PEx Highlights

PHOTOS: Purefoods Back to Winning Ways

Mark Barroca starred in a furious 2nd half comeback win against the GlobalPort, scoring 25 points for Purefoods.

read more

PHOTOS: Aces Demolish Bolts

Alaska went on a demolition job against Meralco, defeating the Bolts by an embarrassing 41-point deficit, 105-64.

read more

FEATURE: Expectations for Gilas 3.0

With Chot Reyes out of the picture and the Gilas program 'under review', JPM ponders on the possibilities that may happen in the new Gilas.

read more

REVIEW: Beauty in a Bottle

Beauty in a Bottle is worth the look thanks to its witty and poignant script and terrific performances from its cast.

read more

PEx Halloween: Pinoy Horror Stories

Nakakita ka na ba ng aswang o multo? Nakaramdam ng masamang spirito at mga maligno? Kwento mo na dito!

read more

Inflatable robot Baymax takes the spotlight!

In Disney's Big Hero 6, a plus-sized inflatable robot named Baymax makes a difference in the life of teen prodigy Hiro Hamada.

read more

Page 1 of 8 1 2 ... LastLast
Results 1 to 20 of 144
  1. #1

    Nasaan na si Marian Rivera?

    Hindi na yata siya visible sa showbiz after nung last TV show niya? Wala na rin guestings, commercials at print ads? Any news about her?

  2. #2
    Banned by Admin
    Join Date
    Feb 2013
    Location
    Antiktique
    She has two movies coming soon.




  3. #3
    aka James Richard DIGINEWS's Avatar
    Join Date
    Oct 2011
    Location
    Casa Milan Fairvie
    Andayn pa rin naman sya.....kayod kabayo nga ang peg nya sa GMA....
    yung nga lang ang mga projects di kagandahan... kaya napag iiwanan ni angel locsin , anne curtis , angelica panganiban , sarah g at bea alonzo ....

  4. #4
    You're just a pig inside jin_mao's Avatar
    Join Date
    Apr 2013
    Location
    a human body
    Alam ko kung nasaan siya,


    Nasa puso ko.

  5. #5
    aka James Richard DIGINEWS's Avatar
    Join Date
    Oct 2011
    Location
    Casa Milan Fairvie
    o hayan nakuha ko sa thread namin ang magandang balita sa mga nagmamahal kay marian:



    Marian Rivera changes talent management

    Marian Rivera ended her contract with long-time manager Popoy Caritativo. She will join Tony Tuviera's AAA's talent management who also manages some of our biggest stars today.

    Marian, however, further elaborate about her decision to change managers, pointing out that this is out of respect to Popoy who handled most of her career, "Sabihin na lang nating may mga hindi pagkakaintindihan."

    She also added that she will still "Hindi na nagiging productive yung relationship namin bilang talent manager at bilang kaibigan. Isa lang sinabi ni Popoy, 'Rerespetuhin ko anuman ang nais mo.' Hindi ito biglaang desisyon."

    Marian's contract with GMA Network will end on August this year and she might explore other network options after the expiration.

    http://lionheartv.net/2013/04/marian...anagement.html

  6. #6
    The Legal Wife's Lover LEE23's Avatar
    Join Date
    Feb 2005
    Location
    Moseying...
    Hahahaha!

  7. #7
    Banned by Admin
    Join Date
    Feb 2013
    Location
    Antiktique
    Quote Originally Posted by DIGINEWS View Post
    o hayan nakuha ko sa thread namin ang magandang balita sa mga nagmamahal kay marian:



    Marian Rivera changes talent management

    Marian Rivera ended her contract with long-time manager Popoy Caritativo. She will join Tony Tuviera's AAA's talent management who also manages some of our biggest stars today.

    Marian, however, further elaborate about her decision to change managers, pointing out that this is out of respect to Popoy who handled most of her career, "Sabihin na lang nating may mga hindi pagkakaintindihan."

    She also added that she will still "Hindi na nagiging productive yung relationship namin bilang talent manager at bilang kaibigan. Isa lang sinabi ni Popoy, 'Rerespetuhin ko anuman ang nais mo.' Hindi ito biglaang desisyon."

    Marian's contract with GMA Network will end on August this year and she might explore other network options after the expiration.

    http://lionheartv.net/2013/04/marian...anagement.html

    Primetime Queen Marian Rivera admitted that talent manager
    and producer Tony Tuviera is her new manager in a presscon
    held at Luxent Hotel this afternoon.




