GMA Network: AKIN PA RIN ANG BUKAS (Lovi Poe, Cesar Montano, Rocco Nacino) - Page 7 | Showbiz - TV | PinoyExchange

PEx Highlights

Must Watch: The Voice PH Kids Finals

Sino ang bagong kiddie champion ng The Voice Kids? Makikilala na this weekend.

read more

UAAP Season 78 Courtside Reporters

UAAP season 78 is back with a new set of lovely courtside reporters who are all ready to be the voice of the game. Are you ready to meet the girls?Check out this thread

read more

Moving On Songs

We just close a chapter, but we continue to turn pages. What are your moving on songs? Share us your hymn!

read more

#TravelGoals

Where to go next? What to do after your last big travel? Are you ready for a solo trip? Share us your travel goals in this thread.

read more

Review: Inside Out

TeamPEx gives you 10 reasons why you should watch Inside Out. Find out why this movie is truly a must watch!

read more

Gilas Pilipinas

24 ballers were named for the Gilas Pilipinas pool. Are you satisfied with the list? Speak your mind here!

read more

Page 7 of 23 First ... 6 7 8 17 ... Last
Results 121 to 140 of 451
  1. #121

  2. #122
    Coffee Prince [Kris Bernal and Aljur Abrenica] GMA 7
    5 hours ago via mobile
    Sagap Balita:

    Teleseryeng Akin Parin ang Bukas hindi raw ipapalabas ngayong buwan ng Agosto dahil ang isa sa pangunahing aktor nito na si Cesar Montano ay may kinakaharap na kasong maaaring makaapekto sa nasabing teleserye. Kaya naman pinalawak pa ng ilang linggo ang Mundo Mo'y Akin upang hindi magkaroon ng problema sa teleseryeng isahihimpapawid sa GMA.
    Tuloy parin daw ang pagtetaping ng Akin Parin Ang Bukas kahit na maaaring magkaproblema ito sa pagpapalabas sa telebisyon.
    Tinanong ko ang ating source kung hindi matuloy ang teleserye ni Lovie Poe ngayong Setyembre ano ang ipapalit nila rito? Ang sagot ay mapapaaga raw ang pagpapalabas ng Prinsesa ng Masa ngayong Setyembre at mapapahaba naman ang teleseryeng Anna Karen Nina kapag hindi pa puwedeng ipalabas ang Akin Parin Ang Bukas sa Setyembre 23.

    Admin: Alyssa

  3. #123
    The Legal Wife's Lover LEE23's Avatar
    Join Date
    Feb 2005
    Location
    Moseying...
    Bakit di na lang palitan si Cesar? Kaloka!

  4. #124

  5. #125
    Avery.James.Kyle Exro's Avatar
    Join Date
    Aug 2011
    Location
    HOA lang.
    Quote Originally Posted by kyupayb View Post
    Coffee Prince [Kris Bernal and Aljur Abrenica] GMA 7
    5 hours ago via mobile
    Sagap Balita:

    Teleseryeng Akin Parin ang Bukas hindi raw ipapalabas ngayong buwan ng Agosto dahil ang isa sa pangunahing aktor nito na si Cesar Montano ay may kinakaharap na kasong maaaring makaapekto sa nasabing teleserye. Kaya naman pinalawak pa ng ilang linggo ang Mundo Mo'y Akin upang hindi magkaroon ng problema sa teleseryeng isahihimpapawid sa GMA.
    Tuloy parin daw ang pagtetaping ng Akin Parin Ang Bukas kahit na maaaring magkaproblema ito sa pagpapalabas sa telebisyon.
    Tinanong ko ang ating source kung hindi matuloy ang teleserye ni Lovie Poe ngayong Setyembre ano ang ipapalit nila rito? Ang sagot ay mapapaaga raw ang pagpapalabas ng Prinsesa ng Masa ngayong Setyembre at mapapahaba naman ang teleseryeng Anna Karen Nina kapag hindi pa puwedeng ipalabas ang Akin Parin Ang Bukas sa Setyembre 23.

