Mahihirapan ka, seryoso ako roon," pahayag niya.

    Patuloy na subaybayan si Mark Herras sa Rhodora X, weeknights after Carmela on GMA Telebabad.

  10. #650
    Not true na ika-cut short ang Carmela at Rhodora X. When a friend of ours who never writes intrigue post intriguing questions like kung true raw na ika-cut short na ang dalawang bagong primetime soaps ng GMA na Carmela starring Marian Rivera and Alden Richards and Rhodora X starring Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi and Mark Herras, you get to ask around lalo na’t galing daw ito sa production.

    Kami, dumiretso kami sa production head ng Carmela mismo and asked this at nasurpresa sila. Coming fifth week pa lang ang Carmela at Rhodora X tonight na magkasunod sa TeleBabad block after Adarna and as far as they are concerned, wala silang nakukuhang directive from the management to cut short the show so ang production, naka-set pa rin to do the 16 week telecast for both shows.

    Sabi nga namin, surprised din ang executive where they got this news at ang sinagot na lang namin, isang production daw ang source, always the scapegoat sa mga ganitong tsismis.

    So sa mga fans ng Carmela and Rhodora X, huwag masyadong kabahan sa tsismis as their favorite soaps are still scheduled to run for four months and the way ratings are picking up, baka nga pareho pang ma-extend.

    Wala nang problema ang commercial loads ng Carmela and Rhodora X dahil napakaraming TV ads ng dalawang shows and with good feedback sa acting and story, mas malamang na hindi magkatotoo ang tsismis about the shows being cut short.



    Read more: http://bandera.inquirer.net/55512/ca...#ixzz2uBfI3SMG
    Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook

  11. #651
    Fitspiration Fridays: Mark Anthony takes on a martial artist's fitness philosophy

    http://www.gmanetwork.com/community/....9f82eMPB.dpuf


  12. #652
    powkpewk member spark0508's Avatar
    Join Date
    Oct 2009
    Location
    -here lang-
    Hindi nagtagumpay si Roxanne sa kanyang unang plano. Ano kaya ang susunod niyang balak laban kay Angela?

    Abangan mamaya sa ‪#‎RhodoraXDay21‬


  13. #653
    NOW WATCHING RHODORA X:

    Ang ganda naman at na-explain kung bakit hindi mai-kwento ni Dra Vivian sa parents ni RHODORA yun case niya, dahil sa doctor-patient confidentiality churva.

    Mas nagiging scary na yun case ni ROXANNE, as in nao-overpower na niya si RHODORA.

    ...btw, certified na love ko si MARK ANTHONY FERNANDEZ talaga, pero I have to say na ang SHOBA niya ngayon. Sana makapagpa-fit uli siya. Kebs na ako sa speech problems niya for the meantime, basta sana maging fit siya physically dahil mukhang napabayaan siya sa kusina lately. MAF, wag ka ng maghintay na na ma-FAT MEMO ka, please.

  14. #654
    Ang taba ni Mark Anthony pero magaling talaga sya mag emote umarte. Tinitigan lang nya si Yasmien parang gets mo agad ang gusto nya ma-convey na emotions. Minamanyak ni Nico si Angela.

  15. #655
    ^^magaling nga si Mark Anthony na mag-emote talaga.

    MAF, pa-fit ka na uli please... SIOPAO-IC na yun mukha mo sa TV, as in bilog na bilog na siya, promise. Mukhang hindi effective yun fitness regimen na sinasabi mo sa interview. Buti na lang at gwapo ka talaga, pero overweight ka na.

    BTW... super like ko talaga si DRA VIVIAN (Irma Adlawan) dito! Kabog na kabog ang lola ko. Mas like ko pa silang mapanood yun mga eksena nilang dalawa ni JEN na nag-i-interact sila kesa sa YASMIEN-MARK HERRAS scenes.

    Gusto ko din yun interaction ni IRMA at ERVIC VIJANDRE. Informative sa viewers yun trivias na sinasabi nila pero natural yun dating, plus may chemistry silang dalawa. Haha! Hindi ko pa ma-figure out kung colleagues lang ba sila, magkamag-anak or ano?

  16. #656
    아우 빛화재 raikou_99's Avatar
    Join Date
    Sep 2004
    Location
    Wall Maria
    Quote Originally Posted by chiqlett View Post
    NOW WATCHING RHODORA X:

    Ang ganda naman at na-explain kung bakit hindi mai-kwento ni Dra Vivian sa parents ni RHODORA yun case niya, dahil sa doctor-patient confidentiality churva.