    Kalilipat pa naman nina Rafael Rosell at Tom Rodriguez kay Popoy tapos biglang nilayasan sila ng biggest star nila.

  8. #8
    sana lang maisalba pa ni mr.tuviera ang career ni marian.

  9. #9
    Ba't umalis siya kay Popoy?

  10. #10
    Banned by Admin
    Join Date
    Feb 2013
    Location
    Antiktique
    FIRST READ ON PEP: Marian Rivera drops Popoy Caritativo as manager; signs up with Tony Tuviera

    2013 Apr 26
    Posted by Karen A. Pagsolingan & Erwin Santiago



    Kumalas na ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera mula sa pangangalaga ng kanyang longtime manager na si Popoy Caritativo.

    Ngayon ay ang Triple A na ni Mr. Tony Tuviera ang mamamahala sa career ni Marian.

    Ginawa ang announcement ng pag-alis ni Marian sa Luminary Talent Management ni Popoy at paglipat niya sa Triple A ngayong tanghali, April 26, sa Luxent Hotel sa may Timog Avenue, Quezon City.

    "Opo, hindi na po ako kay Popoy... effective nung isang araw pa," pagkumpirma ng aktres sa mga imbitadong miyembro ng media.

    Marami ang nagulat sa desisyon na ito ni Marian dahil bago ito ay walang nababalitang tampuhan o samaan ng loob sa pagitan nila ni Popoy. Ang akala kasi ng marami ay maayos ang samahan nila bilang talent at manager.

    Pero sabi ni Marian, "Hindi na nagiging productive yung relationship namin bilang talent manager at kaibigan.

    "Isa lang ang sinabi ni Popoy: 'Rerespetuhin ko anuman ang nais mo.'"

    Dagdag pa ng Kapuso actress, hindi raw ito biglaang desisyon.

    Tumanggi si Marian na sabihin ang tunay na dahilan ng pagkalas niya kay Popoy.

    Ito raw ay bilang respeto na rin kay Popoy na naging manager niya sa napakahabang panahon.

    "Sabihin na lang nating may mga hindi pagkakaintindihan," sambit ni Marian.

    DISCOVERER. Hindi naman na ibang tao para kay Marian si Mr. Tony Tuviera dahil ito ang itinuturing ng aktres na "nag-discover" sa kanya.

    Unang nabigyan ng break sa telebisyon si Marian sa mga afternoon soap na iprinodyus ng APT at TAPE Inc. para sa GMA-7: Kung Mamahalin Mo Lang Ako (2005), Agawin Mo Man Ang Lahat (2005), at Pinakamamahal (2006).

    Hanggang sa mapansin siya ng Kapuso network at kunin sa mga proyekto nito.

    Si Mr. Tuviera rin ang producer ng longest-running noontime show sa Pilipinas, ang Eat Bulaga!.

    LIPATAN ISSUE. Inusisa rin ng press si Marian kung kasabay rin ba ng pagpapalit niya ng manager ang maugong na balitang lilipat na siya ng network.

    Sagot ng aktres, "Antayin ninyo sa August."

    Sa August 2013 kasi magtatapos ang kontrata niya sa GMA-7.

    Ang huling teleserye ni Marian ay ang Temptation of Wife, ngunit wala pang nababalitang bagong proyekto na sisimulan niya sa Kapuso network.

    INSTAGRAM ACCOUNT. Inanunsiyo rin ni Marian na mayroon na siyang Instagram account na ang user name ay "thereal marian." Ito ang kauna-unahang social-networking account ng aktres.

    Ngunit kakaunti pa lang daw ang posts niya dahil "siyongaers" pa siya sa paggamit ng photo-sharing website na ito. Nagsimula raw siya noong Miyerkules ng gabi, April 24.

    Forty-four accounts daw ang pina-follow niya sa Instagram—at hindi kasama rito ang dati niyang manager na si Popoy.

    Paano kung mag-post ng mensahe ang kanyang bashers?

    Sagot ni Marian: "Basher? Delete, block... tinuruan na ako ni Dong, tapos report abuse."

    Si Dingdong Dantes ang kasintahan ni Marian.

  11. #11
    Banned by Admin
    Join Date
    Feb 2013
    Location
    Antiktique
    Marian Rivera on decision to leave Popoy Caritativo: "Iniyakan ko nang maraming beses..."

