PEx Highlights

REVIEW: The Trial

If there's one particular asset the film has, it's the ensemble.

read more

Show Me Your Winning Teeths!

Merly and Chelsey are back for a new season of SMYT and they are 'happy to serve' you a new episode about the Miss World pageant and the UAAP Finals.

read more

PHOTOS: 40th PBA Season Opening Ceremony

Ellen Adarna, Megan Young and Alice Dixson led the parade of team muses yesterday during the Opening Ceremony of the new PBA season. Check our gallery here!

read more

PROMO: Big Hero 6

Join the promo and get a chance to win special screening tickets to Big Hero 6!

read more

PHOTOS: Kia Victorious in Battle of Newcomers

LA Revilla (23pts, 7rebs) stole away the spotlight off of boxing champ Manny Pacquiao's PBA debut, as he rallied Kia over Blackwater 80-66.

read more

PHOTOS: Aguilar, Ginebra Bully Talk N Text

Ginebra had no problems in their opening campaign after a 101-81 win over TNT. Japeth Aguilar proved to be too much for the Texters with his game-high 18pts, 18rebs and 5 blks.

read more

Page 3 of 57 FirstFirst ... 2 3 4 13 53 ... LastLast
Results 41 to 60 of 1138
  1. #41
    Abante, Oct. 23, 2013

    ni Gorgy Rula

    Maganda ang samahan ng batch 1 ng Starstruck dahil nagdadamayan sila kapag merong problema ang isa sa kanila.

    Kagaya nitong nangyari kay Jennylyn Mercado na may matinding pinagdadaanan ngayon, madalas daw nilang kinakausap ang actress/TV host para malibang lang ito.

    Malungkot pa rin daw ito at nade-depress sa break-up nila ni Luis Manzano.

    Kahapon sa Christmas plug shoot ng GMA 7, si Mark Herras ang tinukso nang husto dahil nakatakda silang magsama ni Jennylyn sa isang drama series na may tentative title na Madame X.

    As of presstime, naka-schedule ang story conference nito bukas at tinatanong na si Mark kung paano niya pasasayahin si Jennylyn.


    “Nakakausap naman namin siya, eh. Tinitingnan namin ng grupo na okay siya at kahit paano, nandiyan kami para sa kanya,” pahayag ni Mark.

    Natawa lang ito nang tinanong siya na baka magkainlaban sila uli ni Jennylyn kapag magsimula na silang mag-taping ng Madame X.

    “Open naman ako sa ideya na ‘yan. Hindi ko naman sinasara lahat,” natatawa niyang sagot.

    Ang maganda lang daw kasi, naging magkaibigan sila ni Jennylyn kahit may kanya-kanya na silang lovelife.

    Ngayong pareho na silang single, magkaibigan pa rin sila at nandiyan lang siya para damayan ito.

    Kasama nila si Yasmien Kurdi sa Madame X at natutuwa si Mark dahil magkakasama sila uli pagkatapos ng Starstruck.

    Ang isa pang narinig namin, malabong magkadebelopan uli sina Jennylyn at Mark dahil pinupormahan daw ngayon ni Mark si Andrea Torres na kagrupo niya sa Instagang team sa Sunday All Stars.

    Nang tinanong namin si Mark tungkol diyan, matigas ang tanggi niya rito kahit may nagsabi sa aming lagi silang nagpapalitan ng mga sweet message sa Viber.

  2. #42
    Pil. Star Ngayon, Oct. 24, 2013

    Mark idinenay na nakikipaglandian kay Andrea Torres
    ni Sol Gorgonio

    PAK: Itinatanggi ni Mark Herras ang kuwentong nililigawan niya si Andrea Torres. Hindi raw talaga totoo, kahit may mga nagsasabing naglalandian daw sila sa Viber.

    Focused daw muna si Mark sa bagong show nila ni Jennylyn Mercado na Madame X. Kaya lang hindi pa rin natuloy nag story conference nila ngayon, dahil mukhang hindi pa handa si Jennylyn.

  3. #43
    Kilala mo na ba talaga siya?


  4. #44
    Abante, Nov. 4, 2013

    ni Gorgy Rula

    AS of presstime, sa Huwebes na naman daw ang story conference ng bagong drama series ni Jennylyn Mercado na Madame X (na naging Ms. X na ba?).

    Nagsalita na si Luis Manzano tungkol sa kanilang break-up pero si Jennylyn ay nanatiling tahimik.

    Ilang beses na naming kinulit nang sadyain namin si Jennylyn sa taping ng Anak Ko Yan, pero ayaw niya.

    Sa story con. na lang daw siya magsasalita para isahan.

    Kung si Jennylyn ang masusunod, ayaw na sana niyang magsalita, pero kumalat itong pagkaka-link niya uli kay Dennis Trillo kaya iyun ang gusto niyang sagutin.

    Ilang beses ding na-move itong story con. dahil mukhang hindi pa handa si Jennylyn na humarap sa media para sagutin ang naturang isyu.

    Nagbakasyon daw muna ito nang ilang araw at sa Miyerkules pa ang balik niya.