    Admin: Alyssa
    kaya naman pala..

  6. #126
    Avery.James.Kyle Exro's Avatar
    Join Date
    Aug 2011
    Location
    HOA lang.
    Quote Originally Posted by LEE23 View Post
    Bakit di na lang palitan si Cesar? Kaloka!
    kaya nga! baka maka-apekto talaga to sa series..

  7. #127
    Mali ang title ng thread na ito

    Dapat

    Kailan Darating ang Bukas? ang title nito.Hindi kasi malaman kung kailan ipalabas...

  8. #128
    mukhang nauna pa si sunshine gumimik para mapagusapan si cesar..

    bagal talaga ng GMA

  9. #129
    Avery.James.Kyle Exro's Avatar
    Join Date
    Aug 2011
    Location
    HOA lang.
    kelangan gamitin nila ang pagiging bagong kapuso at balik-kapuso ng mga characters sa APRAB for promotion.. Charee Pineda, Cesar Montano, Helen Gamboa...

    Or ang tambalan sa afternoon prime, ngayon ay sa primetime na .. Lovi-Rocco

    Or ang first solo series ni Lovi sa Primetime... gosh ang bagal ng GMA, since pino-promote na nila ang "beautiful ending" ng MMA, dapat start na rin sila sa promotion para sa APRAB..

    as usual, tamad..

  10. #130
    Oo nga no. Si Cesar Montano pala ang dahilan kung bakit nadelay uli itong APRAB. Takte naman kasi si Sunshine! Mali ang timing! Hahaha!

    Nakakahiya naman kay Helen Gamboa.



  11. #131
    Abante, Aug. 18, 2013

    Lovi serye, naunsyami na naman…
    ni Jojo Gabinete

    Health reasons ang dahilan kaya inalis na si Helen Gamboa sa cast ng Akin Pa Rin ang Bukas, ang teleserye ng GMA 7 na pinagbibidahan nila Lovi Poe, Cesar Montano, Solenn Heussaff at Rocco Nacino.

    Si Liza Lorena ang ipinalit kay Helen na nakapag-taping na para sa nabanggit na show kaya nagkaroon ng reshoot noong Biyernes.

    Ang pagkawala ni Helen ang isa sa mga diumano’y dahilan kaya iniatras sa September ang airing ng Akin Pa Rin ang Bukas na mag-uumpisa sana sa August 26 at nagkaroon uli ng extension ang Mundo Mo’y Akin.

  12. #132
    Avery.James.Kyle Exro's Avatar
    Join Date
    Aug 2011
    Location
    HOA lang.
    grabe, ang dami naman palang problema ng show na to..

  13. #133
    RenztersPage stomata's Avatar
    Join Date
    Jul 2011
    Location
    @ Lornatics
    Cesar balik-trabaho

    Nagsimula nang mag-promote ang mga artista ng Akin Pa Rin ang Bukas kahit hindi pa tiyak kung kailan ang airing ng kanilang primetime drama series sa GMA 7.

    Nagpunta kahapon sa Davao City sina Rocco Nacino, Solenn Heussaff, Lovi Poe, at Cesar Mon*tano para sa Kadayawan Festival.

    Nagkaroon sila ng mall show para i-remind sa mga kababayan natin ang kanilang coming soon program sa Kapuso Network.

  14. #134
    RenztersPage stomata's Avatar
    Join Date
    Jul 2011
    Location
    @ Lornatics
    Helen, out na sa Lovi-Cesar serye
    dahil sa problema sa kalusugan
    (ROSE GARCIA)




    Kakapirma lang ni Ms. Helen Gamboa ng kontrata sa GMA-7 at ang una nga niyang teleserye ay ang Akin Pa Rin Ang Bukas, na pinagbibidahan ni Lovi Poe.