    Friday, April 26, 2013 - 05:35pm


  12. #12
    I-Emmy's royal gown-maker shalnarkissess's Avatar
    Join Date
    Feb 2013
    Location
    Cinco Rd. Sopla V

    Marian Rivera during a press conference on Friday
    announcing her management transfer


    Asked which network she prefers to transfer to, should the opportunity arise, Rivera said,
    "Sa August po, magkita-kita tayo kung saan ako pupunta."






    August din nun nung pumirma si Angel sa ABS-CBN in 2007.

  13. #13
    Quote Originally Posted by ChiKATH View Post
    Ba't umalis siya kay Popoy?
    wala na kasing nagyayari sa career nya kay popoy.as if naman ang pagpalit ng manager ang makakasalba sa career nya.

  14. #14
    The Legal Wife's Lover LEE23's Avatar
    Join Date
    Feb 2005
    Location
    Moseying...
    Pinandigan na talaga ni marian na isa siyang anino ni angel. Hanggang sa pagpili ng instagram username, pareho lang?

  15. #15
    Gagawa kaya ulit ng drama si Marian sa TAPE?

  16. #16
    Banned by Admin
    Join Date
    Feb 2013
    Location
    Antiktique
    PEP ALERTS

    Bukod kay Marian Rivera, wala na rin sa poder ni Popoy Caritativo si Martin Escudero.

  17. #17
    Banned by Admin
    Join Date
    Feb 2013
    Location
    Antiktique
    Marian Rivera on dropping former manager: "Hindi ko hahayaan ang sinuman na sabihin na wala akong utang na loob kay Popoy."

    2013 Apr 27
    Posted by Rose Garcia



    Isang press conference ang ipinatawag ng APT Entertainment, Inc. kunsaan ang ipinadalang text-invite sa imbitadong media ay may nakasaad na “very important announcement.”

    Ginanap ang press conference kahapon, April 27, sa Luxent Hotel sa may Timog Avenue, Quezon City.

    Halos lahat sa entertainment press ay nagulat nang malaman na ang announcement na iyon ay ang pagiging isa nang talent ng Triple A (AAA) ng Primetime Queen ng GMA-7 na si Marian Rivera.

    Ang AAA ay ang talent arm ng APT Entertainment na pinamamahalaan ng TV and film executive na si Mr. Tony Tuviera.

    Bungad ni Marian sa media, “Alam ko nagulat kayo, pero lahat 'yan, sasagutin ko.”


    PARTING WAYS. Agad ding kinumpirma ni Marian na umalis na siya sa poder ng manager niyang si Popoy Caritativo.

    Aniya, “Opo, wala na ako kay Popoy at under na po ako sa Triple A na pag-aari po ni Mr. Tuviera.”

    Ayon pa sa aktres, "nagbabalik" lang siya sa taong nakadiskubre at unang nagbigay sa kanya ng break.

    “Siyempre, hindi naman lingid sa kaalaman ninyo na galing ako kay Mr. T [bansag kay Mr. Tuviera]. Siguro, nagbabalik lang ako kung saan ako nagmula."

    Si Mr. Tuviera ang unang nagbigay ng break kay Marian sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng lead roles sa afternoon soaps noon ng APT Entertainment na ipinalabas sa GMA-7: Kung Mamahalin Mo Lang Ako (2005), Agawin Mo Man Ang Lahat (2005), at Pinakamamahal (2006).

    Nang tanungin kung ano ang dahilan kung bakit kumalas siya sa poder ni Popoy ay tumangging magbigay ng detalye si Marian.

    Saad niya, "Para sa akin, napaka-unfair naman kung idedetalye ko nang buo ang nangyari sa amin ni Popoy.

    “Siguro sabihin na lang natin na parehas kaming nag-agree sa isa’t isa na mas mabuti na maghiwalay na kami.

    "Siguro ano, hindi na nagiging productive ang relationship namin bilang talent at manager.”

    Nagkaroon ba sila ng samaan ng loob?

    “Ay wala… siguro hindi naman maiiwasan na magkatampuhan. Kasi for seven years, ang daming nangyari, hindi ko 'yan maiaalis.

    "Pero sa akin, sinabi ko lahat ang saloobin ko sa kanya. At maluwag niya yung tinanggap.