    Gusto na rin daw ni Jennylyn na ibuhos ang oras niya sa trabaho kaya pagkatapos ng Anak Ko Yan ay itutuluy-tuloy na niya ang taping niya sa Madame X.

  5. #45
    Instagram pics of Jennylyn Mercado:

    Abangan.... Malapit na makilala si Rhodora X!☝️



    X-cited for Rhodora X! @tracymgarcia @marktheherras @katrina_aguila


  6. #46
    Sybil Breezebat Exro's Avatar
    Join Date
    Aug 2011
    Location
    Black Flamingo
    RHodora X? Mas bet ko pa ang Madame X!

  7. #47

    GMA-7: RHODORA X (Jennylyn Mercado)



    Abangan!

  8. #48
    GMA Network, Nov. 8, 2013

    Jennylyn Mercado at Mark Herras, magkabalikan kaya ngayong magtatambal muli sila sa isang drama series?
    ni Gorgy Rula

    Magkakasamang muli sa isang proyekto ang dating magkasintahang sina Jennylyn Mercado at Mark Herras.

    Ito ay sa pamamagitan ng drama series na Rhodora X.

    Bago ito, ang huling teleseryeng pinagsamahan ng dalawa ay ang Ikaw Sana noon pang 2009.

    Nitong Huwebes, November 7, nagkaroon ng meeting sina Jennylyn at Mark, kasama ang production staff ng Rhodora X, para mapag-usapan ang preparasyon para sa pagsasamahang project.

    Pagkatapos ng meeting ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Jennylyn at Mark.

    Sa pagtatambal nilang muli, marami ang nagsasabing posible silang magkabalikan dahil pareho silang single ngayon.

    Si Jennylyn ay katatapos lang ng relasyon sa TV host-actor na si Luis Manzano.

    Si Mark naman ay hiwalay na rin sa longtime girlfriend nitong si Ynna Asistio.

    Nang tanungin ng PEP si Jennylyn tungkol sa posibleng pagbabalikan nila ni Mark, natawa ito dahil sinabi nga raw niya noon na wala siyang binabalikang karelasyon.

    “Kaya nga natapos ang isang relasyon, kasi hindi nag-work out.

    "Kumbaga, para sa akin, kung tapos na, tapos na.

    “Pero ang sa amin ni Mark, ang relasyon namin ni Mark, masasabi kong special.

    "Kasi marami rin kaming pinagdaanan, marami rin kaming pinagsamahan.

    "Kaya masasabi kong isa siya sa pinakaespesyal para sa akin," pahayag ng 26-year-old Kapuso actress-TV host.

    Kahit si Mark ay hindi rin masabi kung anong posibleng mangyari sa hinaharap.

    Mas mabuting sa kanilang programa na lang daw sila mag-concentrate ni Jennylyn.

    Kung ano man ang ma-develop, bahala na raw dahil wala pa naman daw sa isip nila ito.

    At gaya ni Jennylyn, wala rin daw binabalikang ex si Mark.

    Sabi ni Mark, “Kahit siguro panoorin niyo ang mga interviews ko before, sinasabi ko rin na wala akong binabalikang ex.

    “Hindi ko pa talaga alam. Mahirap ding sabihing hindi na talaga ako makikipagbalikan sa ex ko.

    “Siguro, ito ngayon, magsisimula pa lang kaming magtrabaho together, let’s see kung ano ang mangyayari sa aming dalawa.

    “Ayokong bandang huli, kakainin ko ang mga sinabi ko.

    "We’ll see.”

    Sinang-ayunan naman ito ni Jennylyn.

    Sabi ng actress-TV host, “Mahirap magsalita, pero para sa akin, ganun kasi, wala naman akong experience na binalikan ko ang isang ex.

    "So, wala rin sa isip ko."

    Mas excited pa raw silang pag-usapan kung ano ang gagawin nila sa tenth anniversary ng StarStruck sa February 2014.

    May binabalak daw silang lahat na alumni ng reality-based artista search ng GMA, kaya excited silang matuloy ito.

  9. #49

    Jennylyn Mercado and Mark Herras Reunion through RHODORA X

    After five long years, Jennylyn Mercado and Mark Herras are together again in the series "Rhodora X." The last time they were together was in the series "Ikaw Sana" back in 2009. But even though they will be working together again, the ex-couple dismissed the possibility that they will reconcile. Jennylyn has just broken up with Luis Manzano while Mark ended his five-year relationship with Ynna Asistio. Jennylyn said there's a reason why they broke up--and it is because the relationship didn't work out anymore. For her, they ended all possibilities already when they parted ways the first time. The actress maintained, however, that they will always have a special kind of relationship because they have been through so much together. They saw how each of them strived to get to where they are now. As for Mark, he said it would be better if they will just focus on their new show. Like he said before, he doesn't believe in getting back with his exes. But he doesn't want to close all doors. Mark said they would have to wait what the future has in store for them.

  10. #50
    Transgender daw si Jennylyn sa Rhodora X.

