PEx Highlights

FEATURE: Philippine Cup Semis Preview

It's the Aces against the E-Painters and SMB versus TNT. Read on as JPM previews and predicts the outcome of the Fil Cup semis.

read more

FEATURE: On Former Teammates and Rivals

PEx's guest contributor Michele Gumabao talks about her ex-teammates and ex-rivals in the UAAP and the pros.

read more

Where are you staying this Holiday Season?

Join the Call Center promo and get a chance to win Pizza Inc Gift Certificates!

read more

PHOTOS: Alaska Takes Game 1 vs RoS

The Aces mustered a furious 2nd half turnaround to take Game 1 of the semifinals against the Elasto Painters, 87-80.

read more

TRAVEL: Ilocos: Vigan, Laoag, Pagudpud

PExer mikedph shares everything you need to know about an Ilocos trip that includes photos around Vigan, Laoag and Pagudpud.

read more

REVIEW: This is Where I Leave You

Family dramedy This Is Where I Leave You graces the screens this week. Is this movie worth checking out? Find out here!

read more

Page 1 of 2 1 2 LastLast
Results 1 to 20 of 37
  1. #1

    Ugaling Pinoy(negosyo)

    Ito'y obserbasyon ko lamang, subalit di ko maiwasang di makita na ang ating ugaling pinoy pagdating sa hanapbuhay.
    Halimbawa, Ipinanganak ang Pinoy exchange na di hamak na una kaysa sa Facebook, at natural naman na alam natin kung alin sa dalawa ang mas malakas humahatak ng tubo. Noong panahong nasa estados unidos pa ako ang mga negosyo ng mga pinoy ay ang pinoy restoran na ang target na kostumer ay mga kapwa pinoy din, mga balikbayan boxes na ang target ay pinoy din at marami pang iba na ang laging target ay ang kanyang kalahi, maging sa bansang kinalalagyan ko ngayon ay may parehong ugali at mindset, well, wala namang masama dito ano ang akin lang katanungan e, bakit hindi hindi ang majority ng mamayan ng mundo ang targetin natin at laging nakatuon tayo sa ating kalahi? Kalimitan pa sa dami ng negosyo na nakatuon lang sa napaliit na market e sila na mismo ang nag-aaway-away e.g. balikbayan boxes sa Amerika at telephone cards dati. Mga club ng pinay sa Japan mga nag kacater na mga pinoy sa Italya at halos sa lahat ng panig ng mundo ay may ganitong sitwasyon. bakit limitado ang abot ng kaisipan ng karamihan? Kailan tayo magiging "power player"?

  2. #2
    Hindi din. Limitado lang ang perpektibo mo sa palagay ko.
    May mga pinoy na namamayagpag sa iba't-ibang parte ng mundo na ang mga kliyente ay hindi mga kapwa pinoy.

  3. #3
    Andyan naman si Josie Natori, Monique Lhuillier (not sure about spelling) atbp.

  4. #4
    Ugaling pinoy sa negosyo? mapagsamantala.

  5. #5
    In a way, totoo itong observation mo.

    Take our tourism industry as an example. Imbes na ang targetin ay yung foreigners, ang target ay mga Pinoy din (local tourists or either balikbayans).

  6. #6
    Storm Trooper SirZap's Avatar
    Join Date
    Apr 2004
    Location
    sa loob, sa labas
    actually pareho lang naman na target ng tourism natin ang pinoy at foreginers. nag-adverstise din tayo sa labas para naman may pumasok sa dollar$ kesa sa umiikot lang.

  7. #7
    Basta negosyong Pinoy, magpapatubo ng malaki sa napakabulok na serbisyo. Example ay mga public utilities

  8. #8
    Quote Originally Posted by KenshinHimura48 View Post
    Hindi din. Limitado lang ang perpektibo mo sa palagay ko.
    May mga pinoy na namamayagpag sa iba't-ibang parte ng mundo na ang mga kliyente ay hindi mga kapwa pinoy.
    Tulad ng ano? Sana nga. Nais kong makita yan.