    “Isa lang ang sinabi niya: 'Rerespetuhin ko kung ano ang ninanais mo.'”

    Kailan pa niya binalak na umalis sa pamamahala ni Popoy?

    Sagot ni Marian, “Matagal na, matagal na matagal na panahon na.

    "Siguro, ito na yung tamang panahon.

    "Alam ninyo, naghintay rin naman ako.

    "Siguro, hindi ito madaling desisyon.

    "Pinag-isipan ko ito ng hindi isa, dalawa, tatlo... maraming beses.”


    THROUGH A LETTER. Pahayag pa ni Marian, ang naging paghihiwalay nila ng landas ni Popoy ay idinaan niya sa pamamagitan ng isang liham.

    “Ang paghihiwalay, sumulat ako ng letter sa kanya.

    "Lahat ng saloobin ko, lahat ng hindi niya nalalaman tungkol sa akin, sinabi ko lahat yun sa sulat—at doon nagsimula.

    “After the sulat, nag-text siya agad sa akin. 'Marian, na-receive ko ang letter mo. Kung 'yan ang desisyon mo, rerespetuhin ko yan.'”

    Pero bakit hindi sila nag-usap nang personal?

    “Actually, hiniling niya na gusto niya akong makausap.

    "Pero sabi ko kasi, 'Poy, parang hindi ko pa yata kayang humarap sa ‘yo.'

    "Siyempre, seven years din kaming nagkaroon ng samahan at, sabi ko nga, medyo masakit din kasi ang nangyari sa akin, sa mga pinagdaanan ko.

    “So, siguro in time... hindi ko sinasarado ang pintuan ko. In time, ako mismo ang makikipag-usap sa kanya.”

    Pero nilinaw ni Marian na walang anumang away na naganap sa pagitan nila ng dating manager.

    Aniya, “Walang away na naganap, para iklaro ko 'yan.”

    May nagtanong kung pera ba ang dahilan ng kanilang paghihiwalay ng landas, na kadalasang rason ng away o pagtatapos ng relasyon ng isang manager at isang talent.

    Tugon ni Marian, “Hindi naman... talagang meron lang hindi pagkakaintindihan.

    "At saka, ang pangit naman kasi sa akin na magdetalye at parang napaka-unfair naman para kay Popoy na sabihin ko yung side ko.

    “Siguro mas maganda kung sa aming dalawa na lang yun at hihingin ko po ang respeto na yun para sa inyo.”


    FREEDOM. Pero ano ang isang “major reason” kung bakit sila naghiwalay o kung bakit siya umalis sa poder ni Popoy?

    Sabi ni Marian, “Siguro po, sa ngayon, magagawa ko na ang gusto kong gawin sa buhay ko na ako ang magdedesisyon para sa sarili ko."

    Iginiit ng aktres na hindi pera ang dahilan ng paghihiwalay ng landas nila ni Popoy.

    “Ay naku, yung mga pera, kontrata, commercials, e, ayokong pag-usapan ang lahat ng 'yan.

    "Ang pangit lang sabihin na kaya nga ako nagtatrabaho because of money.

    "Para kung anuman ang pinagtatrabahuhan ko, ma-extend ko 'yan sa pamilya ko, sa sarili ko, pero hindi isyu sa akin ito.

    “Ang isyu sa akin, yung maging malaya ako sa mga gusto kong gawin.”

    Paliwanag pa niya, “Kasi from day one, pumasok ako sa showbiz na probinsiyana. May konting alam sa buhay.

    "Pero habang nagdadaan ang mga panahon, siyempre natututo rin ako.

    "Pero sa lahat ng panahon na yun, si Popoy kasi ang nagde-decide ng bawat projects na ibinibigay sa akin.

    “Siya ang nagde-decide kung ano ang gusto kong gawin, kung saan pupunta, kung saan uupo.

    "So ngayon, na agree kami sa bawat isa, na maghiwalay kami.

    "Ito na ang freedom para sa akin.

    "At isa lang ang taong naisip kong puntahan para makuha ang freedom na yun.

    “Walang iba kung hindi si Mr. T, Mr. Tony Tuviera, na tatay ko, pinagmulan ko... kasama ang team ng Triple A.”

    Dahil nabanggit ni Marian ang salitang “freedom,” pinagbigyang-linaw sa kanya kung nasakal ba siya kay Popoy.