  11. #51
    Startalk TX: Exclusive interview with Jennylyn Mercado


  12. #52
    Quote Originally Posted by DeeCenDee View Post
    Transgender daw si Jennylyn sa Rhodora X.
    kung transgender female (Male to Female) dito si Jennlyn siguro maganda (and new concept)
    kung transgender male (female to male) din dito si Mark Herras...
    parang ganito sa real life transgender couple teenager na ito

    He is Now a She, She is Now a He: Sex Change Couple Falls In Love
    BY MONINA MARIA – NOVEMBER 7, 2013
    POSTED IN: WORLD, WORLD NEWS



    read more
    http://kickerdaily.com/he-is-now-a-s...falls-in-love/

  13. #53
    baka mala dolora x yan movie dati ni sheryl cruz and aga muhlach

  14. #54
    Phil. Entertainment Portal, Nov. 11, 2013



    photo by Allan Sancon

    Jennylyn Mercado plays a character with split personality disorder in Rhodora X
    by Rey Pumaloy

    Sa susunod na linggo, magsisimula na ang taping ng bagong teleserye ni Jennylyn Mercado sa GMA Network na pinamagatang Rhodora X.

    Ang ibang working titles ng proyekto na ito ay Miss X at Madame X.

    Makakasamang muli ni Jennylyn ang dating kasintahan at love team partner na si Mark Herras.

    Ang huling teleseryeng pinagsamahan ng dalawa ay ang 2009 teleserye na Ikaw Sana.

    Nagbiro pa ang aktres dahil parang sumasakto ang titulo ng kanyang teleserye sa current status ng lovelife niya: ang pagiging ex o ex-girlfriend ni Luis Manzano.

    Paglilinaw niya, “Actually, matagal na ito, kami pa ni Luis. The original title was I think, Madame X na parang meron na kaya hindi nila ginamit. Kaya pinalitan na lang nila ng title.”

    Miss X ang title ng pelikula ni Cristine Reyes sa Viva Films.

    Ano ang karakter ni Jennylyn sa Rhodora X?

    “Yung character ko may split personality siya. Habang tumatagal yung story baka madagdagan pa ng isa pang character yung character niya. Pero meron siya talagang sakit sa utak.

    “Kakaiba siya talaga. Usually, yung ginagawa ko sa mga soaps, drama, api-apihan. Pero eto naman, iba naman.

    “Nag-session pa ako with the psychiatrist. Ganon ka-kumplikado yung character.

    "Kasi mamaya maiuwi ko yung character sa bahay, masama naman yun. Baka matuluyan ako.

    “Pero kapag baliw ako, makulit lang ako hindi ako yung sira-ulo talaga. Madaldal lang, maingay, makulit.”

    Bukod sa pagbibida sa teleserye, abala rin si Jennylyn sa upcoming cooking show niya at pagbuo ng bagong album.

    "Meron akong ginagawang cooking show, Sarap with the Family, with CDO naman 'yan.

    “Then may bago akong album with GMA Records. Gagawin na namin yung single this month.

    "Magkakaroon kami ng contract signing muna.

    “Ako yung kakanta ng theme song ng Rhodora X.”

    Balik GMA Records raw si Jennylyn matapos niyang gumawa ng album sa Viva Records at Polyeast Records.

    Excited ang Kapuso actress sa pagbabalik niya sa recording lalo’t isang taon na ang nakakalipas sa pinakahuling album na ginawa niya titled Forever By Your Side.

  15. #55

  16. #56
    abangan ko to..split personality hahaha

  17. #57
    sayang gusto ko sana iba namang leading man ni Jen,maiba lang..pero ok na rin haha

  18. #58
    Sybil Breezebat Exro's Avatar
    Join Date
    Aug 2011
    Location
    Black Flamingo
    alin ba ang alin? Telebabad o Afternoon Prime? Bagong concept na naman to, sana wag itapon sa hapon.

  19. #59
    Ang magpapainit sa mga gabi nyo! RHODORA X!


  20. #60

Page 3 of 57 FirstFirst ... 2 3 4 13 53 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

SHOWBIZ:

What do you make of John Lloyd Cruz' performance in The Trial?

What do you make of John Lloyd Cruz' performance in The Trial?

read more
TRAVEL:

No bidets, rude staff and poor internet. What are your other hotel pet peeves?

No bidets, rude staff and poor internet. What are your other hotel pet peeves?

read more
CHIT CHAT:

Unzip your man purse and share what's inside your kikoy kit!

Unzip your man purse and share what's inside your kikoy kit!

read more
PBA:

Kia, Ginebra victorious in 40th PBA Season opening

Kia, Ginebra victorious in 40th PBA Season opening

read more
SPORTS:

2014 Philippine Superliga Grand Prix opens

2014 Philippine Superliga Grand Prix opens

read more
NMFtv:

NBA 2K15 Exhibition Gameplay - Washington Wizards VS Los Angeles Clippers on PS4

NBA 2K15 Exhibition Gameplay - Washington Wizards VS Los Angeles Clippers on PS4

read more