  9. #9
    Quote Originally Posted by Busilak View Post
    Andyan naman si Josie Natori, Monique Lhuillier (not sure about spelling) atbp.
    Half Japanese si Josie, at angkan ng mga kastila si Lhuillier. Meron din tulad ni Aboitiz, Ayala, Tan etch. Chinese, German , Spanish blood (pero pinoy na sa papeles) Mga power player na sa atin bago pa man lumabas ng bansa para palawakin ang kanilang empire. Na nakabubuti dahil nagpapasok sila ng pondo sa ating bansa na galing sa parte ng kanilang tubo sa ibang bansa.

  10. #10
    Quote Originally Posted by KingofDex View Post
    Ugaling pinoy sa negosyo? mapagsamantala.
    Mapagsamantala halos lahat ng negosyo sa buong mundo, ang pagkakaiba lang masyadong small time ang pinagsasamantalahan ng mga pinoy. Tandaan ang wall street ang mga financial giants, ang pinagsasamantalahan nila ay ang isang buong bansa as a whole.(di kanilang bansa)

  11. #11
    Quote Originally Posted by quwertii View Post
    Basta negosyong Pinoy, magpapatubo ng malaki sa napakabulok na serbisyo. Example ay mga public utilities
    Maliit pa ang tubo ng mga pinoy kumpara sa margin na ipinapatong ng mga multinationals di lang natin ito nakikita.

  12. #12
    Quote Originally Posted by SirZap View Post
    actually pareho lang naman na target ng tourism natin ang pinoy at foreginers. nag-adverstise din tayo sa labas para naman may pumasok sa dollar$ kesa sa umiikot lang.
    Kailangan pang pagtuunan natin ng pansin ang security. Para mas lalu tayong dayuhin. Nakarating na rin ako sa magagandang destinasyon sa mundo, e.g. few carribean islands, few african nations, Japan, Korea and parts of a Americas. Ang ayaw ko sa atin na wala sa ibang panig na napuntahan ko na, (ito din ang obserbasyon ng mga kaibigan kong ibang lahi) yung mga hawkers na sunod ng sunod sa iyo at di ka tatantanan hangga't wala kang binibili sa kanila bagay man o serbisyo.

  13. #13
    Tulad din ng karamihang pinoy, nagsimula ako sa ibang bansa na ang trabaho ay magtinda ng mga electronics goods sa mga seaman( karamihan pinoy) na dumaraong sa bansang kinaroroonan ko. at ang ginagamit kong sellers sa buong bansa ay mga kapwa ko rin pinoy. Maski na nakakabenta ako dati ng at least 20laptops/day dahil na rin sa tulong ng mga sellers ko. napagtanto ko na di ito sapat para maka gawa ng impact na tutulong someday sa aking bansa. Kaya inilipat ko ang atensyon ko sa mas malaking market, Ito ay ang mga mamayan kung saan ako naninirahan, ito rin ang intensyon ko kung bakit ko inumpisahan ang thread na ito ng sa ganoon maging global ang vision nating mga pinoy. Ako'y handang sumagot sa mga katanungan nais ninyong malaman ng walang kapalit na kahit na ano para sa akin. Maraming salamat mga kababayan.

  14. #14
    Quote Originally Posted by ftwcp955 View Post
    Maliit pa ang tubo ng mga pinoy kumpara sa margin na ipinapatong ng mga multinationals di lang natin ito nakikita.
    Atleast hindi naman sila minimum magpasahod sa mga Pinoy employee nila. Maraming malalaking kumpanyang Pinoy na kung magpasahod ay minimum, contractual at sobra magdemand ng work.

  15. #15
    Charged for Life Zinoh's Avatar
    Join Date
    Jul 2007
    Location
    singapura
    Kulang sa imahinasyon ang karamihan sa mga Pinoy entrepreneur.. magaling lang manggaya pero olats sa originality.