    Sagot ng Caviteña na aktres, “Siguro hindi sakal. Siguro, hindi ko rin naman masisisi si Popoy.

    Nanggaling nga ako sa probinsiya, walang alam. Siguro siya ang nagde-decide at nasanay lang ako na siya ang nagde-decide ng lahat ng bagay sa akin.

    "Hindi ko rin siya masisisi.

    “At siguro, sabihin na lang natin na marami pa rin akong gustong gawin sa buhay ko.

    "Alam ninyo po yun, kakaiba naman, parang kakaiba naman.

    "At sa tingin ko, wala naman akong nakikitang masama. Seven years din naman kaming nagsamang dalawa.

    "At hindi rin naman iba ang pinuntahan ko, ang sarili ko ring tatay ang pinuntahan ko,” pagtukoy ni Marian kay Mr. Tuviera.


    PERSONAL MATTER. Tinanong ng PEP kay Marian kung ang sinasabi niyang marami siyang hindi magawa ay may koneksiyon din sa personal niyang buhay.

    Matama munang nag-isip ang Kapuso actress at sinabing, "Well, paano ko ba sasabihin 'to?

    "Well, kasi nga, hindi ko rin masisisi si Popoy. Noong makuha niya ako na probinsiyana... parang nasanay na ganoon ang istilo.

    "So ngayon na may isip na ako, ngayon ko naiisip na, 'Ay, bakit hindi ganito? Hindi ganoon.'

    "Ayoko namang kontrahin ang mga desisyon niya sa akin bilang may respeto ako sa kanya.

    "Hindi kasi nagiging produtive ang relationship naming dalawa.

    "Yun kasi ang nakasanayan naming istilo.

    "Ngayon, gusto ko naman na tatanungin ako at ako ang magde-decide."

    May kontrata ba sila ni Popoy?

    “Contract, to be honest, wala kaming kontratang dalawa,” sabi ni Marian.

    At siya mismo ang may sabi na sa lahat ng alaga niya, kung gustong umalis, anytime, free—free na umalis.”


    CRYING OVER HER DECISION. Bagamat ang ipinakita ni Marian sa ginanap na press conference ay larawan ng kaligayahan, hindi naman itinanggi ng aktres na iniyakan niya ang mga nangyari.

    "Oo naman, sobra. Kilala ninyo naman ako na napaka-transparent na tao.

    "Kung ano ang nakikita ninyo sa akin, yun na yun. Yun na yun na yun.

    "Never akong nagpanggap sa inyo at alam ninyo yun.

    "Iniyakan ko ng maraming beses. Pinag-isipan ko ng maraming beses.

    "At nakakatuwa lang na yung nangyari sa amin, hind naging mabigat. Na ipitan, galitan, away—walang nangyaring ganun sa amin ni Popoy.

    "Kumbaga, nagdesisyon kami na kaming dalawa ang nag-agree na maghiwalay kaming dalawa.

    "So, nirespeto namin ang bawat isa."

    Tila nakahanda naman na si Marian sa posibilidad na may magsabi sa kanya na "walang utang na loob" o "ingrata."

    Aniya, "Yes, ine-expect ko na 'yan na may magtatanong sa akin.

    "Pasensiya na kayo pero ang salitang utang na loob e malaking salita, at hindi ko hahayaan ang sinuman na sabihin na wala akong utang na loob kay Popoy.

    "Dahil for seven years na pinagsamahan namin, napakabait kong alaga sa kanya. Minahal ko siyang totoo. Nagtiwala ako nang sobra sa kanya.

    "So, yung term na utang na loob, naniniwala ako na may utang na loob ako sa ibang tao...

    "Maliban lang siyempre sa Diyos, pero isasama ko diyan Mama ko, Papa ko, lola ko, at higit lalo kay Mr. T.

    "Si Mr. T ang naka-discover sa akin at siya ang nagbukas sa akin ng pinto para matupad ko ang tinatawag na destiny sa buhay."


    THE TALK. Nagkausap na ba sina Mr. Tuviera at Popoy?

    Sabi ni Marian, “To be honest, gustong kausapin ni Tatay si Popoy na kasama ako.

    "Pero ang sabi ko kay Tatay, 'Tatay, hindi pa po ako handa.'

    "Kasi, hindi naman po madali para sa akin na sabihin kay Tatay.

    “Siyempre, pinag-isipan ko ito ng mahabang panahon.

    "Malaki ang naitulong sa akin ni Popoy for seven years at hindi ko maikakaila 'yan.

    "Kung ano ang meron ako ngayon, lahat 'yan naitulong niya sa akin at never kong tatanggalin sa buhay ko.”

    Nang lumapit siya kay Mr. Tuvuera, tinanggap ba siya nito agad?

    Sabi ni Marian, "To be honest, hindi kasi dumating sa point na, 'Tay, i-manage ninyo ako.' Hindi ganun.

    "Lumapit ako kay Tatay, kasi may problema ako.

    "Tapos sabi niya, 'Anak, anytime. Kailan ka puwede?'

    "Sabi ko, 'Kayo po, Tay?'

    "Sabi niya, 'Today.'

    "Ora mismo pinuntahan ako ni Tatay. Nag-usap kami, lahat-lahat pinag-usapan namin.

    "Hanggang ending, sabi niya, 'Basta anak, susuportahan kita kahit ano'ng mangyari dahil mahal kita.'

    "So, parang naisip ko, saan pa ba ako babalik kung hindi sa pinagmulan ko at doon sa taong nag-open sa akin ng pinto para maging si Marian Rivera."


    HARDEST DECISION. Tila sa buong showbiz career ni Marian, ito na yata ang maituturing na pinakamahirap na desisyon na ginawa niya. Pero kanino niya ito unang sinabi?

    “Una kong sinabi ang desisyon ko sa pamilya ko. Siyempre, kilala nila si Popoy.

    "Si Mama kasi, matagal na diyan. At si Mama kasi ang parang naging best friend ko na sinasabihan ko ng lahat-lahat sa akin.

    “So, napagkasunduan namin na ganoon na ang magiging desisyon ko.

    “Of course, after that, nag-open-up ako kay Dong," pagtukoy ni Marian sa kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes.

    "At si Dong, in fairness kay Dong, ang sabi niya lang sa akin, 'Ikaw, kung ano ang gusto mong gawin sa buhay mo at feeling mo, makakabuti sa ‘yo, bilang tao, bilang artista, gawin mo 'yan, nasa likod mo lang ako.'”

    Wala bang impluwensiya ni Dingdong ang desisyon niya?

    "Wala, 'yan ang lilinawin ko. Walang sinuman ang nag-impluwensiya sa akin sa bawat desisyon ko.

    "Diyos ko, ang laki-laki ko na! Bakit may magdedesisyon na ibang tao?

    "Masaya ako dito at looking forward ako kay Tatay sa gagawin sa akin."


    "STILL FRIENDS? Masasabi ba ni Marian na kaibigan pa rin niya si Popoy, sa kabila ng paghihiwalay nila ng landas?

    “Kaibigan? Siyempre ako, kahit na anong mangyari, thankful ako sa mga naibigay niya sa akin.

    "And yes, Popoy and Marian for seven years, yung napagsamahan namin, hindi na mabubura sa akin.”

    Pero pagkatapos ng pitong taon, magkaibigan pa rin ba sila ngayon?

    Sagot ni Marian, “Well, ayoko namang magpaka-ipokrita sa harapan ninyo.

    "Hindi ko siya kaaway at palagi kong sasabihin na thankful ako sa mga naibigay niya sa akin.

    "Kahit na anong mangyari, ako si Marian Rivera na inalagaan niya for seven years.

    “At kahit na anong mangyari, naging manager ko siya, kaibigan ko siya at Momsie ko siya.”

    Dugtong din niya, “Ako, kaibigan ko siya; for sure, siya rin.

    "Sa pagkakakilala ko naman kay Popoy, alam ko naman na mahal niya ako, e.”

    Sa pag-alis ni Marian, ang mga natitirang talents ni Popoy sa Luminary Talent Mangement ay sina Dennis Trillo, Janice de Belen, Martin Escudero, AJ Dee, Tom Rodriguez, at Rafael Rosell.

    Hindi raw nakapagpaalam o nakapagsabi si Marian sa mga kasamahan niyang artista sa Luminary.

    Katuwiran ni Marian, "Ayokong pangunahan si Popoy. Gusto ko manggaling kay Popoy bilang respeto sa kanya.

    "Gusto ko, siya na ang magsabi sa mga talents niya.

    "Bilang respeto lang, si Popoy muna ang mauna sa mga talents niya."

    Ano ang eksaktong nararamdaman niya ngayon?

    "Well, mixed emotions ako dahil siyempre, nagkahiwalay kami ni Popoy but, at the same time, masaya ako sa desisyon ko.

    "Masaya ako na may mga bagay akong matutunan. May mga bagay akong mae-explore sa sarili ko.

    "Tapos nakakita ako ng mag-aalaga sa akin nang lubos-lubos talaga."

    Ngayong nasa pangangalaga na siya ni Mr. T., ano ang puwedeng asahan na bago niyang gagawin?

    "Well, bilang ito pa lang ang inaayos namin and soon, magkakaroon kami ng meeting, ilalatag nila ang lahat ng plano nila sa akin.

    "At gayundin, ako muna ang magsasalita kung ano ba ang gusto ko bilang si Marian Rivera."

  18. #18
    Banned by Admin
    Join Date
    Feb 2013
    Location
    Antiktique
    Marian Rivera gets more freedom with new management team
    By Walden Sadiri M. Belen
    Published: April 27, 2013



    Freedom usually comes with a high price. For 28-year old actress Marian Rivera, it meant dissolving her partnership with Popoy Caritativo, her manager for seven years already and joining All Access to Artists, her new management team owned by Tony Tuviera.

    She made the announcement yesterday at the Luxent Hotel in Quezon Cty.

    According to her, the decision to change management wasn't a spur of the moment decision as some would speculate. She said that she has been contemplating of leaving Popoy as manager for a long time now. When she mustered enough courage, she vented her side and emotions to Popoy through a letter which surprised the entertainment press.

    Known for her frankness, she was asked why didn't she opt for a face to face talk with him.

    She replied, "Hindi ko kaya at mahihirapan ako. Nagpapasalamat lang ako na sinabi niyang ‘Nabasa ko ang sulat mo at kung yun ang gusto mo, re-respetuhin ko decision mo.’ Sabi ko, ‘Mahal ako ng tao na ito.’"

    The respect she was accorded by her former manager is the reason she wouldn't divulge Popoy's side of the story.

    "Napaka-unfair ko naman kung sasabihin ko pa yung mga side ni Popoy. Nirerespeto ko siya at bali-baliktarin nyo man ang mundo, malaki ang pasasalamat ko kay Popoy sa lahat ng naitulong niya sa akin. Never akong magsasalita ng di maganda tungkol sa kanya dahil mabait sa akin yung tao," she explained.

    As regards the Filipino value of "utang ng loob" Marian remarked that she believes in that and she would never forget what Popoy did for her.

    "Ang salitang utang na loob ay napakalaking salita para sa akin. Hindi ko hahayaang sasabihin sa akin na wala akong utang na loob kay Popoy. For seven years na pinag samahan namin, napakabait kong alaga sa kanya, nagtiwala ako ng sobra sa kanya at minahal ko siya ng totoo," she said.

    But when she mentioned the persons she has "utang ng loob" to, Popoy's name wasn't included.

    "Yung term na utang na loob, naniniwala ako na may utang na loob ako sa tatlong tao maliban na sa Diyos na isasama ko dyan, Mama ko, Papa ko, Lola ko at higit lalo na si Mr. T na naka-discover sa akin at nagbukas ng pintuan para matupad ko ang tinatawag kong destiny sa buhay," she said.

    On how she got the courage to write Popoy the letter, it helped that she had a talk with Tony Tuviera or "tatay" as she calls him, whom she called to confide her dilemma concerning Popoy.

    "Lumapit ako kay tatay kasi may problema ako.’ Tay, pwede ko ba kayong makausap kasi may problema po ako.’ Sabi niya, ‘Anak, anytime pwede.’ Sabi ko today, ora mismo pinuntahan ako. Nag-usap kami. Lahat-lahat nag-usapan namin. Ang ending sabi niya kahit anong mangyari susuportahan kita dahil mahal kita. Naisip ko saan pa ba ako babalik at babalik kungdi sa pinagmulan ko at sa taong nagbukas ng pinto para maging Marian Rivera," shared Marian.

    Bottom line, she said that her relationship with Popoy is not being productive anymore as her manager, and even as friends. She said that she needed more freedom to do things she wants to do. Signing with AAA only meant that she has moved on and would be more "hands-on" with her career.

    "Isa lang sinabi sa akin, ‘Ikaw boss namin, Ikaw nagpapasweldo sa amin, kung ano gusto mo susundin namin,’" she quipped with a smile.

    Her new found freedom also resulted in Marian Rivera joining the social media world. She now has an Instagram account which fans could follow at @therealmarian.

    On why it took her this long to finally create her Instagram account, she said, "I understand Popoy. He only wants to protect me.”

  19. #19
    Banned by Admin
    Join Date
    Feb 2013
    Location
    Antiktique
    Cherie Gil, ginaya si Marian Rivera, nilayasan din ang manager!

    Monday, April 29, 2013

    USO NA naman yata ang pagpapalit ng manager ngayon. Matapos kasing layasan ni Marian Rivera ang manager nito na si Popoy Caritativo ay iniwanan na rin ni Cherie Gil ang manager nito na si June Rufino last Friday.

    Hindi lang malinaw sa dalawang actress kung ano talaga ang tunay na dahilan ng paglayas nila sa kani-kanilang manager.

    Si Marian, todo-tanggi na may kinalaman sa pera ang desisyong magpalit ng manager. Katuwiran lang ng actress ay gusto niyang masunod kung ano ang gusto niyang gawin sa showbiz career at magbalik sa tunay na naka-discover sa kanya sa katauhan ni Mr. Tuviera, producer ng Eat Bulaga.

    Si Cherie naman ay wala pang ibinibigay na dahilan sa ginawang paglayas sa manager na si Madam June.

    Anyway, ayon na rin sa mga naging pahayag ni Marian tungkol sa isyu ng paglayas din nito sa GMA-7, tila malabo pa ito kahit hanggang sa August ng taon magtatapos ang kontrata niya sa Kapuso.

    Posible kasing mag-renew siya uli ng kontrata sa GMA 7. At ang sure ay siya na ang magsusunod kung ano ang gagawin niyang project.

    Knowing Mr. Tuviera naman, kung ano ang ikasisiya ng kanyang talent ay buong pusong sinusuportahan.

    Taray naman ng kasamahan namin sa pa-nulat na may tampo sa da-ting manager ni Marian. Hayan na raw ang karma. ‘Di raw kasi ito marunong tumingin sa mga dating kaibigan sa press, na ma-tapos sumikat ang kanyang alaga ay nakalimutan na ang mga ito nang dahil lang sa sulsol ng ilang press din na sa feeling niya ay kinatatakutan sa mundo ng showbiz industry.

    Oh. C’mon!
    By Gerry Ocampo

  20. #20
    aka James Richard DIGINEWS's Avatar
    Join Date
    Oct 2011
    Location
    Casa Milan Fairvie
    Kaya umiyak si Popoy dahil mawawalan na sya ng malaking kita ....(persiento sa tf ni ms marian),,,, eh sya naman pala ang dahiln kung baket nagin malamig kay ms marian ang publiko...Biro mo if u will analyze , walang tv commercial endorsements si marian, urong sulong ang pelikula niya( it means walang kompiayansa ang producer) medicore lang ang ratings ng pelikula niya di man lang consistently number 1 sa agb or kantar or both..

    Goodluck MsMarian

Page 1 of 8 1 2 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

PBA:

Purefoods capture first win of the season in fierce 2nd half rally vs GlobalPort, 81-75.

Purefoods capture first win of the season in fierce 2nd half rally vs GlobalPort, 81-75.

read more
NBA:

New York Knicks play the spoiler in LeBron James' Cleveland homecoming in 95-90 win.

New York Knicks play the spoiler in LeBron James' Cleveland homecoming in 95-90 win.

read more
SHOWBIZ:

Annabelle Rama, 'surrender na' sa lovelife ni Ruffa

Annabelle Rama, 'surrender na' sa lovelife ni Ruffa

read more
MOVIES:

Heeeere's Johnny! What's the scariest horror movie for you? Share it here.

Heeeere's Johnny! What's the scariest horror movie for you? Share it here.

read more
CHIT CHAT:

Dito na me, where na you: Anong gusto mong nakasulat sa sarili mong epitaph?

Dito na me, where na you: Anong gusto mong nakasulat sa sarili mong epitaph?

read more
NMFtv:

Showbizbro is joined by JM of The Call Center Show & Tagalog-Speaking Aussie, Chris Urbano.

Showbizbro is joined by JM of The Call Center Show & Tagalog-Speaking Aussie, Chris Urbano.

read more