    Mas nagiging scary na yun case ni ROXANNE, as in nao-overpower na niya si RHODORA.

    ...btw, certified na love ko si MARK ANTHONY FERNANDEZ talaga, pero I have to say na ang SHOBA niya ngayon. Sana makapagpa-fit uli siya. Kebs na ako sa speech problems niya for the meantime, basta sana maging fit siya physically dahil mukhang napabayaan siya sa kusina lately. MAF, wag ka ng maghintay na na ma-FAT MEMO ka, please.
    Pero dapat i-explain din na may limit yung confidentiality, if there's reason to think that the patient poses a serious threat to herself or others.

    Magaling nga si irma adlawan dito. Sadly, malamang-lamang papatayin siya ni roxanne. That's probably the reason why she's recording her notes on rhodora's case. Malamang dun madi-discover ng family yung DID ni rhodora.

    Nagpa-botox ba si MAF? Para nga syang na stroke.

  17. #657
    "I have never achieved this body before" - Yasmien Kurdi -



    Marami ang nakapansin na lalong sumeksi ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi mula nang lumabas siya bilang Angela sa primetime series na Rhodora X. The Starstruck 1 alumna credits her husband and friends for being her support group in achieving a healthier body. "I'm very thankful din to my husband. He's very supportive. I'm very happy na may mga tao sa likod ko na nagsasabi sa akin ng mga ganyan, na may mga mahal ako sa buhay na sobrang concerned," saad ni Yas nang aming makausap kamakailan. In fact, sinasabayan pa daw siya ng kanyang mister sa kanyang juicing at running. Kuwento ni Yasmien, hindi naman daw niya agad nasimulan ang pagpapapayat pagkatapos niyang manganak dahil kailangan niyang mag-breastfeed. "Bawal talaga kapag nag-breastfeed na mag-diet. I breastfed my baby for seven months, and nung eighth month, nag-trim down na ako ng dahan-dahan. Tinanggal ko na 'yung rice, nag-juicing ako bigla. Ambilis talaga ng pagbaba ng weight ko. Breastfeeding helped talaga sa pag-lose ko ng weight kasi I have never achieved this body before." At 120 lbs., aminado siya na mas payat siya ngayon kumpara nung dalaga pa siya. "Sabi nga ng mga tao, kung kailan ako nagkaroon ng asawa at anak, doon pa ako sumeksi, doon pa ako pumayat. But I want to trim down ng mga hanggang 110. Nung buntis ako, 184 lbs. ako. And then, after giving birth, naging mga 150 lbs." May advice ba siya sa mga gusto ring magbawas ng timbang? "Kunwari in a week, two days doon, I do juicing. I don't do it everyday na breakfast, lunch, and dinner. Hindi puwedeng ganun. Just trim down the carbohydrates, eat more fiber and protein, and drink lots of water." Yasmien Kurdi stars as Angela in Rhodora X, weeknights after Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw, on GMA Telebabad. -

  18. #658
    Hindi nagtagumpay si Roxanne sa kanyang unang plano. Ano kaya ang susunod niyang balak laban kay Angela?




    Hindi na nga ata mapipigilan si Roxanne!!




  19. #659
    Mas kapanipaniwala si Mark Anthony maging mayaman dahil bukod sa gwapo at matangkad mukha talaga syang mayaman bagay sa kanya ang maging executive.

  20. #660
    RHODORA X 02-24-2014











Page 33 of 57 FirstFirst ... 23 32 33 34 43 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

UAAP:

DLSU Green Archers notch first win of the season with 57-55 win over NU Bulldogs

DLSU Green Archers notch first win of the season with 57-55 win over NU Bulldogs

read more
PBA:

Third-party agency admits NBA declined request for sanction on Gilas event as early as April

Third-party agency admits NBA declined request for sanction on Gilas event as early as April

read more
SHOWBIZ:

Raymart Santiago slams Claudine Barretto camp for "battered wife" allegation

Raymart Santiago slams Claudine Barretto camp for "battered wife" allegation

read more
TV:

Fourth Pagotan evicted from PBB All In

Fourth Pagotan evicted from PBB All In

read more
SPORTS:

Army Lady Troopers topple AirAsia 25-19, 25-23, 25-16 to enter SuperLiga Finals

Army Lady Troopers topple AirAsia 25-19, 25-23, 25-16 to enter SuperLiga Finals

read more
CHIT CHAT:

What are the events that made you appreciate PinoyExchange even more?

What are the events that made you appreciate PinoyExchange even more?

read more