  16. #16
    Quote Originally Posted by quwertii View Post
    Atleast hindi naman sila minimum magpasahod sa mga Pinoy employee nila. Maraming malalaking kumpanyang Pinoy na kung magpasahod ay minimum, contractual at sobra magdemand ng work.
    Agree, dahil di nga sila small time with a limited na kagulangan, Tandaan, Gresya, Italya at ilang pang parte ng mundo. Gyera dito gyera doon, dahil nga unlimited ang kanilang gulang di tulad ng pinoy. Maliit ang kaalaman kaya maliit din magpasahod. Tayo kasi masyadong basic ang kaalaman ang kita ay kinukuha sa bottom dwellers di tulad nila na sa iba nanggagaling ang tubo.
    Kaya maski saang angulo dalhin hindi clever ang takbo ng isip ng karamihang pinoy business. Anyway di ito ang topic na nais kong tahakin manapat ang matutunan natimg maging global player saan man angulo.

  17. #17
    Quote Originally Posted by Zinoh View Post
    Kulang sa imahinasyon ang karamihan sa mga Pinoy entrepreneur.. magaling lang manggaya pero olats sa originality.
    Tama, pwede kang manggaya, kung magagawa mong mas maganda ang iyong ginaya( mga hapon noong nagsisimula pa lang sila) o kaya naman e marunong kang manggaya pero magagawa mong kung ilang beses na mas mura( Kaso ng mga Intseek).
    Mas mabuti kung may originality, nakalulungkot pero wala. Musika, Pelikula, lahat na lang gaya ang tema kaya di makaangat at sa pilipinas na lamang, May Originality ang mga hapon, kayanakaklabas sila ng kanilang bansa tulad din ng hangryu ng Korea at Kpop na nagmamayagpag na sa buong mundo. Tayo, gaya ang porma ang galaw at kung ano ano pa na di naman mahigitan ang ginagaya. Dapat may original ka para makalabas ka sa iyong hawla.

  18. #18
    Tulad ng una ko ng nasabi handa akong tumulong sa mga gustong magventure sa labas ng ating bansa. basta't ang punong tanggapan ay nasa ating bansa. Dapat at di dapat sa isang negosyo, paano popondohan ang idea at marami pang iba. Walang kapalit kahit na ano para sa akin.

  19. #19
    here is what i also noticed with most filipino restaurants in the states.

    rather than starting with cheap prices by luring and establishing customers through that, they tend to make them a bit higher comparable to the competition.


    it's like they just want to cater to homesick balikbayans willing to pay whatever.

    this may be one of the reasons filipino food is somewhat unknown compared to other cultures.
    the only dishes we're known for are lumpia and pansit, but both are chinese.

  20. #20
    dito sa lugar namin kinaramihan sa mga negosyanteng Pinoy ay mga sigurista. ibig kong sabihin ay ang pinipili nilang negosyo ay iyung hindi sila maululugi o siguradong nagpapasok ng pera at walang pagkalugi. preferred nila ang mga establishments tulad ng nursing homes and group homes na government funded. Apartments/real estates na nagaapreciate ang presyo. karinderya o sari sari style of stores, dooor to door coriers and catering na puro Pinoy naman ang mga customers. Pinakamaraming negosyo ng mga Pinoy sa amin ang beauty parlors. Napakagaling ng mga gay Pinoy beauticians. sought after ng kahit na anong lahi.

Page 1 of 2 1 2 LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

CHIT CHAT:

Show affection to that one special PExer in the 2014 Mistletoe Kiss thread.

Show affection to that one special PExer in the 2014 Mistletoe Kiss thread.

read more
SHOWBIZ:

Lovie Poe denies transfer to ABS-CBN next year

Lovie Poe denies transfer to ABS-CBN next year

read more
UAAP:

UAAP extends broadcast partnership with ABS-CBN for five more years

UAAP extends broadcast partnership with ABS-CBN for five more years

read more
PROMO:

Where are you staying this Holiday Season? Join the poll and get a chance to win GCs!

Where are you staying this Holiday Season? Join the poll and get a chance to win GCs!

read more
PBA:

TNT boots Ginebra from playoffs with 83-67 victory

TNT boots Ginebra from playoffs with 83-67 victory

read more
NMFtv:

Chieffy Caligdong reveals the real reason why he retired from the Philippine Azkals

Chieffy Caligdong reveals the real reason why he retired from the Philippine Azkals

read more