    Nakapag-taping na nga ang asawa ni Senator Tito Sotto ng ilang eksena para sa teleseryeng ito.

    Pero, mula sa isang reliable source, hindi na raw matutuloy na gagawin ni Ms. Helen ang Akin Pa Rin Ang Bukas.

    Mula rin sa aming source, diumano ay health reasons yata ang dahilan kung bakit kinakaila*ngan nitong hindi na muna gawin ang teleserye.

    At dahilan din para i-reshoot muli ang mga eksena na kasama si Ms. Helen.

    Kung hindi kami nagkakamali, isang buong linggo yata ang kaila*ngang i-reshoot ng GMA.

    May balita rin na nakarating sa amin na ang papalit na kay Ms. Helen ay si Ms. Liza Lorena raw.

    Anyway, mukhang marami ring isyu sa bagong soap na ito ni Lovi ang mga cast involved. Nandiyang hindi pa rin umaamin isa man kina Lovi at Rocco Nacino kung may something special nga ba sa kanila.

    At si Cesar Montano na isa sa cast ay kontrobersiyal din ngayon dahil sa kaso nila ng asa*wang si Sunshine Cruz.

    Pero, may nakapagsabi sa amin na nagkakaroon man ng delay o aberya, tuloy na tuloy na raw ang pilot nito sa September 9.

    Ito ang primetime series ng GMA-7 na papalit sa Mundo Mo’y Akin na magpi-finale naman ng September 6 pagkatapos nitong mag-extend ng da*lawang linggo pa.

  15. #135
    Oh my gulay ang malas ng serye na ito...

  16. #136

    Si Liza Lorena ang papalit kay Helen Gamboa sa APRAB.


  17. #137
    BaiLona x JaneRome JeSuisBilly's Avatar
    Join Date
    Jun 2013
    Location
    elsewhere?
    So sa ano ipapalit ang Genesis at Prinsesa ng Masa?

    Either of them ang papalit sa Innocent Man?

  18. #138
    Quote Originally Posted by JeSuisBilly View Post
    So sa ano ipapalit ang Genesis at Prinsesa ng Masa?

    Either of them ang papalit sa Innocent Man?
    Ang Prinsesa ng Masa eh pre-primetime. 6 p.m. ang slot niya kaya siya ang papalit sa Binoy Henyo. Ang Genesis ang papalit sa Ana Karenina raw since may fantasy element, yung slot after 24 Oras ang kadalasang slot ng fantaserye since gising pa ang mga bata. Mukhang kay Marian na serye ang papalit sa My Husband's Lover.

  19. #139
    Ang cast ng ‪#‎AkinPaRinAngBukas‬ mula sa Abreeza mall, Davao!



    Happy Sunday mula sa cast ng ‪#‎AkinPaRinAngBukas‬ na nasa mall show ngayon sa Davao!



    Charee, Cesar, Lovi, Solenn and Rocco


    Ang bagong Kapuso na si Charee Pineda, pumirma na ng kontrata sa GMA Artist Center! Abangan si Charee Pineda sa ‪#‎AkinPaRinAngBukas‬! Malapit na sa GMA Telebabad!


  20. #140
    Quote Originally Posted by yari View Post
    sana mageffort din silang mag bihis dito sa show just like sa MHL lahat okay ang ayos..

    at hindi gawing fashion show or ganda gandahan lang ang peg ni Solenn..

    ikuha sana nila ng magaling na make up artist si LOVI just like sina marian at Carla ang gagandang magbihis.. siya ang primera aktresa ng GMA dapat pabolosa siya hindi parang haggard at lasing lang ang peg
    Si John Paul Dizon din ang stylist dito nina Solenn at Cesar. Si John Paul ang stylist ni Carla sa My Husband's Lover at nila Heart Evangelista, Lovi Poe, Alessandra de Rossi at Cherie Gil sa Legacy. Kaya naman magaganda damit nilang lahat!

Page 7 of 23 First ... 6 7 8 17 ... Last

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •